Kidlat ng Silanganan

菜單

Abr 18, 2018

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III

 Jesus, Panginoong, Jehovah, Biblia, Espiritu


Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III

Ikalawang bahagi


    Katatalakay pa lamang natin ukol sa lahat ng gawain na nabuo ng Diyos, ang pagkakasunod-sunod ng mga bagay na Kanyang ginawa sa unang pagkakataon. Ang bawat isa sa mga bagay na ito ay kaugnay sa plano sa pamamahala ng Diyos, at sa kalooban ng Diyos. Ang mga ito din ay kaugnay sa sariling disposisyon ng Diyos at sa Kanyang diwa. Kung nais nating higit na maintindihan kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, hindi tayo maaaring tumigil sa Lumang Tipan o sa Kapanahunan ng Kautusan, kundi kailangan nating humakbang pasulong kasabay ng mga hakbang na tinahak ng Diyos sa Kanyang gawain. Kaya, yamang tinatapos ng Diyos ang Kapanahunan ng Kautusan at sinimulan ang Kapanahunan ng Biyaya, ang ating sariling mga hakbang ay nakarating sa Kapanahunan ng Biyaya—isang kapanahunan na puno ng biyaya at pagtubos. Sa kapanahunang ito, gumawa muli ang Diyos ng isang napakahalagang bagay sa unang pagkakataon. Ang gawain para sa bagong kapanahunang ito kapwa para sa Diyos at sangkatauhan ay isang bagong panimula. Ang bagong panimulang ito ay isa muling bagong gawain na ginawa ng Diyos sa unang pagkakataon. Ang bagong gawaing ito ay isang bagay na walang kapantay na pinatupad ng Diyos na hindi malilirip ng mga tao at lahat ng mga nilalang. Ito ay isang bagay na ngayon ay tanyag na sa lahat ng mga tao—ito ang unang pagkakataon na ang Diyos ay naging isang tao, ang unang pagkakataon na nagsimula Siya ng bagong gawain sa anyo ng isang tao, sa pagkakakilanlan ng isang tao. Ang bagong gawaing ito ay sumasagisag na natapos ng Diyos ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan, na hindi na Siya gagawa o magsasalita ng anuman sa ilalim ng kautusan. Ni magsasalita Siya o gumawa ng anumang bagay sa anyo ng kautusan o alinsunod sa mga panuntunan o mga patakaran ng kautusan. Iyon ay, ang lahat ng Kanyang gawain batay sa kautusan ay pinatigil na magpakailanman at hindi na matutuloy, dahil gusto ng Diyos na magsimula ng bagong gawain at gumawa ng mga bagong bagay, at ang Kanyang plano ay muling nagkaroon ng bagong pasimula. Kaya, kailangang pangunahan ng Diyos ang sangkatauhan tungo sa bagong kapanahunan.


    Maging ito man ay nakagagalak o nakatatakot na balita sa mga tao ay depende kung ano ang kanilang diwa. Maaring masabi na ito ay hindi nakagagalak na balita, ngunit ito ay nakatatakot na balita sa ilang mga tao, sapagkat nang simulan ng Diyos ang Kanyang bagong gawain, ang mga tao na sumusunod lamang sa mga kautusan at mga patakaran, na sumusunod lamang sa mga doktrina ngunit hindi takot sa Diyos ay maaaring gamitin ang lumang gawain ng Diyos upang hatulan ang Kanyang bagong gawain. Para sa mga taong ito, ito ay nakatatakot na balita; ngunit sa bawat tao na walang muwang at bukas, na taimtim sa Diyos at nagnanais na makatanggap ng Kanyang pagtubos, ang unang pagkakatawang-tao ng Diyos ay isang nakagagalak na balita. Sapagkat simula nang magkaroon ng mga tao, ito ang unang pagkakataon na ang Diyos ay nagpakita at namuhay sa gitna ng sangkatauhan sa isang anyo na hindi ang Espiritu; sa halip, Siya ay isinilang sa isang tao at namuhay sa gitna ng mga tao bilang Anak ng tao, at gumawa sa kanilang kalagitnaan. Ang “unang pagkakataon” na ito ang sumira sa mga pagkaintindi ng mga tao at lampas din sa lahat ng imahinasyon. Bilang karagdagan, lahat ng mga sumusunod sa Diyos ay nagkamit ng isang totoong pakinabang. Hindi lamang tinapos ng Diyos ang lumang kapanahunan, ngunit tinapos din Niya ang lumang mga pamamaraan ng paggawa at istilo ng paggawa. Hindi na Niya pinahihintulutan ang Kanyang mga sinugo na ipaabot ang Kanyang kalooban, at hindi na Siya nakatago sa mga ulap, at hindi na nagpapakita o nakikipag-usap sa mga tao nang may kapangyarihan sa pamamagitan ng kulog. Hindi kagaya ng anumang bagay noong una, sa pamamagitan ng isang pamamaraan na hindi maiisip ng mga tao na mahirap para sa kanila na maintindihan o tanggapin—ang maging tao—Siya ay naging Anak ng tao upang paunlarin ang gawain sa kapanahunang iyon. Ang hakbang na ito ay ikinabigla ng mga tao, at ito ay talagang nakakaasiwa sa kanila, sapagkat ang Diyos ay muling nagsimula ng bagong gawain na hindi pa Niya ginawa noong una. Sa araw na ito, titingnan natin kung ano ang gawain na isinakatuparan ng Diyos sa bagong kapanahunan, at sa lahat ng bagong gawaing ito, ano sa disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano Siya ang naiintindihan natin?

    Ang mga sumusunod na mga salita ay naitala sa Bagong Tipan ng Biblia.

Jesus, Panginoong, Jehovah, Biblia, Espiritu
    1. (Mateo 12:1) Nang panahong yaon ay naglalakad si Jesus nang araw ng sabbath sa mga bukiran ng trigo; at nangagutom ang kaniyang mga alagad at nangagpasimulang magsikitil ng mga uhay at magsikain.

     2. ( Mateo 12:6-8) Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na dito ay may isang lalong dakila kay sa templo. Datapuwa’t kung nalalaman ninyo kung ano ang kahulugan nito, Habag ang ibig ko, at hindi hain, ay hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang kasalanan. Sapagka’t ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath.

    Tingnan muna natin ang talatang ito: “Nang panahong yaon ay naglalakad si Jesus nang araw ng sabbath sa mga bukiran ng trigo; at nangagutom ang kaniyang mga alagad at nangagpasimulang magsikitil ng mga uhay at magsikain. ”

    Bakit natin napili ang talatang ito? Anong kaugnayan mayroon ito sa disposisyon ng Diyos? Sa tekstong ito, ang unang bagay na nalalaman natin ay araw iyon ng Sabbath, ngunit lumabas ang ating Panginoong Jesus at pinangunahan ang Kanyang mga disipulo sa taniman ng mais. Ang higit pang “nakagigitla” ay “nangagpasimulang magsikitil ng mga uhay at magsikain.” Sa Kapanahunan ng Kautusan, ang mga kautusan ng Diyos na si Jehovah na ang mga tao ay huwag basta-bastang lumabas o sumali sa anumang mga aktibidad sa araw ng Sabbath—maraming mga bagay ang hindi maaaring gawin sa panahon ng Sabbath. Ang pagkilos na ito sa bahagi ng Panginoong Jesus ay nakalilito para doon sa mga nabuhay sa ilalim ng kautusan sa mahabang panahon, at ito ay pumukaw pa ng mga pagbatikos. Tungkol sa kanilang kalituhan at kung paano sila nagsalita tungkol sa ginawa ni Jesus, isasantabi muna natin iyon sa ngayon at tatalakayin muna kung bakit pinili ng ating Panginoong Jesus na gawin ito sa panahon ng Sabbath, sa lahat ng mga araw, at ano ang gusto Niyang ipakiusap sa mga tao na nabubuhay sa ilalim ng kautusan sa pagkilos na ito. Ito ang kaugnayan sa pagitan ng talatang ito at ng disposisyon ng Diyos na gusto Kong talakayin.

    Nang dumating ang ating Panginoong Jesus, ginamit Niya ang Kanyang mga praktikal na mga pagkilos upang makipagniig sa mga tao: Iniwanan ng Diyos ang Kapanahunan ng Kautusan at sinimulan ang bagong gawain, at ang bagong gawain na ito ay hindi kinailangan ang pag-aalaala ng Sabbath; nang lumabas ang Diyos mula sa pagkakapiit sa araw ng Sabbath, ito ay patikim pa lamang ng Kanyang bagong gawain, at ang Kanyang tunay na dakilang gawain ay patuloy na nasasaksihan. Nang pasimulan ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain, iniwanan na Niya ang tanikala ng Kapanahunan ng Kautusan, at nilansag ang mga tuntunin at mga panuntunan mula sa kapanahunang iyon. Para sa Kanya, walang bakas ng anumang may kaugnayan sa kautusan; itinakwil na Niya ito nang tuluyan at hindi na inalala, at hindi na Niya kinailangan sa sangkatauhan na ito ay alalahanin. Kaya nakikita mo dito na ang Panginoong Jesus ay nagpunta sa taniman ng mais sa panahon ng Sabbath; ang Panginoon ay hindi nagpahinga, sa halip ay gumagawa sa labas. Ang Kanyang pagkilos na ito ay nakabigla sa mga pagkaintindi ng mga tao at ipinatalastas Niya sa kanila na hindi na Siya nabubuhay sa ilalim ng kautusan, at na iniwan na Niya ang tanikala ng Sabbath at nagpakita sa harap ng sangkatauhan at sa kanilang kalagitnaan sa isang bagong anyo, at sa isang bagong paraan ng paggawa. Ang Kanyang pagkilos na ito ang nagsabi sa mga tao na dala Niya ang isang bagong gawain na nagsimula sa paglabas sa kautusan at paglabas ng Sabbath. Nang ipatupad ng Diyos ang Kanyang bagong gawain, hindi na Siya nananangan sa nakaraan, at hindi na Niya iniintindi ang mga tuntunin ng Kapanahunan ng Kautusan. Ni hindi Siya naapektuhan sa Kanyang gawain sa nakaraang kapanahunan, ngunit Siya ay gumawa gaya nang dati sa panahon ng Sabbath at nang ang Kanyang mga disipulo ay nagutom, maaari silang pumitas ng mais para kainin. Ang lahat ng ito ay totoong karaniwan sa mga mata ng Diyos. Ang Diyos ay maaaring magkaroon ng bagong pasimula para sa karamihan ng gawain na gusto Niyang gawin at ang mga bagay na gusto Niyang sabihin. Sa oras na magkaroon Siya ng bagong simula, ni hindi Niya binabanggit ang Kanyang nakaraang gawain o ipinagpapatuloy ito. Sapagkat ang Diyos ay may mga alituntunin sa Kanyang gawain. Kapag gusto Niyang magsimula ng bagong gawain, ito ay kapag gusto Niyang dalhin ang sangkatauhan sa isang panibagong yugto ng Kanyang gawain, at kapag ang Kanyang gawain ay nakapasok na sa isang mas mataas na bahagi. Kung ang mga tao ay patuloy na kikilos alinsunod sa mga lumang kasabihan o mga tuntunin o patuloy na manghawak nang mahigpit sa mga ito, hindi Niya aalalahanin o pupurihin ito. Ito ay sapagkat nagdala na Siya ng bagong gawain, at pumasok na sa bagong yugto ng Kanyang gawain. Kapag nagpapasimula Siya ng bagong gawain, nagpapakita Siya sa sangkatauhan sa isang lubos na bagong anyo, mula sa isang ganap na bagong anggulo, at sa isang ganap na bagong paraan nang upang makita ng mga tao ang ibat-ibang mga aspeto ng Kanyang Disposisyon at kung anong mayroon at kung ano Siya. Ito ang isa sa Kanyang mga layunin sa Kanyang bagong gawain. Ang Diyos ay hindi nananangan sa luma o tumatahak sa hindi kilalang daan; kapag Siya ay gumagawa at nagsasalita hindi ito gaanong nagbabawal gaya ng iniisip ng mga tao. Sa Diyos, ang lahat ay may kasarinlan at kalayaan, at walang pagbabawal, walang paghihigpit—ang dinadala Niya sa sangkatauhan ay pawang kalayaan at kasarinlan. Siya ay isang buhay na Diyos, isang Diyos na dalisay na, totoong umiiral. Hindi Siya isang laruan o isang nililok na luwad, at Siya ay lubos na naiiba mula sa mga idolo na dinadambana at sinasamba ng mga tao. Siya ay buhay at masigla at ang dala ng Kanyang mga salita at gawain sa tao ay pawang buhay at kaliwanagan, pawang kalayaan at kasarinlan, sapagkat hawak Niya ang katotohanan, ang buhay, at ang daan—hindi Siya nakatali sa anuman sa kahit alinman sa Kanyang gawain. Maging anuman ang sabihin ng mga tao at kahit paano nila tingnan o suriin ang Kanyang bagong gawain, ipatutupad Niya ang Kanyang gawain nang walang pag-aatubili. Hindi Siya mag-aalala tungkol sa kaninumang mga pagkaintindi o pag-aakusa sa Kanyang gawain at mga salita, o maging ang kanilang matinding pagtutol o paghadlang sa Kanyang bagong gawain. Walang sinuman sa lahat ng nilalang ang maaaring gumamit sa katuwiran ng tao, o sa imahinasyon ng tao, kaalaman, o moralidad upang sukatin o ipakahulugan ang ginagawa ng Diyos, upang siraan, o sirain o isabotahe ang Kanyang gawain. Walang pagbabawal sa Kanyang gawain, at hindi ito masisira ng sinumang tao, bagay, o kaganapan, at hindi ito maaaring guluhin ng anumang mga puwersa ng kaaway. Sa Kanyang bagong gawain, Siya ay palaging nagwawaging Hari, at ang anumang mga puwersa ng kaaway at ang lahat ng mga erehiya at mga panlilinlang mula sa sangkatauhan ay bumagsak lahat sa ilalim ng Kanyang tuntungan. Kahit na alinman sa Kanyang gawain ang Kanyang tinutupad, ito ay dapat na malinang at palawakin sa kalagitnaan ng sangkatauhan, at ito ay dapat na ipatupad nang walang kahadlangan sa buong daigdig hanggang sa ang Kanyang dakilang gawain ay mabuo. Ito ang pagiging makapangyarihan ng Diyos at karunungan, ang Kanyang awtoridad at kapangyarihan. Kaya, ang Panginoong Jesus ay malayang makalalabas at makagagawa sa panahon ng Sabbath sapagkat sa Kanyang puso ay walang mga patakaran, walang kaalaman o doktrina na nagmula sa sangkatauhan. Ang mayroon Siya ay ang bagong gawain ng Diyos at ang Kanyang daan, at ang Kanyang gawain ay ang paraan para mapalaya ang sangkatauhan, upang mapakawalan sila, upang tulutan silang umiral sa kaliwanagan, at upang tulutan silang mabuhay. At silang mga sumasamba sa mga idolo o huwad na mga diyos ay nabubuhay araw-araw na sinasakop ni Satanas, pinipigilan ng lahat ng uri ng mga patakaran at mga pagbabawal—sa araw na ito ay isang bagay ang ipinagbabawal, bukas ay iba naman—walang kalayaan sa kanilang mga buhay. Sila ay parang mga bilanggo na naka-tanikala nang walang kagalakan na masasabi. Ano ang inilalarawan ng “pagbabawal”? Isinasagisag nito ang mga paghihigpit, mga pagbabawal, at kasamaan. Sa sandaling ang isang tao ay sumamba sa isang idolo, sila ay sumasamba sa isang huwad na diyos, sumasamba sa masamang espiritu. Dala-dala ng pagbabawal ang gayon. Hindi ka maaaring kumain nito o ng ganoon, sa araw na ito hindi kayo makalalabas, bukas hindi mo maaaring paganahin ang iyong kalan, sa susunod na araw hindi ka maaaring lumipat sa isang bagong bahay, dapat na pumili ng mga tiyak na araw para sa mga kasal at mga libing, at maging sa pagluwal sa isang sanggol. Ano ang tawag dito? Ito ay tinatawag na pagbabawal; ito ay pagkaalipin sa sangkatauhan, at ito ang tanikala ni Satanas at mga masasamang espiritu ang namamahala sa kanila, at pinipigilan ang kanilang mga puso at mga katawan. Ang mga pagbabawal bang ito ay umiiral sa Diyos? Kapag pinag-uusapan ang kabanalan ng Diyos, dapat mo munang isipin ito: Sa Diyos walang mga pagbabawal. Ang Diyos ay may mga tuntunin sa Kanyang mga salita at gawain, ngunit walang mga paghihigpit, sapagkat ang Diyos Mismo ay ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.


    Tingnan natin ngayon ang mga sumusunod na talata: “Datapuwa’t sinasabi ko sa inyo, na dito ay may isang lalong dakila kay sa templo. Datapuwa’t kung nalalaman ninyo kung ano ang kahulugan nito, Habag ang ibig ko, at hindi hain, ay hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang kasalanan. Sapagka’t ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath” (Mateo 12:6-8). Ano ang tinutukoy ng “templo” dito? Upang maging madali, ang “templo” ay tumutukoy sa isang kahanga-hangang, mataas na gusali, at sa Kapanahunan ng Kautusan, ang templo ay lugar para sa mga saserdote upang sambahin ang Diyos. Nang sinabi ng Panginoong Jesus “dito ay may isang lalong dakila kay sa templo,” kanino tumutukoy ang “isa”? Maliwanag, ang “isa” ay ang Panginoong Jesus sa katawang-tao, sapagkat Siya ay mas dakila kaysa sa templo. Ano ang sinasabi ng mga salitang ito sa mga tao? Sinasabi nila sa mga tao na lumabas sila sa templo—Nakalabas na ang Diyos at hindi na gumagawa sa loob nito, kaya dapat hanapin ng mga tao ang mga bakas ng Diyos sa labas ng templo at sundan ang Kanyang mga hakbang sa Kanyang gawain. Ang pinagmulan ng Panginoong Jesus ang nagsasabi na ito ay sa ilalim ng kautusan, itinuturing na ng mga tao ang templo bilang isang bagay na higit na dakila kaysa sa Diyos Mismo. Iyon ay, sumasamba ang mga tao sa templo sa halip na sambahin ang Diyos, kaya binalaan sila ng Panginoong Jesus na huwag sambahin ang mga idolo, sa halip ay sambahin ang Diyos sapagkat Siya ang kataas-taasan. Kaya, sinabi Niya: “Habag ang ibig ko, at hindi hain.” Maliwanag na sa mga mata ng Panginoong Jesus, ang karamihan sa mga tao sa ilalim ng kautusan ay hindi na sumasamba kay Jehovah, ngunit basta na lamang nagdadaan sa proseso ng pagsasakripisyo, at tiniyak ng Panginoong Jesus na ang prosesong ito ay pagsamba sa idolo. Itinuturing ng mga sumasambang ito sa idolo ang templo bilang isang bagay na mas dakila, at mas mataas kaysa sa Diyos. Sa kanilang mga puso ay mayroon lamang templo, hindi Diyos, at kung mawala nila ang templo, nawala nila ang kanilang tahanang dako. Kung wala ang templo wala silang masasambahan at hindi na matutupad ang kanilang mga pagsasakripisyo. Ang kanilang tinatawag na tahanang dako ay kung saan nabubuhay sa ilalim ng bandila ng pagsamba sa Diyos na si Jehovah, na nagpapahintulot sa kanila na manatili at tuparin ang kanilang sariling mga gawain. Ang kanilang tinatawag na pagsasagawa ng mga sakripisyo ay upang tuparin lamang ang kanilang sariling personal na kahiya-hiyang mga pakikitungo sa ilalim ng balatkayo ng pagsasagawa ng kanilang serbisyo sa templo. Ito ang dahilan kung bakit itinuturing ng mga tao nang panahong iyon ang templo bilang higit na dakila kaysa sa Diyos. Sapagkat ginamit nila ang templo bilang isang taguan, at ang mga sakripisyo bilang isang balatkayo para sa pandaraya sa mga tao at pandaraya sa Diyos, sinabi ng Panginoong Jesus ito upang balaan ang mga tao. Kung gagamitin ninyo ang mga salitang ito sa kasalukuyan, ang mga ito ay kapwa may bisa pa rin at kapwa mahalaga pa rin. Bagamat ang mga tao sa araw na ito ay nakaranas ng gawain ng Diyos na kaiba kaysa sa naranasan ng mga tao sa Kapanahunan ng Kautusan, ang sangkap ng kanilang kalikasan ay magkapareho. Sa nilalaman ng gawain sa araw na ito, ginagawa pa rin ng mga tao ang kaparehong uri ng mga bagay gaya ng “ang templo ay higit na dakila kaysa sa Diyos.” Halimbawa, itinuturing ng mga tao na ang pagtupad ng kanilang tungkulin bilang kanilang trabaho; Itinuturing nila na ang pagsasaksi sa Diyos at ang paglaban sa malaking pulang dragon bilang pagkilos na pulitikal sa pagsasanggalang sa mga karapatang pantao, para sa demokrasya at kalayaan; binabago nila ang kanilang tungkulin sa mga karera upang gamitin ang kanilang mga kakayahan, ngunit itinuturing nila ang pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan bilang isang relihiyosong doktrina na susundin; at iba pa. Hindi ba ang mga pagpapahayag na ito sa bahagi ng mga tao ay halos walang pinagkaiba sa “ang templo ay higit na dakila kaysa sa Diyos”? Maliban sa dalawang libong taon na ang nakaraan, tinutupad ng mga tao ang kanilang personal na gawain sa pisikal na templo, ngunit sa araw na ito, tinutupad ng mga tao ang kanilang personal na gawain sa mga hindi totoong mga templo. Itinuturing niyaong mga tao na nagpapahalaga sa mga patakaran ang mga patakaran na higit na dakila kaysa sa Diyos, itinuturing niyaong mga taong nagpapahalaga sa katayuan ang katayuan na higit na dakila kaysa sa Diyos, itinuturing niyaong umiibig sa kanilang karera ang karera na higit na dakila kaysa sa Diyos, at iba pa—ang lahat ng kanilang mga pahayag ang nagbunsod sa Akin upang masabing: “Pinupuri ng mga tao ang Diyos bilang pinakadakila sa pamamagitan ng kanilang mga salita, ngunit sa kanilang mga mata ang lahat ng bagay ay higit na dakila kaysa sa Diyos.” Ito ay dahil sa sandaling makakita ng pagkakataon ang mga tao sa kahabaan ng daan ng kanilang pagsunod sa Diyos na maipakita ang kanilang sariling mga kakayahan, o upang matupad ang kanilang sariling gawain o kanilang sariling karera, inilalayo nila ang kanilang mga sarili mula sa Diyos at inilalaan ang kanilang mga sarili sa karera na kanilang pinahahalagahan. At tungkol naman sa ipinagkatiwala sa kanila ng Diyos, at ang Kanyang kalooban, ang mga bagay na iyon ay matagal nang naitapon. Sa senaryong ito, ano ang ipinagkaiba ng mga taong ito at yaong nagsasagawa ng kanilang sariling gawain sa loob ng templo dalawang libong taon na ang nakararaan?

Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao



Rekomendasyon:
Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik naPanginoong Jesus sa mga huling araw

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...