Li Jing, Beijing
Agosto 7, 2012
Nang araw na iyon, nagsimulang umulan sa umaga. Nagtungo ako sa pulong sa bahay ng isa kong kapatid na lalaki, habang palakas nang palakas ang ulan. Kinahapunan ito’y lumalagunos na para bang nagmumula mismo sa langit. Nang matapos na ang aming pagpupulong, ang ulan ay nakapasok na sa patyo ng aking kapatid na lalaki, ngunit dahil ako’y nag-aalala sa aking pamilya, nagpumilit akong umuwi. Sa kalagitnaan ng pagpunta roon, ang ilang mga taong lumilikas ay nagsabi sa akin, “Hindi ka ba lilikas, uuwi ka pa rin ba?” Pagdating ko sa bahay, nagtanong ang aking anak, “Hindi ka ba inanod ng baha?” Noon ko lamang napagtanto na wala ang Diyos sa aking puso. Hindi kalaunan, ang asawa ng kapitbahay kong kapatid na babae ay umakyat sa bubungan at nakita niya na ang mga kabahayang malapit sa amin ay tinangay ng baha. Lumalakas ang agos at ang asawa ng kapatid na babae ay ipinipilit na iakyat na ang kanilang anak sa itaas ng bundok, ngunit ayaw niya.
Kaming magkakapatid na babae ay pinag-usapan ito, na ang pakikipagtalo ng asawang lalaki na gaya nito ay kalooban ng Diyos; sa gayo’y noon lamang kami sumunod sa kanya patungo sa bahay sa riles sa ibabaw ng bundok upang doon magpalipas ng gabi. Doon ay narinig namin mula sa mga nagsilikas mula sa kasakunaan kung gaano kapanganib ang daluyong ng baha, at kung paano ang mga tao ay nagsilikas sa iba’t ibang dako; ang iba’y umakyat sa bubungan, ang ilan ay naanod, ang iba’y nasangat sa mga puno …
Nang sumunod na araw, bumisita ako sa isang kapatid na babae. Ang kaniyang bahay ay nasa dalampasigan ng ilog, na may malaking kalsada sa harapan at ilog sa likuran. Ang bahay niya ay nasa gitna mismo ng nagsangang bahagi ng tubig-baha. Nang dumating ang baha, ang kapatid na ito’y nanalangin sa Diyos, at nagtiwala sa Kanya. Tinangay ng tubig ang mga kahanay niyang bahay at tanging bahay lamang niya at ng isa pa ang natira habang siya’y mahimbing na natutulog. Talagang nakita ko na kapag ang isang tao ay may pag-iingat ng Diyos, siya’y di mangangamba sa kanyang puso.
Dumating ang isang kapatid na babae upang hanapin ang deakonong namamahala sa mga pangkalahatang bagay at ako, at naparoon kami upang tingnan namin ang bahay dala ang mga tulong ng iglesia. Sapagkat tinangay ng tubig ang tulay at daan, makapupunta lamang kami doon sa pamamagitan ng mahabang ruta. Habang nasa daan, kung titingnan ang sinalantang pamayanan, na sinamahan pa ng pagguho ng lupa at putik na may bato, ito ay lubhang kalunus-lunos; saan ka man tumingin ay pagkawasak ang sasalubong sa iyong mga mata. Nagpatuloy kami sa paglalakad at tumitingin-tingin sa paligid, at nakita namin ang dako kung saan ang mga bahay ng mga kapatid ay natangay, at ang iba ay nanatili. Iyong mga nanatili ay iyong sa mga kapatid na nanatili sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin. Ipinakita nito sa akin na kapag ang tao ay nanalig sa Diyos, kung hahanapin nila ang katotohanan at tuparin ang kanilang mga tungkulin ay makakamtan nila ang pag-iingat ng Diyos, at makaliligtas sila sa gitna ng kasakunaan. Sa isang pamayanan, may dalawang bahay lamang na natira, iyong sa matandang kapatid, at isa pa. Habang dumadaluyong ang baha, nakita ng matandang kapatid na gigibain ng baha ang kanyang bahay, kaya mula sa ituktok ng bundok ay dalawang ulit siyang sumigaw nang malakas, “Diyos! Ang aking mga aklat ng salita ng Diyos ay nasa loob!” Saka niya nakita buong hiwagang iniwan ng tubig-baha ang kanyang bahay at ang mga aklat ng salita ng Diyos ay naingatan. May isang kapatid na babae na ang kanyang bahay ay dakong pulungan, na laging masiglang tinutupad ang kanyang tungkulin. Bagamat siya’y naanod ng baha, hindi siya nasaktan man lamang. Ang baha ay tinangay ang kanyang anak, subalit ito’y nasagip ng isang di-mananampalataya at sa gayo’y hindi rin naanod. Isang matandang kapatid na babae ang nakakita na ang tubig ay nasa pintuan na at inanod na ang halamanang nasa di kalayuan. Kaya nanalangin siya sa Diyos, at ang tubig na nakasira sa prinsa na nanatiling nakatayo nang maraming taon, ay inilihis at naiwan ang kanyang bahay na ligtas. May dalawang kapatid na babae na hindi naghanap, at ang baha ay iniwan ang kanilang mga bahay, ngunit inanod ang patyo. Isang kapatid na babae ang hindi makatupad sa kanyang tungkulin sa pagho-host, sinabi niyang kailangan ng pamilya niyang ayusin ang bahay, kaya itinaboy niya ang mga kapatid; ang lahat ng kanyang mga aklat ng salita ng Diyos ay tinangay ng baha. May isa pang kapatid na babae, na bagamat tumupad ng kanyang tungkulin, ay nagsabi na “sa aking puso ay hindi ako sang-ayon.” Sa panahon ng kasakunaan siya ay tinangay ng tubig at natabunan ng putik na may bato, at ang kanyang sikmura ay nabutas ng isang bato. Siya’y tumawag nang paulit-ulit sa Diyos, at ang tubig ay tinangay siya sa isang malaking puno, siya’y napasangat at naligtas ang kanyang buhay. Ang kanyang sugat ay naimpeksyon at kinailangan niyang sumailalim sa isang operasyon. May isa ring kapatid na lalaki na kumikilos ayon sa kanyang gusto; sa tuwing may kailangan gawin sa kanyang bahay, hindi siya tumutupad ng kanyang tungkulin. Sa panahon ng kasakunaan, nagdanas siya ng pinakamatinding hirap; ang baha ay inanod ang dalawa niyang bahay, na iniwan lamang sa kanya ang dalawang di-matitirhang silid. Sa mga aklat ng salita ng Diyos, wala ni isa mang natira. Naunawaan din ng kapatid na lalaki na ito’y pag-ibig ng Diyos at hindi nanisi.
Ang himno ng mga salita ng Diyos "Ang Diyos ang Tanging Saligan ng Pag-iral ng Tao ” ay umaawit ng: “Kapag nilalamon nang buo ng tubig ang mga tao, inililigtas Ko sila mula sa hindi-umaagos na tubig at binibigyan sila ng pagkakataong magkaroon ng panibagong buhay. Kapag ang mga tao ay nawawalan ng ganang mabuhay, hinihila ko sila mula sa bingit ng kamatayan, pinagkakalooban sila ng lakas-ng-loob upang mabuhay, upang gawin nila Akong pundasyon ng kanilang pag-iral. Kapag sinuway Ako ng mga tao, sinasanhi Ko na makilala nila Ako sa kanilang pagsuway. Sa liwanag ng lumang kalikasan ng sangkatauhan at sa liwanag ng Aking kahabagan, sa halip na ilagay ang mga tao sa kamatayan, hinahayaan ko sila na magsisi at gumawa ng isang panibagong simula. Kapag ang mga tao ay nagdurusa ng taggutom, inaagaw Ko sila mula sa kamatayan hangga’t sila ay may natitirang isang hininga, na pumipigil sa kanila mula sa pagkahulog sa bitag ng mga panlilinlang ni Satanas. Ilang beses nang nakita ng mga tao ang Aking mga kamay; ilang beses na nilang nakita ang Aking mabait na itsura, nakita ang Aking nakangiting mukha; at ilang beses na nilang nakita ang Aking kamahalan, nakita ang Aking poot. Kahit ang sangkatauhan ay hindi kailanman Ako nakilala, hindi ko sinasamantala ang kanilang kahinaan para gumawa ng hindi kinakailangang kaguluhan. Dahil nararanasan Ko ang mga paghihirap ng sangkatauhan, Ako sa gayon ay dumaramay sa kahinaan ng tao. Ito lamang ay bilang tugon sa pagkamasuwayin ng mga tao, sa kanilang hindi pagtanaw ng utang-na-loob, na Ako ay nagpapatupad ng mga pagkastigo sa iba’t-ibang mga antas. Sa halip na ilagay ang mga tao sa kamatayan, hinahayaan ko sila na magsisi at gumawa ng isang panibagong simula. Kapag ang mga tao ay nagdurusa ng taggutom, inaagaw Ko sila mula sa kamatayan.” Sa gitna ng sakuna, nakita natin ang pagka-makapangyarihan at pagka-kamangha-mangha ng Diyos, na lalong nagpapatibay ng ating pananampalataya sa paglalakad sa landas ng kinabukasan. Nung inilabas ng Diyos ang matindi Niyang galit, nakita natin ang disposisyon ng Diyos, na hindi dapat salingin. Dahil lamang sa pag-aalsa ng tao, at sa kanilang kawalang-utang-na-loob, kaya ang Diyos ay nagbibigay sa mga tao ng ilang antas ng pagkastigo. Gayunpaman, ginagamit ng Diyos ang mga sakuna upang matauhan tayo; hindi Niya pinapatay ang mga tao, sa halip ay pinapagsisi at pinapag-bagong buhay. Ipinakita sa atin ng sakunang ito ang matuwid na disposisyon ng Diyos, makita ang Kanyang pag-ibig, ang Kanyang pagliligtas, at higit pa rito, ipinakita nito sa akin ang kapwa pagka-makapangyarihan ng Diyos at ang Kanyang pamamayani. Iyong mga tapat na humahanap ng katotohanan, na handang tuparin ang kanilang mga tungkulin at gumugugol para sa Diyos, ay nagtatamo ng pagkalinga at proteksiyon ng Diyos. Iyong mga kulang sa sigasig, na nagrereklamo at lumalaban, na hindi tumutupad ng kanilang tungkulin o gumugugol para sa Diyos, ay magtatamo ng ganting-dusang nauukol sa kanila. Tungkulin ang siyang nag-iingat sa atin! Tungkulin ang nagpapala sa atin! Pagkalooban nawa tayo ng Diyos ng pananampalataya, tibay ng loob, lakas at karunungan upang makapagpatuloy tayo, sa daan sa hinaharap, upang manatiling tapat at may katwiran sa pagkukumpleto ng kung ano ang ipinagkakatiwala Niya sa atin, at hayaan tayo na sa bawat tungkulin magawa natin ang pinakamainam.
Ibig naming sabihin sa lahat ang mga katotohanang ito na nasaksihan ng aming mga mata: Ang Diyos ang taning saligan ng ating pag-iral. Lahat ng kadakilaan, kayamanan, katanyagan at kasaganaang tinatamasa sa daigdig ay naglalahong gaya ng mga ulap. Sa sandaling tinangay ng tubig baha ang buhay ng tao, ang buhay ng tao ay walang halaga at napakahina. Maging ang mayayaman at sikat ay walang magagawa. Kapag tayo’y tumawag ng tulong, tanging ang Diyos lang ang makapag-aabot ng kamay ng kaligtasan, at makahihila doon sa mga lubos na nagtitiwala sa Kanya mula sa bangin ng kamatayan. Mga kapatid, ipinakikiusap na tanganan ninyong mabuti ang tungkuling ibinigay ng Diyos sa atin. Maging tapat tayo, hanggang sa mga huling araw, at ialay natin ang ating sariling lakas para sa pagpapalaganap ng kaharian ng ebanghelyo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento