Kidlat ng Silanganan

菜單

Dis 26, 2018

Pag-alpas sa Ulap upang Makita ang Liwanag

Faith China

Isa akong karaniwang manggagawa. Noong katapusan ng Nobyembre 2013, nakita ng isa kong kasamahan sa trabaho na ako at ang aking asawa ay laging nag-iingay tungkol sa maliliit na bagay, na araw-araw ay nababalisa at namimighati kami, kaya ipinasa niya sa amin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos, natutunan namin na nilikha ng Diyos ang mga langit at lupa at lahat ng bagay, at ang buhay ng tao ay ipinagkaloob sa kanya ng Diyos. Naunawaan din namin ang katotohanan ng misteryo ng anim na libong taon na plano ng pamamahala, ang misteryo ng pagkakatawang-tao, ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan, ang kahalagahan ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, at iba pang bagay. Naisip ko at ng aking asawa na isang malaking pagpapala ang pagtuklas sa pagdating ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan sa ating buong buhay. Malugod naming tinanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at humantong sa isang buhay sa iglesia. Sa ilalim ng patnubay ng salita ng Diyos, pareho kaming nagsikap na makamit ang katotohanan at baguhin ang aming mga sarili, at kapag may nangyaring isang bagay at nagsimula kaming magtalo, hindi na lang kami maghahanap ng kapintasan sa isa’t isa gaya ng dati naming ginagawa, ngunit sa halip ay magninilay kami sa aming mga sarili at susubukang makilala ang aming sarili. Pagkatapos nun, kumilos kami sa isang paraan na tinalikuran ang laman alinsunod sa mga kahilingan ng Diyos, at naging lalong mas mabuti ang aming relasyon bilang mag-asawa, at naging mapayapa at panatag ang aming mga puso. Nadama namin na tunay na mabuti ang paniniwala sa Diyos. Gayunman, habang maligaya at masaya kami sa pagsunod sa Diyos, habang tinatamasa namin ang pinagpalang buhay, naharap kami sa isang marahas na pag-atake na nagmumula sa aming mga pamilya.... Nang nawawala ako sa aking landas, ang salita ng Diyos ang gumabay sa akin upang makita ang plano ni Satanas, at upang lumusot sa ulap at pumasok sa nagliliwanag at tamang landas ng buhay.

Pag-alpas sa Ulap upang Makita ang Liwanag

Nang katatapos ko pa lang magretiro noong Pebrero ng 2014, hiniling ng aking manugang na babae na kaming dalawang matanda ay magbiyahe patungo sa Sichuan upang alagaan ang aming apong lalaki. Nanalangin ako sa Diyos: “Makapangyarihang Diyos! Hiniling sa akin ng aking manugang na babae na alagaan ang aming apo, ngunit hindi ako sanay sa buhay sa lugar na iyon, at hindi maginhawa ang maniwala sa Diyos o magbasa ng salita ng Diyos sa lugar na iyon. Umaasa ako na gagawa Ka ng daan palabas para sa amin....” Hindi nagtagal pagkatapos noon, muling tumawag sa akin ang aking manugang upang sabihin na dadalhin niya sa amin ang aming apo. Labis akong natuwa nang marinig ko ang balitang ito, at nadama kung gaano kamakapangyarihan ang Diyos. Dininig ng Diyos ang aking panalangin at gumawa ng paraan para sa akin. Bago lumipas ang maraming araw, dinala ng aking manugang na babae at ng kanyang mga magulang ang aking apo. Gaya nga ng nangyari, nang araw pagkatapos niyon, pupunta ako sa isang pagtitipon, at sinabi ko sa kanila na naniniwala ako sa Makapangyarihang Diyos. Matapos marinig ito, malungkot na sinabi ng aking manugang na, “Tatay, paano ka makakapaniwala sa Diyos na Makapangyarihan? Sigurado ako na alam mo na hindi pinapayagan ng pamahalaan na maniwala ang mga tao sa Makapangyarihang Diyos, at sa mga nakalipas na taon ay inaaresto nila ang mga mananampalataya sa Makapangyarihang Diyos. Hindi ka maaaring patuloy na maniwala sa Kanya.” Pinabulaanan ko siya sa pagsasabing, “Kapag naniniwala kami sa Diyos, hindi namin ito ginagawa bilang pagsalungat sa pamahalaan. Dumadalo lang kami sa mga pagtitipon, binabasa ang salita ng Diyos, nagsisikap na hanapin ang katotohanan, at sinusunod ang tamang landas. Paanong hindi nila kami papayagan na maniwala?” Sinabi ng aking manugang, “Anuman ang sabihin ninyo, at kahit na ang paniniwala sa Diyos ay ang tamang landas, hangga't tinututulan ito ng pamahalaan, hindi kayo maaaring maniwala sa Kanya!” Naisip ko sa sarili ko, “Anuman ang sasabihin mo, ang tunay na Diyos ang pinaniniwalaan ko. Kahit na hindi ito pinapayagan ng pamahalaan ng CCP, maniniwala pa rin ako.” Nang maglaon, umalis ang aking manugang at nakita ang aking asawa at hinimok siya na hindi kami dapat maniwala sa Diyos.... Pagkatapos, tinawagan ako ng aking anak na lalaki na nasa malayong Sichuan at sinabi, “Tatay, narinig ko na naniniwala kayo sa Makapangyarihang Diyos. Iyan ay isang bagay na sinasalungat ng CCP, kaya hindi kayo maaaring maniwala sa Kanya kailanman.” Nang marinig kong sabihin ito ng aking anak, nakadama ako ng ligalig sa aking puso: Ang paniniwala sa Diyos ang batas ng langit para sa akin, kaya bakit lahat kayo ay sinusubukan na hadlangan ako mula rito nang paulit-ulit? Napakahirap na maniwala sa Diyos at sundin ang tamang landas! Pagkatapos ay nanalangin ako nang tahimik sa Diyos upang bantayan ako para mapaglabanan ko ang mga panliligalig ng aking anak na lalaki at manugang. Pagkatapos magdasal, unti-unting naging matiwasay ang puso ko. Bagama’t hindi naintindihan ng aking anak at manugang, malinaw sa akin na hindi nagkamali ang aking pananampalataya sa Diyos at pagsunod sa tamang landas, at hindi nila ako maiimpluwensiyahan. Pagkalipas ng tatlong araw, nagmamadaling dumating sa bahay ang aking manugang, at nakita kong mayroon siyang dalawang salansan ng isang bagay na nakaimprenta sa kanyang mga kamay. Hinimok niya akong mabilis na tingnan ang mga ito, at nang tingnan ko, nakita ko na ang mga ito ay puno ng mga tsismis at kasinungalingan ng pamahalaan ng CCP na nilalait, hinahatulan, at sinisira ang pangalan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Sa isang sandali nakaramdam ako ng pagkalito sa aking puso, at naisip ko: Hindi ito maaari, dumadalo ako sa mga pulong nang ilang buwan at hindi ko kailanman nakita ang sinumang mga kapatid na nawalan ng mga braso o binti! Bakit nais ng pamahalaan ng CCP na magpalaganap ng mga tsismis at paninirang-puri tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos? Ano ba talaga ang nangyayari dito? Sa gabi nang araw na iyon, hindi ako makatulog dahil pinananatili ko ito sa aking isipan. “Naku! Pilit na sinusubukan ng aking anak na lalaki at manugang na hadlangan ako, at sinusubukan din ng pamahalaan ng CCP na usigin ako, kaya ano ang dapat kong gawin?”

Kinabukasan, lumabas ako upang maglakad sa kapitbahayan, at nakita rin ang mga tsismis na ito na naninirang-puri at hinahatulan ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na nakapaskil sa isang bulletin board. Naisip ko: Ang pinaniniwalaan ko ay ang tunay na Diyos, kaya bakit nilalabanan ito ng pamahalaan ng CCP sa ganitong paraan? Tila na sa ateistang estado na kontrolado ng CCP, ang paniniwala sa Diyos ay talagang hindi madaling bagay! ... Nang naisip ko ang tungkol dito, nakadama ako ng kahinaan sa aking puso, at bumalik ako sa bahay na nakayuko at nalulungkot. Pagkadating ko sa bahay, muling sinabi sa akin ng aking manugang, “Tatay, nagmamakaawa ako sa inyo na talikdan na ninyo ang inyong pananampalataya. Kapag natuklasan ng pamahalaan na naniniwala kayo sa Diyos, hindi ko mapapanatili ang aking trabaho, at ang inyong anak na malapit nang makuha ang kanyang doctorate ay hindi rin makakahanap ng trabaho. Kahit na ang inyong maliit na apo ay maaaring masangkot dito, at posibleng sa hinaharap ay hindi siya makakapasok sa paaralan.” Nang marinig ko ito, naisip ko na isa itong kapahamakan. Maaari ding masangkot ang kinabukasan ng mga anak ng isang tao sa paniniwala sa Diyos! Mas lalo akong natakot, at alam ko na lubhang malupit ang mga paraan ng pagdidisiplina at pagpaparusa sa mga tao ng pamahalaan ng CCP, napakalupit na maaari mong sabihin na “pumapatay sila ng mga tao nang hindi ikinukurap ang mata.” Naisip ko rin na hindi ito magiging madali para sa akin na mapagtapos ang aking anak sa kanyang doctorate, at ngayon ano ang aking gagawin kung ang paniniwala sa Diyos ay nasasangkot rin ang aking anak? Mas mahusay na kalimutan na lang ang tungkol dito. Napakataas ng halaga na aking babayaran para sa paniniwala sa Diyos at sa pagsunod sa tamang landas. Pagkatapos, binantaan ako ng aking manugang, sinasabing, “Sinabi ng aking tatay na kung patuloy kayong maniniwala, isusumbong niya kayo sa pulis. Alam ninyo na isang kalihim ng partido ang aking ama, at ibinigay ang mahigit sa tatlumpung taon ng kanyang buhay sa kanila. Pinakikinggan at sinusunod niya ang anumang gusto ng CCP. Tinutupad niya ang kanyang sinasabi, at ito ay hindi lamang upang subukang takutin kayo.” Ganap na bumagsak at nabuwal ang mga pananggalang sa aking puso, at nadama ko na napakahirap maniwala sa Diyos, na labis-labis ang panggigipit. Na ang aking anak na lalaki at manugang ay inaatake ako nang ganito, kung talagang nais nilang isumbong ako sa pamahalaan ng CCP upang maaresto at ipabilanggo, hindi makakaya ang gayong bagay ng isang matandang lalaki na tulad ko. Kalimutan na ito, mas mabuting talikdan ko ang aking paniniwala. Pagkatapos nun, hindi na ako dumalo sa mga pagtitipon, at ilang beses nagpunta ang mga kapatid sa aking bahay na hinahanap ako at lagi akong nagtatago upang hindi nila ako makita.

Ngunit nang panahong iyon na hindi ako dumadalo sa mga pagtitipon, hangga’t naiisip ko ang tungkol sa kung gaano napakalawak ng pagmamahal ng Diyos na nagligtas sa akin mula sa aking pagdurusa at ang tamis at kaligayahan ng mga kapatiran at ako na kumakanta ng mga awit at pinupuri ang Diyos nang magkakasama, labis na hinahanap at nasabik ako dito ngunit natakot pa rin na isumbong ako sa pulis ng aking manugang at ng iba pa. Nadama ko ang sobrang sakit at pahirap sa aking puso at hindi ko alam kung ano ang pinakamahusay na paraan ng pagkilos. Nang panahong iyon, isang kasamahan sa trabaho (isang kapatid na naniniwala sa Diyos) ang dumalaw sa aking bahay upang makita kung bakit hindi ako dumadalo sa mga pagtitipon kamakailan. Ipinaliwanag ko sa kanya kung paanong ginipit ako ng aking manugang tungkol sa paniniwala sa Diyos. Matapos niyang marinig ito, nagbahagi siya sa akin, “Kapag kinukubkob tayo ng mga bagay na ito, talagang isa itong pakikibaka na espirituwal. Tulad lang ito ng kapahamakan na hinarap ni Job, na sa panlabas ito ay parang tulad ng ginawa ng mga magnanakaw na pinagnakawan siya, ngunit ang talagang nasa likod nito ay ang pagpapahirap ni Satanas sa mga tao at pakikipaglaban sa Diyos para sa sangkatauhan. Dahil sinasamba ni Job ang Diyos at naiwasan ang kasamaan, sa huli ay makatatayo siyang saksi para sa Diyos habang napahiya sa pagkatalo si Satanas. Kaya kapag kinukubkob tayo ng mga bagay na ito, ang layunin ng Diyos ay upang makilala natin ang diwa ng kasamaan ni Satanas. Kapag naniniwala tayo sa Diyos, ang kailangan lang nating gawin ay umasa sa Diyos, hanapin ang katotohanan, at maging espirituwal na masigasig, at pagkatapos lamang noon natin makikita talaga ang plano ni Satanas at tatayong saksi! Pagkatapos ay maaari nating iwasang mahuli ni Satanas. Kung hindi, mawawalan tayo ng pagkakataong matanggap ang kaligtasan.

Pagkatapos nito, binasahan ako ng aking katrabaho mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang Diyos ay gumagawa, ang Diyos ay nagmamalasakit sa isang tao, tumitingin sa isang tao, at si Satanas ay sumusunod-sunod sa Kanyang bawat hakbang. Sinuman na pinapaboran ng Diyos, nagbabantay din si Satanas, tumutugaygay sa likod. Kung nais ng Diyos ang taong ito, gagawin lahat ni Satanas ang nasa kapangyarihan nito upang hadlangan ang Diyos, gagamitin ang iba't ibang masasamang kaparaanan upang tuksuhin, guluhin at pinsalain ang gawain ng Diyos upang kamtin ang natatagong layunin nito. Ano ang layunin nito? Ayaw nito na magkaroon ang Diyos ng sinuman; nais nito ang lahat ng yaon na nais ng Diyos, ang angkinin sila, kontrolin sila, pangasiwaan sila upang sambahin nila ito, sa gayon ay makakagawa sila ng mga masasamang gawa kasabay nito. Hindi ba ito ang masamang layunin ni Satanas? Karaniwan, madalas ninyong sabihin na si Satanas ay napakabuktot, napakasama, subalit nakita ninyo ba ito? Nakikita niyo lamang kung gaano kasama ang tao at hindi ninyo pa nakikita sa realidad kung gaano talaga kasama si Satanas. Subalit nakita ninyo ba ito sa usaping ito tungkol kay Job? (Oo.) Ang usaping ito ay ginawang napakaliwanag ang nakakatakot na mukha ni Satanas at ang diwa nito. Si Satanas ay nakikipag-digmaan sa Diyos, sumusunod-sunod sa likuran Niya. Ang layunin nito ay buwagin ang lahat ng gawa na nais gawin ng Diyos, angkinin at kontrolin yaong mga nais ng Diyos, ganap na patayin yaong mga nais ng Diyos. Kung hindi sila mapapatay, samakatwid sila ay maaangkin ni Satanas upang magamit nito-ito ang layunin nito” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Dapat gising kayo at naghihintay sa bawat sandali, at dapat mas manalangin sa harapan Ko. Dapat matanto ang ibat ibang balak at mga tusong pakana ni Satanas, kilalanin ang espiritu, kilalanin ang mga tao at makayang mahiwatigan ang lahat ng uri ng tao, mga usapin at mga bagay; dapat mas kumain at uminom ng Aking mga salita at, mas mahalaga pa, dapat makayang kumain at uminom ng mga ito sa sarili ninyo. Sangkapan ang sarili ninyo ng buong katotohanan, lumapit sa Akin upang mabuksan Ko ang inyong mga espirituwal na mata at pahintulutan kayong makita ang lahat ng mga hiwaga na nasa loob ng espiritu…” (“Ang Ikalabimpitong Pagbigkas” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Nang matapos siyang magbasa mula sa salita ng Diyos, nagbahagi sa akin ang aking katrabaho tungkol dito, sinasabing: Isa itong matinding espirituwal na pakikibaka kapag kinukubkob tayo ng mga bagay na ito. Sa kasalukuyan, ang buong mundo ay nasa ilalim ng kaharian ni Satanas na napakasama, at patuloy na ginagawa ni Satanas ang gawain nito na ginagawang tiwali ang sangkatauhan. Gusto nitong lubusang ariin at lipulin ang sangkatauhan na nilikha ng Diyos, at ito ang masamang layunin ni Satanas. Ang anim na libong taon na plano ng pamamahala ng Diyos ay alang-alang sa pagliligtas ng sangkatauhan mula sa madilim na impluwensiya ni Satanas. Lalo na sa kasalukuyang panahon ng mga huling araw, sa pagpapahayag ng Kanyang salita, ginagawa ng Diyos ang huling yugto ng gawain ng paglilinis at pagliligtas sa sangkatauhan, at natatakot si Satanas na tanggapin natin ang gawain ng Diyos, at mauunawaan natin ang katotohanan at tatanggapin ang kaligtasan. Takot ito na makikilala natin ang masama at reaksiyonaryong kakanyahan nito, lisanin ito, at talikuran ito. Dahil dito ito ay nasa matinding paghihirap ng kanyang huling pakikibaka sa kamatayan—nakikipaglaban sa Diyos para sa mga piniling tao ng Diyos at ginagamit ang bawat napakasamang pamamaraan upang hadlangan tayo na makapunta sa harap ng Diyos. Ipinatupad lahat ang mga pakana tulad ng panunupil at panlulupig na ginagawa ng CCP, pagkagambala at pag-uusig ng mga miyembro ng pamilya, pati na rin ang lahat ng tsismis at paninirang-puri na ikinakalat ng relihiyosong grupo kasama ang pamahalaan ng CCP upang pigilan tayo na bumaling sa Diyos. Ngunit ginagamit ang karunungan ng Diyos batay sa pamamaraan ni Satanas, at kasalukuyang ginagamit ng Diyos ang paggambala ni Satanas upang magawa ang paglilingkod para sa gawain ng Diyos. Sa pamamagitan nito ginagawa Niyang perpekto ang ating pananampalataya at katapatan. Mula sa labas, ito ay ang iyong anak na lalaki at manugang kasama ang pamahalaan ng CCP na gumagamit ng lahat ng uri ng mga panlilinlang at paraan upang pigilan at hadlangan tayo sa paniniwala sa Diyos, ngunit ang tunay na nasa likod ng mga pangyayaring ito ay ang pandaraya na isinagawa ni Satanas. Habang ginagawa natin ang higit pa upang hanapin ang katotohanan at maunawaan ang kalooban ng Diyos, magkaroon ng ilang kaalaman tungkol sa gawain ng Diyos, nakikilala natin ang lahat ng mga panlilinlang at pandaraya ni Satanas, at nakakatayo tayo sa pagsaksi para sa Diyos, mapapahiya si Satanas sa pagkatalo. Hangga't hindi natin hinahangad na maunawaan ang katotohanan at hindi nauunawaan ang espirituwal na pakikibaka, kapag nagdudulot ng mga pagkagambala sa atin si Satanas nanganganib tayong humantong sa pagkaligaw at magkaroon ng mga pagdududa tungkol sa Diyos hanggang sa punto ng pagtanggi sa Diyos, pagtataksil sa Diyos, at pag-iwan sa Diyos. Sa ganitong paraan mangyayari na magiging biktima ka ng mga panlilinlang ni Satanas at makakaligtaan ang pagkakataong matanggap ang kaligtasan. Sa huli ay lalamunin ka ni Satanas. Kaya walang pasubali na dapat nating gawin ang higit pa upang manalangin at lumapit sa Diyos, at patindihin ang ating pagbabasa ng salita ng Diyos at pagtataglay natin ng katotohanan. Sa ganitong paraan lamang natin mauunawaan ang kalooban ng Diyos, makikita talaga ang mga panlilinlang ni Satanas, at makatatayo sa pagsaksi sa Diyos.

Sa pamamagitan ng pagbabasa ng salita ng Diyos at kung ano ang ibinahagi ng aking katrabaho, bigla kong natanto: Talagang isa itong espirituwal na pakikibaka. Ipinapahayag ng Diyos ang katotohanan sa mga huling araw upang iligtas ang sangkatauhan, ngunit iniisip ni Satanas ang bawat posibleng paraan upang gamitin ang panggigipit at pag-uusig ng aking anak na lalaki, manugang, at ng pamahalaan ng CCP upang pigilan ako sa paniniwala sa Diyos at sa pagsunod sa Diyos. Natatakot ito na tatanggapin ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at mauunawaan ang katotohanan. Kaya makikilala ko ang kaibahan ng masama, napakapangit, malasatanas, demonyong kakanyahan nito at ipagkakanulo at tatalikdan ito, at makakamit ang kaligtasan ng Diyos. Ngayon, nakita ko na sa wakas ang napakasamang hangarin ni Satanas at naunawaan ang napakaingat na pag-aalaga at paglingap na ginawa ng Diyos sa pagliligtas sa akin. Pagkatapos nito, magbabasa ako nang higit pa ng salita ng Diyos at paiigtingin ang pagtaglay ko ng katotohanan upang hindi mapagsamantalahan ni Satanas. Sa wakas napalaya sa salita ng Diyos ang mga damdamin na pinigil ko sa loob nang matagal, at nadama ko ang kasiyahan na parang nakita kong muli ang liwanag ng araw.

Kahit na naunawaan ko na isa lamang sa mga panlilinlang ni Satanas ang panggigipit sa akin ng aking manugang dahil sa paniniwala sa Diyos, at na hindi ako dapat malinlang ni Satanas, nag-aalala pa rin ako na kung malaman ng pamahalaan ng CCP ang tungkol sa aking pananampalataya magkakaroon ito ng epekto sa mga karera ng aking anak na lalaki at manugang. Mas natakot pa ako sa magiging epekto nito sa pag-aaral ng aking apo. Kaya sinabi ko sa aking katrabaho ang tungkol sa aking mga alalahanin at binasa niya sa akin ang isa pang sipi mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang awtoridad ng Diyos ay umiiral hindi alintana ang mga kalagayan; sa lahat ng mga sitwasyon, ang Diyos ang nagdidikta at nagsasaayos ng bawat pantaong kapalaran at lahat ng mga bagay ayon sa Kanyang mga pag-iisip, Kanyang mga naisin. Hindi ito mababago sapagkat nagbabago ang mga tao, at ito ay hindi umaasa sa kalooban ng tao, hindi maaaring mapalitan ng anumang pagbabago sa panahon, espasyo, at heograpiya, sapagkat ang awtoridad ng Diyos ay ang Kanyang pinakadiwa. … Sa lahat ng panahon, hawak ng Diyos ang Kanyang awtoridad, ipinakikita ang Kanyang lakas, ipinagpapatuloy palagi ang Kanyang gawaing pamamahala; sa lahat ng panahon pinamamahalaan Niya ang lahat ng mga bagay, naglalaan para sa lahat ng mga bagay, pinagtutugma ang lahat ng mga bagay, gaya ng palagi Niyang ginagawa. Walang sinuman ang makapagpapabago rito. Ito ay katotohanan; ito ay ang di-mababagong kapalaran mula pa noong unang kapanahunan!” (“Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi III” sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Pagkatapos niyang basahin ang salita ng Diyos, nagpatuloy sa pagbabahagi ang aking katrabaho tungkol dito: Ang Diyos ang Lumikha, at ang pinakamakapangyarihan sa mga langit, lupa, at sa lahat ng bagay rito. Pinamamahalaan din niya ang kapalaran ng bawat tao, at napagpasyahan na ng Diyos noong una pa man ang anumang uri ng gawain o kinabukasan mayroon ang bawat isa sa atin. Isang bagay ito na hindi maaaring pagpasyahan o baguhin nang sarili lamang ng sinuman. Ang karera at kinabukasan ng iyong anak na lalaki at manugang ay lahat kontrolado ng Diyos. Hindi mahalaga kung naniniwala sila sa Diyos o hindi; ang kanilang kapalaran ay idinikta at inayos ng Diyos. Hindi natin kailangang mag-alala tungkol dito o doon. Hindi kailanman nag-alala si Job tungkol dito, dahil malinaw sa kanya na lahat ng mayroon siya ay ibinigay sa kanya ng Diyos, at anumang ipinagkaloob sa kanya o binawi mula sa kanya ay ginawa ng Diyos. Kaya dapat lamang tayong mag-alala sa pananalangin sa Diyos, at ipagkatiwala ang kinabukasan ng ating mga anak sa mga kamay ng Diyos at magkaroon ng pananampalataya na may angkop na plano ang Diyos.... Sa pamamagitan ng mga salitang ito na ibinahagi sa akin tungkol sa pag-alam sa kapangyarihan ng Diyos, nagkaroon ako ng pananampalataya sa Diyos, at naging matatag at may kapayapaan sa aking puso. Hindi na ako mag-aalala tungkol sa kinabukasan ng aking anak na lalaki o manugang.

Pagkatapos, sa pamamagitan ng pagbabasa ng salita ng Diyos, sumulong ako sa pag-alam sa masamang diwa ng pagkapoot ng pamahalaan ng CCP sa Diyos. Sinasabi ng salita ng Makapangyarihang Diyos: “Mahigpit na ginagapos ng demonyo ang buong katawan ng tao, tinatanggal nito ang pareho niyang mga mata, at siniselyuhan nang mahigpit ang kanyang mga labi. Nagwawalâ ang hari ng mga diyablo sa loob ng ilang libong taon, magpahanggang sa ngayon, kung kailan patuloy pa rin nitong mahigpit na binabantayan ang bayan ng mga multo, na para bang ito ay hindi-mapapasok na palasyo ng mga demonyo; ang pangkat na ito ng mga asong-tagapagbantay, samantala, ay nakatitig nang nanlilisik ang mga mata, lubhang takot na takot na mahuhuli sila ng Diyos nang hindi nila namamalayan at lilipulin silang lahat, iniiwan sila na walang lugar ng kapayapaan at kaligayahan. Paano kayang nakita ng mga tao ng ganitong bayan ng mga multo ang Diyos kahit kailan?” (“Gawa at Pagpasok (8)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sinasabi rin ng Mga Sermon at Pagbabahagi sa Pagpasok sa Buhay: “Sa puso ng malaking pulang dragon, iniisip nito na dumating ang Diyos upang kuhanin mula rito ang lahat ng taong nabibilang dito, at ginagawa Niyang kaaway ito. Ang malaking pulang dragon na ito ay isang dominante at hindi makatwirang bagay! Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan, at may kapangyarihan ang Diyos na iligtas ang sangkatauhan. Sa simula, pag-aari ng Diyos ang sangkatauhan, at ang malaking pulang dragon na ito ang umagaw sa mga piniling tao ng Diyos, nagpatiwali at umapak sa kanila kung paano o kailan man nila gustuhin, at sa huli ay lumamon sa kanilang lahat. Gayunman, kapag dumarating ang Diyos upang iligtas ang sangkatauhan, sumasalungat ito sa Kanya. Makikita natin mula rito na ang mahalagang kalikasan ng malaking pulang dragon ay ang pagsalungat sa langit, reaksiyonaryo, hindi makatwiran, at labis na walang katotohanan. Ito ay isang mabangis na halimaw at isang demonyo” (“Ang Tunay na Kahalagahan ng Pagtalikod sa Malaking Pulang Dragon sa Pagtanggap ng Kaligtasan” sa Mga Sermon at Paliwanag tungkol sa Pagpasok sa Buhay (III)). Ngayon, nauunawaan ko na sa bansang ito na walang kinikilalang Diyos, ang kapangyarihan ng CCP ay kapangyarihan ni Satanas. Hindi nito pinahihintulutan na makarating ang Diyos sa lupaing ito at gawin ang gawain ng pagliligtas sa mga tao, ni hindi nito pinahihintulutan ang mga tao na makalaya sa madilim na impluwensiya nito at makamtan ng Diyos, upang akayin ng Diyos patungo sa isang magandang hantungan. Kaya ginagawa nito ang lahat upang labanan at hatulan ang Makapangyarihang Diyos at ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, galit na galit na ginagambala at hinahadlangan tayo mula sa pagsunod sa Makapangyarihang Diyos. Kung wala tayong katotohanan, hindi alam ang mga pakana ng CCP, at hindi nakikita ang kakanyahan nito, magiging madali na humantong sa pagkaligaw sa pamamagitan ng lahat ng uri ng kasinungalingan na ikinakalat nito, o upang matakot at sumuko sa pamamagitan ng pagsupil at pag-uusig nito. Hindi tayo maglalakas-loob na pumunta sa harapan ng Diyos, at nangangahulugan ito na nakamit nito ang layunin na paglamon sa mga tao at pagsira sa gawain ng Diyos na pagliligtas ng mga tao. Ngunit walang sinuman ang maaaring tumagos sa karunungan ng Diyos. Lubos na ginagamit ng Diyos ang pag-uusig ng CCP upang gawin ang paglilingkod para gawing perpekto ang mga piniling tao ng Diyos, upang pahintulutan ang mga tao na maunawaan ang katotohanan, at upang lubusang maunawaan na ang pamahalaan ng CCP ay isang napakasamang demonyo na puno ng pagkapoot para sa katotohanan at itinuturing bilang kaaway nito ang Diyos, upang lubos nila itong talikdan at ganap na bumaling patungo sa Diyos. Katulad ito nang maranasan ko ang pag-uusig na ito, inakay lahat sa pagkaligaw ang aking anak na lalaki at manugang, pati na rin ang mga magulang ng aking manugang, ng mga kasinungalingan ng pamahalaan ng CCP. Sa ilalim ng pamimilit ng CCP na inaabuso ang kapangyarihan nito, pinilit nila akong iwanan ang Makapangyarihang Diyos at ginawang hindi ko matanggap ang kaligtasan mula sa Makapangyarihang Diyos. Ngunit ngayon, sa pamamagitan ng pagbabasa ng salita ng Diyos, malinaw kong nakita na gumagamit ng mga kasinungalingan ang pamahalaan ng CCP upang iligaw ang mga tao, at gumagamit ng labis na marahas na pamamaraan upang paghigpitan ang mga tao at pigilan sila na maniwala sa Diyos. Nakita ko na ang layunin nito ay dalhin tayong lahat sa ilalim ng kontrol nito at sa huli ay saktan at lamunin nito. Habang lalo kong iniisip ang tungkol dito, mas lalo akong napopoot sa napakasamang demonyong ito, ang malaking pulang dragon na ito na CCP. Malupit ito, dinodomina ang mga tao, at pinahihirapan at inuusig ang mga naniniwala sa Diyos. Tunay na umaapaw sa mga kalangitan ang masasamang krimen nito, at hindi maiiwasang haharapin nito ang paghihiganti ng Diyos! Nagpapasalamat ako sa patnubay ng salita ng Diyos, na nagbigay-daan sa akin na makilala ang masamang diwa ng pagtutol ng CCP sa Diyos at upang hindi na mapigilan ng mga banta nito. Nagpapasalamat din ako na ginawa ng Diyos na pumunta sa aking tahanan ang aking katrabaho at tulungan ako sa isang panahon na negatibo at mahina ako, at nang bumagsak ako at nawala sa aking landas. Ginamit Niya ang Kanyang salita upang gabayan ako at iniligtas ako na matukso ni Satanas, at ginawang makalusot ako sa lambat ni Satanas at makabalik sa harapan ng Diyos at magkaroon ng pagkakataon upang tanggapin ang kaligtasan. Napagpasyahan ko na gaano man karami ang paghihirap sa daan sa hinaharap, susundan ko ang Makapangyarihang Diyos hanggang sa dulo ng daan!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...