Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang pangunahing kahalagahan ng pagsunod sa Diyos ay na ang lahat ay dapat alinsunod sa mga salita ng Diyos ngayon: Maging ikaw ay naghahangad ng pagpasok sa buhay o ang katuparan ng kalooban ng Diyos, ang lahat ay dapat nakasentro sa mga salita ng Diyos ngayon. Kung ang iyong pakikipag-isa at hinahangad ay hindi nakasentro sa palibot ng mga salita ng Diyos ngayon, kung gayon isa kang estranghero sa mga salita ng Diyos, at ganap na nawalan ukol sa gawain ng Banal na Espiritu.
mula sa “Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Mga Yapak ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang ilan ay pabigla-biglang naniniwala na kung saan may gawain ang Banal na Espiritu, naroon ang pagpapakita ng Diyos. O kung hindi naman ay naniniwala sila na kung nasaan ang mga espirituwal na tao, naroon ang pagpapakita ng Diyos. O kung hindi naman ay naniniwala sila na kung saan may mga bantog na tao, naroon ang pagpapakita ng Diyos. Sa ngayon, huwag nating pagtalunan kung tama o mali ang mga paniniwalang ito. Upang maipaliwanag ang ganitong tanong, kailangan muna nating maging malinaw sa isang layunin: Hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos. Hindi tayo naghahanap ng mga espiritwal na tao, lalong hindi natin sinusundan ang mga sikat na namumuno; tayo ay sumusunod sa mga yapak ng Diyos. Sa gayon, dahil hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagbigkas ng Diyos—sapagkat kung saan naroon ang mga bagong salita ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saan naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saan naroon ang pagpapahayag ng Diyos, naroon ang pagpapakita ng Diyos, at kung saan naroon ang pagpapakita ng Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Habang hinahanap ang mga yapak ng Diyos, ipinagwalang-bahala ninyo ang mga salitang “Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.” Kaya kapag tumatanggap ang maraming tao ng katotohanan, hindi sila naniniwalang nakita na nila ang mga yapak ng Diyos at lalong hindi tinatanggap ang pagpapakita ng Diyos. Napakalubhang pagkakamali iyon!
mula sa “Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang ilang tao ay 'di nagagalak sa katotohanan, lalo na sa paghatol. Sa halip, nagagalak sila sa kapangyarihan at kayamanan; ang mga taong ito ay pinaniniwalaang mga magpagmataas na tao. Hinahanap lamang nila ang mga sekta sa mundo na may impluwensya at ang mga pastor at mga gurong galing sa mga seminaryo. Sa kabila ng pagtanggap ng daan ng katotohanan, nananatili silang may pagaalinlangan at hindi nila mailaan ang kanilang mga sarili nang lubusan. Sila ay nagsasalita ng pagsasakripisyo para sa Diyos, ngunit ang kanilang mga mata ay nakatitig sa mga dakilang pastor at mga guro, at si Cristo ay isinantabi. Ang kanilang mga puso ay punong-puno ng kasikatan, kayamanan at karangalan. Talagang hindi sila naniniwala na ang isang ganoong kahinang tao ay may kakayahan ng panlulupig sa karamihan, na ang isang hindi kapansin-pansin ay may kakayahang gawing perpekto ang mga tao. Talagang hindi sila naniniwala na itong mga walang saysay na taong kasama sa mga alikabok at mga tambak na dumi ay ang mga taong pinili ng Diyos. Sila ay naniniwala na kung ang mga tulad ng mga taong ito ang layunin ng kaligtasan ng Diyos, kung ganoon ang langit at lupa ay mababaliktad at lahat ng tao ay magtatawanan nang malakas. Sila ay naniniwala na kung pinili ng Diyos ang gayong walang saysay na mga tao na maging perpekto, kung ganoon ang mga dakilang taong iyon ay magiging Diyos Mismo. Ang kanilang mga pananaw ay nababahiran ng di-pananampalataya, sa katunayan, sa halip na di-pananampalataya, ang mga ito ay malaking kahibangang mga halimaw. Sapagkat ang pinahahalagahan lamang nila ay posisyon, reputasyon at kapangyarihan; kanilang pinaguukulan ng mataas na pagpapahalaga ang mga malalaking grupo at mga sekta. Talagang wala silang pagsasaalang-alang para sa mga pinangungunahan ni Cristo; sila ay mga traydor lamang na tumalikod kay Cristo, sa katotohanan, at sa buhay.
Hindi ang kababaang-loob ni Cristo ang iyong hinangaan, kundi ang mga huwad na pastol na may prominenteng katayuan. Hindi mo minamahal ang pagiging kaibig-ibig o karunungan ni Cristo, kundi ang mga walang pakundangang nauugnay sa malaswang mundo. Tinatawanan mo ang mga pasakit ni Cristo na walang lugar para pagpatungan ng Kanyang ulo, ngunit hinahangaan ang mga bangkay na kumakamkam ng mga pag-aalay at namumuhay sa kahalayan. Ikaw ay hindi handang magdusa sa tabi ni Cristo, kundi masayang pumupunta sa mga bisig ng mga walang taros na mga anticristo bagama’t tinutustusan ka lamang ng laman, mga letra at pagkontrol. Kahit ngayon, tumatalima patungo sa mga ito ang iyong puso, sa kanilang reputasyon, sa kanilang katayuan sa puso ng mga Satanas, sa kanilang impluwensya, at sa kanilang awtoridad, ngunit patuloy kang nagkakaroon ng saloobin ng paglaban at hindi pagtanggap sa gawain ni Cristo. Ito ang dahilan kung bakit Ko sinasabi na wala kang pananampalataya ng pagkilala kay Cristo. Ang dahilan ng pagsunod mo sa Kanya magpahanggang ngayon ay sa kadahilanang ikaw ay pinilit. Namumukod magpakailanman sa puso mo ang matatayog na mga larawan; di mo makalimutan ang kanilang bawat salita at gawa, maging ang kanilang maimpluwensiyang mga salita at gawa. Nasa puso ninyo sila, kataas-taasan magpakailanman at mga bayani magpakailanman. Ngunit ito ay hindi para sa Cristo sa panahong ito. Siya ay walang kabuluhan magpakailanman sa iyong puso at di-karapat-dapat sa paggalang magpakailanman. Sapagka’t Siya ay napaka-karaniwan, may lubhang napakaliit na impluwensya, at malayo sa napakatayog.
mula sa “Ikaw ba ay Totoong Mananampalataya sa Diyos?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Tingnan ang mga pinuno ng bawat denominasyon at sekta. Lahat sila ay mayayabang at mapagmagaling, at ipinapaliwanag nila ang Biblia na wala sa konteksto at ayon sa kanilang sariling imahinasyon. Silang lahat ay umaasa sa mga regalo at katalinuhan upang gawin ang kanilang trabaho. Kung sila ay walang kakayahang mangaral ng kahit ano, susundan kaya sila ng mga taong iyon? Sila, kahit papaano, ay nagtataglay ng ilang kaalaman, at maaaring magsalita nang kaunting doktrina, o alam kung paano akitin ang mga iba at kung paano gamitin ang ilang mga katusuhan, na kung saan dinala nila ang mga tao sa harapan ng kanilang mga sarili at dinaya sila. Sa pangalan lamang, ang mga taong iyon ay naniniwala sa Diyos—subalit sa realidad sila ay sumusunod sa kanilang mga pinuno. Kapag nakatagpo nila yaong mga nangangaral ng tunay na daan, ang ilan sa kanila ay magsasabi, “Kailangang konsultahin natin siya tungkol sa ating paniniwala sa Diyos.” Tingnan kung paanong kinakailangan nila ang pahintulot ng isang tao upang maniwala sa Diyos; hindi ba ito isang problema?
mula sa “Tanging Ang Pagtugis ng Katotohanan Ang Tunay na Paniniwala sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
8. Ang mga taong naniniwala sa Diyos ay dapat sumunod sa Diyos at sumamba sa Kanya. Hindi ninyo dapat dakilain o tingalain ang sinumang tao; hindi ninyo dapat isauna ang Diyos, ipangalawa ang mga tao na iyong tinitingala, at ikatlo ang inyong sarili. Walang sinuman ang dapat lumuklok sa inyong puso, at hindi mo dapat isaalang-alang ang mga tao—lalo na ang inyong mga iginagalang—upang maging pantay sa Diyos, upang maging Kanyang kapantay. Ito ay hindi-matitiis ng Diyos.
mula sa “Ang Sampung Administratibong Kautusan na Dapat Sundin ng mga Piniling Tao ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Yaong mga hindi nakakaunawa sa katotohanan ay palaging sumusunod sa iba: Kung sinasabi ng mga tao na ito ay ang gawain ng Banal na Espiritu, sasabihin mo na rin na ito ay ang gawain ng Banal na Espiritu; kung sinasabi ng mga tao na ito ay ang gawain ng masamang espiritu, mag-aalinlangan ka na rin o sasabihin mo rin na ito ay ang gawain ng masamang espiritu. Lagi mong ginagaya ang mga sinasabi ng iba, at hindi mo kayang kumilala ng kahit ano sa iyong sarili, ni hindi mo kayang mag-isip para sa iyong sarili. Ito ay isang tao na walang pinaninindigan, na hindi kayang alamin ang pagkakaiba—ang gayong tao ay walang-halagang kawawa! Ang gayong uri ng mga tao ay laging nag-uulit ng mga sinasabi ng iba: Ngayon ay sinabi na ito ay ang gawain ng Banal na Espiritu, nguni’t maaaring balang-araw may magsasabi na hindi ito gawain ng Banal na Espiritu, at walang-iba kundi mga gawa ng tao—nguni’t hindi mo ito nakikita, at kapag nasaksihan mong sinabi ito ng iba, sasabihin mo kung ano ang sinabi nila. Ito ay talagang gawain ng Banal na Espiritu, nguni’t sinasabi mo na gawain ito ng tao; hindi ka ba naging isa sa mga lumalapastangan sa gawain ng Banal na Espiritu? Sa ganitong paraan, hindi ka ba sumalungat sa Diyos dahil hindi mo kayang alamin ang pagkakaiba? Hindi natin alam, baka isang araw may isang hangal ang lilitaw na nagsasabing “ito ay gawain ng masamang espiritu”, at kapag narinig mo ang mga salitang ito maguguluhan ka, at muli ay matatali sa mga sinasabi ng iba. Sa tuwing may nanggagambala hindi mo kayang tayuan ang iyong pinaninindigan, at lahat ng ito ay dahil hindi mo taglay ang katotohanan. Ang paniniwala sa Diyos at pagsisikap na makilala ang Diyos ay hindi isang madaling bagay. Hindi ito makakamit sa basta pagsasama-sama at pakikinig sa pangangaral, at hindi ka maaaring magawang perpekto ng damdamin lamang. Dapat mong maranasan, at alamin, at dapat may alituntunin sa iyong mga pagkilos, at makamit mo ang gawain ng Banal na Espiritu.
mula sa “Tanging Yaong mga Kilala ang Diyos at Kanyang Gawa ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang Pagbabahagi ng Tao:
Ang pagsunod sa Diyos ay nangangahulugang pakikinig sa Diyos sa lahat-lahat, pagtalima sa lahat ng mga pagsasaayos ng Diyos, pagkilos ayon sa mga salita ng Diyos, at pagtanggap sa lahat na nagmumula sa Diyos. Kung naniniwala ka sa Diyos, kung gayon dapat kang sumunod sa Diyos; datapwat, sa di-pagtanto nito, kapag sila’y naniniwala sa Diyos karamihan sa mga tao’y sumusunod sa mga tao, na kapwa katawa-tawa at nakapanlulumo. Sa mahigpit na pananalita, ang sinumang sinusundan ng mga tao angsiyang pinaniniwalaan nila. Bagaman ilang mga tao ang tinatayang naniniwala sa Diyos, sa kanilang mga puso ay walang Diyos; sa kanilang mga puso, sinasamba nila ang kanilang mga pinuno. Ang pakikinigsa sariling mga pinuno, kahit hanggang sa sukdulang itatwa ang mga pagsasaayos ng Diyos, ay ang pagpapakita ng paniniwala sa Diyos ngunit pagsunod sa mga tao. Bago nila matamo ang katotohanan, ang paniniwala ng bawat isa ay kasing pagkataranta at pagkalito tulad nito. Ganap silang mangmang pati sa kung ano ang kahulugan ng sumusunod sa Diyos, at di-maaaring makapagsabi ng pagkakaiba sa pagitan ng pagsunod sa Diyos at pagsunod sa mga tao. Naniniwala lamang sila na sinumang nangungusap ng mga doktrina na mabuti,at mataas, ay kanilang ama o ina; para sa kanila, sinumang may gatas ay kanilang ina, at sinumang may kapangyarihan ay kanilang ama. Ganoon sila kalunus-lunos. Maaaring masabi na, sa iba’t-ibang antas, ito ang espirituwal na estado ng karamihan.
Ano ang ibig sabihin nang sumusunod sa Diyos? At paano mo ito isasagawa? Ang pagsunod sa Diyos ay hindi lamang kinabibilangan ng pagdarasal sa Diyos at pagpupuri sa Diyos; ang pinakaimportante ay ang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos at mamuhay ayon sa mga salita ng Diyos, ang kumilos ayon sa katotohanan, ang hanapin ang landas na mararanasan ang buhay sa gitna ng mga salita ng Diyos, tanggapin ang utos ng Diyos, isagawa nang tama ang bawat isa sa iyong mga tungkulin, at lumakad sa landas na nasa harapan mo ayon sa gabay ng Banal na Espiritu. Lalo na, sa kritikal na mga sugpungan, kapag may pangunahing mga problema na sumapit sa iyo, may higit pang mas malaking pangangailangan na maghanap sa pakahulugan ng Diyos, maging maingat baka niloloko ng mga doktrina ng tao, at hindi mahulog sa ilalim ng kontrol ninuman. “Ang nagmumula sa Diyos aking sinusunod at sinusundan, ngunit kapag ito’y nanggaling mula sa kalooban ng tao matatag kong tinatanggihan ito; kung ang ipinangangaral ng mga pinuno at mga manggagawa ay salungat sa mga pagsasaayos ng Diyos, samakatwid ako’y walang pasubali na sumusunod sa Diyos at tinatanggihan ang mga tao. Kung ito’y ganap na ayon sa mga pagsasaayos at kalooban ng Diyos, kung gayon maaari akong makinig dito.” Ang mga taong nagsasagawa sa ganitong paraan ay yaong mga sumusunod sa Diyos.
Ano ang ibig sabihin nang sumusunod sa mga tao? Ang pagsunod sa mga tao ay nangangahulugan na ang isa ay sumusunod sa mga manggagawa o mga pinuno na kanilang sinasamba. Ang Diyos ay walang gaanong lugar sa kanilang mga puso; nakapagbitin na lamang sila ng isang karatula na nagsasabing sila’y naniniwala sa Diyos, at sa lahat ng ginagawa nila ginagaya nila o kinokopya ang mga tao. Lalo na kapag ito’y isang pangunahing bagay,hinahayaan nilang ang mga tao na magpasiya, hinahayaan nila ang mga tao na manduhan ang kanilang kapalaran, sila mismo’y hindi naghahanap sa pakahulugan ng Diyos, at hindi nila makakayanang intindihin ang mga salitang sinasabi ng mga tao. Habang ang napapakinggan nila ang mga mahusay na pangangatwiran, samakatuwid hindi alintana kung ito ay sumasang-ayon sa katotohanan tatanggapin pa rin nila ito at pakikinggan ito. Ang mga ito ang mga pagpapakitang pagsunod sa mga tao. Ang ganoong paniniwala ng mga tao sa Diyos ay walang mga prinsipyo,walang katotohanan sa kanilang mga pagkilos, nakikinig sila sa sinumang nagsasalitanang may katinuan, at kahit na ang kanilang mga idolo ay maling landas ang tinatahak, sila’y sumusunod sa kanila hanggang sa pinakadulo. Kung kinokondena ng Diyos ang kanilang mga diyus-diyusan, samakatuwid sila’y magkakaroon ng mga pagkaintindi sa Diyos, at mahigpit na kakapit sa kanilang mga diyus-diyusan. Ang kanilang mga katuwiran ay na “dapat tayong makinig sa sinumang namumuno sa atin; ang mas malapit na kapangyarihan ay mas mainam kaysa sa mas mataas na kapangyarihan.” Ito ay kahabag-habag na pangangatuwiran, dalisayat simple, ngunit ganoon ang kalokohan ng mga yaong sumusunod sa mga tao. Yaong mga sumusunod sa mga tao ay walang katotohanan. Tanging yaong mga sumusunod sa Diyos ang tunay na naniniwala sa Diyos; yaong mga sumusunod sa mga tao ay sumasamba sa mga diyus-diyusan, sila’y nadaya ng mga tao, at sa mga puso nila ay walang alinmang Diyos ni ang katotohanan.
mula sa “Ang Pagkakaiba sa Pag-itan ng Pagsunod sa Diyos at Pagsunod sa Mga Tao” sa Ang Pagsasama Galing sa Itaas
Maraming tao ang naniniwala sa Diyos ngunit hindi alam kung ano ang kahulugan ng pagtalima sa Diyos, at nag-iisip na ang pakikinig sa kanilang mga pinuno sa lahat ng bagay ay pareho sa pagtalima sa Diyos. Ang ganoong mga pananaw ay ganap na kakatwa, sapagkat ang pinagmumulan ng kanilang pagtalima ay mali. Isinasaalang-alang nila na ang pakikinig sa kanilang mga pinuno ay ang pagtalima sa Diyos. Ang maniwala sa Diyos ayon sa ganitong mga pagtanaw ay ang maniwala sa Diyos sa pangalan lamang; sa katunayan ang mga taong ito’y naniniwala sa mga tao. …
Kapag tayo’y naniniwala sa Diyos, ang Diyos ay dapat magkaroon ng pangunahing posisyon sa ating mga puso, dapat tayong sumuko sa kontrol ng Diyos sa lahat ng bagay, dapat nating hanapin ang pakahulugan ng Diyos sa lahat-lahat, ang ating mga pagkilos ay dapat ayon sa mga salita ng Diyos, at ayon sa gabay ng Banal na Espiritu, at dapattayong tumalima sa lahat ng nagmumula sa Diyos. Kapagnakikinig ka sa mga tao, samakatuwid ito’y nagpapatunay na ang Diyos ay walang lugar sa iyong puso, na tanging ang mga tao ang may lugar sa iyong puso. Walang mas mahalaga para sa mga tao kaysa sa pagtugis ng katotohanan at maunawaan ang kalooban ng Diyos. Kapag hindi ka nakapokus sa paghahanap sa mga intensyon ng Diyos at pag-unawa sa kalooban ng Diyos, samakatuwid ang sa iyo’y hindi tunay na pagtalima. Gaano man kainam na sila’y tama, kapag palagi kang nakikinig sa mga tao, samakatuwid sa tinatangkilik ikaw ay tumatalima sa mga tao—na kung saan ay hindianupamankatulad ng pagtalima sa Diyos. Sa katunayan, kapag yaong mga naniniwala sa Diyos ay nakakaunawa sa pakahulugan ng Diyos direkta mula sa Kanyang mga salita, kapag natatagpuan nila ang sariling nilang landas na isagawa ang Kanyang mga salita, at sila’y nakikipagniig sa katotohanan, at nauunawaan ang katotohanan, sa Kanyang salita, na kung saan pagkatapos ay kanila itong isinasagawa, at kapag sa pinakamahalagang sandali, sila’y mas nagdarasal pa, at hinahanap ang gabay ng Banal na Espiritu, at sumusunod sa mga intensyon ng Banal na Espiritu, ito ang tunay na pagtalima sa Diyos. Yaong mga tumatalima sa Diyos ay naghahanap ng landas sa mga salita ng Diyos, ang kanilang mga problema ay nalulutas sa mga salita ng Diyos, at sila’y kumikilos sa gitna ng paggabay ng Banal na Espiritu; ito ang tunay na pagtalima sa Diyos. Yaong mga nakikinig sa kanilang mga pinuno sa lahat ng bagay ay tiyak na napalayo sa Diyos sa kanilang mga puso. Bukod pa dito, sila ay walang kapayapaan sa harap ng Diyos, hindi sila yaong nabubuhay sa harap ng Diyos at naghahanap ng katotohanan, wala silang kaugnayan sa Diyos, at ang prinsipyo sa likod ng kanilang mga pagkilos ay ang pakinggan ang sinumang nagsasabi ng tamang mga bagay—hangga’t ito ay isang pinuno, sila ay susunod. Ang ganoong pagsasagawa ay katawa-tawa. Wala sa kanila ang katotohanan ni ang kakayahang makita ang pagkakaiba, at maaari lamang magpatunay kung ano ang tama o mali ayon sa kanilang mga pagkakaintindi o mga utak, kung kaya paano nila maaaring malaman kung ito ay umaalinsunod sa katotohanan? Kapag sila ay naniniwala sa Diyos ayon sa ganoong mga pananaw, samakatuwid sa kanilang buong buhay hindi nila mauunawaan ang katotohanan o makikilala ang Diyos. Ang ganoong mga anyo ng paniniwala ay maaaring masabi na naniniwala sa kanilang sariling utak at lumalakad sa kanilang sariling landas, at hindi sila nagkakaroon ng ugnayan sa praktikal na Diyos.
mula sa “Ang Pakikinig sa Iyong mga Pinuno sa Lahat-lahat ay Hindi Katumbas ng Pagsunod sa Diyos” sa Ang Pagsasama Galing sa Itaas
Ano ang tinutukoy ng “naniniwala lamang sa Diyos”? Ito’y nangangahulugang naniniwala lamang sa Diyos na makapangyarihan sa lahat, na ang Diyos ay ang lahat-lahat, na maliligtas ng Diyos ang tao, na ang Diyos ay makapangyarihan sa lahatat marunong sa lahat ng bagay, na sa Diyos walang hindi maaaring maisakatuparan. Ito’y nangangahulugang naniniwala lamang sa Diyos, at hindi nagdududa o di-nagtitiwala na ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat at marunong sa lahat ng bagay, o na Siya ay maaaring magsakatuparan ng lahat ng bagay. Ang ganoong mga tao ay nakapagdarasal sa harap ng Diyos anuman ang mangyari sa kanila, at nakaka-depende sa Diyos hindi alintana anumang mga ligalig ang sumapit sa kanila. Si Kristo ay hawak ang ipinagkapuring lugar sa kanilang mga puso, hindi sila tumitingala o sumasamba sa mga tao, naniniwala lamang sila sa Diyos, sumusunod lamang sila sa praktikal na Diyos, naka-depende sila at walang ibang tinitingala kundi ang Diyos, hindi sila nagbibigay ng bulag na tiwala sa sinumang tao, at ang Diyos lamang , at walang iba, ang may lugar sa kanilang mga puso. Kapag nakarating sila sa puntong iyon, samakatuwid sila’y nag-aangkin ng realidad nang sumusunod at umaasa sa Diyos sa kanilang pananampalataya. Ang paniniwala ng ilang tao sa Diyos ay masyadong kakaunti: Hindinila kailanman ipinapalagay ang Diyos bilang makapangyarihan sa lahat, at sa gayon kapag may nangyari sa kanila, madali para sa kanila ang mawalan ng kanilang pananampalataya. At saka, madali din para sa kanila ang sumamba at tumingala sa mga tao, at ito ay para bang ginagamit upang punan ang mga bahagi ng Diyos na hindi sapat para sa kanila. Dahilan sa palagi silang tumitingala at sumasamba sa mga tao, wala silang kaalam-alam na ang lugar ng Diyos sa kanilang mga puso ay nagiging higit na mas maliit, at ang lugar ng mga taong kanilang sinasamba ay nagiging higitna mas malaki. Sa bandang huli, sila’y hindi sinasadyang nagiging yaong mga naniniwala sa Diyos sa pangalan lamang, yaong sa realidad ay naniniwala sa mga tao, sumusunod sa mga tao, sumasamba sa mga tao, at tumitingala sa mga tao. Tulad ng yaong sa relihiyon, ang paniniwala nila sa Diyos ay naturingan lang; sa realidad, lahat ng pinaniniwalaan nila at sinusundan ay mga pastor, at mga pastor lamang ang kanilang Panginoon at Diyos. Mula sa landas ng paniniwala sa Diyos, sila’y dumadausdus sa pagsunod at pagtalima sa mga tao—hindi ba ito ubod ng sama? Ang ganoong mga tao ba ay nag-aangkin ng tunayna pananampalataya sa Diyos? Sila’y hindi. Sa gayon, sa lahat ng bagay hindi sila umaasa sa Diyos, ngunit tumitingala at sumasamba sa mga tao. Palagi silang naghahanap ng pahiwatig mula sa iba, naghihintay sila ng kanilang hudyat mula sa iba sa paghahanap ng landas, palagi silang nakikinig sa kung ano ang sinasabi ng mga tao at tumitingin sa kung ano ang kanilang ginagawa, at ang bawat salita nila at pagkilos ay hindi maihihiwalay sa mga tao. Hindi napapagtanto ito, sila ay nagiging yaong mga naniniwala at sumusunod sa mga tao. Totoo na sabihin na lahat ng mga labis na mapitagan at masambahin sa mga tao ay talagang naniniwala at sumusunod sa mga tao.
mula sa “Ang Sampung Realidad ng mga Salita ng Diyos na Dapat Mapasok Upang Maligtas at Maging Perpekto” sa Klasikong mga Seleksyon Mula sa mga Sermon at Pagbabahagi tungkol sa Pagpasok sa Buhay
Sinumang sinasamba ng mga tao sa kanilang mga puso ay kanilang diyus-diyusan; sinumang sumasamba sa kanilang mga pinuno ay isang tao na sumasamba sa mga diyus-diyusan. Ang isa na sinasamba ng mga tao ay isa na may lugar sa kanilang mga puso, at isa na siyang hindi maiiwasangmagmamay-ari sa kanila at gagawin silang kanilang mga alipin. Sa panahon ng gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo, natutuklasan natin na ang mga tao mula sa iba’t-ibang sekta at denominasyon ay lahat sumasamba sa mga diyus-diyusan, lahatay kontrolado ng kanilang mga pinuno, na ni hindi nila lakas-loob na tanggapin ang katotohanan. Sila ay tulad ng nakakaawang mga alipin. Ang mga taong sumasamba sa kanilang mga pinuno ay yaong mga sumasamba sa mga diyus-diyusan, ang kanilang mga puso ay hindi mapapag-alinlanganang walang katotohanan, at hindi nila kilalaman lang ang Diyos; sa gayon, ang Diyos ay walang lugar sa kanilang mga puso, at sila’y kinasuklaman at sinumpa ng Diyos. Ang Diyos ay isang makatarungang Diyos, Siya ay isang selosong Diyos, at kinamumuhian Niya nang walang hihigit pa kapag ang mga tao’y sumasamba sa mga diyus-diyusan. Walang mas hihigit sa kalapastanganan sa Diyos kaysa sa pagturing sa mga pinuno bilang kapantay ng Diyos. Sa katunayan, sa mga puso ng yaong mga bumalik sa harap ng Diyos, doon dapat lamang ang Diyos. Walang ibang dapat na magkaroon ng lugar sa kanilang puso. Para sa ganoong mga bagay na matampok sa kanilang mga kaisipan at mga ideya ay marumi at tiwali, at kinasusuklaman at kinamumuhian ng Diyos. Sa bagay na ito, karamihan sa mga tao ay di-malinis, at sa mas mataas o mas mababang lawak, yaong kanilang sinasamba ay may lugar sa kanilang mga puso. Pagdating sa disposisyon ng Diyos, hindi katanggap-tanggap na ang mga tao ay may bahagyang lugar para sa tao sa kanilang mga puso, at kapag hindi nila maaaring makamit ang isang kadalisayan mula simula hanggang katapusan, samakatuwid sila ay makokondena.
May tiyak na mga palatandaan sa lahat ng mga sumasamba sa kanilang mga pinuno sa kanilang mga puso. Sila ay nakikilala bilang sumusunod: Kapag ang iyong pagtalima sa iyong pinuno ay mas higit kaysa sa iyong pagtalima sa Diyos, samakatuwid ikaw ay sumasamba sa mga diyus-diyusan; kapag minimithi at hinahangad mo ang mga taong sinasamba mo nang higit kaysa sa pagmithi at paghangad mo sa Diyos, samakatuwid sumasamba ka sa mga diyus-diyusan; kapag ikaw ay mas taimtim sa iyong pinuno kaysa sa Diyos, samakatuwid sumasamba ka sa mga diyus-diyusan; kapag, sa puso mo, malapit ka sa mga sinasamba mo at malayo sa Diyos, samakatuwid sumasamba ka sa diyus-diyusan; kapag, sa inyong puso, yaong sinasamba mo aynakahanay kapantay ng Diyos, samakatuwid ito ay mas higit pang katibayan na tinatrato mo ang mga taong sinasamba mo tulad ng Diyos; at kapag, anuman ang mangyari sa iyo, nahahanda kang makinig sa iyong pinuno, at hindi ka nahahandang lumapit sa harap ng Diyos upang hanapin ang katotohanan, samakatuwid ito ay sapat na upang patunayan na hindi ka naniniwala sa Diyos, kundi sa mga tao. May ilang mga tao,marahil, ang ipagtatanggol ang kanilang mga sarili, at sasabihin: “Talagang hinahangaan ko si ganoon-at-ganito, sila’y talagang may lugar sa aking puso. Hindi napagtatanto ito, napalayo ako nang kaunti sa Diyos sa aking pakikipag-ugnayan sa Kanya.” Ang mga katagang ito ang nagpapakita ng katotohanan ng bagay; sa sandaling ang isang tao ay may lugar sa puso ng tao, ang taong iyon ay nagiging malayo sa Diyos. Ito ay mapanganib, datapwat may ilang mga tao na dinadala ito nang basta-basta, wala silang kaunting malasakit, na kung saan ipinapakita na hindi nila alam ang disposisyon ng Diyos. ... ang pagsamba ng mga tao ay napaka-mangmang at bulag, ito ay tiwali at masama. Ang pagsamba sa mga tao ay pagsamba kay Satanas at mga demonyo, ito ay pagsamba sa mga antikristo, at yaong sumasamba sa mga tao ay wala ni katiting ng katotohanan. Ang mga taong ganito ay tiyak na nawalan pati na ng bahagyang kaalaman sa Diyos; sila ay mga masasamang tao na sinumpa ng Diyos. Ano ang masasabi mo, ang mga katotohanan ay hindi ba gayon?
mula sa “Yaong mga Sumasamba sa Kanilang Mga Pinuno sa Kanilang Mga Puso ay Sumasamba sa Diyus-diyosan” sa Pagsasama Galing sa Itaas
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento