Kidlat ng Silanganan

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Diyos ay Pag-ibig. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Diyos ay Pag-ibig. Ipakita ang lahat ng mga post

Set 15, 2019

Tagalog Praise Songs| Tanging Kahilingan Ko ay Masiyahan ang Diyos



Tagalog Praise Songs|
Tanging Kahilingan Ko ay Masiyahan ang Diyos

Matagal na 'kong naniniwala sa Diyos
nguni't katotohana'y 'di ko naitaguyod.
Pinupuno nito ng pagsisisi ang puso ko.
Maraming ulit, nawalan ako
ng tsansang maperpekto,
nasaktan ko na ang Diyos dahil dito.
Muli't muli S'yang nagpakita ng kaluwaga't awa.
Binigyan N'ya ako ng pagkakataong magsisi.
Paghatol, pagtutuwid at disiplina-
dahil dito'y nakaramdam ang puso kong manhid.

Hul 8, 2019

Awit ng Papuri Lyrics| Awit ng Pagmamahal sa Diyos nang Walang Panghihinayang




Awit ng Papuri Lyrics|

Awit ng Pagmamahal sa Diyos nang Walang Panghihinayang


I
Ang daan patungo sa kaharian ay mabato
na maraming problema at kabiguan.
Mula kamatayan hanggang buhay sa gitnaPapuri
ng di mabilang na pagpapahirap at luha.
Kung walang patnubay at proteksyon ng Diyos,
sino ang makakasunod sa Kanya hanggang sa ngayon?
Pinamunuan at plinano ng Diyos
ang pagsilang natin sa mga huling araw,
at mapalad tayo na makasunod kay Cristo.
Nagpapakumbaba ang Diyos upang maging Anak ng tao,
at dumaranas siya ng labis na kahihiyan.
Nagdusa ang Diyos nang labis,
paano ako tatawaging tao kung hindi ko mahal ang Diyos?

Hul 1, 2019

Himno ng Iglesia| Bakit Napakahirap Hanapin ang Tunay na Pag-ibig sa Lupa

Papuri,pagsamba,MP3



Himno ng Iglesia|Bakit Napakahirap Hanapin ang Tunay na Pag-ibig sa Lupa


I
Kay tagal ko nang hangad na makita Ka, O Diyos.
Ayoko nang mawalay pa sa Iyo.
Ikaw ang aking May likha,
ngunit ngayon di na tayo laging magkasama.
Tinitiis Mo ang matinding kahihiyan
upang iligtas ang tiwaling tao.
Sino'ng makakaunawa?
Naglakbay Ka na sa daan ng dugo at luha,
tinitiis ang pagdurusa nang mahabang panahon.
Ibinuhos Mo na ang lahat ng pag-ibig Mo sa amin.
Nakikibahagi Ka sa paghihirap ng tao,
ngunit tinitiis ang pag-iisa at pinabayaan.
Sinong kakalinga sa Iyong puso?
Bawat tawag at bawat araw ng pag-asam.
Ibinibigay Mo ang lahat
upang makamtan ang pag-ibig ng tao.
Ngunit walang sinuman
ang makapagbigay sa iyo ng kaginhawahan.
Bakit napakahirap hanapin
ang tunay na pag-ibig sa lupa?

Peb 10, 2019

Koro ng Ebanghelyo Ika-9 Pagganap


Koro ng Ebanghelyo Ika-9 Pagganap


Ang Kalungkutan ng Tiwaling Sangkatauhan
Ang tao'y naglakad kasama ang D'yos sa paglipas ng mga taon,
ngunit di alam ng tao na hawak ng Diyos ang tadhana ng lahat ng bagay.
Lalong di alam papaano magsaayos ang Diyos, mamahala sa lahat ng bagay.

Peb 2, 2019

Awit ng papuri| Isang Panaghoy para sa Kalunos-lunos na Mundo



.•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸

Awit ng papuri|Isang Panaghoy para sa Kalunos-lunos na Mundo


I
Nagpapaanod sa panahon, lumilipas na buhay.
Ang mga taon ay parang panaginip.
Nagdudumali sa paghabol ng katanyagan at yaman.
Ginugugol ang mga buhay para sa mga bagay ng laman.
Walang ibinigay sa katotohanan.
At tulad nito, pinalipas nila ang kanilang kabataan.
Walang iniisip tungkol sa mga paghihirap ng Diyos
o sa Kanyang dakilang pagiging kaibig-ibig.
Pinalilipas lamang ang mga hungkag na araw.
Wala ni isang araw na ipinamuhay para sa Diyos.
Di pinangiti ang mga labi ng Diyos.
Hungkag at walang anumang halaga.
Sino ang nakaunawa sa puso ng Diyos?
Sino ang maaaring makihati
sa buhay at kamatayan ng Diyos?
Sino ang nagbigay-halaga
sa lahat ng Kanyang mga salita?
Sino ang naglaan ng lahat nila para sa Diyos?

Ene 30, 2019

Tagalog Christian Songs| Praise and Worship 'Pag Binuksan Mo'ng Puso Mo sa Diyos (Tagalog Song)



Tagalog Christian Songs | Praise and Worship 'Pag Binuksan Mo'ng Puso Mo sa Diyos (Tagalog Song)

'Pag ang Diyos ay 'di mo batid, at likas Niya'y di mo tanto,
puso mo'y hindi magbubukas ng tunay para sa Diyos.
'Pag naintindihan mo na'ng iyong Diyos,
ang nasa puso Niya'y mauunawaan mo,
at ito'y daranasin mong lubusan ng
may buong pananampalataya.
'Pag nilasap mo ang nasa puso ng Diyos nang unti-unti,
sa bawat araw,
'pag nilasap mo ang nasa puso ng Diyos,
pagbubuksan Siya ng iyong puso.

Dis 23, 2018

Tagalog Gospel Songs | "Kakanyahan ng Diyos Tunay na Umiiral" (Tagalog Song)


Tagalog Gospel Songs | "Kakanyahan ng Diyos Tunay na Umiiral" (Tagalog Song)


I
Ang kakanyahan ng D'yos ay 'di huwad.
Ang kariktan ng D'yos ay hindi huwad.
Ang kakanyahan ng D'yos ay umiiral; 'di ito nadadagdagan ng iba,
at tiyak na 'di nagbabago sa mga panahon, oras at lugar.

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...