Sagot:
Kaya kailangang iligtas ang tiwaling sangkatauhan sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay dahil ang katawan ng tao ay lubusan nag nalinlang at nagawang tiwali ni Satanas. Ang buong sangkatauhan ay nabubuhay sa ilalim ng pamamahala ni Satanas, hindi nila matukoy ang pagkakaiba ng mabuti sa masama, kagandahan sa kapangitan. Hindi nila masabi ang pagkakaiba ng positibo sa negatibo. Nabubuhay sila ayon sa pilosopiya, batas at likas na pagkatao ni Satanas, sila ay mayabang, mapagmagaling, walang ingat, at walang kinikilalang batas.
Silang lahat ay mga larawan ni Satanas at naging masasama na nakikipagsabwatan kay Satanas upang labanan ang Diyos, subalit hindi nila natatanto iyan. Ang Diyos ang Lumikha, Diyos lamang ang lubos na nakaaalam sa likas na pagkatao ng tao, kung gaano sila nagawang tiwali. At Diyos lamang ang makapaglalantad at makakasuri sa napakasamang likas ng pagkatao at tiwaling disposisyon, makapagsasabi sa tao kung paano mamuhay at kumilos bilang mga tao, at lubusang makakalupig, makapagpapadalisay, at makapagliligtas sa sangkatauhan. Maliban sa Diyos, walang taong nilikha na makakaunawa sa diwa ng katiwalian ng tao at tiyak na hindi maibibigay sa tao ang katotohanan kung paano kumilos bilang mga tao. Kaya kung nais ng Diyos na ipaglaban ang lubhang tiwaling sangkatauhan mula sa mga kamay ni Satanas at iligtas sila, kung personal lang na ipinapahayag ng pagkakatawang-tao ng Diyos ang katotohanan at disposisyon ng Diyos at sinasabi sa tao ang lahat ng katotohanang kailangan niyang taglayin para maligtas, na tinutulutan ang tao na maunawaan ang katotohanan, makilala ang Diyos, at malaman ang masasamang balak at iba-ibang kamalian ni Satanas, saka lamang maaaring talikuran at tanggihan ng tao si Satanas ang makakabalik sa harapan ng Diyos. Gayundin, inilalantad ng gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos ang lahat ng uri ng mga tao. Dahil lahat ng tao ay mayabang at ayaw pasakop, kapag ang Diyos ay nagkatawang-tao upang ipahayag ang katotohanan, walang salang tumutugon ang mga tao ayon sa kanilang mga pagkaintindi, paglaban at pakikipagdigmaan. Sa gayon, ang katotohanan ng paglaban at pagtataksil ng tiwaling sangkatauhan sa Diyos ay lubusang nalalantad at isinasagawa ng Diyos ang Kanyang paghatol sa tao batay sa katiwaliang ipinapakita nila at sa kanilang likas na pagkatao at diwa. Sa ganitong paraan lamang maisasagawa nang maayos ang paglupig, pagliligtas, at pagpeperpekto ng Diyos sa sangkatauhan. Sa pamamagitan ng paghatol ng mga salita ng Diyos, unti-unting nalulupig at napapadalisay ang tao. Kapag ang tao ay ganap nang nalupig, nagsisimula siyang sumunod sa Diyos na nagkatawang-tao, sinisimulan niyang tanggapin at sundin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos at maranasan ang gawain ng Diyos, at nagpapasiya siyang hanapin ang katotohanan at huwag nang mamuhay kailanman ayon sa pilosopiya at batas ni Satanas. Kapag lubusang namumuhay ang tao ayon sa salita ng Diyos, lubusan nang nagapi ng Diyos si Satanas at nagsisilbing tira-tira ang tiwaling tao ng Kanyang tagumpay laban kay Satanas. Kung tutuusin, ipinakikipaglaban ng Diyos ang tiwaling sangkatauhan mula sa mga kamay ni Satanas. Ang gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos lamang ang may gayong epekto. Ito ang ganap na pangangailangan sa pagkakatawang-tao ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan, at ang pagkakatawang-tao lamang ng Diyos ang lubusang makakalupig at makapagliligtas sa sangkatauhan. Ang mga taong ginagamit ng Diyos ay hindi kayang gawin ang gawain ng pagtubos at pagliligtas sa sangkatauhan.
Talagang kailangan ng tiwaling tao na magkatawang-tao ang Diyos upang personal siyang hatulan at padalisayin kung nais niyang maligtas. Tungkol naman sa pakikisalamuha ng Diyos na nagkatawang-tao sa tao, tinutulutan Niyang maunawaan at makilala ng tao ang Diyos nang harapan. Dahil ang mga tunay na naghahanap ng katotohanan ay tinatanggap ang paghatol at pagdadalisay ni Cristo ng mga huling araw, likas nilang nasusunod ang Diyos at nadarama ang pagmamahal sa Diyos sa kanilang puso at lubusang naililigtas mula sa pamamahala ni Satanas. Hindi ba’t ito ang pinakamainam na paraan upang maligtas at magawang perpekto ng Diyos ang sangkatauhan? Dahil ang Diyos ay nagkatawang-tao, nagkaroon na tayo ng pagkakataong makaharap ang Diyos at maranasan ang Kanyang tunay na gawain, at nagkaroon na tayo ng pagkakataong matanggap ang panustos ng tumpak na salita ng Diyos at direktang mapatnubayan at madiligan Niya kaya’t nagsisimula tayong umasa sa Diyos, sumunod sa Diyos, at talagang mahalin Siya. Kung hindi nagkatawang-tao ang Diyos para gawin ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, ang praktikal na epektong ito ay hindi maaaring makamtan. …
Kapag ang Diyos ay nagiging tao para iligtas ang tiwaling sangkatauhan, magagamit Niya ang wika ng mga tao para malinaw na sabihin sa sangkatauhan ang mga hinihingi ng Diyos, ang Kanyang kalooban, ang Kanyang disposisyon at lahat ng mayroon at kung ano Siya. Sa ganitong paraan, mauunawaan ng tao ang kalooban ng Diyos nang hindi na naglilibot at naghahanap, maaari nilang malaman ang mga hinihingi ng Diyos at ang paraan na nararapat nilang isagawa. Sa gayon, maaari din silang magkaroon ng praktikal na pag-unawa at kaalaman tungkol sa Diyos. Tulad noong Kapanahunan ng Biyaya, tinanong ni Pedro ang Panginoong Jesus, “Panginoon, makailang magkakasala ang aking kapatid laban sa akin na siya’y aking patatawarin? Hanggang sa makapito?” (Mateo 18:21). Direktang sinabi ni Jesus kay Pedro: “Hindi ko sinasabi sa iyo, Hanggang sa makapito; kundi, Hanggang sa makapitongpung pito” (Mateo 18:22). Mula rito makikita natin na inalagaan at sinuportahan ng Panginoong Jesus na nagkatawang-tao ang mga tao kung kailan man at saan man Siya nagpunta, na binibigyan ang tao ng pinaka-praktikal at malinaw na panustos. Sa mga huling araw, nagkatawang-tao na ang Makapangyarihang Diyos sa mga tao, na ipinapahayag ang katotohanan upang lunasan ang aktuwal na sitwasyon ng tao, ipinapahayag ang disposisyon ng Diyos at lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos upang suportahan at tustusan ang sangkatauhan, itinuturo ang lahat ng hindi tama at ang mga kamalian sa paniniwala ng tao sa Diyos, ipinapaalam sa tao ang kalooban ng Diyos at ang Kanyang mga hinihingi, at ibinibigay sa tao ang pinaka-praktikal at tumpak na panustos at suporta sa buhay. Halimbawa, kapag nabubuhay tayo sa paghihimagsik at paglaban sa Diyos nang hindi ito nalalaman, direkta tayong inilalantad at hinahatulan ng salita ng Diyos, para makita natin, sa salita ng Diyos, kung paano nilalabanan ng napakasamang likas na pagkatao natin ang Diyos. Kapag sinusunod natin ang Diyos para sa sarili nating kapakinabangan at nagmamagaling tayo sa paggawa nito, inilalantad tayo ng Diyos batay sa ating mga kakulangan at sinasabi sa atin kung ano ang dapat nating paniwalaan bilang mga alagad ng Diyos. Kapag mali ang ating pagkaunawa sa Diyos sa ating karanasan sa Kanyang paghatol, ipinapaalala sa atin ng salita ng Diyos ang marubdob na mga hangarin ng Diyos sa paghatol at pagliligtas sa sangkatauhan, nilulutas ang ating mga maling pagkaunawa sa Diyos, atbp. Lahat ng hinirang ng Diyos ay naranasan na nang husto kung paano tayo palaging tinutulungan at tinutustusan ng Diyos na nagkatawang-tao para hindi na tayo maglibot at maghanap. Ang kailangan lang nating gawin ay basahin pa ang salita ng Makapangyarihang Diyos upang makamtan ang pinaka-praktikal na pagsuporta at pag-aalaga ng Diyos. Sa pamamagitan ng salitang ipinapahayag ng Diyos, nagkakaroon tayo ng kaunting tunay na pag-unawa tungkol sa kalooban ng Diyos, sa Kanyang disposisyon at sa lahat ng mayroon at kung ano Siya at sa pag-unawang ito, nalalaman natin kung paano magpatuloy sa isang paraan na mamumuhay tayo ng tunay na buhay at malalaman natin kung paano malalaman ang mga tusong balak ni Satanas, na malinaw na nakikita kung paano tayo mismo nagawang tiwali ni Satanas hanggang sa kaibuturan, at sa paggawa nito, unti-unti nating inaalis ang ating kasalanan at ang maitim na impluwensya ni Satanas. Dahil dito, nagbabago ang ating disposisyon sa buhay at tumatahak tayo sa tamang landas, at namumuhay sa realidad ng katotohanan. Ginawang posible ng pagkakatawang-tao ng Diyos ang lahat ng ito.
Ang Diyos ay nagkatawang-tao para gumawa at ipahayag ang Kanyang salita, na nagtutulot sa tao na magkamit ng pinaka-praktikal na panustos at suporta sa buhay. Sa kabila ng katotohanan na maraming paniwala ang tao hinggil sa gawain ng paghatol ng Diyos na nagkatawang-tao, inihatid na ng Diyos sa tao ang landas ng buhay at ang walang-katapusang kaligtasan, at natutong umasa ang tao sa Kanya. … Sa kabila ng katotohanan na ang Diyos ay nag-anyong karaniwang Anak ng tao sa Kanyang pagkakatawang-tao sa mga huling araw para iligtas at gawing perpekto ang sangkatauhan, sa kabila ng hindi Niya paggawa ng mga tanda at kababalaghan, at hindi pagtataglay ng kahanga-hangang mga katangian o malaking pangangatawan at Kanyang pagiging target ng mga pagkaintindi ng tao, ng kanilang pagtatakwil, paglaban, at pagtanggi, ang katotohanang ipinapahayag ni Cristo at ang gawain ng paghatol na Kanyang isinasakatuparan ay nagbigay sa tao ng panustos na salita ng Diyos, at tinulutan silang makamit ang katotohanan at makita ang pagpapakita ng Diyos. Bagama’t hindi pa natin nakita ang tunay na persona ng Diyos, nakita na natin ang Kanyang likas na disposisyon, at ang Kanyang banal na diwa, na para na ring nakita natin ang Kanyang tunay na persona. Nakita na natin na tunay at talagang namumuhay ang Diyos sa ating piling. Talagang nadarama natin na nadala tayo sa harapan ng luklukan, na nararanasan ang gawain ng Diyos nang harapan sa Diyos, at tinatamasa ang panustos na tubig ng buhay na dumadaloy mula sa luklukan. Sa pagdanas ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, unti-unti nating nauunawaan ang kasigasigan ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan. Nakikita natin kung gaano katindi ang pagdurusa ng Diyos, kung gaano kalaki ang Kanyang isinasakripisyo para iligtas ang sangkatauhan. Lahat ng ginagawa ng Diyos para sa atin ay dahil sa pagmamahal; puro para sa ating kaligtasan. Kinamumuhian nating lahat kung gaano tayo kasuwail at kawalang-katwiran noong araw at ngayo’y tunay na nating minamahal at sinusunod ang Diyos. Ngayong nakarating na tayo sa puntong ito, talagang kinikilala nating lahat na naranasan na natin ang ating kasalukuyang nang buung-buo dahil sa pagliligtas ng Diyos na nagkatawang-tao! Ang Cristo ng mga huling araw talaga ang pinakadakilang kaligtasan ng tiwaling sangkatauhan at ang tanging landas ng tao tungo sa pagkilala sa Diyos at pagtanggap ng Kanyang pagsang-ayon.
—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian
————————————————
Ang totoong katiyakan ng kaligtasan ay: Naniniwala tayo sa Panginoong Jesus, na tanging nangangahulugang naligtas tayo ng biyaya at napatawad na tayo sa ating kasalanan, ngunit hindi ito ang tunay na kaligtasan. Kung mararanasan lamang natin ang huling paghuhukom na gawain ng Diyos sa mga huling araw ay maaari tayong ganap na maligtas at makapasok sa kaharian ng Diyos!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento