Album ng mga Sipi mula sa mga Salita ng Diyos | "Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi III" (Sipi 3)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Dahil hindi kinikilala ng mga tao ang pagsasaayos ng Diyos at ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, palagi nilang hinaharap ang kapalaran nang may panlalaban, kasama ang isang suwail na saloobin, at palaging nais na isantabi ang awtoridad at dakilang kapangyarihan ng Diyos at ang mga bagay na inilaan ng kapalaran, umaasang walang-kabuluhan na mababago ang kanilang kasalukuyang mga kalagayan at mapapalitan ang kanilang sariling kapalaran. Subalit hindi kailanman sila magtatagumpay; sila ay nahahadlangan sa bawat liko. Ang pakikibakang ito na nagaganap sa kaibuturan ng sariling kaluluwa, ay masakit; ang sakit ay di-malilimutan; samantala unti-unti niyang inaaksaya ang kanyang buhay.
Ano ang sanhi ng sakit na ito? Dahil ba sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, o dahil sa ang tao ay di-masuwerteng naipanganak? Malinaw na alinman ay hindi totoo. Sa ilalim nito, ito ay dahil sa mga daan na tinatahak ng mga tao, sa mga paraan na pinili ng mga tao na isabuhay ang kanilang mga buhay. May ilang mga tao na maaaring hindi natanto ang mga bagay na ito. Subalit kapag tunay mong alam, kapag tunay mong nakilala na ang Diyos ay may kapangyarihan sa kapalaran ng tao, kapag tunay mong nauunawaan na ang lahat na naplano at napagpasyahan ng Diyos para sa iyo ay isang malaking benepisyo, at isang malaking proteksyon, pagkatapos ang iyong sakit ay unti-unting gagaan, at ang buo mong pagkatao ay magiging maalwan, malaya, napalaya."
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento