Kidlat ng Silanganan

菜單

Okt 9, 2018

"Umabot sa Huling Tren Caught the Last Train" - Welcome the Return of Lord Jesus


Tagalog Christian Movie 2018 | "Umabot sa Huling Tren Caught the Last Train" | Welcome the Return of Lord Jesus


Si Chen Peng ay pastor sa isang bahay-iglesia. Noon pa man ay marubdob na siyang naglingkod sa Panginoon, at kadalasa’y nagsilbing pastor, sa pagtulong sa kanyang mga alagad, at binalikat ang malalaking pasanin para sa iglesia. Pero nitong nakaraang mga taon, mas lalong nawalan ng tao sa iglesia. Nanghina ang espiritu ng mga mananampalataya at hindi na nagsimba, at hindi na dumadalo sa mga miting. Kaya nga kahit si Pastor Chen ay nakadama ng kadiliman sa kanyang kaluluwa, na para bang natuyo na ang balon ng kanyang espiritu, at hindi na niya madama ang presensya ng Panginoon. Sa mga miting, nalaman niya na wala siyang maipangaral. … Ginawa niya ang lahat ng maaari niyang maisip para muling pasiglahin ang iglesia, pero nawalan ng saysay ang lahat ng pagsisikap niya. …
Naging miserable si Chen Peng, nalito, at hindi maunawaan kung bakit nagiging mapanglaw ang kanyang iglesia, at bakit nawala sa kanila ang presensya ng Panginoon.


Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.


Espesyal na pahayag: Ginawa ang video production na ito bilang isang proyektong hindi pangkalakal ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ang mga aktor na lumilitaw sa produksyong ito ay gumaganap sa isang hindi pangkalakal na basehan, at hindi binayaran sa anumang paraan. Hindi maaaring ipamahagi ang video na ito bilang pangkalakal sa anumang ikatlong partido, at umaasa kaming ibabahagi at ikakalat ito ng lahat nang walang bayad. Kapag ipinamahagi ninyo ito, mangyaring tandaan ang pinagmulan. Nang walang pahintulot ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, walang organisasyon, panlipunang grupo, o indibidwal ang maaaring pakialaman o katawanan nang mali ang mga nilalaman ng video na ito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...