Kidlat ng Silanganan

菜單

Hun 29, 2019

Paano Mo Masasabi ang Kaibahan sa Pag-itan ng Totoong Cristo at mga Bulaang Cristo?



Kristo,Kristiyanismo

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinawag na Cristo, at ang Cristo na kayang magbigay ng katotohanan sa tao ay tinawag na Diyos. Walang kalabisan tungkol dito, sapagkat Siya ang may taglay ng sangkap ng Diyos, at may taglay ng disposisyon ng Diyos, at may katalinuhan sa Kanyang gawain, na hindi kayang abutin ng tao. Sila na itinuturing ang sarili nila bilang Cristo, ngunit hindi kayang gawin ang gawain ng Diyos ay mga mapanlinlang. Si Cristo ay hindi lang ang pagpapakita ng Diyos sa lupa, ngunit sa halip, ang partikular na katawang-tao na kinuha ng Diyos habang ginagawa Niya at tinatapos ang Kanyang gawain sa sangkatauhan. Itong katawang-tao na ito ay hindi kayang palitan ng kahit na sinong tao lang, kundi ang isang akma na makapagpapasan ng gawain ng Diyos sa lupa, at ipahayag ang disposisyon ng Diyos, at kayang kumatawan sa Diyos, at magbigay ng buhay sa tao. Sa malao’t madali, silang mga huwad na Cristo ay babagsak lahat, dahil kahit na sila ay umaangkin na maging Cristo, sila ay walang tinataglay na sangkap ng pagiging Cristo. Dahil dito, sinasabi ko na ang katunayan ni Cristo ay hindi kayang ihayag ng tao, ngunit ito ay nasagot at napagpasiyahan ng Diyos Mismo.

mula sa “Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magtataglay ng substansya ng Diyos, at Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magtataglay ng pagpapahayag ng Diyos. Yamang ang Diyos ay nagiging laman, dapat Niyang ilahad ang gawaing dapat Niyang gawin, at yamang ang Diyos ay naging laman, dapat Niyang ipahayag kung ano Siya, at makayang dalhin ang katotohanan sa tao, pagkalooban ng buhay ang tao, at ipakita sa tao ang daan. Ang laman na hindi nagtataglay ng substansya ng Diyos ay tiyak na hindi ang nagkatawang-taong Diyos; dito ay walang pag-aalinlangan. Upang siyasatin kung ito ay ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, dapat alamin ito ng tao mula sa disposisyon na ipinahahayag Niya at sa mga salita na binibigkas Niya. Na ibig sabihin, kung ito o hindi ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, at kung ito o hindi ang tunay na daan, ay dapat mahusgahan mula sa Kanyang substansya. At sa gayon, sa pag-alam[a] kung ito ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, ang susi ay ang bigyang-pansin ang Kanyang substansya (ang Kanyang gawa, Kanyang mga salita, Kanyang disposisyon, at marami pang iba), sa halip na sa panlabas na kaanyuan. Kung nakikita lamang ng tao ang Kanyang panlabas na kaanyuan, at hindi pinapansin ang Kanyang substansya, samakatwid yaon ay nagpapakita ng kamangmangan at pagkawalang-muwang ng tao.

mula sa “Punong Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang nagkatawang-taong Diyos ay tinatawag na Cristo, at si Cristo ay ang katawang-tao na isinuot ng Espiritu ng Diyos. Ang laman na ito ay hindi katulad ng kahit sinong taong galing sa laman. Ang pagkakaibang ito ay dahil si Cristo ay hindi nagmula sa laman at dugo kundi Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay may kapwa normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Ang Kanyang pagka-Diyos ay hindi taglay ng kahit sinong tao. Ang Kanyang normal na pagkatao ang Siyang umaalalay sa lahat ng Kanyang karaniwang mga gawain sa katawang-tao, habang ang Kanyang pagka-Diyos ang nagsasakatuparan ng gawain ng Diyos Mismo. Maging ang Kanyang pagkatao o pagka-Diyos, kapwa itong nagpapasakop sa kalooban ng Amang nasa langit. Ang sangkap ni Cristo ay ang Espiritu, iyon ay, ang pagka-Diyos. Samakatuwid, ang Kanyang sangkap ay yaong sa Diyos Mismo; ang sangkap na ito ay hindi gagambala sa Kanyang sariling gawain, at hindi Siya posibleng makagawa ng anumang bagay na nakasisira sa Kanyang sariling gawain, ni hindi rin Siya bibigkas ng anumang bagay na sumasalungat sa Kanyang kalooban. …

…………

… Kahit na si Cristo ang kumakatawan sa Diyos Mismo sa katawang-tao at personal na isinasakatuparan ang gawain na dapat gawin ng Diyos Mismo, hindi Niya itinatanggi ang pag-iral ng Diyos sa langit, ni mainit na ipinahahayag ang Kanyang mga sariling gawa. Sa halip, Siya ay mapagkumbabang nananatiling nakatago sa loob ng Kanyang katawang-tao. Bukod kay Cristo, silang mga may kabulaanang nag-aangking sila ay si Cristo ay wala ng mga katangian Niya. Kapag ikinumpara laban sa mga mapagmataas at mapagmapuring disposisyon niyaong mga huwad na Cristo, nagiging mas malinaw kung ano ang klase ng katawang-tao ng tunay na Cristo. Mas huwad sila, mas lalong ipinagyayabang ng gayong mga huwad na Cristo ang kanilang mga sarili, at mas may kakayahan silang gumawa ng mga palatandaan at mga kagila-gilalas na mga bagay upang linlangin ang tao. Ang mga huwad na Cristo ay walang mga katangian ng Diyos; si Cristo ay hindi nabahiran ng kahit anong katangiang mayroon ang mga huwad na Cristo. Ang Diyos ay nagkatawang-tao lamang upang tapusin ang mga gawain ng katawang-tao, hindi lamang upang pahintulutan ang lahat ng tao na makita Siya. Sa halip, hinahayaan Niya na ang Kanyang gawa ang magkumpirma ng Kanyang pagkakakilanlan, at pinahihintulutan kung ano ang Kanyang ihahayag upang patunayan ang Kanyang sangkap. Ang Kanyang sangkap ay hindi walang-basehan; ang Kanyang pagkakakilanlan ay hindi inagaw ng Kanyang kamay; ito ay nalalaman sa pamamagitan ng Kanyang gawa at ng Kanyang sangkap. …

Ang gawa at pagpapahayag ni Cristo ang nagpapakita sa Kanyang sangkap. Siya ay may kakayahang kumpletuhin nang may totoong puso yaong naipagkatiwala sa Kanya. Siya ay may kakayahang sambahin ang Diyos sa langit na may totoong puso, at taglay ang totoong puso ay hinahanap ang kalooban ng Diyos Ama. Ito ay nalalamang lahat sa pamamagitan ng Kanyang sangkap. At gayundin ang Kanyang likas na pagbubunyag ay nalalaman sa pamamagitan ng Kanyang sangkap; ang dahilan na ang Kanyang likas na pagbubunyag ay tinatawag na ganyan ay sapagka’t ang kanyang pagpapahayag ay hindi gaya-gaya o bunga ng pag-aaral ng tao, o resulta ng maraming taong paglilinang ng tao. Hindi Niya ito natutunan o pinalamutihan ang Kanyang sarili nito; bagkus ito ay likas sa Kanyang kaloob-looban.

mula sa “Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kung, sa kasalukuyan, mayroong isang tao na darating na kayang magpakita ng mga tanda at kababalaghan, at kayang palayasin ang mga demonyo, at magpagaling, at magpakita ng maraming milagro, at kung ang taong ito ay nagsasabing sila ang pagdating ni Jesus, kung gayon ay ito ang huwad na masasamang espiritu, at ang kanilang paggaya kay Jesus. Tandaan ito! Hindi inuulit ng Diyos ang parehong gawain. Nakumpleto na ang yugto ng gawain ni Jesus, at ang Diyos ay hindi na kailanman magsasagawa ng yugtong iyon ng gawain. Ang gawain ng Diyos ay hindi maipagkakasundo sa mga pagkaintindi ng tao; halimbawa, hinulaan na ng Lumang Tipan ang pagdating ng Mesiyas, nguni’t ang nangyari ay dumating si Jesus, kung kaya’t hindi tama na dumating ang isa pang Mesiyas. Dumating na nang minsan si Jesus, at ito ay magiging mali kapag si Jesus ay darating pang muli sa panahong ito. Mayroong isang pangalan para sa bawa’t kapanahunan, at bawa’t pangalan ay inilalarawan ng kapanahunan. Sa mga pagkaintindi ng tao, ang Diyos ay dapat na laging magpakita ng mga tanda at kababalaghan, dapat laging magpagaling at magpalayas ng mga demonyo, at dapat laging maging katulad ni Jesus, nguni’t sa panahon ngayon ang Diyos ay hindi na katulad noon. Kung, nitong mga huling araw, ang Diyos ay nagpapakita pa rin ng mga tanda at kababalaghan, at nagpapalayas pa rin ng mga demonyo at nagpapagaling—kung ginawa Niya nang eksakto ang ginawa ni Jesus—kung gayon, uulitin ng Diyos ang parehong gawain, at ang gawain ni Jesus ay walang magiging kabuluhan o silbi. Kaya, isinasagawa ng Diyos ang isang yugto ng gawain sa bawa’t panahon. Kapag ang isang yugto ng Kanyang gawain ay nakumpleto na, ito ay agad na ginagaya ng mga masasamang espiritu, at matapos simulan ni Satanas na sundan ang yapak ng Diyos, ang Diyos ay nagpapalit ng pamamaraan; kapag nakumpleto na ng Diyos ang isang yugto ng Kanyang gawain, ito ay ginagaya ng mga masasamang espiritu. Kailangan ninyong maging malinaw tungkol sa mga bagay na ito.

mula sa “Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

May ilang naaangkin ng masasamang espiritu at paulit-ulit na sumisigaw ng, “Ako ay Diyos!” Nguni’t sa katapusan, hindi nila kayang manatiling nakatayo, sapagka’t kumikilos sila sa ngalan ng maling persona. Kinakatawan nila si Satanas at hindi sila binibigyang-pansin ng Banal na Espiritu. Gaano man kataas ang pagpapahalaga mo sa iyong sarili o gaano ka man kalakas sumigaw, ikaw ay nilikhang kabuuan pa rin at isa na nabibilang kay Satanas. Kailanman hindi ako sumisigaw, Ako ay Diyos, Ako ang sinisintang Anak ng Diyos! Nguni’t ang gawaing ginagawa Ko ay gawain ng Diyos. Kailangan Ko bang sumigaw? Hindi kailangan ang pagpaparangal. Ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain Mismo at hindi kailangan ng tao na bigyan Siya ng isang katayuan o kagalang-galang na pamagat, at sapat na ang Kanyang gawa upang kumatawan sa Kanyang pagkakakilanlan at katayuan. Bago ang Kanyang bautismo, hindi ba si Jesus ang Diyos Mismo? Hindi ba Siya ang nagkatawang-taong laman ng Diyos? Tiyak na hindi maaaring sabihin na naging tanging Anak ng Diyos lamang Siya pagkatapos Niyang napatotohanan? Matagal na panahon bago Siya nagsimula ng Kanyang gawain wala bang isang tao na may pangalang Jesus? Hindi ka maaaring maghatid ng mga bagong landas o kumatawan sa Espiritu. Hindi mo maaaring ipahayag ang gawain ng Espiritu o ang mga salita na sinasabi Niya. Hindi mo kayang gawin ang gawain ng Diyos Mismo o yaong sa Espiritu. Hindi mo maaaring ipahayag ang karunungan, himala, at pagiging-hindi-maarok ng Diyos, o ang lahat ng mga disposisyon sa pagkastigo ng Diyos sa tao. Hindi mahalaga ang iyong mga paulit-ulit na pag-angkin na ikaw ang Diyos; mayroon ka lamang pangalan at wala niyaong sangkap. Dumating ang Diyos Mismo, nguni’t walang nakakakilala sa Kanya, nguni’t patuloy Siya sa Kanyang gawain at ginagawa ang gayon sa pagkatawan sa Espiritu. Kahit tawagin mo Siyang tao o Diyos, ang Panginoon o Cristo, o tawagin Siyang kapatid na babae, ayos lamang lahat ng ito. Nguni’t ang gawaing ginagawa Niya ay yaong sa Espiritu at kumakatawan sa gawain ng Diyos Mismo. Wala siyang pakialam tungkol sa pangalan na itinatawag sa Kanya ng tao. Puwede bang matukoy ng pangalang iyan ang Kanyang gawain? Hindi alintana kung ano ang tawag mo sa Kanya, mula sa pananaw ng Diyos, Siya ay ang nagkatawang-taong laman ng Espiritu ng Diyos; kinakatawan Niya ang Espiritu at pinahintulutan Niya. Hindi ka makakagawa ng daan para sa isang bagong kapanahunan, at hindi mo maaaring dalhin ang luma sa katapusan at hindi maaaring maghatid ng isang bagong kapanahunan o gumawa ng bagong gawain. Samakatuwid, hindi ka maaaring tawaging Diyos!

mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kung ang tao ay tinatawag ang kanyang sarili na Diyos nguni’t hindi kayang ipahayag ang kabuuan ng pagka-Diyos, gawin ang gawain ng Diyos Mismo, o katawanin ang Diyos, siya ay walang-alinlangang hindi Diyos, dahil wala sa kanya ang esensya ng Diyos, at yaong likas na kayang makamit ng Diyos ay hindi umiiral sa loob niya.

mula sa “Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa mga bulaang Kristo, bulaang propeta at mga mandaraya, wala ba sa mga yaon ang tinatawag ding Diyos? At bakit hindi sila Diyos? Dahil wala silang kakayahan upang isagawa ang gawain ng Diyos. Sa pinakaugat, sila’y mga tao, mga mandaraya ng tao, at hindi Diyos, kaya wala sa kanila ang pagkakakilanlan ng Diyos.

mula sa “Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang Pagbabahagi ng Tao:

Tayong lahat na nakaranas na ng Gawain ng Diyos sa huling mga araw ay malinaw na nakita ang isang katotohanan: Sa bawat oras na gumagawa ng bagong yugto ng gawain ang Diyos, sumusunod si Satanas at ang iba’t ibang masasamang espiritu sa Kanyang paanan, ginagaya at pinasisinungalingan ang Kanyang Gawain para linlangin ang mga tao. Nagpagaling si Jesus, at nagpalayas ng mga demonyo, at nagpapagaling at nagpapalayas din ng mga demonyo si Satanas at ang masasamang espiritu; binigyan ng Banal na Espiritu ang tao ng kaloob na mga wika, at pinagsasalita rin ng masasamang espiritu ang tao ng “mga wika” na walang nakakaunawa. Gayunman, bagama’t gumagawa ang masasamang espiritu ng iba’t ibang bagay na nagbubuyo sa mga pangangailangan, at nagsasagawa ng ilang kahima-himalang mga bagay para linlangin siya, dahil walang taglay ni katiting na katotohanan si Satanas ni ang masasamang espiritung ito, hindi nila maibibigay ang katotohanan sa tao kailanman. Mula sa puntong ito pa lamang possible nang tukuyin ang kaibahan ng tunay na Cristo sa mga huwad na Cristo.

… Dahil naging tao, nagsasagawa ng gawain ang Espiritu ng Diyos nang mapagkumbaba at palihim, at nararanasan ang lahat ng pasakit ng tao nang walang anumang reklamo. Bilang Cristo, hindi nagpasikat, o nagyabang, ang Diyos kailanman ni iniluklok ang Kanyang sarili sa katungkulan, o naging mapagmagaling, na lubos na nagpapakita ng karangalan at kabanalan ng Diyos. Ipinapakita nito ang napakarangal na diwa ng buhay ng Diyos, at na Siya ang sagisag ng pagmamahal. Ang gawain ng mga huwad na Cristo at masasamang espiritu ang mismong kabaligtaran ng gawain ni Cristo: Bago ang anupaman, laging ipinagsisigawan ng masasamang espiritu na sila ang Cristo, at sinasabi nila na kung hindi ka makikinig sa kanila ay hindi ka makakapasok sa kaharian. Ginagawa nila ang lahat para makilala sila ng mga tao, nagmamalaki sila, at nagpapasikat, at nagyayabang, o di kaya’y nagsasagawa ng ilang palatandaan at kababalaghan para linlangin ang mga tao—at matapos malinlang ang mga taong ito at tanggapin nila ang kanilang gawain, tahimik silang bumabagsak dahil matagal na silang nabigyan ng katotohanan. Napakaraming halimbawa nito. Dahil ang mga huwad na Cristo ay hindi ang katotohanan, ang daan, o ang buhay, wala silang landas na tinatahak, at sa malao’t madali ay mapapahiya ang mga sumusunod sa kanila—ngunit pagdating ng oras na iyon ay huli na ang lahat para bumalik. Kaya nga, ang pinakamahalaga ay kilalanin na tanging si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Tiyak na wala sa mga huwad na Cristo at masasamang espiritu ang katotohanan; gaano man karami ang sinasabi nila, o gaano man karami ang mga aklat na isinusulat nila, ni katiting ay walang nakapaloob ditong katotohanan. Tiyak na tiyak ito. Tanging si Cristo ang may kakayahang ipahayag ang katotohanan, at ito ang susi para masabi ang kaibhan sa pagitan ng tunay na Cristo at mga huwad na Cristo. Bukod pa rito, hindi pinilit ni Cristo ang mga tao kailanman na tanggapin o kilalanin Siya. Para sa mga naniniwala sa Kanya, mas lalong lumilinaw ang katotohanan, at ang daan na kanilang tinatahak ay mas lalong nagliliwanag, na nagpapatunay na tanging si Cristo ang may kakayahang magligtas sa mga tao, sapagkat si Cristo ang katotohanan. Magagaya lamang ng mga huwad na Cristo ang ilang salita, o masasabi ang mga bagay na ginagawang puti ang itim. Wala sa kanila ang katotohanan, at maghahatid lamang sa mga tao ng kadiliman, pagkawasak, at gawain ng masasamang espiritu.

mula sa “Paunang Salita” sa Pagsusuri ng mga Usapin sa Panlilinlang ng mga Bulaang Cristo at Anticristo

Paano matutukoy ang mga huwad na Cristo? Napakasimple. Sabihin mo sa kanila: “Sige, magsalita ka. Ano ang dahilan para maging si Cristo ka? Sabihin mo kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos, at kung hindi mo masabi, maaari mo rin itong isulat. Isulat mo ang ilang salitang nagpapahayag ng kabanalan—sige, sumulat ka ng isang bagay para sa akin. Wala kang problema sa paggaya ng ilang salita ng sangkatauhan. Magsalita ka pa ng mas marami, magsalita ka nang tatlong oras at tingnan mo kung magagawa mo ito. Ipaliwanag mo sa akin ang katotohanan sa loob ng tatlong oras, sabihin mo kung ano ang Diyos, at sa yugtong ito ng Kanyang gawain, magsalita ka nang malinaw para sa akin, subukan mo at makikita mo. At kung hindi ka makapagsalita, isa kang huwad, at isang masamang espiritu. Ang tunay na Cristo ay makapagsasalita nang ilang araw nang walang anumang problema, ang tunay na Cristo ay nagpahayag na ng mahigit isang milyong salita—at hindi pa rin nakakatapos. Walang mga limitasyon kung gaano karami ang masasabi Niya, makakapagsalita Siya kahit kailan o kahit saan, at ang Kanyang mga salita ay hindi maisusulat ng sinumang tao sa buong mundo. Maisusulat ba ang mga ito ng isang taong hindi banal? Masasabi ba ng taong iyon ang mga salitang ito? Kayong mga huwad na Cristo ay walang kabanalan, at ang Espiritu ng Diyos ay wala sa inyong kalooban. Paano mo masasabi ang mga salita ng Diyos? Magagaya ninyo ang ilan sa mga salita ng Diyos, ngunit gaano katagal? Sinumang may utak ay makakapagsaulo ang ilang salita, kaya magsalita ka nang isang oras, ipaliwanag mo ang katotohanan sa loob ng dalawang oras—subukan mo at makikita mo.” Kung magpupumilit ka sa kanila sa ganitong paraan, mabubunyag sila, malilito sila, at di maglalaon ay tatakas. Hindi ba ganito ang nangyayari? Ano ang masasabi ninyo, hindi nga ba? Sabihin ninyo ito sa kanila: Si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, kaya ipahayag ang mga katotohanan ni Cristo para marinig, o mabasa ko. Kung magagawa mo ito, ikaw nga ang Cristo, at kung hindi, isa kang masamang espiritu! Madaling sabihin ang kaibhan sa pagitan ng tunay na Cristo at ng mga huwad na Cristo. Wala sa mga huwad na Cristo at mga anticristo ang katotohanan; sinuman ang nagtataglay ng katotohanan ay Cristo, at sinuman ang hindi nagtataglay ng katotohanan ay hindi. Hindi ba ganito ang nangyayari? Sabihin sa kanila: “Kung hindi mo maipahayag kung ano ang Cristo, o kung ano ang Diyos, at sinasabi mong ikaw ang Cristo, nagsisinungaling ka. Si Cristo ang katotohanan—tingnan natin kung ilang salita ng katotohanan ang maipapahayag mo. Kung gagayahin mo ang ilang pangungusap, hindi mo ito sinasabi, kundi kinokopya mo lamang ang mga ito. Ninakaw ninyo ang mga ito, imitasyon ang mga ito.” Sabi ko na nga ba—iyan lang ang kailangan para matukoy ang mga huwad na Cristo. … Pag-usapan natin ang isang totoong pangyayari: kung paano nagpakita ang Diyos nang magpakita Siya. Nang simulan ng Diyos ang Kanyang gawain, hindi Niya sinabi na Siya ang Diyos, hindi Niya sinabi iyon. Nagpahayag ang Diyos ng maraming salita, at nang magpahayag Siya ng daan-daang libong salita, hindi pa rin Niya sinabi na Siya ang Diyos. Daan-daang libong salita—isang buong aklat iyan, tatlo o apat na raang pahina—at hindi pa rin Niya sinabi na Siya ang Diyos. Matapos maliwanagan at mailawan ng Banal na Espiritu, sinabi ng ilang tao: “O, ito ang mga salita ng Diyos, ito ang tinig ng Banal na Espiritu!” Sa simula, naniwala sila na tinig iyon ng Banal na Espiritu; kalaunan, sinabi nila na tinig iyon ng pitong Espiritu, ng Espiritu na pinatindi nang pitong beses. Tinawag nila itong “tinig ng pitong Espiritu,” o “mga pagbigkas ng Banal na Espiritu.” Ito ang pinaniwalaan nila sa simula. Kaya lamang kalaunan, matapos bumigkas ang Diyos ng maraming salita, ng daan-daang libong salita, sinimulan Niyang patotohanan kung ano ang pagkakatawang-tao, at kung ano ang pagpapakita ng Salita sa laman—at noon lamang nalaman iyon ng mga tao, na nangagsabi:“O! Ang Diyos ay naging tao! Ito ang pagkakatawang-tao ng Diyos na nangungusap sa atin!” Tingnan kung gaano kalihim at kaaba ang gawain ng Diyos. Sa huli, pagkatapos ipahayag ng Diyos ang lahat ng Kanyang salita na kailangan Niyang ipahayag, hindi pa rin Niya sinabi na Siya ang Diyos nang magtrabaho Siya at mangaral, hindi pa rin Niya sinabi kailanman na, “Ako ang Diyos! Kailangan ninyong makinig sa Akin.” Hindi Niya sinabi ito kailanman. Subalit sinasabi ng mga huwad na Cristo na sila ang Cristo bago pa nila bigkasin ang ilang salita. Hindi ba huwad ang mga ito? Ang tunay na Diyos ay nakatago at mapagkumbaba, at hindi ipinagmamalaki ang Kanyang sarili; sa kabilang dako, gustung-gusto ni Satanas at ng masasamang espiritu na ipagmalaki ang kanilang sarili, na isa pang paraan para matukoy sila.

mula sa “Ang mga Sagot sa mga Tanong” sa Mga Sermon at Pagsasama sa Pagpasok sa Buhay (I)

Ngayon, kung tangkain ng mga tao na linlangin kayo, tingnan kung kaya nilang ipahayag ang tinig ng Diyos. Pagtitibayin nito kung may taglay silang banal na diwa o wala. Kung hindi nila masabi kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos, at hindi nila maipahayag ang mga bagay at tinig ng Diyos, tiyak na wala sila ng kahalagahan ng Diyos, kaya sila ay huwad. May mga nagsasabi na: Nakita na namin ang ilang tao na nagsalita ng mga salita na hindi masabi ng sinumang tao. Kaya rin nilang magsalita ng magpropesiya, at magsalita nang hindi natataranta sa mga bagay-bagay na hindi alam o nakikita ng sinuman—kaya Diyos ba sila? Paano ninyo masasabi ang kaibahan pagdating sa mga taong ganito? Tulad ng kasasabi pa lang, kung sila ang Diyos, kailangan nilang masabi kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos, at masabi ang mga misteryo ng kaharian ng Diyos; ang ganitong tao lamang ang masasabi natin na Diyos na nagkatawang-tao. Kung may mga tao na nakapagsalita tungkol sa mga bagay na hindi alam ng iba, na masasabi ang kanilang hinaharap, at masasabi kung ano ang mangyayari sa mga bansa, hindi ibig sabihin ay mga salita ito ng Diyos; kaya rin itong gawin ng masasamang espiritu. Halimbawa, kung sinasabi mo ngayon sa kanila: “Ano ang mangyayari sa akin sa hinaharap?” sasabihin nila sa iyo kung anong sakuna ang mangyayari sa iyo, o sasabihin sa iyo kung kailan ka mamamatay, o kaya naman ay sasabihin kung ano ang mangyayari sa iyong pamilya. Sa maraming pagkakataon, ang mga bagay na ito ay nagkakatotoo. Ngunit ang masabi ang gayong mga bagay ay hindi kung ano ang Diyos, ni bahagi ng gawain ng Diyos. Kailangan mong linawin ang puntong ito. Mahusay ang masasamang espiritu sa ganitong maliliit na bagay; hindi gumagawa ang Diyos ng ganitong mga bagay. Tingnan mo ang nagawa ng Diyos tuwing Siya ay nagiging tao. Ginagawa ng Diyos ang gawain ng pagliligtas ng sangkatauhan, hindi Niya hinuhulaan kung ano ang mangyayari sa mga tao, kung gaano katagal sila mabubuhay, kung ilan ang magiging anak nila, o kung kailan sila magkakaroon ng sakuna. Nanghula na ba ng Diyos ng gayong mga bagay? Hindi pa. Ngayon, ano ang masasabi ninyo, alam ba ng Diyos ang gayong mga bagay? Siyempre naman, sapagkat Siya ang lumikha ng mga langit at lupa at lahat ng bagay. Ang Diyos lamang ang nakakaalam nang husto sa mga ito, datapuwa’t may limitasyon ang kaalaman ng masasamang espiritu. Ano ang kayang malaman ng masasamang espiritu? Alam ng masasamang espiritu ang kapalaran ng isang tao, o isang bayan, o isang bansa. Ngunit wala silang alam tungkol sa pamamahala ng Diyos, hindi nila alam kung ano ang katapusan ng sangkatauhan, o kung saan ang tunay na hantungan ng sangkatauhan, at lalong hindi rin nila alam kung kailan ang katapusan ng mundo at kailan darating ang kaharian ng Diyos, o kung ano ang magiging magagandang tanawin ng kaharian. Wala silang alam tungkol dito, walang sinuman sa kanila ang nakakaalam nito. Diyos lamang ang nakakaalam sa gayong mga bagay, at sa gayon ay alam ng Diyos ang lahat, samantalang ang alam ng masasamang espiritu ay lubhang limitado. Alam natin na nabanggit na ng pinakadakilang mga propeta sa mundo kung ano ang mangyayari sa huling mga araw, at ngayon ay natupad na ang kanilang mga salita—ngunit hindi nila alam kung ano ang ginagawa ng Diyos sa huling mga araw, at hindi rin nila alam kung ano ang nakamtan ng Diyos, o kung paano magkakatotoo ang Kaharian sa Milenyo, o kung sino ang papasok sa kaharian ng Diyos at maliligtas. Bukod pa rito, hindi rin nila alam ang anumang mangyayari pagkatapos niyon, sa kaharian ng Diyos. Walang masamang espiritung nakakaalam ng gayong mga bagay; ang Diyos lamang Mismo ang nakakaalam, at sa gayon ay lubos na hindi kayang malaman ng masasamang espiritu ang anuman na nauugnay sa plano sa pamamahala ng Diyos. Kung sasabihin mo sa kanila, “Ano ang kapalaran ko? Ano ang mangyayari sa pamilya ko?” mabibigyan ka ng ilang masasamang espiritu ng malinaw na sagot. Ngunit kung sasabihin mo sa kanila, “Sa hinaharap, may patutunguhan ba ako sa paniniwala ko sa Diyos? Makakaligtas ba ako?” hindi nila malalaman. Lubhang limitado ang nalalaman ng masasamang espiritu. Kung iilang limitadong bagay lamang ang masasabi lang ng isang masamang espiritu, maaari bang ang Diyos iyon? Hindi maaari—iyon ay isang masamang espiritu. Kapag masasabi ng isang masamang espiritu sa mga tao ang mga bagay na hindi nila alam, masasabi sa kanila ang kanilang hinaharap, at masasabi pa kung ano sila dati at ang mga bagay na nagawa nila, kung may mga tao na nag-iisip na talagang banal ito, hindi ba katawa-tawa ang mga taong iyon? Patunay ito na walang-wala kang alam tungkol sa Diyos. Itinuturing ninyong napakabanal ang mga walang-kuwentang kasanayan ng masasamang espiritu, at tinatrato sila na parang Diyos. Alam mo ba ang walang-hanggang kapangyarihan ng Diyos? Kaya, kung may kaalaman tayo ngayon tungkol sa walang-hanggang kapangyarihan at gawain ng Diyos, walang masamang espiritu, anuman ang ginagawa nilang mga palatandaan at kababalaghan, ang maaaring luminlang sa atin, sapagkat may isang bagay man lang tayong matitiyak: Ang masasamang espiritu ay hindi ang katotohanan, hindi nila magagawa ang gawain ng Diyos, hindi sila ang Lumikha, hindi nila kayang iligtas ang sangkatauhan, at gagawin lamang nilang tiwali ang sangkatauhan.

mula sa “Ang Kaibahan sa Pagitan ng Gawain ng Diyos at ng Gawain ng Tao” sa Mga Sermon at Pagsasama sa Pagpasok sa Buhay (II)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...