Alamin natin ang higit pa tungkol sa mga misteryo ng mga propesiya sa bibliya na magkakasama.
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
"Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay, ay siya kong pakakanin ng punong kahoy ng buhay, na nasa Paraiso ng Dios" (Pahayag 2:7).
"Ang magtagumpay ay bibigyan ko ng manang natatago, at siya’y bibigyan ko ng isang batong puti, at sa bato ay may nakasulat na isang bagong pangalan, na walang nakakaalam kundi yaong tumatanggap" (Pahayag 2:17).
"Ang magtagumpay ay daramtang gayon ng mga mapuputing damit; at hindi ko papawiin sa anomang paraan ang kaniyang pangalan sa aklat ng buhay, at ipahahayag ko ang kaniyang pangalan sa harapan ng aking Ama, at sa harapan ng kaniyang mga anghel" (Pahayag 3:5).
"Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya’y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila" (Pahayag 21:3).
Makapangyarihang Diyos! Nagsasaya kami para sa Iyo; sumasayaw kami at umaawit. Tunay na Ikaw ang aming Manunubos, ang dakilang Hari ng sansinukob! Nakagagawa Ka ng isang pangkat ng mga mananagumpay, at natutupad ang plano ng pamamahala ng Diyos. Magsisiparoon ang lahat ng mga bansa sa bundok na ito. Luluhod ang lahat ng mga bansa sa harapan ng trono! Ikaw ang tangi at tunay na Diyos lamang at karapat-dapat sa luwalhati at karangalan. Lahat ng luwalhati, papuri, at awtoridad ay mapasa-Diyos! Ang bukal ng buhay ay dumadaloy mula sa trono, dinidiligan at pinakakain ang bayan ng Diyos. Nagbabago ang buhay araw-araw; sinusundan tayo ng bagong liwanag at mga pagbubunyag, palaging nagsasanhi ng mga bagong pagkakita tungkol sa Diyos. Dahil nakatitiyak sa Diyos sa pamamagitan ng mga karanasan; laging lumilitaw ang Kanyang mga salita, nagpapakita sa mga yaong tama. Tunay ngang napaka-pinagpala natin! Pagiging kaharap ng Diyos bawa’t araw, nakikipag-usap sa Diyos sa lahat ng bagay, at ibinibigay sa Diyos ang kataas-taasan sa lahat ng bagay. Pinagbubulay-bulayan nating mabuti ang salita ng Diyos, payapa ang ating mga puso sa Diyos, at sa gayon pumaparoon tayo sa harapan ng Diyos kung saan tinatanggap natin ang Kanyang liwanag. Sa ating pang-araw-araw na buhay, mga pagkilos, mga salita, mga kaisipan, at mga ideya, nabubuhay tayo sa loob ng salita ng Diyos, at laging mayroong pagtalos. Sinusuot ng salita ng Diyos ang karayom; biglang nagpapakita isa-isa ang mga bagay na natatago sa loob. Hindi maaantala ang pakikisama sa Diyos; inilalantad ng Diyos ang mga kaisipan at mga kuru-kuro. Sa bawa’t sandali nabubuhay tayo sa harapan ng luklukan ni Cristo kung saan sumasailalim tayo sa paghatol. Nananatiling sakop ni Satanas ang bawa’t dako ng ating mga katawan. Ngayon, dapat gawing malinis ang templo ng Diyos upang mapanumbalik ang Kanyang pagiging kataas-taasan. Upang maging ganap na naaangkin ng Diyos, kailangang sumailalim tayo sa isang digmaang buhay-at-kamatayan. Tanging kapag naipako sa krus ang ating mga dating pagkatao maaaring magharing kataas-taasan ang napanumbalik na buhay ni Cristo.
Naghahanda ngayon ng isang pagsalakay ang Banal na Espiritu sa bawa’t sulok natin upang ilunsad ang isang digmaan para sa pagbabawi! Hangga’t nakahanda tayong itakwil ang mga sarili natin at handang makipagtulungan sa Diyos, sa anumang sandali paliliwanagin at lilinisin ng Diyos ang ating mga nasasaloob, at babawiing muli ang nasasakop ni Satanas, upang maaari tayong magawang ganap ng Diyos sa lalong madaling panahon. Huwag mag-aksaya ng panahon, at laging mamuhay sa loob ng salita ng Diyos. Maging itinatayo kasama ng mga banal, maging dinadala sa kaharian, at pumapasok sa kaluwalhatian kasama ng Diyos.
mula sa "Ang Unang Pagbigkas" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Lumalakad Ako ngayon sa kalagitnaan ng Aking bayan, naninirahan Ako sa kalagitnaan ng aking bayan. Ngayon, yaong may tunay na pag-ibig sa Akin, ang taong gaya nito ay mapalad; mapalad yaong mga nagpapasakop sa Akin, sila ay tiyak na mananatili sa Aking kaharian; mapalad yaong mga nakakakilala sa Akin, sila ay tiyak na hahawak ng kapangyarihan sa Aking kaharian; mapalad ang mga yaong naghahangad sa Akin, tiyak na makaliligtas sila mula sa mga gapos ni Satanas at matatamasa nila ang pagpapala sa Akin; mapalad ang mga yaong kayang talikuran ang kanilang mga sarili, tiyak na papasok sila sa Aking pag-aari, at mamanahin ang gantimpala ng Aking kaharian. Aalalahanin Ko ang mga yaong gumagawa para sa Aking kapakanan, yayakapin Ko nang may kagalakan ang mga yaong gumugugol para sa Aking kapakanan, bibigyan Ko ng mga kasiyahan ang mga yaong naghahandog sa Akin. Pagpapalain Ko ang mga yaong nasisiyahan sa Aking mga salita; tiyak na sila ang magiging mga haligi na magtataas sa ituktok ng Aking kaharian, tiyak na magkakaroon sila ng walang-kapantay na gantimpala sa Aking bahay, at walang maihahalintulad sa kanila. Tinanggap na ba ninyo ang mga pagpapalang ibinigay sa inyo? Hinanap na ba ninyo ang mga ipinangako sa inyo? Sa ilalim ng paggabay ng Aking liwanag, tiyak na makakawala kayo mula sa pagkasakal ng mga puwersa ng kadiliman. Sa gitna ng kadiliman, tiyak na hindi ninyo maiwawala ang ilaw na gumagabay sa inyo. Tiyak na kayo ang magiging panginoon ng lahat ng nilalang. Tiyak na kayo ay magiging mananagumpay sa harap ni Satanas. Sa pagbagsak ng kaharian ng malaking pulang dragon, tiyak na tatayo kayo sa kalagitnaan ng napakaraming tao upang sumaksi sa Aking tagumpay. Tiyak na magiging matatag at matibay kayo sa lupain ng Sinim. Sa pamamagitan ng mga pagdurusang tinitiis ninyo, mamanahin ninyo ang pagpapalang nagmumula sa Akin, at tiyak na sisinagan ng Aking kaluwalhatian ang loob ng buong sansinukob.
mula sa "Ang Ikalabing-siyam na Pagbigkas" ng mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob
Dahil sa kaya nilang magpatotoo sa Diyos, at maglaan ng lahat ng kanilang mga pagsisikap sa gawa ng Diyos, ang mga taong tunay na umiibig sa Diyos ay maaaring maglakad saanman sa ilalim ng mga kalangitan nang walang sinumang susubok na tutulan sila, at maaari nilang gamitin ang kapangyarihan sa lupa at pamunuan ang lahat ng mga tao ng Diyos. Ang mga taong ito ay nagsasama-sama mula sa iba't-ibang dako ng mundo, sila ay nagsasalita ng iba't-ibang wika at may iba't-ibang kulay ng balat, nguni't ang kanilang pamamalagi ay may parehong kahulugan, lahat sila ay may pusong nagmamahal sa Diyos, lahat sila ay dala ang parehong patotoo, at mayroong parehong kapasyahan, at parehong hangarin. Ang mga umiibig sa Diyos ay maaaring maglakad nang malaya sa buong mundo, ang mga taong nagpapatotoo sa Diyos ay maaaring maglakbay sa buong sansinukob. Ang mga taong ito ay minamahal ng Diyos, sila ay pinagpala ng Diyos, at sila ay magpakailanmang mabubuhay sa Kanyang liwanag.
mula sa "Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Magpakailanmang Mamumuhay sa Loob ng Kanyang Liwanag"
Ayon sa iba't-iba nilang mga tungkulin at mga patotoo, ang mga mananagumpay sa kaharian ay magsisilbing mga saserdote o tagasunod, at ang mga matagumpay sa kabila ng pagdurusa ay magiging kalipunan ng saserdote sa kaharian. Ang mga kalipunan ng saserdote ay mabubuo kapag ang gawain ng ebanghelyo sa buong daigdig ay natapos. Kapag dumating ang panahong iyon, ang kailangang gawin ng tao ay ang pagganap sa kanyang mga tungkulin sa kaharian ng Diyos, at ang paninirahan niyang kasama ang Diyos sa loob ng kaharian. Sa kalipunan ng mga saserdote mayroong magiging punong saserdote at mga saserdote, at ang natitira ay magiging anak at mga tao ng Diyos. Ito ay malalaman sa pamamagitan ng kanilang mga patotoo sa Diyos sa kabila ng pagdurusa; hindi lamang ito mga titulo na ibinigay lamang nang basta-basta. Kapag ang katayuan ng tao ay naitatag, ang gawain ng Diyos ay matatapos, dahil ang lahat ay tinitipon ayon sa uri at ibinabalik sa kanilang orihinal na kalagayan, at ito ang tanda ng katuparan ng gawain ng Diyos, ito ang pangwakas na kinalabasan ng gawain ng Diyos at ang pagsasagawa ng tao, at ang pangkakabuo-buo ng mga pangitain ng gawain ng Diyos at ang pakikipagtulungan ng tao. Sa katapusan, ang tao ay makahahanap ng kapahingahan sa kaharian ng Diyos, ang Diyos ay babalik sa Kanyang tahanan upang mamahinga. Ito ang pangwakas na kinalabasan ng 6,000 taong pakikipagtulungan sa pagitan ng Diyos at ng tao.
mula sa "Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao"
Sa oras na ang gawain ng panlulupig sa tao ay makumpleto na, ang tao ay dadalhin sa isang magandang mundo. Ang buhay na ito ay magiging, walang duda, sa mundo pa rin, ngunit ito ay ganap na hindi magiging kagaya ng buhay ng tao sa ngayon. Ito ang buhay na kakamtin ng sangkatauhan matapos na ang sangkatauhan ay ganap nang malupig, ito ay magiging bagong simula ng tao sa mundo, at para sa sangkatauhan na magkaroon ng gayong buhay ay magiging katibayan na ang sangkatauhan ay nakapasok na sa isang bago at magandang kaharian. Ito ang magiging simula ng buhay ng tao at Diyos sa lupa. Ang saligan ng gayong kagandang buhay ay marahil, matapos ang tao ay malinis at malupig, siya ay susuko sa harap ng Lumikha. At kaya, ang gawain ng panlulupig ay ang huling yugto ng gawain ng Diyos bago pumasok ang tao sa kamangha-manghang hantungan. Ang gayong buhay ay ang hinaharap na buhay ng tao sa lupa, ito ang pinakamagandang buhay sa lupa, ang uri ng buhay na inaasam ng tao, ang uri na hindi pa kailanman nakamtan ng tao sa kasaysayan ng mundo. Ito ang huling kalalabasan ng 6,000 taon ng gawain sa pamamahala, ito ang pinaka-kinasasabikan ng sangkatauhan, ito rin ang pangako ng Diyos sa tao.
mula sa "Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan"
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento