Kidlat ng Silanganan

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na ang gawain ng Banal na Espiritu. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na ang gawain ng Banal na Espiritu. Ipakita ang lahat ng mga post

Set 3, 2019

2. Paano Mo Dapat Tukuyin ang Pagkakaiba ng Gawain ng Banal na Espiritu sa Gawain ng Masasamang Espiritu?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Hindi inuulit ng Diyos ang Kanyang gawain, hindi Siya gumagawa ng gawaing hindi-makatotohanan, hindi Siya nag-aatas ng labis-labis sa tao, at hindi Siya gumagawa ng higit sa katinuan ng tao. Ang lahat ng Kanyang ginagawa ay napapaloob lamang sa hangganan ng normal na katinuan ng tao, at hindi lumalampas sa katinuan ng normal na pagkatao, at ang Kanyang gawain ay naaayon sa mga karaniwang iniatas sa tao. Kung ito ang gawain ng Banal na Espiritu, ang tao ay nagiging lalong higit na normal, at ang kanyang pagkatao ay nagiging lalong higit na normal. Ang tao ay may dumaraming kaalaman sa kanyang satanikong tiwaling disposisyon, at ng kakanyahan ng tao, at mayroon siyang higit na pananabik sa katotohanan.

Hul 30, 2019

Tagalog praise and worship Songs| Ipinapahayag ni Cristo ang Kabuuan ng Espiritu

Salita ng Diyos,Ang Awtoridad ng Diyos,



Tagalog praise and worship Songs|
Ipinapahayag ni Cristo ang Kabuuan ng Espiritu


I
Alam ni Cristo ang diwa ng tao,
inihahayag ang lahat ng ginagawa ng tao,
lalo na ang masamang disposisyon ng tao
at pagkasuwail nila.
Makamundo'y di Niya kapiling,
batid na sila'y masasama.
Ganyan kung ano Siya.
Kahit 'di nakikibahagi sa mundo,
alam Niya ang patakaran doon.
Kilala Niya ang tao,
ang kanilang kalikasan.

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...