Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Hindi inuulit ng Diyos ang Kanyang gawain, hindi Siya gumagawa ng gawaing hindi-makatotohanan, hindi Siya nag-aatas ng labis-labis sa tao, at hindi Siya gumagawa ng higit sa katinuan ng tao. Ang lahat ng Kanyang ginagawa ay napapaloob lamang sa hangganan ng normal na katinuan ng tao, at hindi lumalampas sa katinuan ng normal na pagkatao, at ang Kanyang gawain ay naaayon sa mga karaniwang iniatas sa tao. Kung ito ang gawain ng Banal na Espiritu, ang tao ay nagiging lalong higit na normal, at ang kanyang pagkatao ay nagiging lalong higit na normal. Ang tao ay may dumaraming kaalaman sa kanyang satanikong tiwaling disposisyon, at ng kakanyahan ng tao, at mayroon siyang higit na pananabik sa katotohanan.
Na ang ibig sabihin, ang buhay ng tao ay lumalago nang lumalago, at ang tiwaling disposisyon ng tao ay nakakayanan ang parami nang paraming mga pagbabago—kung saan ang lahat ng ito ay ang kahulugan ng ang Diyos ay nagiging ang buhay ng tao. Kung ang isang daan ay walang kakayahang ibunyag ang gayong mga bagay na siyang kakanyahan ng tao, walang kakayahang baguhin ang disposisyon ng tao, at higit pa rito, walang kakayahang dalhin siya sa harap ng Diyos o bigyan siya ng tunay na pagkaunawa sa Diyos, at nagsasanhi pa sa kanyang pagkatao na maging lalo pang mas mababa at ang kanyang katinuan ay mas nagiging hindi normal, kung gayon ang daang ito ay hindi ang tunay na daan, at maaaring ito ay gawain ng masamang espiritu, o ang lumang daan. Sa madaling sabi, hindi ito ang maaaring gawain ng Banal na Espiritu sa kasalukuyan.
Na ang ibig sabihin, ang buhay ng tao ay lumalago nang lumalago, at ang tiwaling disposisyon ng tao ay nakakayanan ang parami nang paraming mga pagbabago—kung saan ang lahat ng ito ay ang kahulugan ng ang Diyos ay nagiging ang buhay ng tao. Kung ang isang daan ay walang kakayahang ibunyag ang gayong mga bagay na siyang kakanyahan ng tao, walang kakayahang baguhin ang disposisyon ng tao, at higit pa rito, walang kakayahang dalhin siya sa harap ng Diyos o bigyan siya ng tunay na pagkaunawa sa Diyos, at nagsasanhi pa sa kanyang pagkatao na maging lalo pang mas mababa at ang kanyang katinuan ay mas nagiging hindi normal, kung gayon ang daang ito ay hindi ang tunay na daan, at maaaring ito ay gawain ng masamang espiritu, o ang lumang daan. Sa madaling sabi, hindi ito ang maaaring gawain ng Banal na Espiritu sa kasalukuyan.
—mula sa “Yaon Lamang mga Nakakakilala sa Diyos at Nakakaalam sa Kanyang Gawain ang Makakapagbigay-kasiyahan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Dapat mong maunawaan kung anong mga bagay-bagay ang nagmumula sa Diyos at anong mga bagay-bagay ang nagmumula kay Satanas. Ang mga bagay-bagay na nagmumula sa Diyos ay nagsasanhi sa iyo na maging napakalinaw pa tungkol sa mga pangitain, at sinasanhi ng mga ito na ikaw ay maging palapit nang palapit sa Diyos, seryosong nagbabahagi ng pag-ibig sa mga kapatid na lalaki at babae; kaya mong magpakita ng konsiderasyon tungo sa pasanin ng Diyos, at ang iyong pusong nagmamahal-sa-Diyos ay hindi nagsasawa; mayroong daan sa harap para iyong lakaran. Ang mga bagay na nagbubuhat kay Satanas ay nagsasanhi sa iyo upang mawalan ng mga pangitain at lahat ng mayroon ka nang una ay wala na; napapawalay ka sa Diyos, wala kang pag-ibig para sa mga kapatid na lalaki at babae at mayroon kang pusong puno-ng-pagkamuhi. Ikaw ay nagiging desperado, hindi mo na nais ipamuhay ang buhay-iglesia, at ang iyong pusong nagmamahal-sa-Diyos ay naglaho na. Ito ay gawa ni Satanas at siya ring bunga na dala ng gawa ng masasamang espiritu.
—mula sa “Kabanata 22” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang gawain ng Banal na Espiritu ay isang anyo ng maagap na paggabay at positibong kaliwanagan. Hindi nito pinahihintulutan ang mga tao na maging walang kibo. Sila ay dinadalhan nito ng kaaliwan, binibigyan sila ng pananampalataya at katatagan at nagagawa nito na maghangad silang maging gagawing perpekto ng Diyos. Kapag gumagawa ang Banal na Espiritu, nagagawa ng mga tao na aktibong pumasok; hindi sila walang kibo o pinipilit, ngunit mga maaagap. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa, ang mga tao ay nagagalak at handa, at sila ay nakahandang sumunod, at masayang magpakumbaba ng kanilang mga sarili, at bagama’t sila ay nasasaktan at marupok sa loob, mayroon silang katatagan na makipagtulungan, nagtitiis silang may kagalakan, nagagawa nilang sumunod, at sila ay walang bahid ng kalooban ng tao, walang bahid ng pag-iisip ng tao, at tiyak na walang bahid ng mga pagnanasa at mga pagbubuyo ng tao. Kapag nararanasan ng mga tao ang gawain ng Banal na Espiritu, sila ay lalo pang banal sa loob. Isinasabuhay niyaong mga nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu ang pag-ibig sa Diyos, ang pag-ibig sa kanilang mga kapatid, at nagagalak sa mga bagay na ikinagagalak ng Diyos, at kinasusuklaman ang mga bagay na kinasusuklaman ng Diyos. Ang mga tao na inaantig ng gawain ng Banal na Espiritu ay mayroong normal na pagkatao, at sila ay nagtataglay ng pagkatao at palaging hinahangad ang katotohanan. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa loob ng mga tao, ang kanilang mga kalagayan ay painam nang painam, at ang kanilang pagkatao ay lalong mas nagiging normal, at bagama’t ang ilan sa kanilang pakikipagtulungan ay maaari mang maging hangal, ang kanilang mga pagganyak ay tama, ang kanilang pagpasok ay positibo, hindi nila tinatangkang makagambala, at walang masamang pag-iisip sa loob nila. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay normal at totoo, ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa tao alinsunod sa mga patakaran ng normal na buhay ng tao, at nililiwanagan Niya at ginagabayan ang tao alinsunod sa totoong paghahangad ng normal na mga tao. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa mga tao, ginagabayan at nililiwanagan Niya sila alinsunod sa mga pangangailangan ng normal na mga tao, naglalaan Siya para sa kanila batay sa kanilang mga pangangailangan, at positibo Niyang ginagabayan at nililiwanagan sila batay sa kung ano ang wala sa kanila, at sa kanilang mga kakulangan; kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa, ang gawaing ito ay naaayon sa mga patakaran ng normal na buhay ng tao, at sa totoong buhay lamang nagagawang makita ng mga tao ang gawain ng Banal na Espiritu. Kung, sa kanilang pang-araw-araw na mga buhay, ang mga tao sa isang positibong kalagayan at mayroong isang normal na espirituwal na buhay, kung gayon tinataglay nila ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa gayong kalagayan, kapag kinakain nila at iniinom ang mga salita ng Diyos mayroon silang pananampalataya, kapag sila ay nananalangin sila ay inspirado, kapag mayroong isang bagay na nangyayari sa kanila sila ay hindi nagsasawalang-kibo, at habang nangyayari ito sa kanila nagagawa nilang makita ang mga aral na hinihiling sa kanila ng Diyos na matutuhan, at sila ay hindi walang-kibo o mahina, at bagama’t mayroon silang totoong mga kahirapan, nakahanda silang sundin ang lahat ng pagsasaayos ng Diyos.
Anong mga epekto ang natatamo ng gawain ng Banal na Espiritu? Maaari kang maging hangal, at walang magiging pagkakaiba sa loob mo, ngunit kailangan lamang gumawa ang Banal na Espiritu para magkaroon ng pananampalataya sa iyo, para palagi mong madama na hindi mo maaaring ibigin nang sapat ang Diyos, para maging handa kang makipagtulungan, upang maging handang makipagtulungan gaano man katindi ang mga kahirapan na darating. Ang mga bagay ay mangyayari sa iyo at hindi magiging malinaw sa iyo kung ang mga ito ay galing sa Diyos o mula kay Satanas, ngunit magagawa mong maghintay, at hindi ka magiging walang kibo o walang-ingat. Ito ang normal na gawain ng Banal na Espiritu. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa loob nila, nakasasagupa pa rin ang mga tao ng totoong mga kahirapan, may mga pagkakataon na lumuluha sila, at may mga pagkakataon na mayroong mga bagay na hindi nila mapagtatagumpayan, ngunit lahat ng ito ay isang yugto ng karaniwang gawain ng Banal na Espiritu. Bagama’t hindi nila napagtatagumpayan ang mga bagay na ito, at bagama’t, sa panahong iyon, sila ay mahihina at nagsisipagreklamo, nagagawa pa rin nila pagkatapos ang ibigin ang Diyos nang may lubos na pananampalataya. Hindi sila maaaring pigilan ng kanilang pagiging walang-kibo sa pagkakaroon ng normal na mga karanasan, at hindi alintana kung ano man ang sasabihin ng ibang tao, at kung paano nila sila inaatake, nagagawa pa rin nilang ibigin ang Diyos. Sa panahon ng panalangin, palagi nilang nadadama na dati silang may masyadong pagkakautang sa Diyos, at sila ay nagpapasya na mapalugod ang Diyos at tinatalikuran ang laman kapag sila ay muling nakasasagupa ng gayong mga bagay. Ipinakikita ng lakas na ito na naroroon ang gawain ng Banal na Espiritu sa loob nila, at ito ang normal na kalagayan ng gawain ng Banal na Espiritu.
Anong gawain ang nagmumula kay Satanas? Sa gawain na nagmumula kay Satanas, ang mga pangitain sa mga tao ay malabo at mahirap unawain, at sila ay walang normal na pagkatao, ang mga pagganyak sa likod ng kanilang mga pagkilos ay mali, at bagama’t nais nilang ibigin ang Diyos, palaging mayroong mga bintang sa gitna nila, at ang mga bintang at mga saloobing ito ay palaging nanghihimasok sa loob nila, pinipigilan ang paglago ng kanilang buhay, at pinahihinto sila mula sa pagkakaroon ng normal na mga kalagayan sa harap ng Diyos. Na ang ibig sabihin, sa sandaling mayroong gawain ni Satanas sa gitna ng mga tao, ang kanilang mga puso ay hindi maaaring maging panatag sa harap ng Diyos, hindi nila alam kung ano ang gagawin nila sa kanilang mga sarili, ang tanawin ng isang pagtitipon ay nagtutulak sa kanila na magnais na lumayo, at hindi nila nagagawang ipikit ang kanilang mga mata kapag nananalangin ang iba. Sinisira ng gawain ng masasamang espiritu ang ugnayan sa pagitan ng tao at ng Diyos, at binabalisa ang dating mga pangitain ng mga tao o ang kanilang dating landas ng pagpasok sa buhay, sa kanilang mga puso hindi sila kailanman maaaring maging malapit sa Diyos, palaging nangyayari ang mga bagay na nagdudulot ng pagkagambala sa kanila at iginagapos sila, at ang kanilang mga puso ay hindi makasusumpong ng kapayapaan, walang iniiwang lakas sa kanilang pag-ibig sa Diyos, at pinalulubog pababa ang kanilang mga espiritu. Ganoon ang mga pagpapakita ng gawain ni Satanas. Ang gawain ni Satanas ay ipinapakita sa mga sumusunod: hindi nagagawang makapanindigan at tumayong saksi, nagiging sanhi upang ikaw ay maging isang tao na makasalanan sa harap ng Diyos, at yaong walang katapatan tungo sa Diyos. Sa panghihimasok mula kay Satanas, nawawala mo ang pag-ibig at katapatan tungo sa Diyos sa loob mo, ikaw ay tinatanggalan ng isang normal na kaugnayan sa Diyos, hindi mo hinahangad ang katotohanan, o ang pagsulong ng sarili mo, ikaw ay umuurong, at nagiging walang kibo, pinalalayaw mo ang sarili mo, nagbibigay ka ng kalayaan sa paglaganap ng kasalanan, at hindi namumuhi sa kasalanan; tangi sa roon, ginagawa kang napakasama ng panghihimasok ni Satanas, nagiging sanhi ito upang ang pag-antig ng Diyos ay maglaho sa loob mo, at itinutulak kang magreklamo tungkol sa Diyos at kalabanin Siya, nag-aakay sa iyo upang mag-alinlangan sa Diyos, at mayroon pang panganib na iwanan mo ang Diyos. Ang lahat ng ito ay gawain ni Satanas.
—mula sa “Ang Gawain ng Banal na Espiritu at ang Gawain ni Satanas” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang Diyos ay gumagawa sa isang banayad, mapagmahal, maselan at maalagang paraan, isang paraan na talagang kalkulado at wasto. Ang Kanyang paraan ay hindi nagdudulot sa iyo ng matinding mga emosyon tulad ng, “Dapat na pumayag ang Diyos na gawin ko ito” o “Dapat na pumayag ang Diyos na gawin ko iyon.” Ang Diyos ay hindi kailanman magbibigay sa iyo ng ganoong uri ng matinding pag-iisip o matinding mga damdamin na ginagawang hindi makayanan ang mga bagay. Hindi ba tama iyon? Tinatanggap mo man ang mga salita ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, ano ang iyong nararamdaman pagkatapos? Kapag nararamdaman mo ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, ano ang nararamdaman mo pagkatapos? Nararamdaman mo ba na ang Diyos ay makaDiyos at hindi maaaring labagin (Oo.) Nararamdaman mo ba na malayo ang Diyos sa ganitong mga pagkakataon? Nakakaramdam ka ba ng takot sa Diyos? Hindi, sa halip nararamdaman mo ang takot na paggalang sa Diyos. Hindi ba nararamdaman ng mga tao ang lahat ng ito dahil sa gawain ng Diyos? …
… Ang Diyos ay gumagawa sa tao at pinapahalagahan ang tao kapwa sa saloobin ng Diyos at sa Kanyang puso. Sa kabaligtaran, pinapahalagahan ba ni Satanas ang tao? Hindi nito pinapahalagahan ang tao. Ang lahat ng iniisip nito ay tungkol lamang sa pamiminsala sa tao. Hindi ba tama iyon? Kapag pinag-iisipan nito ang pamiminsala sa tao, ginagawa ba nito nang madalian? (Oo.) Kaya pagdating sa gawa ni Satanas sa tao, may dalawa Akong parirala rito na sapat na makapaglalarawan sa malisyoso at masamang kalikasan ni Satanas, na tunay na matutulutan kayong makilala ang pagiging kasuklam-suklam ni Satanas: Sa paglapit ni Satanas sa tao, palagi nitong nais na sapilitang sakupin at taglayin siya, ang bawat isa, upang maaaring makarating ito sa punto kung saan ganap itong may kontrol sa tao, pinipinsala ang tao, upang maaaring makamit nito ang layunin at ang marahas na ambisyong ito. Ano ang ibig sabihin ng “sapilitang sakupin”? Nangyayari ba ito nang may pahintulot mo, o nang wala kang pahintulot? Nangyayari ba ito nang nalalaman mo, o nang hindi mo nalalaman? Ganap ka ngang walang nalalaman! Sa mga sitwasyon na wala kang kamalayan, marahil kapag wala itong nasabing anuman o marahil kapag ito ay walang nagawang anuman, kapag walang batayan, walang konteksto, naroroon ito sa paligid mo, pinapalibutan ka. Naghahanap ito ng isang pagkakataon na makapagsamantala, pagkatapos ay sasakupin ka nito nang sapilitan, tataglayin ka, makakamit ang layunin nito na ganap kang kontrolin at pinsalain ka. Ito ay isang lubos na tipikal na intensyon at pag-uugali sa pakikipaglaban ni Satanas sa Diyos para sa sangkatauhan.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sinasabi ng ilang tao na ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa kanila sa lahat ng pagkakataon. Ito ay imposible. Kung sasabihin nila na ang Banal na Espiritu ay palagi nilang kasama, iyon ay makatotohanan. Kung sasabihin nila na ang kanilang pag-iisip at diwa ay normal sa lahat ng pagkakataon, iyon ay makatotohanan din, at ipakikita na ang Banal na Espiritu ay kasama nila. Kung sinasabi nila na ang Banal na Espiritu ay palaging gumagawa sa loob nila, na sila ay nililiwanagan ng Diyos at inaantig ng Banal na Espiritu sa bawat sandali, at nagkakamit ng bagong kaalaman sa lahat ng pagkakataon, kung gayon ito ay hindi normal. Ito ay lubos na higit sa karaniwan! Nang wala ni kakatiting na pag-aalinlangan, ang gayong mga tao ay masasamang espiritu! Kahit kapag ang Espiritu ng Diyos ay dumarating sa katawang-tao, may mga pagkakataon na kailangan Niyang kumain at kailangang magpahinga—nang walang sinasabi tungkol sa tao. Yaong mga inalihan ng masasamang espiritu ay parang walang damdamin at kahinaan ng laman. Nagagawa nilang pabayaan at isuko ang lahat ng bagay, sila ay may kakayahang matiis ang pagdurusa at hindi nakadadama ni kakatiting na pagod, na parang napangibabawan nila ang laman. Hindi ba ito lubos na hindi karaniwan? Ang gawain ng masamang espiritu ay hindi karaniwan, at ang mga bagay na ito ay hindi maaaring makamit ng tao. Yaong mga walang pagkilala ay naiinggit kapag nakikita nila ang gayong mga tao, at sinasabi na mayroon silang ganoong lakas sa kanilang paniniwala sa Diyos at mayroon silang dakilang pananampalataya, na hindi sila kailanman mahina. Sa katunayan, ito ang pagpapamalas ng gawa ng masamang espiritu. Iyon ay dahil sa ang mga normal na tao ay walang pagsalang nagtataglay ng mga kahinaan ng tao; ito ang normal na kalagayan ng mga yaong mayroong presensiya ng Banal na Espiritu.
—mula sa “Pagsasagawa (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sanggunian na mga Sipi ng Sermon at Pagbabahagi:
Ang pangunahing gawain ng Banal na Espiritu ay pagliliwanag at pagpapalinaw, ipinauunawa sa isang tao ang mga salita ng Diyos, at pumasok sa mga salita ng Diyos; iyon ay, ito’y para gabayan ang mga tao sa kaunawaan ng katotohanan at pagpasok sa katotohanan, nagliliwanag at nagpapalinaw sa mga tao sa kalagitnaan ng lahat ng uri ng mga pagsubok, hinahayaan silang maunawaan ang kalooban ng Diyos. Siyempre, sa pamamagitan ng iba’t-ibang mga tao, bagay at layon ang Banal na Espiritu rin ay naglalantad ng mga tao, pinupungos sila, dinidisiplina sila, at pinaparusahan sila, na ang lahat ay may layunin ng pagdadala sa kanila sa kaligtasan. Nangingibabaw sa lahat ang Banal na Espiritu, inaayos ang lahat ng uri ng sitwasyon para mabago ang mga tao, ginagawang silang perpekto. Sa gawain ng pagliligtas ng Diyos, kahit na ang gawain ng Banal na Espiritu ay iba-iba, walang eksepsiyon itong patungkol paanuman sa kaligtasan. Kahit na nakatago ang gawain ng Banal na Espiritu, at mukhang hindi naman talaga hindi makalupa sa panlabas, iyong mga may karanasan ay nauunawaan nang malinaw sa kanilang mga puso. Sa kabaligtaran, ang gawain ng masasamang espiritu ay pantastikong hindi sa daigdig, ito’y nakikita, maaaring madama, at talagang hindi normal. Mula sa mga gawain ng masasamang espiritu, makikita na ang masasamang espiritu ay partikular na gustong ibunyag ang kanilang mga sarili, sila’y hindi kapani-paniwalang masama, nang walang katiting na bahid ng katotohanan. Kahit gaano pa karaming taon kumilos ang masasamang espiritu sa isang tao, ang kanilang masamang disposisyon ay hindi nagbabago kahit kaunti. Sa halip sila’y lalo pang hindi nagiging normal, nawawala pa ang normal na katuwiran ng tao. Ito ang resulta ng gawain ng masasamang espiritu. Ganito kung paano si Satanas at masasamang espiritu ng lahat ng uri ay pinasasama ang mga tao, binibitag ang mga tao, at nililinlang ang mga tao. Sa huli, nagiging mga multo ang mga tao, at iyong mga tao na nalinlang ng masasamang espiritu ay ibinigay kay Satanas at nilamon. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay tungkol sa pagliligtas ng sangkatauhan, at mas maraming gawain ng Banal na Espiritu mayroon ang isang tao, mas lalo nilang nauunawaan ang katotohanan; mas lalong nagiging normal ang kanilang pagkatao, at lalo silang nagiging tao. Sa huli makakamtan nila ang pagliligtas ng Diyos, nagiging tao na lubos na taglay ang katotohanan at lubos na pagkatao. Ang pangunahing mga kaibahan sa pagitan ng gawain ng Banal na Espiritu at ng masasamang espiritu ay: Kaya lang ng masasamang espiritu na pasamain ang mga tao, bumitag ng mga tao, at sa huli ay gawin silang mga multo; ang gawain ng Banal na Espiritu ay nililinis ang masama sa kaligtasan, binibigyan sila ng katotohanan at lubos na pagkatao. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay maaaring gawing tunay na banal ang mga tao mula sa yong napasama ni Satanas at ibinilang sa gitna ng mga demonyo, at maaaring masabi ng isang tao, kinukuha yong mga napasamang naging mga demonyo ni Satanas at pinanunumbalik sila sa pagiging mga tao. Ito ang kaibahan sa pagitan ng gawain ng Banal na Espiritu at ng sa masasamang espiritu.
—mula sa “Mga Resultang Makakamtan sa Pamamagitan ng Pagkakaroon ng Tunay na Pag-unawa sa Katotohanan” sa Mga Sermon at Pagbabahagi mula sa Itaas (Mga Seleksyon)
Ang mga malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng iba’t ibang gawain ng masasamang espiritu at ang gawain ng Banal na Espiritu ay partikular na ipinahahayag sa mga sumusunod na aspeto: Pinipili ng Banal na Espiritu ang mga tapat na tao na naghahanap sa katotohanan, na nagtataglay ng konsensiya at katuturan. Ito ang mga uri ng mga tao kung saan Siya gumagawa. Pinipili ng masasamang espiritu ang mga tao na tuso at kakatwa, na walang pag-ibig para sa katotohanan, at na walang konsensiya o katuturan. Ang gayon ay ang mga tao kung kanino gumagawa ang masasamang espiritu. Kapag inihahambing natin yaong mga pinili para sa gawain ng Banal na Espiritu at yaong mga pinili para sa masasamang espiritu, makikita natin na ang Diyos ay banal, at matuwid, na hinahangad niyaong mga pinili ng Diyos ang katotohanan, at nagtataglay ng konsensiya at katuturan, na sila ay matapat kung ikukumpara, at iniibig yaong makatarungan. Yaong mga pinili ng masasamang espiritu ay tuso, sila ay makasarili at kasuklam-suklam, wala silang pag-ibig para sa katotohanan, sila ay walang konsensiya at katuturan at hindi nila hinahangad ang katotohanan, at hindi sila tunay na sangkatauhan. Pinipili lamang ng masasamang espiritu ang negatibong mga bagay, mula dito nakikita natin na iniibig ng masasamang espiritu ang kasamaan at kadiliman, na nagpapakalayo sila mula sa yaong mga naghahangad ng katotohanan, at mabilis na nasasaniban yaong mga liko at tuso, na umiibig sa di-pagkamakatuwiran, at madaling nagagayuma. Yaong mga kung kanino piniling gumawa ng masasamang espiritu ay hindi maaaring maligtas, at mga inaalis ng Diyos. Kailan, at sa kung anong pinagmulan, gumagawa ang masasamang espiritu? Sila ay gumagawa kapag ang mga tao ay napawalay nang napakalayo mula sa Diyos at naghimagsik laban sa Diyos. Ginagayuma ng gawain ng masasamang espiritu ang mga tao. Kapag ang mga tao ay nagkakasala, kapag sila ay nasa kanilang pinakamahina, lalo na kapag sila ay nasa matinding kapighatian sa kanilang mga puso, kapag sila ay naguguluhan at nalilito, sinasamantala ito ng masasamang espiritu upang sumingit upang sila ay gayumahin at gawing tiwali, upang maghasik ng sigalot sa pagitan nila at ng Diyos. Kapag ang mga tao ay tumatawag sa Diyos, kapag ang kanilang mga puso ay ibinabaling sa Diyos, kapag kailangan nila ang Diyos, kapag nagsisisi sila sa Diyos, o kapag hinahanap nila ang katotohanan, kung gayon ang Banal na Espiritu ay nagsisimulang gumawa sa kanila. Ang lahat ng gawain ng Banal na Espiritu ay upang iligtas ang tao, at naghahanap Siya ng mga pagkakataon upang iligtas ang tao, samantalang naghahanap ang masasamang espiritu ng mga pagkakataon upang gawing tiwali at linlangin ang mga tao. Ang Diyos ay pag-ibig, at ang masasamang espiritu ay namumuhi sa mga tao. Ang masasamang espiritu ay kasuklam-suklam at masama, sila ay tuso at saliwa. Ang lahat ng nilalayon ng ginagawa ng masasamang espiritu ay upang lamunin, gawing tiwali, at saktan ang tao, at ang ginagawa lamang ng Banal na Espiritu ay para sa pagmamahal at pagliligtas sa tao. Ang mga epekto ng gawain ng Banal na Espiritu ay upang dalisayin ang mga tao, upang iligtas sila mula sa kanilang katiwalian, upang tulutan silang makilala ang kanilang mga sarili at makilala si Satanas, upang magawang maghimagsik laban kay Satanas, upang magawang hangarin ang katotohanan, at upang sa bandang huli ay maisabuhay ang kawangis ng tao. Ang masasamang espiritu ay ginagawang tiwali, dinudungisan, at iginagapos ang mga tao, isinasadlak nito sila nang husto sa kasalanan, at nagdadala ng ibayong kapighatian sa kanilang mga buhay, at kaya kapag gumawa ang masasamang espiritu sa mga tao, sila ay tapos na; sa bandang huli, sila ay lalamunin ni Satanas, na siyang kalalabasan ng gawain ng masasamang espiritu. Ang epekto ng gawain ng Banal na Espiritu ay upang sa bandang huli ay iligtas ang mga tao, upang magawang maisabuhay nila ang isang totoong buhay, upang maging ganap na malaya at pinalaya, at tanggapin ang mga pagpapala ng Diyos. Dinadala ng masasamang espiritu ang tao sa kadiliman, dinadala siya ng mga ito sa kailaliman; kinukuha ng Banal na Espiritu ang tao mula sa kadiliman, papunta sa liwanag, at patungo sa kalayaan. Nililiwanagan at ginagabayan ng gawain ng Banal na Espiritu ang mga tao, binibigyan Niya sila ng mga pagkakataon, at kapag sila ay mahina at mayroong mga paglabag dinadalhan Niya sila ng kaaliwan. Tinutulutan Niya ang mga tao na makilala nila ang kanilang mga sarili, tinutulutan sila na hangarin ang katotohanan, at hindi Niya pinipilit ang mga tao na gumawa ng mga bagay, nguni’t hinahayaan na sila mismo ang pumili sa kanilang landas, at sa bandang huli ay dinadala sila sa liwanag. Pinipilit ng masasamang espiritu ang mga tao na gumawa ng mga bagay at inuutusan sila tungkol dito. Ang lahat ng kanilang sinasabi ay hindi totoo at ginagayuma ang mga tao, nililinlang sila, at ginagapos sila; hindi nagbibigay ng kalayaan ang masasamang espiritu sa mga tao, hindi nito sila tinutulutan na pumili, pinipilit nito sila sa daan ng pagkawasak, at sa bandang huli ay ilulublob sila nang husto sa kasalanan, aakayin sila patungo sa kamatayan.
—mula sa “Ang Malaman ang Gawain ng Banal na Espiritu ay Napakahalaga” sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay II
Ang pinakalitaw na katangian ng gawain ng masasamang espiritu ay ang pagiging higit nito sa karaniwan, na ang mga salitang binibigkas ng masasamang espiritu o mga bagay na ipinapagagawa nila sa mga tao ay hindi normal, hindi lohikal, at ipinagkakanulo pa ang mga pangunahing kabutihang-asal ng normal na pagkatao at mga ugnayang pantao, at sadyang walang ibang nilalayong gawin ang mga ito kundi linlangin, guluhin, at gawing tiwali ang mga tao. Kapag sumasanib ang masasamang espiritu sa mga tao, ang ilan ay nakakaramdam ng labis na takot, ang ilan ay nagiging hindi normal, habang ang iba pa ay nawawalan ng ulirat, at may iba pa na natatagpuan ang kanilang sarili na labis na nababalisa at hindi kayang kumalma. Anuman ang kalagayan, kapag sinasapian ng masasamang espiritu ang mga tao, sila ay nagbabago, nagiging para bang hindi tao ni demonyo, at nawawala ang kanilang normal na pagkatao. Ito ay sapat na para patunayan na ang diwa ng masasamang espiritu ay masama at pangit, na siyang tiyak na diwa ni Satanas. Ginagawa ng masasamang espiritu na kamuhian at kasuklaman sila ng mga tao, at lubos na walang benepisyo o tulong para sa mga tao. Ang tanging mga bagay na kayang gawin ni Satanas at ng lahat ng uri ng masasamang espiritu ay pagtitiwali, pananakit, at pananakmal ng mga tao.
Ang mga pangunahing pagpapamalas ng may gawain ng masasamang espiritu (ang mga sinapian ng mga demonyo) ay:
Ang unang uri ay ang madalas na pagsasabi ng masasamang espiritu sa mga tao na gawin ito at iyon, o pagsasabi sa isang tao ng isang bagay, o pag-uutos sa mga tao na magsabi ng mga maling propesiya.
Ang ikalawang uri ay ang madalas na pagsasalita ng mga tao ng tinatawag na “wika” sa dasal na walang nakakaunawa, at kahit sila mismong mga nagsasalita ay hindi nauunawaan. Ang ilan pa sa mga nagsasalita ay sila mismo ang “nagbibigay pakahulugan sa mga wika.”
Ang ikatlong uri ay ang malimit na pagtanggap ng isang tao ng mga pahayag, na may labis na kadalasan, sa sandaling ito ay minamanduhan sa ganitong paraan ng masasamang espiritu, sa susunod na sandali ay inuutusan sa ganoong paraan, sa isang tuluy-tuloy na kalagayan ng pagkabalisa.
Ang ikaapat na uri ay ang pagmamadali ng mga tao na may gawain ng masasamang espiritu sa pagnanais na gawin ito o iyon, masyadong mainipin para maghintay, hindi nila isinasaalang-alang kung pahihintulutan ba ng mga kondisyon, lumalabas pa nga sila sa kalaliman ng gabi at ang kanilang pag-uugali ay natatanging hindi normal.
Ang ikalimang uri ay ang pagiging labis na mapagmataas ng mga taong may gawain ng masasamang espiritu, wala silang katuwiran, at lahat ng kanilang sinasabi ay mapagmaliit at nagmumula sa isang mapang-utos na katayuan. Inilalagay nila ang mga tao sa isang kalituhan, at tulad ng mga demonyo, pinipilit nila ang mga tao na gumawa ng mga bagay-bagay.
Ang ikaanim na uri ay ang kawalan ng kakayanan ng mga tao na may gawain ng masasamang espiritu na magbahagi tungkol sa katotohanan, lalo na ang magbigay ng pansin sa gawain ng Diyos, at suwail sila sa Diyos at paiba-iba ng kilos, nagsasagawa ng lahat ng uri ng karahasan para sirain ang normal na kaayusan ng iglesia.
Ang ikapitong uri ay ang walang dahilang pagturing ng isang tao na may gawain ng masasamang espiritu sa kanyang sarili bilang ibang tao, o nagsasabing ipinadala siya ng isang tao at dapat makinig sa kanya ang mga tao. Walang sinuman ang nakakaalam kung saan siya nagmula.
Ang ikawalong uri ay ang kawalan ng mga tao na may gawain ng masasamang espiritu ng normal na katinuan, ni hindi nila nauunawaan ang anumang katotohanan; hindi sila nagtataglay ng anumang kakayahan na makatanggap at hindi rin nililiwanagan ng Banal na Espiritu, at ang nakikita ng mga tao ay sa pagtanggap ng mga bagay-bagay, labis na walang katotohanan ang mga taong ito at walang kahit kaunting tama.
Ang ikasiyam na uri ay ang partikular na pagtutuon ng mga tao na may gawain ng masasamang espiritu sa pagsesermon sa iba habang nagtatrabaho, palagi silang marahas kumilos at palagi silang nagdudulot ng pagkagambala at kaguluhan; lahat ng kanilang ginagawa at sinasabi ay umaatake, gumagapos at nagtitiwali ng ibang tao, at nagagawa din nilang baliin ang paninindigan ng mga tao at idulot sa kanila na maging negatibo para hindi na nila muling maibangon ang kanilang mga sarili. Sila ay mga demonyo, ganoon kasimple, na nananakit ng iba, pinaglalaruan ang iba at sinasakmal ang iba, at palihim silang nagsasaya kapag nasusunod ang kanilang gusto. Ito ang pangunahing layunin ng gawain ng masasamang espiritu.
Ang ikasampung uri ay ang ganap na hindi normal na pamumuhay ng mga tao na may gawain ng masasamang espiritu. Ang kanilang mga mata ay nagpapahiwatig ng nakamamatay na kislap, at ang mga salitang kanilang sinasabi ay labis na nakakapangilabot, na parang bumaba ang isang demonyo sa mundo. Walang kaayusan sa buhay ng ganitong uri ng tao, sila ay pabago-bago, at hindi mahuhulaan tulad ng isang mabangis na hayop na hindi pa nasanay. Sila ay labis na nasusuklam at namumuhi sa iba. Ito ang eksaktong hitsura ng isang taong iginapos ng mga demonyo.
Ang sampung uri sa itaas ang mga pangunahing pagpapahayag ng gawain ng masasamang espiritu. Sinumang tao na nagpapakita ng isa sa mga pagpapahayag na ito ay tiyak na may gawain ng masasamang espiritu. Para maging tiyak, lahat ng nagpapakita ng mga pagpapahayag ng gawain ng masasamang espiritu, anuman ang uring tinataglay nila, ay mga taong may gawain ng masasamang espiritu. Ang tao na inalihan ng masasamang espiritu ay madalas na napopoot at lumalayo sa mga tao kung kanino gumagawa ang Banal na Espiritu at sa mga magagawang ibahagi ang katotohanan. Sa kadalasan, habang mas mahusay ang isang tao, lalong nagnanais na sugurin at kondenahin nila. Kapag mas hangal ang isang tao, lalo nilang sinusubukang akitin at bolahin, at talagang nakahanda na makibahagi sa kanila. Kapag gumawa ang masasamang espiritu, palagi nilang pinagkakamalan ang katotohanan sa kasinungalingan, na sinasabing ang positibo ay negatibo at ang negatibo ay positibo. Ang gayon ay ang mga gawa ng masasamang espiritu.
—mula sa “12 Problemang Kailangang Lutasin Kaagad ng Lahat ng Iglesia” sa Mga Piling Salaysay Tungkol sa mga Isinaayos na Gawain ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ang sinumang espiritu na ang gawain ay hayag na di-pangkaraniwan ay isang masamang espiritu, at ang hindi-pangkaraniwang gawain at mga pagbigkas ng sinumang espiritu na isinasakatuparan sa mga tao ay ang gawain ng isang masamang espiritu; ang lahat ng pamamaraan kung saan gumagawa ang mga masasamang espiritu ay abnormal at di-pangkaraniwan, at pangunahin ng ipinahahayag sa anim na sumusunod na mga pamamaraan:
1. Tuwirang kontrol sa pagsasalita ng mga tao, na malinaw na nagpapakita na ang masamang espiritu ay nagsasalita, hindi ang mga tao mismo ang nagsasalita nang normal;
2. Ang pakiramdam na tinuturuan ng masamang espiritu ang mga tao at inuutusan silang gawin ang ganito at ang ganoon;
3. Ang mga tao na, kapag sila ay nasa isang silid, maaaring makapagsabi kung ang isang tao ay akmang papasok;
4. Ang mga tao na madalas nakaririnig ng mga tinig na nakikipag-usap sa kanila na hindi maririnig ng iba;
5. Ang mga tao na nakakikita at nakaririnig ng mga bagay na hindi magagawa ng iba;
6. Mga tao na palaging balisa, at nakikipag-usap sa kanilang mga sarili, at mga walang kakayahan sa normal na pakikipag-usap o pakikisalamuha sa mga tao.
Hindi maiiwasang taglayin ng lahat niyaong kung kanino gumagawa ang isang masamang espiritu ang anim na mga pagpapahayag na ito. Sila ay di-makatuwiran, kinakabahan, hindi kayang normal na makisalamuha sa mga tao, para bang sila ay hindi kaagad napaiilalim sa katuwiran, at mayroong isang bagay na hiwalay at hindi sa mundong ito tungkol sa kanila. Ang gayong mga tao ay inaalihan ng isang masamang espiritu o mayroong isang masamang espiritu na gumagawa sa kanila, at ang lahat ng gawain ng mga masasamang espiritu ay ipinahahayag at di-pangkaraniwan. Ito ang pinakamadaling nakikitang gawain ng masasamang espiritu. Kapag inaalihan ng isang masamang espiritu ang isang tao, nilalaro nito sila upang sila ay lubos na maguluhan. Sila ay nagiging di-makatuwiran, kagaya ng isang bangkay na buhay, na nagpapatunay na sa sangkap, ang masasamang espiritu ay napakasasamang espiritu na ginagawang tiwali at nilalamon ang mga tao. Ang mga pagbigkas ng masasamang espiritu ay madaling makilala: Ganap na inilalarawan ang masasamang sangkap nito ang mga pagbigkas nito, hindi sumusulong ang mga ito, marumi at nangangamoy, inilalabas nito ang baho ng kamatayan. Sa mga tao na mayroong mahusay na kakayahan, ang mga salita ng masasamang espiritu ay madaramang walang laman at hindi kawili-wili, hindi nakapagpapatibay, kagaya ng walang anuman kundi mga kasinungalingan at walang lamang pananalita, ang mga ito ay nakalilito at pasikut-sikot, kagaya ng sangkatutak na walang katuturang bagay. Ito ang ilan sa pinakamadaling makilalang kawalang-halaga ng masasamang espiritu. Upang gayumahin ang mga tao, ang ilan sa mas mataas na uri ng masasamang espiritu ay nagpapanggap na Diyos o si Cristo kapag nagsasalita ang mga ito, samantalang ang iba ay nagpapanggap na mga anghel o tanyag na mga personalidad. Kapag nagsasalita ang mga ito, ang masasamang espiritung ito ay bihasa sa paggaya sa partikular na mga salita o mga sawikain ng Diyos, o sa tono ng Diyos, at ang mga tao na hindi nakauunawa sa katotohanan ay kaagad napapaniwala ng gayong mataas na uri na masasamang espiritu. Dapat maging malinaw sa mga hinirang ng Diyos na, sa sangkap, ang masasamang espiritu ay napakasama at walang kahihiyan, at kahit na ang mga ito ay masasamang espiritu na mataas ang uri, ang mga ito ay lubos na pinagkaitan ng katotohanan. Ang masasamang espiritu, kung tutuusin, ay masasamang espiritu, ang sangkap ng masasamang espiritu ay napakasama, at kauri ni Satanas.
—mula sa “Paano Makikilala ang Pananalita ng Demonyo at mga Maling Pangangatwiran ng Masasamang Espiritu, Huwad na Cristo at Anticristo” sa Piling mga Salaysay ng mga Pag-aayos ng Gawain ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento