Sa katunayan, ang gawain na ginagawa ngayon ay
upang talikdan ng mga tao si Satanas, talikdan ang kanilang dating
ninuno. Nilalayon ng lahat ng mga paghatol ayon sa salita na ilantad ang
tiwaling disposisyon ng sangkatauhan at mangyaring maipaunawa sa mga
tao ang diwa ng buhay. Ang paulit-ulit na mga paghatol na ito ay
tumatagos lahat sa mga puso ng mga tao. Tuwirang nakaaapekto ang bawat
paghatol sa kanilang kapalaran at sinadyang sugatan ang kanilang mga
puso upang mapakawalan nila ang lahat ng mga bagay na iyon at sa gayon
mapanuto sa buhay, malaman ang maruming mundong ito, at malaman din ang
karunungan ng Diyos at kapangyarihan at malaman ang sangkatauhang ito na
ginawang tiwali ni Satanas. Habang nararagdagan ang ganitong uri ng
pagkastigo at paghatol, lalong masusugatan ang puso ng tao at lalong
magigising ang kanyang espiritu. Ang layunin ng mga ganitong uri ng
paghatol ay ang paggising sa mga espiritu ng mga lubhang tiwali at
pinakanalinlang sa mga tao. Walang espiritu ang tao, iyon ay, namatay
ang kanyang espiritu sa matagal na panahong nakalipas at hindi niya alam
na may langit, hindi alam na may Diyos, at tiyak na hindi batid na siya
ay nagpupumiglas sa kailaliman ng kamatayan; paano niya posibleng
malalaman na siya ay namumuhay sa buktot na impiyerno sa daigdig? Paano
niya posibleng malalaman na ang nabubulok na bangkay niya ay, sa
pamamagitan ng katiwalian ni Satanas, ay nahulog sa Hades ng kamatayan?
Paano niya posibleng malaman na ang lahat ng bagay sa daigdig ay matagal
nang sira na hindi na makukumpuni ng sangkatauhan? At paano niya
posibleng malaman na ang Maylalang ay dumating sa daigdig sa ngayon at
naghahanap ng isang grupo ng mga tiwaling tao na Kanyang ililigtas?
Kahit matapos na maranasan ng tao ang bawat posibleng kapinuhan at
paghatol, ang kanyang mapurol na kamalayan ay bahagya pang napukaw at
tila walang tugon. Napakasama ng sangkatauhan! Bagaman ang ganitong
paghatol ay tulad ng malupit na graniso na nahuhulog mula sa kalangitan,
ito ang pinakadakilang pakinabang sa tao. Kung hindi sa paghatol sa mga
tao na tulad nito, walang resulta at walang pasubali na imposibleng
iligtas ang mga tao sa kailaliman ng paghihirap. Kung hindi dahil sa
gawaing ito, magiging napakahirap para sa mga tao na lumabas mula sa
Hades dahil ang kanilang mga puso ay namatay sa matagal ng panahon at
ang kanilang mga espiritu ay matagal ng niyurakan ni Satanas. Ang
pagligtas sa inyo na lumubog sa kailaliman ng kasamaan ay kinakailangan
na walang humpay na tawagan kayo, na walang humpay na hatulan kayo, at
sa gayon lamang na ang nagyeyelong puso ninyo ay magigising. Ang inyong
katawang-tao, ang inyong mga mararangyang pagnanasa, ang inyong
kasakiman, at ang inyong kalibugan ay malalim na nakaugat sa inyo. Ang
mga bagay na ito ay walang tigil na kumokontrol sa inyong mga puso na
kayo ay walang kapangyarihan na itakwil ang yugto ng mga piyudal at
masasamang kaisipang iyon. Hindi kayo nananabik na baguhin ang inyong
kasalukuyang sitwasyon, ni takasan ang impluwensya ng kadiliman. Kayo ay
simpleng nakatali sa mga bagay na iyon. Kahit na alam ninyo na ang
gayong buhay ay lubhang nakasasakit at ang gayong mundo ay napakadilim,
magkagayunman, walang ni isa man sa inyo ang may tapang na baguhin ang
ganitong uri ng buhay. Nananabik lamang kayo na tumakas sa ganitong
tunay na buhay, pakawalan ang inyong mga kaluluwa mula sa purgatoryo, at
mamuhay sa isang kapaligirang mapayapa, maligaya, at katulad ng langit.
Hindi kayo handang tiisin ang mga kahirapan upang baguhin ang inyong
kasalukuyang buhay; hindi kayo handang hanapin sa loob ng paghatol at
pagkastigo na ito para sa buhay na dapat ninyong pasukan. Sa halip,
nangangarap kayo ng mga hindi makatotohanang pangarap tungkol sa
magandang mundo sa ibayo ng katawang-tao. Ang buhay na pinananabikan
ninyo ay isa na walang pagpupunyagi ninyong makakamit nang hindi
makararanas ng anumang kirot. Iyan ay ganap na hindi makatotohanan!
Dahil kung ano ang inyong inaasahan ay hindi ang isabuhay ang
makahulugang haba ng buhay sa katawang-tao at matamo ang katotohanan sa
buong haba ng buhay, iyon ay, upang mamuhay para sa katotohanan at
tumayo para sa katarungan. Hindi ito ang dapat isaalang-alang ninyo na
isang maningning, nakasisilaw na buhay. Naramdaman ninyo na ito ay hindi
kahali-halina o makahulugang buhay. Sa inyo, ang pagsasabuhay ng gayong
buhay ay tunay na pagmamaliit ng inyong sarili! Kahit na tinanggap
ninyo ang ganitong pagkastigo sa kasalukuyan, magkagayunman kung ano ang
inyong hinahangad ay hindi upang makamit ang katotohanan o mamuhay sa
katotohanan sa kasalukuyan, ngunit sa halip upang pumasok sa isang
maligayang buhay sa ibayo ng katawang-tao sa kinalaunan. Kayo ay hindi
naghahanap ng katotohanan, ni hindi naninindigan para sa katotohanan, at
tiyak na kayo ay hindi nabubuhay para sa katotohanan. Hindi kayo
naghahangad sa pagpasok sa ngayon, ngunit walang tigil na nag-iisip na
may darating na araw kapag tumitingin kayo sa bughaw na kalangitan at
umiyak ng mga mapapait na luha, umaasang dadalhin sa langit. Hindi ninyo
ba alam na ang gayong pag-iisip ay wala na sa katotohanan? Nanatili
kang nag-iisip na ang Tagapagligtas ng walang hanggang kabaitan at
malasakit ay walang dudang darating isang araw na kukunin ka kasama
Niya, ikaw na nagtiis ng kahirapan at pagdurusa sa mundong ito, at Siya
ay walang dudang maghihiganti para sa inyo na nabiktima at inapi. Hindi
ka ba puno ng kasalanan? Ikaw lamang ba ang nadusa sa mundong ito?
Nahulog ka mismo sa sakop ni Satanas at nagdusa, at gayunma’y kailangan
mo ang Diyos upang ipaghiganti ka? Yaong mga hindi mabigyang kasiyahan
ang mga hinihingi ng Diyos—sila bang lahat ay mga kaaway ng Diyos? Yaong
mga hindi naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao—hindi ba sila ang
antikristo? Ano ang silbi ng iyong mabubuting gawa? Mapapalitan ba nila
sa lugar ang isang puso na sumasamba sa Diyos? Hindi mo matatanggap ang
biyaya ng Diyos sa paggawa lamang ng ilang mga mabubuting gawa, at hindi
ipaghihiganti ng Diyos ang mga pagkakasala laban sa iyo dahil lamang sa
nabiktima o inapi ka. Yaong mga naniniwala sa Diyos ngunit hindi kilala
ang Diyos, ngunit gumagawa ng mga mabubuting gawa—hindi rin ba sila
kakastiguhin? Naniniwala ka lamang sa Diyos, gusto mo lamang sa Diyos na
ituwid at ipaghiganti ang mga pagkakasala laban sa iyo, at nagnanais na
tustusan ka ng Diyos ng pagtatakasan mula sa iyong kahirapan. Ngunit
tumatanggi kang magbigay pansin sa katotohanan; ni nauuhaw na isabuhay
ang katotohanan. Lalong mas mahirap na kayanin mong tumakas sa mahirap,
walang katuturang buhay. Sa halip, habang isinasabuhay ang iyong buhay
sa katawang-tao at iyong buhay sa kasalanan, umaasa ka sa Diyos na itama
ang iyong mga karaingan at hawiin ang hamog ng iyong pag-iral. Paano
ito naging posible? Kung tinataglay mo ang katotohanan, maaari mong
sundan ang Diyos. Kung isinasabuhay mo, maaaring ikaw ay kahayagan ng
salita ng Diyos. Kung tinataglay mo ang buhay, malalasap mo ang biyaya
ng Diyos. Yaong mga nagtataglay ng katotohanan ay maaaring tamasahin ng
biyaya ng Diyos. Tinitiyak ng Diyos ang pagtutuwid para sa mga taong
buong pusong iniibig Siya gayundin ang pagtitiis sa mga kahirapan at mga
pagdurusa, hindi para sa mga taong iniibig lamang ang kanilang mga
sarili at nasilo ng mga panlilinlang ni Satanas. Paano magkakaroon ng
kabutihan sa mga taong hindi umiibig sa katotohanan? Paano magkakaroon
ng pagkamatuwid sa mga taong iniibig lamang ang laman? Hindi ba ang
pagkamatuwid at kabutihan ay lahat sa pagtukoy sa katotohanan? Hindi ba
sila nakalaan sa mga taong buong pusong iniibig ang Diyos? Yaong mga
hindi umiibig sa katotohanan at na walang iba kundi mga nabubulok na mga
bangkay—hindi ba ang lahat ng mga taong ito kumukupkop sa kasamaan?
Yaong mga hindi kayang isabuhay ang katotohanan—hindi ba silang lahat ay
mga kaaway ng katotohanan? Paano naman kayo?
Kung makatatakas ka sa mga impluwensiya ng kadiliman at ihiwalay ang
iyong sarili mula sa mga maruruming bagay na iyon, kung magiging banal
ka, nangangahulugan ito na tinataglay mo ang katotohanan. Hindi ibig
sabihin nito na nagbago ang iyong kalikasan, ngunit nagawa mong ilagay
ang katotohanan sa pagsasagawa at kayang talikdan ang laman. Ito ang
tinataglay ng mga taong nilinis. Ang pangunahing layunin ng gawaing
panlulupig ay linisin ang sangkatauhan upang magtaglay ang tao ng
katotohanan, dahil ngayon ay nagtataglay ang tao ng napakakaunting
katotohanan! Upang isakatuparan ang gawaing panlulupig sa mga taong ito
ay nagtataglay ng pinakamalalim na kabuluhan. Kayo ay nahulog lahat sa
ilalim ng impluwensya ng kadiliman at labis na nasaktan. Ang layunin ng
gawaing ito, samakatwid, ay pangyarihin ninyong malaman ang kalikasan ng
tao at sa gayon isabuhay ang katotohanan. Upang gawing perpekto ay
isang bagay na dapat tanggapin ng lahat ng mga nilikhang nilalang. Kung
ang gawain sa yugtong ito ay sangkot lamang sa paggawang perpekto sa mga
tao, samakatwid maaaring gawin ito sa Inglatera, o Amerika, o Israel;
maaari itong gawin sa mga tao ng anumang bansa. Ngunit ang gawaing
panlulupig ay may pinipili. Ang unang hakbang sa gawaing panlulupig ay
panandalian; higit pa rito, gagamitin ito upang hamakin si Satanas at
lupigin ang buong sansinukob. Ito ang panimulang gawaing panlulupig.
Maaaring sabihin na sinumang nilalang na naniniwala sa Diyos ay maaaring
gawing perpekto dahil upang gawing perpekto ay isang bagay na makakamit
lamang pagkatapos ng pangmatagalang pagbabago. Ngunit upang malupig ay
naiiba. Ang uliran sa paglupig ay dapat na ang isa na naiiwan sa
kahuli-hulihan, na namumuhay sa pinakamalalim na kadiliman, gayundin ang
pinakainaalipusta, ang pinaka hindi handang tanggapin ang Diyos, at ang
pinakamasuwayin sa Diyos. Ito ang uri ng tao na magpapatotoo sa
pagiging nalupig. Ang pangunahing layunin ng gawaing panlulupig ay ang
pagtalo kay Satanas. Ang pangunahing layunin ng paggawang perpekto ng
mga tao, sa kabilang banda, ay upang makamit ang mga tao. Ito ay upang
pangyarihin na magpatotoo pagkatapos malupig na ang gawaing panlulupig
ay inilagay dito, sa mga taong tulad ninyo. Ang layunin ay upang
magtaglay ang mga tao ng pagpapatotoo pagkatapos malupig. Ang mga
nalupig na taong ito ay gagamitin upang kamtin ang layunin na hamakin si
Satanas. Kaya, ano ang pangunahing pamamaraan ng paglupig? Pagkastigo,
paghatol, panunungayaw, at pagbunyag—gamit ang matuwid na disposisyon
upang lupigin ang mga tao upang lubos silang makumbinsi, pinunan ng
pananalig sa kanilang mga puso at mga bibig dahil sa matuwid na
disposisyon ng Diyos. Upang gamitin ang katotohanan ng salita at upang
gamitin ang awtoridad ng salita upang lupigin ang mga tao at ganap na
kumbinsihin sila—ito ang kahulugan ng pagiging nalupig. Yaong mga
ginawang perpekto ay hindi lamang nakamit ang pagsunod pagkatapos
malupig, ngunit kinaya nilang magkaroon ng kaalaman at baguhin ang
kanilang disposisyon. Kilala nila ang Diyos, naranasan ang daan ng
mapagmahal na Diyos at pinunan ng katotohanan. Alam nila kung paano
maranasan ang gawain ng Diyos, kayang magdusa para sa Diyos, at
nagtataglay ng kanilang sariling mga kalooban. Ang mga ginawang perpekto
ay yaong mga nagtataglay ng tunay na pang-unawa ng katotohanan salamat
sa pagkakaranas ng katotohanan. Ang mga nalupig ay yaong mga alam ang
katotohanan ngunit hindi tinanggap ang tunay na kahulugan ng
katotohanan. Pagkatapos na malupig, sumunod sila, ngunit ang kanilang
pagsunod ay resulta lahat ng paghatol na tinanggap nila. Walang
pasubaling hindi nila nauunawaan ang tunay na kahulugan ng maraming mga
katotohanan. Pasalita nilang kinikilala ang katotohanan, ngunit hindi
sila pumasok sa katotohanan; naiintindihan nila ang katotohanan, ngunit
hindi nila naranasan ang katotohanan. Kasama sa gawain na ginagawa sa
mga taong ginagawang perpekto ang mga pagkastigo at paghatol,
kaalinsabay ng itinatadhana ng buhay. Ang isang tao na nagpapahalaga sa
pagpasok sa katotohanan ay isang tao na gagawing perpekto. Ang
pagkakaiba sa pagitan ng mga taong gagawing perpekto at ang nalupig ay
nasa kalagayan kung pumasok sila sa katotohanan. Yaong mga naiintindihan
ang katotohanan, na pumasok sa katotohanan, at isinasabuhay ang
katotohanan ay gagawing perpekto; yaong mga hindi naiintindihan ang
katotohanan, na hindi pumasok sa katotohanan, iyon ay, yaong mga hindi
isinasabuhay ang katotohanan, ay mga taong hindi maaaring gawing
perpekto. Kung ang gayong mga tao ay magawang ganap na sumunod ngayon,
samakatwid sila ay nalupig. Kung ang nalupig ay hindi hinahanap ang
katotohanan—kung sumusunod sila ngunit hindi isinasabuhay ang
katotohanan, kung nakikita at naririnig ang katotohanan ngunit hindi
pinahahalagahan ang pagsasabuhay sa katotohanan—hindi sila maaaring
gawing perpekto. Yaong mga gagawing perpekto ay isinasagawa ang
katotohanan ayon sa daan ng pagka-perpekto, iyon ay, sinasagawa nila ang
katotohanan na itinatag sa daan ng pagka-perpekto. Sa pamamagitan nito,
tinutupad nila ang kalooban ng Diyos, at sila ay gagawing perpekto. Ang
sinuman na sumusunod hanggang sa katapusan bago matapos ang gawaing
panlulupig ay isang nalupig, ngunit hindi siya maaaring sabihin na isang
ginawang perpekto. Ang ginawang perpekto ay tumutukoy sa mga, matapos
ang gawaing panlulupig ay magwakas, ay magagawa pa rin na ipagpatuloy
ang katotohanan at makamit ng Diyos. Tumutukoy ito sa mga, matapos na
magwakas ang gawaing panlulupig, tumayo ng matatag sa kapighatian at
isabuhay ang katotohanan. Kung ano ang kaibahan ng pagiging nalupig sa
pagiging ginawang perpekto ay ang mga pagkakaiba sa mga hakbang ng
paggawa at pagkakaiba sa antas kung paano pinanghahawakan ang
katotohanan. Lahat ng mga taong hindi pumasok sa daan tungo sa
pagka-perpekto, ibig sabihin ay yaong hindi nagtataglay ng katotohanan,
sa kahuli-hulihan ay aalisin pa rin. Yaong lamang mga nagtataglay ng
katotohanan at isinasabuhay ang katotohanan ang ganap na tatamuhin ang
Diyos. Iyon ay, yaong isinabuhay ang imahen ni Pedro ang ginawang
perpekto, habang ang lahat ng iba ay ang nilupig. Ang gawain na ginagawa
sa lahat ng mga taong nilulupig ay simpleng binubuo ng pagtutungayaw,
pagkakastigo, at pagpapakita ng poot, at kung ano ang darating sa kanila
ay simpleng pagkamatuwid at mga panunungayaw. Ang pagkilos sa gayong
uri ng tao ay upang mapurol na ibunyag—upang ibunyag ang tiwaling
disposisyon na nasa loob niya upang makilala niya mismo ito at lubos na
makumbinsi. Sa sandaling maging ganap na masunurin ang tao, magtatapos
ang gawaing panlulupig. Kahit na karamihan sa mga tao ay hindi pa rin
nagsisikap na maunawaan ang katotohanan, ang gawaing paglupig ay
magtatapos.
May mga pamantayan na dapat matugunan kung ikaw ay gagawing perpekto.
Sa pamamagitan ng iyong kapasiyahan, iyong pagtitiyaga, at iyong
konsensya, at sa pamamagitan ng iyong hangarin, mararanasan mo ang buhay
at tutuparin ang kalooban ng Diyos. Ito ang iyong mga pagpasok, at kung
ano ang kinakailangan sa daan ng pagka-perpekto. Maaaring gawin ang
gawain ng pagka-perpekto sa lahat ng mga tao. Sinumang naghahangad sa
Diyos ay maaaring gawing perpekto at may oportunidad at mga
kwalipikasyon na gawing perpekto. Walang mahirap at madaling alituntunin
dito. Kung maaaring gawing perpekto ang isa ay nakasalalay kung ano ang
hinahangad ng isa. Ang mga tao na iniibig ang katotohanan at kayang
isabuhay ang katotohanan ay tiyak na kayang gawing perpekto. At ang mga
tao na hindi iniibig ang katotohanan at hindi pinupuri ng Diyos ay hindi
nagtataglay ng isang buhay na kinakailangan ng Diyos. Ang mga taong ito
ay hindi makakayang gawing perpekto. Ang gawain ng pagka-perpekto ay
para sa kapakanan lamang ng pagkamit ng mga tao, hindi isang hakbang sa
pakikidigma kay Satanas, ang gawaing paglupig ay para lamang sa
kapakanan ng pakikidigma kay Satanas, na ang ibig sabihin ay paggamit ng
panlulupig ng tao upang talunin si Satanas. Ang panghuli ay ang
pangunahing gawain, ang pinakabagong trabaho na hindi kailanman ginawa
sa lahat ng mga kapanahunan. Maaaring sabihin na ang layunin ng yugtong
ito ng gawain ay pangunahing lupigin ang lahat ng mga tao upang talunin
si Satanas. Ang gawain ng paggawang perpekto ng mga tao—iyan ay hindi
bagong gawain. Lahat ng gawain sa panahon ng yugto kapag gumagawa ang
Diyos sa katawang-tao ay may pangunahing layunin ng paglupig ng mga tao.
Ito ay katulad ng Kapanahunan ng Biyaya. Ang pagtubos ng lahat ng
sangkatauhan sa pamamagitan ng pagpapako sa krus ay ang pangunahing
gawain. Ang “pagkamit ng mga tao” ay karagdagan sa gawain sa
katawang-tao at ginawa lamang pagkatapos ng pagpapako sa krus. Nang
dumating at ginawa ni Jesus ang Kanyang gawain, ang pangunahin Niyang
layunin ay upang gamitin ang Kanyang pagpapako sa krus upang magwagi sa
pagkaalipin sa kamatayan at Hades, upang magwagi laban sa impluwensya ni
Satanas, ibig sabihin talunin si Satanas. Ito ay pagkatapos lamang na
mapako sa krus si Jesus na lumakad si Pedro ng paisa-isang hakbang sa
daan tungo sa pagka-perpekto. Siyempre siya ay isa sa mga taong sumunod
kay Jesus habang si Jesus ay gumagawa, ngunit hindi siya ginawang
perpekto sa panahong iyon. Sa halip, pagkatapos lamang na matapos ni
Jesus ang Kanyang gawain na unti-unting naunawaan ni Pedro ang
katotohanan at sa gayon naging perpekto. Dumating ang Diyos na
nagkatawang-tao sa daigdig upang kumpletuhin lamang ang susi, mahalagang
baitang ng gawain sa maiksing yugto ng panahon, hindi upang mamuhay na
pangmatagalan sa gitna ng mga tao sa daigdig at nilayong gawin silang
perpekto. Hindi Niya ginagawa ang gawaing iyon. Hindi Siya naghihintay
hanggang sa panahon na ganap na gawing perpekto ang tao upang wakasan
ang Kanyang gawain. Hindi iyan ang layunin at kabuluhan ng Kanyang
pagkakatawang-tao. Pumarito lamang Siya upang gawin ang panandaliang
gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, hindi upang gawin ang
pangmatagalang gawain nang pagperpekto ng sangkatauhan. Ang gawain ng
pagliligtas ng sangkatauhan ay kumakatawan, may kakayahang maglunsad ng
bagong kapanahunan at maaaring tapusin sa maikling yugto ng panahon.
Ngunit kinakailangan sa pagperpekto ng sangkatauhan ang pagdadala sa tao
sa isang tiyak na antas at ito ay isang gawain na nangangailangan ng
mahabang panahon. Ang gawaing ito ay dapat gawin ng Espiritu ng Diyos,
ngunit ginagawa ito ayon sa saligan ng katotohanan na Kanyang sinasalita
sa panahon ng Kanyang gawain bilang katawang-tao. O karagdagan pa
itinaas Niyang muli ang mga apostol upang gumawa ng pangmatagalang
gawain ng pagpapastol upang makamit ang layunin Niya ng pagperpekto ng
sangkatauhan. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay hindi gumagawa ng ganitong
gawain. Nagsasalita lamang Siya tungkol sa paraan ng pamumuhay upang
maunawaan ng mga tao at ibinibigay lamang sa sangkatauhan ang
katotohanan, sa halip na patuloy na sinasamahan ang tao sa pagsasagawa
ng katotohanan, dahil iyan ay hindi nakapaloob sa Kanyang ministeryo.
Kaya hindi Niya sasamahan ang tao hanggang sa araw na ganap na maunawaan
ng tao ang katotohanan at ganap na makamit ang katotohanan. Ang Kanyang
gawain sa katawang-tao ay magtatapos kapag pormal na pumapasok ang tao
sa tamang landas ng katotohanan ng buhay pagiging perpekto, kapag ang
tao ay tumapak sa tamang landas ng pagiging perpekto. Ito siyempre ay
gayon din kapag puspusan Niyang tinalo si Satanas at nagwagi sa mundo.
Hindi Niya inaalintana kung sa kahuli-hulihan ang tao ay pumasok sa
katotohanan sa panahong iyon, ni pinapansin Niya kung ang buhay ng tao
ay malaki o maliit. Wala sa mga iyan ang dapat Niyang pangasiwaan habang
nagkatawang-tao Siya; wala dito ang nakapaloob sa ministeryo ng Diyos
na nagkatawang-tao. Sa sandaling matapos Niya ang nilalayong gawain,
tatapusin niya ang Kanyang gawain bilang nagkatawang-tao. Kaya, ang
gawain na ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ay gawaing hindi kayang
tuwirang gawin ng Espiritu ng Diyos. Higit pa rito, ito ang panandaliang
gawain ng pagliligtas, hindi pangmatagalang gawain sa daigdig.
Ang pagpapataas ng inyong kakayahan ay hindi nakapaloob sa
sinasakupan ng Aking gawain. Hinihiling ko sa inyo na gawin lamang ito
dahil napakababa ng inyong kakayahan. Sa totoo lamang ito ay hindi
bahagi ng gawain ng pagiging perpekto; sa halip, ito ay isang dagdag na
gawain na ginagawa sa inyo. Ang gawain na tinatapos sa inyo sa ngayon ay
ginagawa ayon sa kailangan ninyo. Ito ay ayon sa indibidwal, hindi
ilang daan na dapat tahakin ng lahat na ginagawang perpekto. Dahil ang
kakayahan ninyo ay mas mababa kaysa sa sinuman na ginawang perpekto sa
nakaraan, ang gawaing ito, kapag dumating sa inyo, ay tinutugunan ng
napakaraming sagabal. Ako ay isa sa inyo na gumagawa ng dagdag na gawain
dahil ang mga pinatutungkulan ng pagiging perpekto ay naiiba. Karaniwan
na kapag pumaparito ang Diyos sa daigdig, nananatili Siya sa loob ng
makipot na mga hangganan upang isagawa ang Kanyang gawain, hindi
nag-aabala sa labis-labis na ibang gawain. Hindi Siya nakikisangkot sa
mga usaping pampamilya o nakikibahagi sa mga buhay ng mga tao. Siya ay
lubusang walang pakialam sa gayong maliliit na bagay; hindi sila bahagi
ng Kanyang ministeryo. Ngunit ang kakayahan ninyo ay napakababa kaysa sa
kung ano ang kinakailangan Ko—walang pasubali na walang itong
pagkakatulad—na nagpapakita ito ng mga matitinding hamon sa gawain.
Higit pa rito, dapat gawin ang gawaing ito sa mga tao sa lupaing ito ng
Tsina. Kayo ay lubhang mababa ang pinag-aralan na wala Akong pagpipilian
kundi ang hilingin Ko na kayo ay mag-aral. Sinabi Ko sa inyo na ito ang
dagdag na gawain, ngunit ito rin ang isang bagay na dapat tinataglay
ninyo, isang bagay na makikinabang ang inyong pagiging perpekto. Sa
katunayan, dapat ninyong makamit ang edukasyon, batayang kaalaman sa
pansariling-asal, at batayang kaalaman tungkol sa buhay bago ang lahat;
hindi Ko kayo dapat kinausap tungkol sa mga bagay na ito. Ngunit dahil
wala kayo ng mga bagay na ito, wala Akong pagpipilian kundi gawin ang
gawain ng pagdaragdag sa kanila sa inyo pagkatapos ng katotohanan. Kahit
na nagkikimkim kayo ng maraming mga pagkaintindi tungkol sa Akin,
humihiling pa rin Ako sa inyo nito, humihiling pa rin na itaas ninyo ang
inyong kakayahan. Hindi Ko nilayon na pumarito at gawin itong gawain,
dahil ang Aking gawain ay upang lupigin kayo, kamtin lamang ang inyong
ganap na kapasiyahan sa pamamagitan ng paghatol sa inyo, sa gayon
itinuturo ang daan ng buhay na dapat ninyong pasukan. Sa ibang salita,
kung gaano man ang inyong pinag-aralan at kung marami kayong nalalaman
tungkol sa buhay ay walang pasubali na walang kinalaman sa Akin maliban
lamang sa katotohanan na kailangan Kong lupigin kayo sa pamamagitan ng
Aking salita. Lahat ng ito ay idinaragdag upang matiyak ang mga resulta
sa gawaing panlulupig at para sa kapakanan ng inyong sumusunod na
pagiging perpekto. Hindi ito isang hakbang ng gawaing panlulupig. Dahil
kayo ay mayroong mababang kakayahan, at kayo ay tamad, at pabaya, at
hangal, at tanga, at ungas, at bobo—dahil kayo ay labis na
abnormal—hinihiling Ko sa inyo na itaas ninyo ang inyong kakayahan.
Sinuman ang gustong maging perpekto ay dapat matugunan ang tiyak na
pamantayan. Upang maging perpekto, dapat ang isa ay may malinaw at
matinong pag-iisip at handang mamuhay ng makahulugang buhay. Kung ikaw
ay isang tao na hindi handang mamuhay ng isang hungkag na buhay, isang
tao na naghahangad ng katotohanan, isang taong masugid sa lahat ng bagay
na ginagawa niya, at isang tao na nagtataglay ng hindi normal na
pagkatao, samakatwid ikaw ay kuwalipikadong maging perpekto.
Ang gawaing ito sa ninyo ay isinasagawa sa inyo ayon sa kung anong
gawain ang kinakailangang gawin. Pagkatapos ng paglupig sa mga
indibidwal na ito, isang grupo ng mga tao ang gagawing perpekto. Kaya
marami sa gawain ng kasalukuyan ay paghahanda rin para sa layunin ng
paggawang perpekto sa inyo, dahil marami ang nagugutom sa katotohanan na
maaaring gawing perpekto. Kung ang gawaing panlulupig ay isinagawa sa
inyo at pagkatapos nito ay walang karagdagang gawain ang ginawa,
samakatwid hindi ba ito kaso na ang ilan na nanabik ng katotohanan ay
hindi makakamit ito? Naglalayon ang kasalukuyang gawain na buksan ang
daan sa pagiging-perpekto ng mga tao sa kinalaunan. Bagaman ang Aking
gawain ay paglupig lamang, ang paraan ng buhay na sinalita Ko gayunman
ay paghahanda sa paggawang perpekto ng mga tao sa kinalaunan. Ang gawain
na darating pagkatapos ng panlulupig ay tumutuon sa pagkakaperpekto ng
mga tao, at kaya ang paglupig ay ginagawa upang ilatag ang saligan para
sa pagperpekto. Ang tao ay maaaring gawing perpekto pagkatapos lamang na
malupig. Sa ngayon ang pangunahing gawain ay lupigin: kinaulanan yaong
mga naghahanap at nananabik sa katotohanan ay gagawing perpekto. Upang
maging perpekto ay sangkot ang mga positibong katangian ng pagpasok ng
mga tao: Nagtataglay ka ng pusong umiibig sa Diyos? Ano ang kailaliman
ng iyong karanasan habang nilalakad mo ang daang ito? Gaano kadalisay
ang iyong pag-ibig sa Diyos? Gaano katumpak ang iyong pagsasagawa ng
katotohanan? Upang maging perpekto, dapat ang sinuman ay nagtataglay ng
batayang kaalaman ng lahat ng mga aspeto ng sangkatauhan. Ito ang
batayang kinakailangan. Lahat ng yaong mga hindi maaaring maging
perpekto pagkatapos na malupig ay nagiging mga bagay na nagsisilbi at sa
kahuli-hulihan itatapon sa lawa ng apoy at asupre at mahuhulog pa rin
sa napakalalim na hukay dahil ang kanilang disposisyon ay hindi nagbago
at kampon pa rin sila ni Satanas. Kung nagkukulang ang tao ng mga
kwalipikasyon sa pagka-perpekto, samakatwid siya ay walang kuwenta—siya
ay basura, isang kasangkapan, isang bagay na hindi kayang tiisin ang
pagsubok ng apoy! Gaano kadakila ang iyong pag-ibig sa Diyos ngayon?
Gaano kalala ang iyong pagkamuhi sa iyong sarili? Gaano kalalim ang
pagkakakilala mo kay Satanas? Pinatigas ba ninyo ang inyong kapasiyahan?
Ang buhay ba ninyo sa sangkatauhan ay mabuting napapangasiwaan? Nagbago
ba ang inyong buhay? Namumuhay ba kayo ng isang bagong buhay? Nagbago
ba ang pananaw ninyo sa buhay? Kung ang mga bagay na ito ay hindi
nagbago, hindi ka maaaring gawing perpekto kahit na hindi ka sumuko: sa
halip, ikaw lamang ay nalupig. Kapag oras na upang subukin ka,
nagkukulang ka sa katotohanan, ang iyong pagkatao ay abnormal, at ikaw
ay kasingbaba ng isang asal-hayop. Ikaw lamang ay nalupig, isang taong
nalupig Ko lamang. Tulad ng, sa sandaling naranasan ang hagupit ng
panginoon, ang isang asno ay nagiging matatakutin at takot na kumilos sa
bawat pagkakataon na makita nito ang panginoon, kaya, ikaw rin itong
nalupig na asno. Kung nagkukulang ang isang tao ng mga positibong
aspetong iyon at sa halip ay walang kibo at matatakutin, mahiyain at
atubili sa lahat ng mga bagay, hindi kayang magliming malinaw ng anumang
bagay, hindi kayang tanggapin ang katotohanan, ay wala pa ring landas
para sa pagsasagawa, lalo pa kung walang pusong umiibig sa Diyos—kung
ang isang tao ay walang pang-unawa kung paano ibigin ang Diyos, paano
isabuhay ang isang makahulugang buhay, o paano maging tunay na tao—paano
sumaksi ang gayong tao sa Diyos? Ipinakikita nito na ang iyong buhay ay
may napakaliit na halaga at ikaw ay isa lamang nalupig na asno. Nalupig
ka na, ngunit nangangahulugan lamang iyan na itinakwil mo ang malaking
pulang dragon at tumatanggi na magpasailalim sa kanyang sakop; ibig
sabihin nito na naniniwala ka na may isang Diyos, gustong sundin ang
lahat ng mga plano ng Diyos, at walang mga reklamo. Ngunit papaano ang
mga positibong aspeto? Ang kakayahan na isabuhay ang salita ng Diyos,
ang kakayahan na ihayag ang Diyos—wala ka ng mga ito, na ang ibig
sabihin ay hindi ka nakamit ng Diyos, at ikaw ay isa lamang na nalupig
na asno. Walang kanais-nais sa iyo, at ang Banal na Espiritu ay hindi
kumikilos sa iyo. Ang iyong pagkatao ay labis na nagkukulang at ito ay
imposibleng gamitin ka ng Diyos. Dapat ay may pagsang-ayon ka ng Diyos
at maging isandaang beses na mas mahusay kaysa mga hindi
sumasampalatayang hayop at kaysa naglalakad na patay—yaong lamang mga
nakarating sa antas na ito ang kuwalipikado na maging perpekto. Ito ay
kung ang isa ay nagtataglay ng pagkatao at mayroong konsensya na akma na
magamit ng Diyos. Tanging kapag ginawa kayong perpekto ay maaari kayong
ituring na tao. Tanging ang mga ginawang perpekto lamang ang mga taong
namumuhay ng mga makahulugang buhay. Ang gayong mga tao lamang ang
maaaring magpatotoo na mas umaalingangaw sa Diyos.
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:
Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento