Kidlat ng Silanganan

菜單

Hun 4, 2019

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos|Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao (Sipi 1)


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao" (Sipi 1)


    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang tao ay naglakad ng mahabang panahon kasama ang Diyos, ngunit hindi alam ng tao na ang Diyos ang namumuno sa kapalaran ng lahat ng bagay at mga buhay na nilalang o kung paano isinasaayos o pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng bagay. Ito ay isang bagay na naging mailap sa tao mula pa sa sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyang araw. Sa kung anong dahilan kung bakit, ito ay hindi dahil sa ang paraan ng Diyos ay masyadong mailap, o dahil ang plano ng Diyos ay dapat pang mapagtantuhan, kundi dahil ang puso at espiritu ng tao ay masyadong malayo sa Diyos. Kung kaya’t, kahit ang tao ay sumusunod sa Diyos, siya ay walang kamalay-malay na nananatili sa paglilingkod kay Satanas.
Walang aktibong naghahanap ng mga yapak o wangis ng Diyos, at walang nagnanais na mamuhay sa pangangalaga at pag-iingat ng Diyos. Sa halip, sila ay handang umasa sa kaagnasan ni Satanas at kasamaan upang iangkop sa mundong ito at sa mga patakaran ng buhay na sinusunod ng makasalanang sangkatauhan. Sa puntong ito, ang puso at espiritu ng tao ay isinakripisyo kay Satanas at siyang bumubuhay dito. Higit pa rito, ang puso at espiritu ng tao ay naging lugar kung saan si Satanas ay maaaring manirahan at naging akmang palaruan ito. Sa paraang ito, ang tao ay walang kamalay-malay na nawawala sa kanya ang pag-unawa ng mga prinsipyo ng pagiging tao, at ang halaga at layunin ng pag-iral ng tao. Ang mga batas mula sa Diyos at ang tipan sa pagitan ng Diyos at ng tao ay unti-unting naglalaho sa puso ng tao at hindi na naghahanap ang tao o nagbibigay pansin sa Diyos. Sa paglipas ng panahon, ang tao ay hindi na nauunawaan kung bakit nilikha ng Diyos ang tao, ni hindi niya maintindihan ang mga salitang nagmula sa bibig ng Diyos o mapagtanto ang lahat ng galing sa Diyos. Nagsimula ang tao na labanan ang mga batas at kautusan mula sa Diyos; ang puso at espiritu ng tao ay naging mapurol.... Nawawala na sa Diyos ang taong Kanyang orihinal na nilikha, at nawawala na sa tao ang ugat ng kanyang pinanggalingan. Ito ang pighati ng sangkatauhang ito."

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...