Kidlat ng Silanganan

菜單

Hul 22, 2020

Bakit sinasabi na ginagawang ganap ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao?



Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa’y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa kaniya” (Mga Hebreo 9:28).

Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios” (Juan 1:1).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang unang pagkakatawang-tao ay upang tubusin ang tao mula sa kasalanan sa pamamagitan ng katawang-tao ni Jesus, iyon ay, iniligtas Niya ang tao mula sa krus, nguni’t ang tiwaling maka-satanas na disposisyon ng tao ay nanatili pa rin sa loob ng tao. Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay hindi na upang magsilbing handog para sa kasalanan kundi upang lubos na iligtas yaong mga taong tinubos mula sa kasalanan. Ito ay ginagawa upang ang mga pinatawad ay mapalaya mula sa kanilang mga kasalanan at magawang ganap na malinis, at magkamit ng pagbabago sa disposisyon, at sa gayon ay makakawala sa kapangyarihan ng kadiliman ni Satanas at makakabalik sa harap ng trono ng Diyos. Tanging sa paraang ito maaaring maging lubos na mapabanal ang tao. Sinimulan ng Diyos ang gawain ng pagliligtas sa Kapanahunan ng Biyaya nang matapos na ang Kapanahunan ng Kautusan. Nitong mga huling araw, ganap na dadalisayin ng Diyos ang sangkatauhan sa pamamagitan ng paggawa ng gawain ng paghatol at pagkastigo sa tao para sa pagka-mapanghimagsik, saka tatapusin ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagliligtas at papasok sa kapahingahan. Samakatuwid, sa tatlong yugto ng gawain, dalawang beses lamang nagkatawang-tao ang Diyos upang isagawa Niya Mismo ang Kanyang gawain sa tao. Iyon ay dahil isa lamang sa tatlong yugto ng gawain ang pag-akay sa tao sa kanilang mga buhay, habang ang iba pang dalawa ay ang gawain ng pagliligtas. Tanging kung nagiging katawang-tao ang Diyos saka Siya maaaring mamuhay kasama ng tao, maranasan ang paghihirap ng mundo, at mamuhay sa isang ordinaryong laman. Tanging sa ganitong paraan Niya maaaring matustusan ang taong Kanyang nilikha ng praktikal na salitang kailangan nila. Ang tao ay nakakatanggap ng lubos na kaligtasan mula sa Diyos dahil sa Diyos na nagkatawang-tao, hindi direkta mula sa kanilang mga panalangin sa langit. Sapagka’t ang tao ay makalaman; hindi kaya ng tao na makita ang Espiritu ng Diyos at lalong hindi niya kayang lapitan Siya. Ang kaya lamang na makasama ng tao ay ang katawang-tao ng nagkatawang-taong Diyos; sa pamamagitan lamang Niya mauunawaan ng tao ang lahat ng salita at ang lahat ng katotohanan, at makakatanggap ng buong kaligtasan. Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay sapat upang alisin ang mga kasalanan ng tao at ganap na dalisayin ang tao. Samakatuwid, ang pangalawang pagkakatawang-tao ay magdadala sa pagtatapos ng lahat ng gawain ng Diyos sa katawang-tao at kukumpleto sa kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos.

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Nang ginagawa ni Jesus ang Kanyang gawain, ang pagkakilala ng tao sa Kanya ay malabo pa rin at hindi maliwanag. Ang tao ay laging naniniwala na Siya ay anak ni David at ipinahayag na Siya ay isang dakilang propeta at ang mabuting Panginoon na tumubos sa mga kasalanan ng tao. Ang ilan, batay sa pananampalataya, ay gumaling sa pamamagitan lamang ng paghipo sa laylayan ng Kanyang damit; ang bulag ay maaaring makakita at kahit ang patay ay maaaring maibalik ang buhay. Gayunman, hindi natuklasan ng tao ang tiwaling maka-satanas na disposisyon na malalim na nakatanim sa kalooban niya at hindi rin alam ng tao kung paano iwaksi ito. Ang tao ay nakatanggap ng labis na biyaya, tulad ng kapayapaan at kasiyahan ng laman, ang pagpapala ng buong pamilya dahil sa pananampalataya ng isa, at ang pagpapagaling ng mga sakit, at iba pa. Ang natitira ay ang mga mabuting gawa ng tao at kanilang maka-Diyos na itsura; kung ang tao ay maaaring mabuhay batay sa ganito, siya ay itinuring na isang mabuting mananampalataya. Ang mga mananampalatayang tulad lamang nito ang maaaring pumasok sa langit pagkamatay, na nangangahulugan na sila ay nailigtas. Nguni’t, sa kanilang buong buhay, hindi nila lubos na naunawaan kahit kailan ang daan ng buhay. Sila ay nakakagawa lamang ng mga kasalanan, pagkatapos ay nangungumpisal ng kasalanan nang paulit-ulit na walang anumang daan tungo sa isang nabagong disposisyon; ganyan ang kalagayan ng tao sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang tao ba ay nakatanggap ng ganap na kaligtasan? Hindi! Samakatuwid, matapos na makumpleto ang yugtong iyon, naroon pa rin ang gawain ng paghatol at pagkastigo. Ang yugtong ito ay para padalisayin ang tao sa pamamagitan ng salita at sa gayo’y bigyan siya ng isang landas na susundan. Ang yugtong ito ay hindi magiging mabunga o makahulugan kung nagpatuloy ito sa pagpapalayas ng mga demonyo, sapagka’t ang makasalanang kalikasan ng tao ay hindi maiwawaksi at ang tao ay hihinto lamang sa pagpapatawad ng mga kasalanan. Sa pamamagitan ng handog para sa kasalanan, ang tao ay napatawad sa kanyang mga kasalanan, sapagka’t ang gawain ng pagpapapako sa krus ay dumating na sa katapusan at ang Diyos ay nanaig laban kay Satanas. Nguni’t ang tiwaling disposisyon ng tao ay nananatili pa rin sa loob nila at ang tao ay maaari pa ring magkasala at labanan ang Diyos; at hindi pa nakamit ng Diyos ang sangkatauhan. Kung kaya sa yugtong ito ng gawaing ginagamit ng Diyos ang salita upang ibunyag ang tiwaling disposisyon ng tao at hinihingi sa tao na magsagawa alinsunod sa tamang landas. Ang yugtong ito ay mas makahulugan kaysa nauna at mas mabunga rin, dahil sa ngayon ang salita ang direktang nagbibigay-buhay sa tao at nagbibigay-daan upang ang disposisyon ng tao ay ganap na mapanibago; ito ay isang yugto ng gawain na mas masusi. Samakatuwid, ang pagkakatawang-tao sa mga huling araw ay nagpaging-ganap sa kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos at ganap na tumapos sa plano ng pamamahala ng Diyos para sa kaligtasan ng tao.

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang unang nagkatawang-taong Diyos ay hindi tinapos ang pagkakatawang-tao; tinupad lamang Niya ang unang hakbang ng gawain na kinailangan para sa Diyos na gawin sa katawang-tao. Kaya, upang tapusin ang gawain ng pagkakatawang-tao, ang Diyos ay bumalik sa katawang-tao sa isa pang pagkakataon, isinasabuhay ang lahat ng pagiging-karaniwan at realidad ng katawang-tao, ibig sabihin, ginagawa ang Salita ng Diyos na hayag sa lubusang normal at ordinaryong katawang-tao, sa gayon ay tinatapos ang gawain na Kanyang iniwan na hindi natapos sa katawang-tao. Ang ikalawang nagkatawang-taong laman ay katulad ng una sa kakanyahan, nguni’t ito ay mas makatotohanan, mas normal kaysa una. Bilang isang kinahinatnan, ang paghihirap na tiniis ng ikalawang nagkatawang-taong laman ay mas higit kaysa roon sa una, nguni’t ang pagdurusang ito ay resulta ng Kanyang ministeryo sa katawang-tao, na iba sa mga paghihirap ng tiniwaling tao. Ito rin ay nagmula sa pagiging-karaniwan at realidad ng Kanyang katawang-tao. Dahil ginagampanan Niya ang Kanyang ministeryo sa lubos na normal at totoong katawang-tao, ang katawang-tao ay dapat magtiis ng higit na matinding paghihirap. Habang mas normal at totoo ang katawang-tao, mas higit Siyang magdurusa sa pagganap ng Kanyang ministeryo. Ang gawain ng Diyos ay ipinahahayag sa napaka-pangkaraniwang laman, isa na kailanma’y hindi higit-sa-karaniwan. Dahil ang Kanyang katawang-tao ay normal at dapat ding pasanin ang gawain ng pagliligtas sa tao, Siya ay nagdurusa nang mas matindi pa sa higit-sa-karaniwang katawang-tao—ang lahat ng pagdurusang ito ay nagmula sa realidad at normalidad ng Kanyang katawang-tao. Mula sa napagdaanan nang paghihirap ng dalawang nagkatawang-taong laman na habang gumaganap sa Kanilang mga ministeryo, makikita ng isa ang kakanyahan ng nagkatawang-taong laman. Habang mas normal ang laman, mas higit na kahirapan ang Kanyang dapat tiisin habang gumaganap ng gawain; habang mas totoo ang laman na gumaganap ng gawain, mas masaklap ang mga nagiging pagkaunawa ng tao, at mas maraming panganib ang maaaring mangyari sa Kanya. At gayon pa man, habang mas tunay ang laman, at habang ang laman ay mas higit na nagtataglay ng mga pangangailangan at ganap na pakiramdam ng isang karaniwang tao, ay mas may kakayahan Siya na gampanan ang gawain ng Diyos sa katawang-tao. Ang katawang-tao ni Jesus ang siyang ipinako sa krus, ang Kanyang katawang-tao na isinuko Niya bilang handog para sa kasalanan; ito’y sa pamamagitan ng laman na may karaniwang pagkatao na tinalo Niya si Satanas at ganap na nailigtas ang tao mula sa krus. At ito ay bilang isang ganap na laman na ang pangalawang nagkatawang-taong Diyos ay gumaganap ng panlulupig na gawain at tinatalo si Satanas. Tanging ang katawang-tao na ganap na karaniwan at totoo ang makagaganap ng panlulupig na gawain sa kabuuan nito at makagagawa ng malakas na patotoo. Ibig sabihin, ang paglupig sa tao ay ginagawang epektibo sa pamamagitan ng realidad at pagiging-karaniwan ng Diyos sa katawang-tao, hindi sa pamamagitan ng higit-sa-karaniwang mga himala at mga pagbubunyag. Ang ministeryo ng nagkatawang-taong Diyos na ito ay upang magsalita, at sa gayong paraan ay lupigin at gawing perpekto ang tao; sa madaling salita, ang gawain ng Espiritu na naging totoo sa katawang-tao, ang tungkulin ng katawang-tao, ay magsalita at sa gayong paraan ay lupigin, ibunyag, gawing perpekto, at alisin nang ganap ang tao. At sa gayon, nasa panlulupig na gawain kung saan matatapos nang buo ang gawain ng Diyos sa katawang-tao. Ang unang pantubos na gawain ay simula lamang ng gawain ng pagkakatawang-tao; ang katawang-tao na siyang gumagawa ng panlulupig na gawain ay tatapusin ang buong gawain ng pagkakatawang-tao. … Sa yugtong ito ng gawain ang Diyos ay hindi nagpapakita ng mga palatandaan at mga kababalaghan, upang makamit ng gawain ang mga resulta nito sa pamamagitan ng mga salita. Ang dahilan nito, bukod dito, ay sapagka’t ang gawain ng nagkatawang-taong Diyos sa pagkakataong ito ay hindi upang pagalingin ang maysakit at palayasin ang mga demonyo, kundi upang lupigin ang tao sa pamamagitan ng pagsasalita, na ibig sabihin ay na ang likas na abilidad na taglay nitong nagkatawang-taong laman ng Diyos ay sambitin ang mga salita at lupigin ang tao, hindi para pagalingin ang maysakit at palayasin ang mga demonyo. Ang Kanyang gawain sa karaniwang pagkatao ay hindi upang gumawa ng mga milagro, hindi magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo, kundi ang magsalita, at sa gayon ang ikalawang nagkatawang-taong laman ay mas mukhang karaniwan sa mga tao kaysa roon sa una. Nakikita ng mga tao na ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay hindi kasinungalingan; subali’t itong nagkatawang-taong Diyos ay iba sa nagkatawang-taong si Jesus, at kahit Sila’y parehong nagkatawang-taong Diyos, Sila’y hindi ganap na magkatulad. Si Jesus ay nagtaglay ng karaniwang pagkatao, ordinaryong pagkatao, nguni’t Siya’y sinamahan ng mga palatandaan at mga kababalaghan. Sa ganitong Diyos na nagkatawang-tao, ang mga mata ng tao ay walang makikitang mga palatandaan o mga kababalaghan, kahit ang magpagaling ng maysakit o ang magpalayas ng mga demonyo, o ang paglalakad sa dagat, o ang pag-aayuno sa loob ng apatnapung araw…. Hindi Niya ginagawa ang kaparehong gawain na ginawa ni Jesus, hindi dahil ang Kanyang katawang-tao ay naiiba kay Jesus sa kakanyahan, kundi dahil sa hindi Niya ministeryo ang pagpapagaling ng maysakit at pagpapalayas ng mga demonyo. Hindi Niya sinisira ang Kanyang sariling gawa, hindi Niya ginagambala ang Kanyang sariling gawain. At dahil nilulupig Niya ang tao gamit ang Kanyang tunay na mga salita, hindi kinakailangan na supilin siya ng mga milagro, at kaya ang yugtong ito ay upang tapusin ang gawain ng pagkakatawang-tao.

—mula sa “Ang Diwa ng Katawang-tao na Tinatahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Bakit sinasabi Ko na ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ay hindi natapos sa gawain ni Jesus? Sapagka’t ang Salita ay hindi ganap na nagkatawang-tao. Ang ginawa ni Jesus ay isang parte lamang ng gawain ng Diyos sa katawang-tao; ginawa lamang Niya ang mapantubos na gawain at hindi ginawa ang ganap na pagkakamit sa tao. Sa kadahilanang ito ang Diyos ay nagkatawang-taong muli sa mga huling araw. Ang yugtong ito ng gawain ay tinutupad din sa isang ordinaryong laman, ginagawa ng isang lubos na karaniwang tao, isa na ang pagkatao nito ay hindi man lamang nakahihigit. Sa madaling salita, ang Diyos ay naging isang ganap na tao, at ito ay isang tao na ang pagkakakilanlan ay doon sa Diyos, isang ganap na tao, isang ganap na katawang-tao, na gumaganap ng gawain. Sa mata ng tao, Siya lamang ay isang laman na hindi nakahihigit sa lahat, isang napaka-ordinaryong tao na makakapagsalita sa wika ng langit, na hindi nagpapakita ng mga mahimalang tanda, hindi gumagawa ng milagro, lalo nang hindi naglalantad ng panloob na katotohanan tungkol sa relihiyon sa malalaking bulwagang pinagtitipunan. Ang gawain ng ikalawang nagkatawang-taong laman para sa tao’y lubos na hindi gaya noong una, kaya ang dalawa ay tila lubusang walang anumang pagkakapareho, at wala noong unang gawain ang makikita ngayon. Kahit na ang gawain ng ikalawang nagkatawang-taong laman ay naiiba mula roon sa nauna, hindi nito pinatutunayan na ang Kanilang pinagmulan ay hindi iisa at pareho. Kung pareho ang Kanilang pinagmulan ay depende sa kalikasan ng gawain na ginawa sa pamamagitan ng mga laman at hindi sa Kanilang panlabas na mga balat. Sa panahon ng tatlong yugto ng Kanyang gawain, ang Diyos ay dalawang beses na nagkatawang-tao, at sa parehong panahon ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay nagpapasinaya sa isang bagong kapanahunan, naghahatid ng bagong gawain; pinupunan ng mga pagkakatawang-tao ang isa’t isa. Imposible para sa mga mata ng tao na sabihin na ang dalawang laman ay talagang nagmula sa parehong pinanggalingan. Kaya nga, ito ay higit sa kakayahan ng mata ng tao o ng isip ng tao. Nguni’t sa Kanilang kakanyahan Sila’y pareho, pagka’t ang Kanilang gawain ay nagmumula sa parehong Espiritu. Kung nagmumula ang dalawang nagkatawang-taong laman sa parehong pinanggalingan ay hindi mahahatulan ng kapanahunan at lugar kung saan Sila ipinanganak, o iba pang dahilan, kundi sa pamamagitan ng banal na gawain na inihayag Nila. Ang ikalawang nagkatawang-taong laman ay hindi gumaganap ng kahit anong gawaing ginawa ni Jesus, dahil ang gawain ng Diyos ay hindi umaayon sa kinasanayan, nguni’t sa bawat panahon ito’y nagbubukas ng bagong daan. Ang pangalawang pagkakatawang-tao ay hindi layuning palalimin o patatagin ang impresyon ng unang katawang-tao sa isipan ng mga tao, kundi upang punuan ito at upang gawin itong perpekto, para palalimin ang pagkakilala ng tao sa Diyos, para suwayin ang lahat ng patakaran na umiiral sa puso ng mga tao, at para lipulin ang mga maling larawan ng Diyos sa kanilang mga puso. Ito ay maaaring sabihin na walang indibidwal na yugto ng sariling gawain ng Diyos ang makapagbibigay ng ganap na pagkakilala tungkol sa Kanya; bawat isa’y nagbibigay lamang ng parte, hindi ng kabuuan. Kahit ang Diyos ay nagpahayag na ng Kanyang buong disposisyon, dahil sa limitadong kakayahan ng tao sa pag-unawa, ang kanyang pagkakilala tungkol sa Diyos ay hindi pa rin kumpleto. Ito’y imposible, gamit ang wika ng tao, na ipabatid ang kabuuan ng disposisyon ng Diyos; gaano ba kakaunti maaaring lubos na maihayag ng isang yugto ng Kanyang gawain ang Diyos? Siya ay gumagawa sa katawang-tao sa ilalim ng takip ng Kanyang normal na pagkatao, at makikilala lamang Siya ng isa sa pamamagitan ng mga pagpapahayag ng Kanyang pagka-Diyos, at hindi sa pamamagitan ng Kanyang katawang panlabas. Ang Diyos ay nagiging katawang-tao para payagan ang tao na makilala Siya sa pamamagitan ng Kanyang mga iba’t ibang gawain, at wala kahit dalawang yugto sa Kanyang gawain ang pareho. Tanging sa paraang ito magagawa ng tao na magkaroon ng lubos na kaalaman sa gawain ng Diyos sa katawang-tao, hindi nakakulong sa isang aspeto.

—mula sa “Ang Diwa ng Katawang-tao na Tinatahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Si Jesus ay gumawa ng isang yugto ng gawain na tinupad lamang ang diwa ng “ang Salita ay kasama ng Diyos”: Ang katotohanan ukol sa Diyos ay kasama ng Diyos, at ang Espiritu ng Diyos ay kasama ng katawang-tao at hindi maihihiwalay sa Kanya, iyon ay, ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao ay kasama ng Espiritu ng Diyos, na siyang lalong malaking katunayan na ang Jesus na nagkatawang-tao ay ang unang pagkakatawang-tao ng Diyos. Tinupad ng yugtong ito ng gawain ang panloob na kahulugan ng “ang Salita ay nagkakatawang-tao,” nagbigay ng mas malalim na kahulugan sa “ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos,” at tinutulutan ka na paniwalaan nang matibay na “Sa simula ay ang Salita.” Na ang ibig sabihin, sa panahon ng paglikha ang Diyos ay nagtataglay ng mga salita, ang Kanyang mga salita ay kasama Niya at hindi maihihiwalay sa Kanya, at lalo pang ginawang mas malinaw ng panghuling kapanahunan ang kapangyarihan at awtoridad ng Kanyang mga salita, at tinutulutan ang tao na makita ang lahat ng Kanyang mga salita—na marinig ang lahat ng Kanyang mga salita. Ang gayon ay ang gawain ng panghuling kapanahunan. Dapat kang makarating sa pagkaalam sa mga bagay na ito nang lubusan. Hindi ito isang pagtatanong sa pagkilala sa laman, nguni’t pagkilala sa laman at sa Salita. Ito ang kung saan dapat kang sumaksi, yaong dapat malaman ng bawat isa. Sapagka’t ito ang gawain ng ikalawang pagkakatawang-tao—at ang huling pagkakataon na ang Diyos ay naging katawang-tao—lubos nitong kinukumpleto ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao, ganap na ipinatutupad at pinabubukal ang lahat ng gawain ng Diyos sa laman, at tinutuldukan ang panahon ng pagiging katawang-tao ng Diyos.

—mula sa “Pagsasagawa (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

————————————————
"Itinala ng Bibliya ang mga propesiya sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo. Bukod sa mga propesiya ng pagbaba ng Panginoon nang hayagan sa mga ulap, mayroon ding mga propesiya na ang Diyos ay magiging Anak ng tao at bababa sa lihim. Kung gayon, paano matutupad ang dalawang uri ng mga propesiyang  ito? 
Inirerekomenda:  Ikalawang Pagparito ni Jesucristo"

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...