Kidlat ng Silanganan

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pag-ibig. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pag-ibig. Ipakita ang lahat ng mga post

May 23, 2018

Awit ng Pagsamba | Dalisay na Pag-ibig na Walang Dungis

★⋰ * ⋱★⋰ *⋱★⋰*⋱★⋰ * ⋱★⋰ *★⋰ * ⋱★⋰ *⋱★⋰*⋱★⋰ * ⋱★

*♬*゜*♬*゜*♬*゜*♬*゜*♬*゜*♬*゜*♬*゜*♬*゜*♬*゜*♬*゜*♬*゜

Ang pag-ibig ay isang dalisay na damdamin,
dalisay na walang dungis.
Gamitin ang iyong puso,
sa pag-ibig at makaramdam at mangalaga.
Ang pag-ibig ay 'di nagtatakda ng mga kondisyon
o mga hadlang o agwat.
Gamitin ang 'yong puso,
sa pag-ibig at makaramdam at mangalaga.
Kung ikaw ay nagmamahal, 'di ka manlilinlang,
magrereklamo at tatalikod,
naghihintay ng kapalit.
Kung ikaw ay umiibig magpapakasakit ka,
tinatanggap ang hirap at makaisa ng Diyos sa pagkaayon.


May 20, 2018

Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus | Paano Mo Dapat Asikasuhin ang Iyong Hinaharap na Misyon

★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★


🌳🌳🌳🌳🌳🌳🌳🌳🌳🌳🌳🌳🌳🌳🌳🌳🌳🌳🌳

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Naisip mo ba kung gaano namighati at nabalisa ang puso ng Diyos? Paano Niyang matitiis na makita ang inosenteng sangkatauhan na nilikha Niya ng Kanyang sariling mga kamay na dumaranas ng gayong pagdurusa? Pagkatapos ng lahat, ang sangkatauhan ay ang mga kapus-palad na nilason. Kahit na nanatili silang buhay hanggang sa araw na ito, sino ang makaiisip na sila ay matagal nang nilason ng masamang nilalang? Nakalimutan mo bang isa ka sa mga biktima? Dala ng iyong pag-ibig sa Diyos, hindi ka ba handang magsikap upang iligtas ang mga yaong nanatiling buhay? Hindi ba kayo handang gamitin ang lahat ng inyong pagsisikap upang gantihan ang Diyos na iniibig ang sangkatauhan tulad ng Kanyang sariling laman at dugo? Paano mo bibigyang kahulugan ang pagkasangkapan ng Diyos upang isabuhay ang iyong pambihirang buhay? Talaga bang mayroon kang pagpapasya at tiwala sa sarili na isabuhay ang isang makabuluhang buhay ng isang taong madasalin at naglilingkod sa Diyos?”

Abr 6, 2018

Kidlat ng Silanganan | Ebangheliyong musika | Ang Pag-ibig at Kakanyahan ng Diyos ay Palaging Walang Pag-iimbot


 Kidlat ng SilangananEbangheliyong musika | Ang Pag-ibig at Kakanyahan ng Diyos ay Palaging Walang Pag-iimbot


Diyos, Ebanghelyo, Iglesia, Pag-iimbot, pag-ibig,


Hindi ibinubunyag o ipinapakita ang Kanyang pagdurusa.
Ang Diyos ay nagtitiis at naghihintay ng tahimik.
Hindi kalamigan o manhid, ni isang tanda ng kahinaan.
Ang kakanyahan at pagmamahal ng Diyos
ay palaging walang pag-iimbot.
Ibinibigay ng Diyos ang Kanyang pinakamahusay,
Kanyang pinakamahusay na panig.
Pinakamabubuting mga bagay ay Kanyang ibinibigay.
Naghihirap Siya para sa sangkatauhan;
tahimik na nadadala ang Kanyang pagdurusa.
Tahimik Siyang nagbibigay ng Kanyang pinakamahusay.


Mar 13, 2018

Kidlat ng Silanganan | Cristianong Papuring Kanta | Alaga ng Diyos ang bawat tao sa lahat ng paraan


Kidlat ng Silanganan | Cristianong Papuring Kanta  | Alaga ng Diyos ang bawat tao sa lahat ng paraan


I

Kadakilaan, kabanalan, dakilang kapangyariha't pag-ibig,

mga detalye ng kakanyahan at disposisyon ng Diyos

naibubunyag sa tuwing Siya'y nagpapatupad ng Kanyang gawain,

nakita sa Kanyang kalooban para sa tao,

natupad sa buhay ng sangkatauhan.

Peb 28, 2018

Salita ng Diyos | Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Masasakit na Mga Pagsubok Mo Malalaman Ang Kagandahan ng Diyos

Kidlat ng Silanganan | Salita ng Diyos | Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Masasakit na Mga Pagsubok Mo Malalaman Ang Kagandahan ng Diyos



   Gaano mo ba kamahal ang Diyos sa kasalukuyan? At gaano ba ang iyong nalalaman ukol sa lahat ng ginawa ng Diyos sa iyo? Ito ang mga bagay ba dapat mong matutunan. Nang ang Diyos ay dumating sa lupa, ang lahat ng Kanyang ginawa sa tao at itinulot na makita ng tao ay upang ibigin Siya ng tao at makilala Siya nang tunay. Na nagagawa ng tao na magdusa para sa Diyos at nagawang makarating ng ganito kalayo ay, sa isang banda, dahil sa pag-ibig ng Diyos, at sa isa pang banda, ay dahil sa pagliligtas ng Diyos; higit sa rito, ito ay dahil sa gawain ng paghatol at pagkastigo na ipinatupad ng Diyos sa tao.

Peb 15, 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Tunay na Pag-ibig sa Diyos ay Kusa

 buhay, Diyos, katotohanan, Pag-ibig, panalangin

Kidlat ng Silanganan | Ang tinig ng Diyos | Ang Tunay na Pag-ibig sa Diyos ay Kusa


    Ang lahat ng mga tao ay isinailalim sa pagpipino dahil sa mga salita ng Diyos. Kung hindi dahil sa Diyos na nagkatawang-tao ang sangkatauhan ay tiyak na hindi mabibiyayaan na magdanas sa gayong paraan. Maaari rin itong sabihin nang ganito—yaong mga nakatatanggap sa mga pagsubok ng mga salita ng Diyos ay mga taong pinagpala. Batay sa dating kakayahan ng mga tao, ang kanilang pag-uugali, at mga saloobin sa Diyos, hindi sila karapat-dapat na tumanggap ng ganitong pagpipino. Ito ay dahil pinatibay sila ng Diyos na tinatamasa nila ang Kanyang pagpapala. Dati nang sinasabi ng mga tao na hindi sila karapat-dapat na makita ang mukha ng Diyos o marinig ang Kanyang mga salita. Sa kasalukuyan, lubusang dahil sa pagpapatibay ng Diyos at sa Kanyang awa na tinatanggap ng mga tao ang pagpipino ng Kanyang mga salita. Ito ang pagpapala ng bawat isang tao na nabubuhay sa mga huling araw—personal ba ninyong naranasan ito? Kung saang aspeto dapat magdusa ang mga tao at magkaroon ng mga kabiguan ay itinatalaga ng Diyos, at hindi ito batay sa sariling mga kinakailangan ng mga tao. Ito ay talagang totoo. Ang bawat mananampalataya ay dapat magtaglay ng kakayahan na sumailalim sa mga pagsubok ng mga salita ng Diyos at magdusa sa loob ng Kanyang mga salita. Ito ba ay isang bagay na malinaw ninyong nakikita? Kaya ang pagdurusa na inyong pinagdadaanan ay kapalit ng kasalukuyang mga biyaya; kung hindi ka magdurusa para sa Diyos, hindi mo makakamit ang Kanyang papuri. Maaaring nagrereklamo ka noong nakaraan, ngunit hindi alintana kung gaano ka man nagrereklamo hindi naaalala ng Diyos ang mga iyon tungkol sa iyo. Sumapit ang araw na ito at walang dahilan na tumingin sa mga bagay ng kahapon.

Peb 14, 2018

Mabuhay sa Pag-ibig ng Diyos | Sa Pamilya ng Diyos Tayo ay Nagkikita


Mabuhay sa Pag-ibig ng Diyos | Sa Pamilya ng Diyos Tayo ay Nagkikita | Kidlat ng Silanganan



I Nagmamahal sa isa't-isa, tayo ay pamilya. Ahh ... ahh ... ahh … Sa pamilya ng Diyos tayo ay nagkikita; isang pagtitipon ng mga nagmamahal sa Diyos. Na walang kinikilingan; malapit na samasama, ang tamis at saya sa puso'y umaapaw. Pagsisisi sala'y iniwan natin kahapon; ngayon tayo'y nagkakaintindihan, namumuhay sa pag-ibig ng Diyos. Gaano kasaya kung tayo'y nagkakaintindihan at walang katiwalian. Mga kapatid na nagmamahal, tayo ay pamilya. Na walang kinikilingan, malapit na samasama. Ahh ... ahh ... ahh ... oohing……
II Sa pamilya ng Diyos tayo ay nagkikita, mula sa lahat ng dereksyon at lugar. Namuhay sa katiwalian pero niligtas ng Diyos. Tayo’y may parehong layunin at kalooban. Nagbabahagi ng ating damdamin kapag magkalayo, pati mga karanasa't kaalama'ng ating nakamtan. Ngayon tayo ay naglalakbay sa maliwanag na landas ng buhay. Hinaharap ang magandang bukas, puno ng pag-asa't liwanag. Magandang bukas, puno ng liwanag. Ahh ... ahh ... ahh … oohing……
III Sa pamilya ng Diyos tayo ay nagkikita; pero magkakahiwalay rin tayo agad. Pasan ang pagsusugó’t kalooban ng Diyos, iiwan natin ang isa’t isa para sa kapakanan ng gawa ng Maykapal. Habang tayo'y magkasama, tayo'y mag-uusap at tayo'y tatawa ng masaya. Kapag tayo ay maghiwalay, hihimukin natin ang isa’t-isa. Pag-ibig ng Diyos ang pinagmumulan ng katapatan hanggang sa huli. Para sa magandang Kinabukasan, gagawin natin ang ating makakaya. Para sa magandang Kinabukasan, gagawin natin ang ating makakaya.

mula sa Sundan ang Kordero at Umawit ng Bagong mga Awit


Rekomendasyon:

Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw



Peb 1, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayanang Kumatawan sa Diyos

Banal na Espiritu, Diyos, kalooban, pag-ibig, Jesus

Kidlat ng Silanganan Pag-bigkas ng Diyos | Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayanang Kumatawan sa Diyos


   Ang tao ay nabubuhay sa ilalim ng pagkabalot sa impluwensya ng kadiliman, nakagapos sa impluwensya ni Satanas nang walang matatakasan. At ang disposisyon ng tao, pagkatapos itong sumailalim sa proseso ni Satanas, ay nagiging mas tiwali. Masasabi ng isang tao ay patuloy na nabubuhay sa kanyang tiwali at mala-demonyong disposisyon, walang kakayahang umibig ng tunay sa Diyos. Dahil dito, kung nais ng tao na ibigin ang Diyos, kailangan niyang alisin ang kanyang sariling-katuwiran, sariling-kahalagahan, pagmamataas, pagmamalaki, at mga kauri nito, na nanggagaling lahat sa disposisyon ni Satanas. Kung hindi, ang pag-ibig ng tao ay isang maruming pag-ibig, pag-ibig ni Satanas, at isang bagay na siguradong hindi makakatanggap ng pagsang-ayon ng Diyos. Kung hindi direktang magawang perpekto, pakitunguhan, masira, pungusin, madisiplina, maparusahan, o gawing dalisay ng Banal na Espiritu, walang tunay na makakaibig sa Diyos. Kung sasabihin mo na ang isang bahagi ng iyong disposisyon ay kumakatawan sa Diyos at dahil dito ay kaya mong ibigin ng tunay ang Diyos, sa gayon ay isa kang tao na nagsasambit ng mga salita ng kayabangan at isang taong salungat sa katuwiran. At ang mga taong katulad nito ay ang arkanghel! Ang sadyang kalikasan ng tao ay hindi maaaring direktang kumatawan sa Diyos. Kailangang alisin ng tao ang sadyang kalikasan niya sa pamamagitan ng pagperpekto ng Diyos, at pagkatapos, sa pamamagitan lamang ng pagsaalang-alang sa kalooban ng Diyos, pagtupad sa kalooban ng Diyos at higit pang pagsailalim sa gawain ng Banal na Espiritu, na aaprubahan ng Diyos ang kanyang pagsasabuhay. Walang sinuman na nabubuhay sa laman ang maaaring direktang kumatawan sa Diyos, maliban kung siya ay isang tao na ginamit ng Banal na Espiritu. Gayunman, kahit sa taong katulad nito, ang kanyang disposisyon at kung ano ang kanyang isinasabuhay ay hindi maaaring sabihin na ganap na kumakatawan sa Diyos; maaari lamang sabihin ng isang tao na ang kanyang isinasabuhay ay ginabayan ng Banal na Espiritu. Ang disposisyon ng gayong tao ay hindi maaaring kumatawan sa Diyos.

Ene 28, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Landas... (3)

Jesus, pag-ibig, buhay, Banal na Espiritu, Diyos

Kidlat ng Silanganan | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Landas... (3)


Sa Aking sariling buhay, Ako ay laging handang ibigay ang Aking sarili sa Diyos nang buo, katawan at isipan. Sa paraang ito, walang paninisi sa Aking konsensya at Ako ay nakatatamo ng kaunting kapayapaan. Ang isang tao na naghahabol sa buhay ay dapat munang ibigay ang kanilang puso sa Diyos nang buo. Ito ay paunang-kundisyon. Nais Kong ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay manalanging kasama Ko sa Diyos: “O Diyos! Nawa ang Iyong Espiritu sa langit ay magkaloob ng biyaya sa mga tao sa lupa upang ang Aking puso ay lubos na babaling sa Iyo, upang ang Aking Espiritu ay maantig Mo, at upang makita Ko ang Iyong kariktan sa Aking puso at Aking Espiritu, upang yaong mga nasa lupa ay mapagpala na makita ang Iyong kagandahan. Diyos! Nawa ang Iyong Espiritu ay minsan pang antigin ang aming mga espiritu upang ang aming pag-ibig ay tumatagal at kailanma’y hindi nagbabago!” Ang ginagawa ng Diyos sa ating lahat ay sinusubok muna ang ating mga puso, at kapag ibinuhos natin ang ating mga puso tungo sa Kanya, sa sandaling iyon ay nagsisimula Siyang antigin ang ating mga espiritu. Sa espiritu lamang makikita ng isa ang kariktan ng Diyos, kataasan, at kadakilaan. Ito ang landas ng Banal na Espiritu sa mga tao. Mayroon ka ba ng ganitong uri ng buhay? Naranasan mo na ba ang buhay ng Banal na Espiritu? Ang iyo bang espiritu ay naantig na ng Diyos? Nakita mo na ba kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu sa mga tao? Naibigay mo na ba ang iyong puso sa Diyos nang buo? Kapag buo mong ibinibigay ang iyong puso sa Diyos, nakakaya mong tuwirang maranasan ang buhay ng Banal na Espiritu, at ang Kanyang gawain ay maaaring patuloy na mabunyag sa iyo. Sa panahong iyon, maaari kang maging isang tao na ginagamit ng Banal na Espiritu. Handa ka ba na maging ganoong uri ng tao? Sa Aking alaala, noong Ako ay naantig ng Banal na Espiritu at unang ibinigay ang Aking puso sa Diyos, bumagsak Ako sa harapan Niya at umiyak: “O Diyos! Ikaw ang nagbukas ng Aking mga mata upang Aking makilala ang Iyong pagliligtas. Handa Akong ibigay ang Aking puso sa Iyo nang buo, at ang tangi Kong hinihiling ay mangyari ang Iyong kalooban. Ang tangi Kong inaasam ay makamit ng puso Ko ang Iyong pagsang-ayon sa Iyong presensya, at maisakatuparan ang Iyong kalooban.” Ang panalanging iyon ay pinaka-hindi-malilimutan para sa Akin; Ako ay masyadong naantig, at Ako ay mapait na tumangis sa harapan ng Diyos. Iyon ang Aking unang matagumpay na pananalangin sa presensya ng Diyos bilang isang tao na naligtas, at iyon ang una Kong hinahangad. Ako ay malimit na naaantig ng Banal na Espiritu matapos iyon. Nagkaroon ka na ba ng ganitong uri ng karanasan? Paano nakágáwâ ang Banal na Espiritu sa iyo? Sa palagay Ko ang mga tao na naghahanap na ibigin ang Diyos ay magkakaroong lahat ng ganitong uri ng karanasan, sa humigit-kumulang na mga antas, subali’t nakakalimutan ng mga tao ang tungkol sa mga iyon. Kung sinasabi ng isang tao na hindi pa sila nagkaroon ng ganitong karanasan, pinatutunayan niyan na sila ay hindi pa naliligtas at nasa ilalim pa rin ng sakop ni Satanas. Ang gawain na isinasakatuparan ng Banal na Espiritu sa bawa’t isa ay ang landas ng Banal na Espiritu, at ito rin ang landas ng isang tao na naniniwala at naghahanap sa Diyos. Ang unang hakbang ng gawain na ginagampanan ng Banal na Espiritu sa mga tao ay yaong pag-antig sa kanilang mga espiritu. Matapos iyon, sila ay magsisimulang mahalin ang Diyos at habulin ang buhay; ang lahat niyaong mga nasa landas na ito ay nasa loob ng daloy ng Banal na Espiritu. Ang mga ito ay hindi lamang ang mga paggalaw ng gawain ng Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina, kundi sa buong sansinukob din. Ginagawa Niya ito sa buong sangkatauhan. Kung ang isang tao ay hindi pa naantig kahit minsan, ipinakikita nito na sila ay nasa labas ng daloy na ito ng pagbabawi. Aking idinadalangin sa Diyos nang walang-patid sa Aking puso na maaantig Niya ang lahat ng mga tao, na ang bawa’t isa sa ilalim ng araw ay maaantig Niya at lalakad sa landas na ito. Marahil ito ay isa Kong napakaliit na kahilingan sa Diyos, nguni’t Ako ay naniniwala na gagawin Niya ito. Ako ay umaasa na lahat ng Aking mga kapatirang lalaki at babae ay mananalangin para dito, upang ang kalooban ng Diyos ay mangyari, at nang ang Kanyang gawain ay matapos sa lalong madaling panahon upang ang Kanyang Espiritu sa langit ay makapahinga. Ito ang Aking sariling maliit na pag-asa.

Ene 22, 2018

Ang tinig ng Diyos | Inaakay ng Isang Normal Na Espirituwal na Buhay Ang Mga Tao sa Tamang Landas


Kidlat ng SilangananAng tinig ng Diyos | Inaakay ng Isang Normal Na Espirituwal na Buhay Ang Mga Tao sa Tamang Landas



Ang nilakaran pa lamang ninyo ay isang napakaliit na bahagi ng landas ng isang sumasampalataya sa Diyos, at hindi pa kayo nakapasok sa tamang landas, kaya malayo pa rin kayo mula sa pagtatamo ng pamantayan ng Diyos. Sa ngayon, ang inyong tayog ay hindi sapat upang matugunan ang Kanyang mga kinakailangan. Dahil sa inyong kakayahan at sa inyong katutubong tiwaling kalikasan, palagi kayong padalus-dalos sa pagtrato sa gawain ng Diyos at hindi ito sineseryoso. Ito ang inyong pinakamalaking pagkukulang. Tangi sa roon, wala kayong kakayahan na mahanap ang landas ng Banal na Espiritu. Hindi ito naunawaan ng karamihan sa inyo at hindi ito nakikita nang malinaw. Higit sa rito, karamihan sa inyo ay hindi nagtutuon ng pansin sa usaping ito, at hindi gaanong seryoso tungkol rito. Kung magpapatuloy kayong gumawi kagaya nito at hindi nalalaman ang gawain ng Banal na Espiritu, kung gayon ang landas na inyong tinatahak bilang isang sumasampalataya sa Diyos ay magiging walang saysay. Ito ay dahil hindi ninyo ginagawa ang lahat sa inyong kapangyarihan upang hangarin na matupad ang kalooban ng Diyos, at sapagkat hindi kayo nakikipagtulungan nang husto sa Diyos. Hindi sa ang Diyos ay hindi gumawa sa iyo, o na hindi ka kinilusan ng Banal na Espiritu. Ito ay dahil sa ikaw ay masyadong walang ingat at hindi mo sineseryoso ang gawain ng Banal na Espiritu. Dapat mong kaagad na papanumbalikin ang mga bagay at lakaran ang landas na pinangungunahan ng Banal na Espiritu. Ito ang pangunahing paksa sa kasalukuyan. Itong “landas na pinangungunahan ng Banal na Espiritu” ay ang pagkakamit ng mga tao ng pagliliwanag sa kanilang espiritu, mayroon silang kaalaman ukol sa salita ng Diyos, nagkakamit sila ng kaliwanagan sa landas nila sa hinaharap, at nagagawa nilang pumasok sa katotohanan nang unti-unti, at lalo pang nakararating sa pagkaunawa sa Diyos. Ang landas na pinangungunahan ng Banal na Espiritu ay pangunahin na ang mga tao ay magkaroon ng isang mas malinaw na pagkaunawa sa mga salita ng Diyos, malaya mula sa mga paglihis at mga maling akala, upang malakaran nila ito. Upang matamo ang epektong ito, kailangan ninyong gumawa nang may pagkakaisa kasama ang Diyos, maghanap ng isang tamang landas na isasagawa, at lakaran ang landas na pinangungunahan ng Banal na Espiritu. May kinalaman ito sa pakikipagtulungan sa panig ng tao, iyon ay, kung ano ang inyong gagawin upang matamo ang mga kinakailangan ng Diyos sa inyo, at kung paano kayo gagawi upang pumasok sa tamang landas.

Ene 18, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Landas… (2)


Diyos, buhay, pag-ibig, katotohanan, Isabuhay

Kidlat ng Silanganan Pag-bigkas ng Diyos Ang Landas… (2)


Marahil ang ating mga kapatirang lalaki at babae ay may bahagyang balangkas ng pagkakasunud-sunod, mga hakbang, at mga pamamaraan ng gawain ng Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina, nguni’t lagi Kong nadarama na mas mabuting magkaroon ng pag-aalaala o isang munting kabuuan para sa ating mga kapatirang lalaki at babae. Ginagamit Ko lamang ang pagkakataong ito upang sabihin nang bahagya kung ano ang nasa Aking puso; Hindi Ako nagsasalita tungkol sa anuman sa labas ng gawaing ito. Ako ay umaasa na ang mga kapatirang lalaki at babae ay makakaunawa sa Aking pakiramdam, at Ako rin ay mapagkumbabang humihiling na lahat ng mga bumabasa ng Aking mga salita ay uunawain at patatawarin ang Aking maliit na tayog, na ang Aking karanasan sa buhay ay tunay na ‘di-sapat, at totoong hindi Ko maitaas ang Aking ulo sa harap ng Diyos. Gayunpaman, lagi Kong nararamdaman na ang mga ito ay mga pang-kinauukulang dahilan lamang. Sa madaling salita, kung anuman, walang mga tao, mga kaganapan, o mga bagay ang makahahadlang sa ating pagsasamahan sa presensya ng Diyos, at Ako ay umaasa na ang ating mga kapatirang lalaki at babae ay may kakayahang gumawa nang mas masigasig sa harap ng Diyos kasama Ko. Nais Kong ialay ang sumusunod na panalangin: “O Diyos! Aking isinasamo na maawa Ka sa amin upang Ako at ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay sama-samang makikipagtunggali sa ilalim ng pagkasakop ng aming nagkakaisang simulain, maging tapat sa Iyo hanggang kamatayan, at huwag itong tatalikuran!” Ang mga salitang ito ang paninindigan na itinalaga Ko sa harap ng Diyos, subali’t maaari ding sabihin na ito’y Aking sariling salawikain bilang isang taong nasa laman na ginagamit ng Diyos. Naibahagi Ko na ito sa pagsasamahan sa mga kapatirang lalaki at babae na kasama Ko nang maraming ulit, at naibigay Ko na ito sa mga yaon na kasabay Ko bilang isang mensahe. Hindi Ko alam kung ano ang iniisip ng mga tao rito, nguni’t kung anuman, Ako ay naniniwala na ang mga iyon ay hindi lamang mayroong aspeto ng pansariling pagsisikap, nguni’t higit pa, ang mga iyon ay may taglay ring aspeto ng teoryang pang-kinauukulan. Dahil dito, posible na may ilang mga tao na may tiyak na mga palagay, at maaari mong gawin ang mga salitang ito bilang iyong salawikain at tingnan kung gaano kalaki ang iyong magiging pagnanais na mahalin ang Diyos. May mga tao na magkakaroon ng tiyak na paniwala kapag binasa nila ang mga salitang ito, at iisipin: “Paanong ang gayong pang-araw-araw at karaniwang sinasabing bagay ay magbibigay sa mga tao ng matinding pagnanais na ibigin ang Diyos hanggang kamatayan? At ito ay walang kinalaman sa paksang ating tinatalakay, ‘Ang Landas.’” Aking kinikilala na ang mga salitang ito ay hindi gaanong kaakit-akit, subali’t lagi Kong naiisip na ito ay makapagdadala sa mga tao tungo sa tamang landas, at tutulutan silang sumailalim sa lahat ng uri ng mga pagsubok na nasa landas ng paniniwala sa Diyos nang hindi nasisiraan ng loob o umuurong. Ito ang kung bakit lagi Ko itong itinuturing bilang Aking salawikain, at Ako ay umaasa na maaari itong maingat na pag-isipan ng mga tao. Gayunpaman, ang Aking hangarin ay hindi upang pilitin ang bawa’t isa na tanggapin ang Aking sariling mga pananaw—ito ay isa lamang mungkahi. Anuman ang isipin ng ibang tao sa Akin, palagay Ko ay mauunawaan ng Diyos ang panloob na mga kaganapan sa bawa’t isa sa atin. Ang Diyos ay patuloy na gumagawa sa bawa’t isa sa atin, at ang Kanyang gawain ay walang kapaguran. Ito ay sapagka’t tayong lahat ay isinilang sa bansa ng malaking pulang dragon—ito ang kung bakit Siya ay gumagawa sa atin sa ganitong paraan. Yaong mga isinilang sa bansa ng malaking pulang dragon ay mapalad na makamit ang ganitong uri ng gawain ng Banal na Espiritu. Bilang isa sa kanila, damang-dama Ko ang kamahalan, pagiging kagalang-galang, gayundin ay ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos. Ito ang Diyos na kumakalinga sa atin. Ang ganitong uri ng nahuhulí, makaluma, maka-sistemang-piyudal, mapamahiin, at masamang imperyo ng uring-manggagawa ang nagsanhi na makamit ang ganitong uri ng gawain mula sa Diyos. Mula rito, malinaw na tayo, ang grupo ng mga taong ito sa huling kapanahunan, ay lubhang pinagpala. Ako ay naniniwala na lahat ng mga kapatirang lalaki at babae na ang espirituwal na mga mata ay nabuksan upang makita ang gawaing ito ay iiyak lahat ng mga luha ng kagalakan para dito, at sa sandaling iyon, hindi mo ba ipahahayag ito sa Diyos sa pamamagitan ng pagsayaw na may kagalakan? Hindi mo ba iaaalay ang awit sa iyong puso sa Diyos? Sa sandaling iyon hindi mo ba ipakikita ang iyong kapasyahan sa Diyos at gagawa ng isa pang plano sa harap Niya? Palagay Ko ang lahat ng mga ito ay mga bagay na dapat gawin ng isang wastong mananampalataya sa Diyos. Bilang mga tao, Ako ay naniniwala na ang bawa’t isa sa atin ay dapat na magkaroon ng isang uri ng pagpapahayag sa harap ng Diyos. Ito ang dapat gawin ng isang tao na may mga damdamin. Kung titingnan ang kakayahan ng bawa’t isa sa atin gayundin ang ating mga lugar ng kapanganakan, ipinakikita nito kung gaanong kahihiyan ang tiniis ng Diyos upang makaparito sa ating kalagitnaan. Bagaman mayroon tayong kaunting kaalaman tungkol sa Diyos sa loob natin, batay sa ating nalalaman, ang Diyos ay napakadakila, napakataas, at napakarangal, ito ay sapat upang malaman kung gaano katindi ang Kanyang naging pagdurusa sa gitna ng sangkatauhan kung ikukumpara. Nguni’t ito ay malabo pa ring bagay na sabihin, at kaya lamang itong ituring ng mga tao bilang mga salita at mga doktrina. Ito ay sapagka’t yaong mga nasa kalagitnaan natin ay masyadong manhid at mahina-ang-isip. Ako ay maaari lamang magtiyagang ipaliwanag ang usaping ito sa lahat ng mga kapatirang lalaki at babae na tatanggap dito upang ang ating mga espiritu ay maantig ng Espiritu ng Diyos. Nawa ay buksan ng Diyos ang ating espirituwal na mga mata upang ating makita ang halagang nabayaran ng Diyos, ang pagsisikap na Kanyang ginawa, at ang lakas na Kanyang nagugol para sa atin.

Ene 13, 2018

Salita ng Diyos | Anong Pananaw ang Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya

buhay, Diyos, Kristiyano, Pag-ibig, paniniwala.

Kidlat ng SilangananSalita ng DiyosAnong Pananaw ang Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya

    Ano na ang natanggap ng tao magmula nang siya ay unang naniwala sa Diyos? Ano na ang nalalaman mo tungkol sa Diyos? Gaano na kalaki ang iyong ipinagbago dahil sa iyong paniniwala sa Diyos? Ngayon ay alam na ninyong lahat na ang paniniwala ng tao sa Diyos ay hindi lamang para sa kaligtasan ng kaluluwa at kapakanan ng katawan at hindi rin upang mapayaman lamang ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pag-ibig ng Diyos, at iba pa. Sa ngayon, kung mahal mo ang Diyos alang-alang sa kapakanan ng katawan o panandaliang kasiyahan, sa gayon kahit na, sa katapusan, umabot sa rurok ang iyong pag-ibig sa Diyos at wala anumang hilingin, ang hanap mong pag-ibig na ito ay isa pa ring hindi dalisay na pag-ibig at hindi kalugud-lugod sa Diyos. Ang mga gumagamit ng pag-ibig sa Diyos upang mapayaman ang kanilang nakakabagot na mga buhay at punan ang isang puwang sa kanilang puso ay ang mga naghahanap upang mamuhay sa kaluwagan, hindi mga tunay na naghahanap na mahalin ang Diyos. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay laban sa kalooban ng sinuman, isang paghahangad ng madamdaming kasiyahan, at hindi kailangan ng Diyos ang ganitong uri ng pag-ibig. Anong uri, kung ganoon, ang pag-ibig na katulad ng sa’ yo? Para ano at mahal mo ang Diyos? Gaano kalaki ang tunay na pag-ibig sa Diyos na mayroon ka ngayon? Ang pag-ibig ng karamihan sa inyo ay katulad ng dati nang nabanggit. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay manatili sa kasalukuyang kalagayan; hindi nito makamit ang walang hanggang katapatan, ni hindi mag-ugat sa tao. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay isang bulaklak na walang bunga pagkaraan nitong namukadkad at natuyo pagkatapos. Sa ibang salita, pagkatapos mong mahalin ang Diyos ng isang beses sa ganitong paraan at walang sinuman na umakay sa iyo sa landas na hinaharap, kung gayon ikaw ay mahuhulog. Kung iibigin mo lamang ang Diyos sa mga oras ng pagmamahal sa Diyos at hindi ka gagawa ng mga pagbabago sa iyong disposisyon sa buhay pagkatapos nito, kung gayon ay patuloy kang mababalot ng impluwensya ng kadiliman, hindi makatakas, at hindi pa rin magawang makawala mula sa pagmamanipula at panloloko ni Satanas. Walang ganitong tao ang ganap na makakamit ng Diyos; sa katapusan, ang kanilang espiritu, kaluluwa, at katawan ay pag-aari pa rin ni Satanas. Ito ay hindi mapag-aalinlangan. Lahat ng mga taong hindi ganap na nakamit ng Diyos ay babalik sa kanilang orihinal na lugar, iyon ay, pabalik kay Satanas, at sila ay mapupunta pababa sa lawa na nagniningas na apoy at asupre upang tanggapin ang susunod na hakbang ng kaparusahan mula sa Diyos. Yaong nakamit ng Diyos ay ang mga naghihimagsik laban kay Satanas at tumatakas mula sa kanyang sakop. Ang ganitong mga tao ay opisyal na mapapabilang sa mga bayan na nasa kaharian. Ito ang kung paano mapapabilang ang mga tao sa kaharian. Pumapayag ka ba na maging ganitong uri ng tao? Pumapayag ka ba na makamit ng Diyos? Pumapayag ka ba na tumakas mula sa sakop ni Satanas at manumbalik sa Diyos? Pag-aari ka na ba ni Satanas ngayon o ikaw ay nabibilang sa mga bayan na nasa kaharian? Dapat malinaw lahat ng mga ganitong bagay at hindi kinakailangan ang higit pang paliwanag.

Ene 3, 2018

Awit ng Papuri | Bumababa Ang Diyos Nang May Paghatol

Diyos, Ebanghelyo, Jesus, Pag-ibig, Paghatol

Kidlat ng Silanganan | Awit ng Papuri | Bumababa Ang Diyos Nang May Paghatol


I
Sa pagbaba sa bayan ng malaking pulang dragon,
hinaharap ng Diyos ang sansinukob
at ito'y nagsimulang mayanig.
Mayro'n bang lugar na 'di abot ng hatol Niya?
O nabubuhay sa Kanyang hagupit?
Sa'n man Siya magpunta
kinakalat Niya'y mga buto ng sakuna,
sa pamamagitan nito ay ibinibigay Niya
ang kaligtasan at pag-ibig Niya.
Nais ng Diyos na makilala Siya ng mas maraming tao,
makita at igalang ang Diyos na di nila nakita ng napakatagal,
ngunit Siya ngayon ay tunay.

Dis 13, 2017

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Umaasa ang Diyos na Makamit ang Totoong Pananampalataya't Pag-ibig ng Tao Para sa Kanya


Kidlat ng Silanganan Umaasa ang Diyos na Makamit ang Totoong Pananampalataya't Pag-ibig ng Tao Para sa Kanya



Umaasa ang Diyos na kapag iyong nauunawaan
ang tunay na bahagi Niya,
sa Kanya'y ikaw ay lalong mapapalapit;
tunay mong mapapahalagahan ang pag-ibig Niya
at malasakit Niya sa sangkatauhan;
puso mo'y ibibigay sa Kanya,
wala nang mga alinlangan
at wala nang mga hinala sa Kanya.
Palihim Niyang ginagawa ang lahat para sa tao.
Kanyang sinseridad, katapatan,
at pag ibig ay lihim na ibinigay sa tao.
'Di Siya nagsisisi sa Kanyang mga ginagawa;
ni may hinihintay na kapalit sa tao,
o may inaasahang anuman sa kanila.
Ang tanging layunin ng ginagawa Niya ay tunay
na pananampalataya at pag-ibig.

Nob 29, 2017

Kidlat ng Silanganan | Salita ng Diyos | Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Magpakailanmang Mamumuhay sa Loob ng Kanyang Liwanag


Kidlat ng Silanganan | Salita ng Diyos | Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Magpakailanmang Mamumuhay sa Loob ng Kanyang Liwanag


     Ang substansya ng paniniwala sa Diyos ng karamihan ng tao ay ang paniniwala sa relihiyon: Ang mga ito ay hindi kayang umibig sa Diyos, at maaari lamang sundin ang Diyos tulad ng isang robot, hindi magawang tunay na maghangad para sa Diyos o sambahin Siya. Sila ay sumusunod lamang sa Kanya nang tahimik. Maraming tao ang naniniwala sa Diyos, ngunit kaunti lamang ang mga umiibig sa Diyos; iginagalang lamang nila ang Diyos dahil takot sila sa sakuna, o kaya hinahangaan nila ang Diyos dahil Siya ay mataas at makapangyarihan—ngunit sa kanilang paggalang at paghanga ay walang pag-ibig o tunay na matinding paghangad. Sa kanilang mga karanasan kanilang hinahanap ang mga detalye ng katotohanan, o kaya ibang hindi gaanong mahalagang misteryo. Karamihan ng tao ay sumusunod lamang, nangingisda sila sa maburak na tubig upang makatanggap lamang ng mga biyaya; hindi nila hinahanap ang katotohanan, at hindi rin sila tunay na sumunod sa Diyos upang makatanggap ng mga biyaya ng Diyos. Ang buhay ng lahat ng paniniwala ng tao sa Diyos ay walang kahulugan, ito ay walang halaga, at sa loob nito ay ang kanilang mga pansariling pag-iintindi at paghahangad; hindi sila naniniwala sa Diyos upang ibigin ang Diyos, ngunit para sa kapakanan ng pagiging mapalad. Maraming tao ang kumikilos ayon sa gusto nila, ginagawa nila ang anumang kanilang naisin, at hindi kailanman iniintindi ang mga kagustuhan ng Diyos, o kung ang ginagawa nila ay alinsunod sa kalooban ng Diyos. Ang mga ganitong tao ay hindi kayang magkamit ng tunay na paniniwala, mas lalo na ang pag-ibig ng Diyos. Ang substansya ng Diyos ay hindi lamang para paniwalaan ng tao; ito ay, higit pa rito, para ibigin ng tao. Subalit karamihan ng tao na naniniwala sa Diyos ay hindi kayang tuklasin itong “lihim.” Hindi naglalakas-loob ang mga tao na ibigin ang Diyos, o subukan man lang ibigin Siya. Hindi nila kailanman natuklasan na marami ang kaibig-ibig sa Diyos, hindi nila kailanman natuklasan na ang Diyos ay ang Diyos na nagmamahal sa tao, at Siya ang Diyos na dapat ibigin ng tao. Ang kagandahan ng Diyos ay ipinahayag sa Kanyang gawa: Kapag naranasan nila ang Kanyang gawa, saka lamang matutuklasan ng tao ang Kanyang kagandahan, sa tunay na mga karanasan lamang nila maaaring pahalagahan ang kagandahan ng Diyos, at ang hindi pagsunod nito sa tunay na buhay, walang sinuman ang maaaring makatuklas ng kagandahan ng Diyos. Marami ang kaibig-ibig sa Diyos, ngunit hindi ito magagawang tuklasin ng tao nang hindi nakikipag-ugnayan sa Kanya nang aktwal. Na ang ibig sabihin, kung hindi naging tao ang Diyos, hindi magagawa ng mga tao ang aktwal na makipag-ugnayan sa Kanya, at kung hindi nila magawang aktwal na makipag-ugnayan sa Kanya, hindi rin sila makararanas ng Kanyang gawa—at pati ang kanilang pag-ibig sa Diyos ay mababahiran ng mga kasinungalingan at imahinasyon. Ang pag-ibig ng Diyos sa langit ay hindi tunay na tulad ng pag-ibig ng Diyos sa lupa, sapagka’t ang pagkilala ng mga tao ng Diyos sa langit ay gawa lamang sa kanilang mga imahinasyon, sa halip na kung ano ang kanilang nakita sa kanilang sariling mga mata, at kung ano ang kanilang naging sariling karanasan. Kapag dumating ang Diyos sa lupa, magagawang pagmasdan ng mga tao ang Kanyang aktwal na mga gawa at Kanyang kagandahan, at maaari nilang makita ang lahat ng Kanyang praktikal at karaniwang disposisyon, ang lahat ng ito ay libu-libong beses na mas totoo kaysa sa pagkilala sa Diyos sa langit. Hindi alintana sa kung gaano kamahal ng sangkatauhan ang Diyos sa langit, walang kahit ano ang totoo sa pag-ibig na ito, at ito ay puno ng kuru-kuro ng tao. Gaano man kaliit ang kanilang pag-ibig para sa Diyos sa lupa, ang pag-ibig na ito ay totoo; kahit na may kaunti lamang nito, ito ay totoo pa rin. Nagpapakilala ang Diyos sa tao sa pamamagitan ng tunay na gawa, at sa pamamagitan ng kaalaman na ito nakakamit Niya ang kanilang pag-ibig. Katulad ito ni Pedro: Kung hindi siya nanirahan kasama si Jesus, naging imposible para sa kanyang sambahin si Jesus. Gayundin, ang kanyang katapatan kay Jesus ay nabuo sa kanyang pakikipag-ugnayan kay Jesus. Upang mahalin Siya ng tao, ang Diyos ay dumating sa gitna ng tao at namuhay kasama ng tao, at lahat ng Kanyang ginagawa na nakikita at nararanasan ng tao ay katotohanan ng Diyos.

Nob 26, 2017

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I

Adan at Eba, Biyaya, buhay, katotohanan, pag-ibig

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I


     Sa araw na ito tayo ay magpapahayag ng isang mahalagang paksa. Ito ay isang paksa na tinalakay na mula pa noong simula ng gawain ng Diyos maging hanggang ngayon, at ito ay may napakahalagang kabuluhan para sa bawat tao. Sa madaling salita, ito ay isang suliranin na haharapin ng lahat sa buong proseso ng kanilang pananampalataya sa Diyos at isang suliranin na dapat ay bigyang-pansin. Ito ay isang napakahalaga, at di-maiiwasang suliranin kung saan hindi magagawa ng sangkatauhang ihiwalay ang kanyang sarili mula rito. Kung pag-uusapan ang kahalagahan, ano ang pinakamahalagang bagay para sa bawat mananampalataya ng Diyos? Ang palagay ng ilan, ang pinakamahalagang bagay ay ang maunawaan ang kalooban ng Diyos; sa paniniwala ng ilan ang pinakamahalaga ay ang makakain at makainom ng mas marami pang mga salita ng Diyos; sa pakiramdam naman ng iba ang pinakamahalagang bagay ay ang makilala ang kanilang mga sarili; sa iba naman ay ang opiniyon na ang pinakamahalagang bagay ay ang malaman kung paano mahahanap ang kaligtasan sa pamamagitan ng Diyos, paano ang susunod sa Diyos, at paano matutupad ang kalooban ng Diyos. Isasantabi nating lahat ang mga suliraning ito para sa araw na ito. Kaya ano ang tatalakayin natin kung ganoon? Ang tatalakayin natin ay isang paksa tungkol sa Diyos. Ito ba ang pinakamahalagang paksa para sa bawat tao? Ano ang nilalaman ng isang paksa na tungkol sa Diyos? Siyempre, tiyak na hindi maihihiwalay ang paksang ito sa disposisyon ng Diyos, sa diwa ng Diyos, at sa gawain ng Diyos. Kaya sa araw na ito, tatalakayin natin “Ang Gawain ng Diyos, Ang Disposisyon ng Diyos, at Ang Diyos Mismo.”

Nob 16, 2017

Tanging Ang Lumikha ang May Awa sa Sangkatauhang Ito


Kidlat ng Silanganan | Tanging Ang Lumikha ang May Awa sa Sangkatauhang Ito


Tanging ang Lumikha ang may matibay na awa't pag-ibig.
Siya lang ang nagmamahal sa Kanyang mga nilikha, sa Kanyang mga nilikha.
Bawa't isipin Niya'y para sa kabutihan ng tao.
Bawa't damdamin Niya'y kapulupot ng kanilang pag-iral.
Kapahayagan ng kung ano at mayroon Siya ay para sa tao.
Lahat ay para sa tao.


Nob 13, 2017

Ang Pagtatatag ng Isang Wastong Kaugnayan sa Diyos ay Napakahalaga

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pagtatatag ng Isang Wastong Kaugnayan sa Diyos ay Napakahalaga

    Ang mga tao ay naniniwala sa Diyos, iniibig ang Diyos, at napalulugod ang Diyos sa pamamagitan ng pag-antig sa Espiritu ng Diyos gamit ang kanilang mga puso, sa gayon ay nakakamtan ang Kanyang kaluguran; kapag nakikibahagi sa mga salita ng Diyos sa kanilang puso, sila sa gayon ay kinikilusan ng Espiritu ng Diyos. Kung nais mong matamo ang isang angkop na espirituwal na buhay at makapagtatag ng isang angkop na kaugnayan sa Diyos, dapat mo munang ibigay ang iyong puso sa Kanya, at ipanatag ang iyong puso sa harap Niya. Kapag naibuhos mo ang iyong puso sa Diyos saka mo lamang mapauunlad nang unti-unti ang isang espirituwal na buhay. Kung hindi ibinibigay ng mga tao ang kanilang puso sa Diyos sa kanilang paniniwala sa Kanya, kung ang kanilang puso ay wala sa Kanya at hindi nila tinatrato ang Kanyang pasanin bilang sariling kanila, kung gayon ang lahat ng kanilang ginagawa ay pandaraya sa Diyos, at ito ay pawang pag-uugali ng mga taong relihiyoso—hindi nito matatamo ang papuri ng Diyos. Ang Diyos ay hindi makakakuha ng anuman mula sa taong ito; ang ganitong uri ng tao ay makapaglilingkod lamang bilang isang pagkakaiba sa gawain ng Diyos, kagaya ng isang palamuti sa tahanan ng Diyos, nakapagpapasikip lamang, at isang walang kabuluhan—hindi kinakasangkapan ng Diyos ang ganitong uri ng tao. Sa isang taong gayon, hindi lamang sa walang pagkakataon para sa gawain ng Banal na Espiritu, ngunit higit pang, walang anumang halaga sa pagka-perpekto. Ang ganitong uri ng tao ang siyang totoong “patay na naglalakad.” Wala silang mga sangkap na maaaring kasangkapanin ng Banal na Espiritu—silang lahat ay inangkin ni Satanas, lubos na ginawang tiwali ni Satanas, at sila ang pakay ng pag-aalis ng Diyos. Hindi lamang kinakasangkapan ng Banal na Espiritu ang mga tao sa kasalukuyan sa pamamagitan ng pagpapairal sa kanilang mabubuting katangian, ngunit gayundin sa pagka-perpekto at pagbabago sa kanilang mga pagkukulang. Kung ang iyong puso ay maibubuhos sa Diyos at mananatiling payapa sa harap ng Diyos, kung gayon magkakaroon ka ng pagkakataon at ng mga kwalipikasyon upang kasangkapanin ng Banal na Espiritu, upang tanggapin ang pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu, at lalo pang, makakamtam mo ang pagkakataon para sa Banal na Espiritu na makabawi para sa iyong mga pagkukulang. Kapag ibinigay mo ang iyong puso sa Diyos, mas lalo kang makapapasok nang maigi sa positibong aspeto at mapupunta sa pinakamataas na uri ng pananaw; sa negatibong aspeto, magkakaroon ka ng mas maraming pagkaunawa ukol sa iyong sariling mga pagkakamali at mga pagkukulang, magiging mas masigasig ka na hangaring mapalugod ang kalooban ng Diyos, at hindi ka magiging walang kibo, at aktibong makapapasok. Nangangahulugan ito na ikaw ay magiging isang tamang tao. Sa saligan na ang iyong puso ay panatag sa harap ng Diyos, ang susi kung nakatatanggap ka ng papuri mula sa Banal na Espiritu o hindi ay kung aktibo kang makapapasok. Kapag nililiwanagan ng Banal na Espiritu ang isang tao at kinakasangkapan ang isang tao, hindi kailanman nito siya ginagawang negatibo, ngunit palaging ginagawa siyang aktibong sumusulong. Bagamat mayroon siyang mga kahinaan, nagagawa niyang huwag mabuhay alinsunod sa mga ito, nagagawa niyang umiwas mula sa pag-aantala sa paglago ng kanyang buhay, at naipagpapatuloy niyang hangarin na mapalugod ang kalooban ng Diyos. Ito ay isang pamantayan na nagpapatunay na sapat na iyong nakamit ang presensiya ng Banal na Espiritu. Kapag ang isang tao ay palaging negatibo, at maging pagkatapos na siya ay niliwanagan upang makilala ang sarili niya nananatili pa rin siyang negatibo at walang kibo, hindi magawang bumangon at kumilos kasama ng Diyos, kung gayon tinatanggap lamang ng ganitong uri ng tao ang biyaya ng Diyos, ngunit ang Banal na Espiritu ay hindi niya kasama. Kapag ang isang tao ay negatibo, nangangahulugan ito na ang kanyang puso ay hindi ibinaling sa Diyos at ang kanyang espiritu ay hindi inantig ng Espiritu ng Diyos. Ito ay dapat kilalanin ng lahat.

Nob 10, 2017

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kung 'Di Ako Iniligtas ng D'yos


Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kung 'Di Ako Iniligtas ng D'yos 


Kung 'di ako iniligtas ng D'yos, palaboy pa hanggang ngayon, naghihirap, nagkakasala; bawa't araw walang pag-asa. Kung 'di ako 'niligtas ng D'yos, niyuyurakan pa rin ng d'yablo, gapos ng sala't ng layaw, mangmang sa daratnan ng buhay ko. Kung 'di iniligtas ng D'yos, wala akong pagpapala ngayon, lalong 'di batid, ba't dapat mabuhay o kabuluhan ng ating buhay. Kung 'di iniligtas ng D'yos, litó pa rin sa kaligtasan, nakátánglâ sa kawalan, hindi alam sinong aasahan. Sa wakas aking naunawaan, kamay ng D'yos ako'y tangan. Di na ko aalis, 'di maliligaw, lalagi sa ningning na daan. Sa wakas aking naunawaan, hangad ng D'yos sa tao. Maling akala'y wala na, sa D'yos iaalay aking laman at kalul'wa.

Nob 9, 2017

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Ikasampung Pagbigkas

Pananampalataya, Diyos, iglesia, pag-ibig, Pag-asa

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Ikasampung Pagbigkas


     Ang Kapanahunan ng Kaharian ay, kung iisipin, naiiba mula sa nakaraan. Hindi ito kaugnay sa kung ano ang ginagawa ng tao. Sa halip, personal Kong isinasakatuparan ang Aking gawain pagkababa sa lupa—gawaing kahit ang mga tao ay hindi maaaring maisip ni makamit. Buhat nang nilikha ang sanglibutan hanggang sa kasalukuyan, ang lahat ng mga taon na ito ay palaging patungkol sa pagbuo ng iglesia, ngunit hindi kailanman nakarinig nang pagtatayo ng kaharian. Kahit na nagsasalita Ako nito sa Aking sariling bibig, mayroon bang kahit sino na may alam sa kakanyahan nito? Dati na Akong bumaba sa mundo ng mga tao at naranasan at siniyasat ang kanilang paghihirap, nguni’t hindi natugunan ang layunin ng Aking pagkakatawang-tao. Kapag umusad na ang pagtatayo ng kaharian, ang Aking pagkatawang-tao ay pormal nang magsisimula upang isagawa ang paglilingkod; iyon ay, ang Hari ng kaharian ay pormal nang kukunin ang Kanyang pinaka-kataas-taasang kapangyarihan. Mula dito ay maliwanag na ang pagdating ng kaharian sa mundo ng tao, malayo mula sa pagiging salita at mga pagpapakita lamang, ito ay isa sa aktwal na katunayan; ito ay isang aspeto ng kahulugan ng “ang katunayan ng pagsasagawa.” Ang tao ay hindi kailanman nakakita ng kahit isa sa Aking mga gawain, at hindi kailanman nakarinig ng kahit isa sa Aking mga pagbigkas. Kahit nakita niya, ano ang kanyang dapat natuklasan? At kung narinig niya Akong magsalita, ano ang dapat niyang naunawaan? Sa buong mundo, ang lahat ng sangkatauhan ay namamalagi sa loob ng Aking pag-ibig, at Aking habag, nang sa gayon ang lahat ng sangkatauhan ay nasa ilalim ng Aking paghatol, at gayon din naman sa ilalim ng Aking pagsubok. Ako ay naging maawain at mapagmahal sa sangkatauhan, kahit na ang lahat ng tao ay naging tiwali sa isang antas; iginawad Ko ang pagkastigo sa sangkatauhan, kahit na ang lahat ng tao ay yumukod sa pagpapasakop sa harap ng Aking trono. Subalit mayroon bang sinumang tao na wala sa gitna ng paghihirap at pagpipino na Aking naipadala? Gaano karaming tao ang nag-aapuhap sa kadiliman para sa liwanag, gaano karami ang mapait na nagtitiis sa kanilang pagsubok na dinaranas? Si Job ay may pananampalataya, at kahit pa, sa kabila nito, hindi ba siya naghahanap ng paraan palabas para sa kanyang sarili? Bagama’t ang Aking bayan ay maaaring tumindig nang matatag sa pagsubok, mayroon bang sinuman, na hindi ito sinasabi nang malakas, ang pinaniniwalaan ito sa kanyang puso? Hindi ba ito kundi na kanyang sinasabi ang kanyang paniniwala habang nag-aalinlangan sa kanyang puso? Walang mga tao na nanindigan sa pagsubok, ang nagbibigay ng tunay na pagsunod sa pagsubok. Hindi Ko ba tinakpan ang Aking mukha upang maiwasan ang pagtingin sa mundong ito, ang buong sangkatauhan ay mabubuwal sa ilalim ng Aking nakasusunog na titig, sapagka’t hindi Ako humiling ng anumang bagay sa sangkatauhan.

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...