Kidlat ng Silanganan

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang mga Patotoo ng mga Mananagumpay. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang mga Patotoo ng mga Mananagumpay. Ipakita ang lahat ng mga post

Nob 9, 2019

Mga Patotoo ng Pagbabalik sa Diyos|Sino ang Hadlang Sa Daan Patungo sa Makalangit na Kaharian?

Pastor, Biblia

Mi Meng’ai, Malaysia

Sa taon na namatay ang aking asawa, lubos ang aking kalungkutan, at bukod diyan nagkaroon ako ng dagdag na pasanin ng pagpapalaki sa aking mga anak. Ang kahirapan ay biglang sumapit sa aking buhay, nguni’t taglay-taglay ko na ang pagmamahal ng Panginoon at, sa tulong ng aking mga kapatid, nalampasan ko ang panahon ng paghihirap na ito. Upang suklian ang pagmamahal ng Panginoon, nagpatuloy ako sa pagbibigay ng mga donasyon at paglilingkod sa iglesia, at nagagawa ko na ang gayon nang mahigit sa tatlumpung taon. Sa panahong ito, nararanasan ko ang pag-unlad ng iglesia at nakita ang maluwalhating pangyayari ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ng Panginoong Jesus. Nasasaksihan ko rin ang kapanglawan at kawalang-pag-asa sa iglesia. Nagunita ko nang pasimulang gawin ng Banal na Espiritu ang dakilang gawain sa iglesia, nang maranasan namin ang kasiyahan at natuto nang husto sa pakikinig sa pangangaral ng pastor.

May 24, 2019

Ang Paglansag sa Mahigpit na Pagkubkob ni Satanas (Unang Bahagi)


Zhao Gang

Sobrang lamig noong nakaraang Nobyembre sa Hilagang-silangang Tsina, wala sa mga niyebeng bumagsak sa lupa ang natunaw, at maraming mga tao na naglakad sa labas ang sobrang nilamig na inipit nila ang kanilang mga kamay sa kanilang mga kili-kili at maingat na naglakad, ang mga katawan ay nakayuko. Noong isang araw nang maagang-maaga, ang mga hangin ay umiihip mula sa Hilagang-kanluran, nang ako, ang aking bayaw at ang kanyang asawa at ang halos isang dosenang mga kapatid ay nakaupo sa aking tahanan sa mainit na kang (isang naiinit na laryong kama).

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...