Kidlat ng Silanganan

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Banal na Espiritu. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Banal na Espiritu. Ipakita ang lahat ng mga post

Peb 1, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayanang Kumatawan sa Diyos

Banal na Espiritu, Diyos, kalooban, pag-ibig, Jesus

Kidlat ng Silanganan Pag-bigkas ng Diyos | Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayanang Kumatawan sa Diyos


   Ang tao ay nabubuhay sa ilalim ng pagkabalot sa impluwensya ng kadiliman, nakagapos sa impluwensya ni Satanas nang walang matatakasan. At ang disposisyon ng tao, pagkatapos itong sumailalim sa proseso ni Satanas, ay nagiging mas tiwali. Masasabi ng isang tao ay patuloy na nabubuhay sa kanyang tiwali at mala-demonyong disposisyon, walang kakayahang umibig ng tunay sa Diyos. Dahil dito, kung nais ng tao na ibigin ang Diyos, kailangan niyang alisin ang kanyang sariling-katuwiran, sariling-kahalagahan, pagmamataas, pagmamalaki, at mga kauri nito, na nanggagaling lahat sa disposisyon ni Satanas. Kung hindi, ang pag-ibig ng tao ay isang maruming pag-ibig, pag-ibig ni Satanas, at isang bagay na siguradong hindi makakatanggap ng pagsang-ayon ng Diyos. Kung hindi direktang magawang perpekto, pakitunguhan, masira, pungusin, madisiplina, maparusahan, o gawing dalisay ng Banal na Espiritu, walang tunay na makakaibig sa Diyos. Kung sasabihin mo na ang isang bahagi ng iyong disposisyon ay kumakatawan sa Diyos at dahil dito ay kaya mong ibigin ng tunay ang Diyos, sa gayon ay isa kang tao na nagsasambit ng mga salita ng kayabangan at isang taong salungat sa katuwiran. At ang mga taong katulad nito ay ang arkanghel! Ang sadyang kalikasan ng tao ay hindi maaaring direktang kumatawan sa Diyos. Kailangang alisin ng tao ang sadyang kalikasan niya sa pamamagitan ng pagperpekto ng Diyos, at pagkatapos, sa pamamagitan lamang ng pagsaalang-alang sa kalooban ng Diyos, pagtupad sa kalooban ng Diyos at higit pang pagsailalim sa gawain ng Banal na Espiritu, na aaprubahan ng Diyos ang kanyang pagsasabuhay. Walang sinuman na nabubuhay sa laman ang maaaring direktang kumatawan sa Diyos, maliban kung siya ay isang tao na ginamit ng Banal na Espiritu. Gayunman, kahit sa taong katulad nito, ang kanyang disposisyon at kung ano ang kanyang isinasabuhay ay hindi maaaring sabihin na ganap na kumakatawan sa Diyos; maaari lamang sabihin ng isang tao na ang kanyang isinasabuhay ay ginabayan ng Banal na Espiritu. Ang disposisyon ng gayong tao ay hindi maaaring kumatawan sa Diyos.

Ene 29, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Landas... (5)

katotohanan, Banal na Espiritu, buhay, Diyos, Paniwala


Kidlat ng SilangananPag-bigkas ng Diyos | Ang Landas... (5)


Dati ay walang nakakakilala sa Banal na Espiritu, at partikular na hindi nila nalalaman kung ano ang landas ng Banal na Espiritu. Kaya laging dinadaya ng mga tao ang kanilang mga sarili sa harap ng Diyos. Maaaring masabi na halos lahat ng mga tao na naniniwala sa Diyos ay hindi nakakakilala sa Espiritu, kundi mayroon lamang isang litóng uri ng paniniwala. Maliwanag mula rito na hindi nauunawaan ng mga tao ang Diyos, at kahit sinasabi nila na sila ay naniniwala sa Kanya, sa mga tuntunin ng diwa nito, batay sa kanilang mga pagkilos sila ay naniniwala sa kanilang mga sarili, hindi sa Diyos. Mula sa Aking pansariling tunay na karanasan, nakikita Ko na sumasaksi ang Diyos sa Diyos na katawang-tao, at mula sa labas, lahat ng mga tao ay napipilitang kilalanin ang Kanyang pagsaksi, at halos hindi masabi na sila ay naniniwala na ang Espiritu ng Diyos ay lubos na walang mali. Gayunpaman, Aking sinasabi na ang pinaniniwalaan ng mga tao ay hindi ang personang ito at ito ay partikular na hindi Espiritu ng Diyos, kundi sila ay naniniwala sa kanilang sariling pakiramdam. Hindi ba’t iyan ay paniniwala lamang sa kanilang mga sarili? Ang mga salitang ito na Aking sinasabi ay totoong lahat. Ito ay hindi pagtatatak sa mga tao, nguni’t kailangan Ko na liwanagin ang isang bagay—na ang mga tao ay madadala sa araw na ito, kung sila man ay malinaw o sila ay litó, ang lahat ng ito ay ginagawa ng Banal na Espiritu at ito ay hindi isang bagay na maaaring idikta ng mga tao. Ito ay isang halimbawa ng Aking binanggit noong una tungkol sa Banal na Espiritu na pinipilit ang paniniwala ng mga tao. Ito ang paraan na ang Banal na Espiritu ay gumagawa, at ito ay isang landas na tinatahak ng Banal na Espiritu. Kahit na sino ang pinaniniwalaan ng mga tao sa diwa ng nilalaman, pinipilit bigyan ng Banal na Espiritu ang mga tao ng isang uri ng pakiramdam upang sila ay maniwala sa Diyos sa kanilang sariling puso. Hindi ba ito ang uri ng paniniwala na taglay mo? Hindi mo ba nadarama na ang iyong paniniwala sa Diyos ay isang kakatwang bagay? Hindi mo ba iniisip na ito ay isang kakatwang bagay na ikaw ay hindi makatakas mula sa daloy na ito? Hindi mo ba pinagsikapang bulay-bulayin ito? Hindi ba’t ito ang pinakadakilang tanda at himala? Kahit na ikaw ay nagkaroon ng pag-uudyok na tumakas nang maraming ulit, laging mayroong malakas na pwersa ng buhay na umaakit sa iyo at ginagawa kang atubiling lumayo. At sa tuwing makakatagpo mo ito ikaw ay laging nasasakal at humahagulgol, at hindi mo alam kung ano ang gagawin. At mayroong ilang mga tao na sinusubukang lumisan. Subali’t kapag sinusubukan mong umalis, ito ay parang patalim sa iyong puso, at ito ay parang ang iyong kaluluwa ay kinuha sa iyo ng isang multo sa lupa kaya’t ang iyong puso ay bagabag at walang kapayapaan. Matapos iyon, wala kang magáwâ kundi patatagin ang iyong sarili at bumalik sa Diyos…. Hindi ka ba nagkaroon ng ganitong karanasan? Ako ay naniniwala na ang mga batang kapatirang lalaki at babae na nakakapagbukas ng kanilang mga puso ay magsasabing: “Oo! Napakarami ko nang naging mga karanasang ganito; hiyang-hiya akong isipin ang mga iyon!” Sa Aking sariling pang-araw-araw na buhay Ako ay laging masaya na makita ang Aking mga batang kapatirang lalaki at babae bilang Aking mga kaniig sapagka’t sila ay punô ng kawalang-malay—sila ay dalisay at lubhang kaibig-ibig. Parang sila ay Aking sariling mga kasama. Ito ang kung bakit Ako ay laging naghahanap ng pagkakataon na dalhin ang lahat ng Aking mga kaniig na sama-sama, upang pag-usapan ang tungkol sa aming mga simulain at mga plano. Nawa ang kalooban ng Diyos ay maisakatuparan sa atin upang lahat tayo ay tulad ng laman at dugo, walang mga hadlang at walang pagkakalayo. Nawa ay manalangin tayong lahat sa Diyos: “O Diyos! Kung ito ay Iyong kalooban, sumasamo kami sa Iyo na pagkalooban kami ng akmang kapaligiran upang matanto naming lahat ang mga inaasam ng aming mga puso. Nawa ay mahabag Ka sa mga kasama namin na bata at kulang sa katwiran, upang magugol namin ang bawa’t patak ng kalakasan sa aming mga puso!”Ako ay naniniwala na ito dapat ang kalooban ng Diyos dahil noong matagal na, ginawa Ko ang sumusunod na pagsamo sa harapan ng Diyos: “Ama! Kaming mga nasa lupa ay tumatawag sa Iyo sa lahat ng sandali, at umaasa na ang Iyong kalooban ay matatapos sa lalong madaling panahon sa lupa. Ako ay handang hanapin ang Iyong kalooban. Nawa ay gawin Mo ang nais Mo, at tapusin ang ipinagkatiwala Mo sa Akin sa lalong madaling panahon. Hangga’t ang Iyong kalooban ay maaaring matupad sa lalong madaling panahon, handa kahit Ako para Ikaw ay magbukas ng isang bagong landas sa gitna namin. Ang tangi Kong pag-asa ay na ang Iyong gawain ay matatapos sa lalong madaling panahon. Ako ay naniniwala na walang mga panuntunan ang makapipigil sa Iyong gawain!” Ito ang gawain na ginagawa ng Diyos ngayon. Hindi mo ba nakita ang landas na tinatahak ng Banal na Espiritu? Kapag Aking nakakatagpo ang nakatatandang mga kapatirang lalaki at babae, palaging may damdamin ng kaapihan na hindi Ko matukoy. Kapag kasama Ko lamang sila Aking nakikita na sila ay umaalingasaw sa lipunan, at ang kanilang relihiyosong mga paniwala, mga karanasan sa pagtangan sa mga bagay-bagay, ang kanilang mga paraan ng pagsasalita, ang mga salitang kanilang ginagamit, atbp., ay nakakainis lahat. Para bang sila ay punô ng karunungan at Ako ay laging nananatiling malayo sa kanila sapagka’t sa Aking sarili, ang Aking pilosopiya sa buhay ay kulang na kulang. Kapag kasama nila Ako pakiramdam Ko ay lagi Akong pagód at pinahihirapan, at kung minsan ito ay nagiging masyadong seryoso, masyadong mapang-api na halos hindi Ako makahinga. Kaya sa mapanganib na mga sandaling ito, binibigyan Ako ng Diyos ng pinakamahusay na paraan na makalabas. Marahil ito ay sarili Kong maling kuru-kuro. Ang pinahahalagahan Ko lamang ay kung ano ang pakinabang sa Diyos; ang pagsasakatuparan ng kalooban ng Diyos ang pinakamahalaga. Nananatili Akong malayo sa mga taong ito, at kung kinakailangan ng Diyos na pakitunguhan Ko sila, sa gayon, Ako’y susunod. Hindi naman na sila ay kasuklam-suklam, kundi dahil sa ang kanilang “karunungan”, mga paniwala, at mga pilosopiya sa buhay ay masyadong nakakainis. Ako ay narito upang tapusin ang ipinagkatiwala ng Diyos sa Akin, hindi para matuto sa kanilang mga karanasan sa pagtangan ng mga pangyayari. Natatandaan Ko na minsan ay sinabi ng Diyos sa Akin ang sumusunod: “Sa lupa, hanapin Mo ang kalooban ng Ama at tapusin kung ano ang ipinagkatiwala Niya sa Iyo. Lahat ng iba pa ay walang kinalaman sa Iyo.” Kapag iniisip Ko ito nakakaramdam Ako ng bahagyang kapayapaan. Ito ay sapagka’t lagi Kong nararamdaman na ang mga makalupang mga bagay ay masyadong masalimuot at hindi Ko lubos na malirip ang mga iyon—kailanman hindi Ko alam kung ano ang gagawin. Kaya hindi Ko alam kung ilang ulit Akong masyadong naguluhan dahil dito at kinamuhian ang sangkatauhan—bakit ang mga tao ay masyadong kumplikado? Anong mali sa pagiging mas simple? Nagpupumilit na maging marunong—bakit nag-aabala? Kapag nakikitungo Ako sa mga tao kalimitan ito ay batay sa pagsusugo ng Diyos sa Akin, at kahit na may ilang ulit na hindi ito ang kaso, sinong maaaring makaalam kung ano ang natatago sa kaibuturan ng Aking puso?

Ene 28, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Landas... (3)

Jesus, pag-ibig, buhay, Banal na Espiritu, Diyos

Kidlat ng Silanganan | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Landas... (3)


Sa Aking sariling buhay, Ako ay laging handang ibigay ang Aking sarili sa Diyos nang buo, katawan at isipan. Sa paraang ito, walang paninisi sa Aking konsensya at Ako ay nakatatamo ng kaunting kapayapaan. Ang isang tao na naghahabol sa buhay ay dapat munang ibigay ang kanilang puso sa Diyos nang buo. Ito ay paunang-kundisyon. Nais Kong ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay manalanging kasama Ko sa Diyos: “O Diyos! Nawa ang Iyong Espiritu sa langit ay magkaloob ng biyaya sa mga tao sa lupa upang ang Aking puso ay lubos na babaling sa Iyo, upang ang Aking Espiritu ay maantig Mo, at upang makita Ko ang Iyong kariktan sa Aking puso at Aking Espiritu, upang yaong mga nasa lupa ay mapagpala na makita ang Iyong kagandahan. Diyos! Nawa ang Iyong Espiritu ay minsan pang antigin ang aming mga espiritu upang ang aming pag-ibig ay tumatagal at kailanma’y hindi nagbabago!” Ang ginagawa ng Diyos sa ating lahat ay sinusubok muna ang ating mga puso, at kapag ibinuhos natin ang ating mga puso tungo sa Kanya, sa sandaling iyon ay nagsisimula Siyang antigin ang ating mga espiritu. Sa espiritu lamang makikita ng isa ang kariktan ng Diyos, kataasan, at kadakilaan. Ito ang landas ng Banal na Espiritu sa mga tao. Mayroon ka ba ng ganitong uri ng buhay? Naranasan mo na ba ang buhay ng Banal na Espiritu? Ang iyo bang espiritu ay naantig na ng Diyos? Nakita mo na ba kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu sa mga tao? Naibigay mo na ba ang iyong puso sa Diyos nang buo? Kapag buo mong ibinibigay ang iyong puso sa Diyos, nakakaya mong tuwirang maranasan ang buhay ng Banal na Espiritu, at ang Kanyang gawain ay maaaring patuloy na mabunyag sa iyo. Sa panahong iyon, maaari kang maging isang tao na ginagamit ng Banal na Espiritu. Handa ka ba na maging ganoong uri ng tao? Sa Aking alaala, noong Ako ay naantig ng Banal na Espiritu at unang ibinigay ang Aking puso sa Diyos, bumagsak Ako sa harapan Niya at umiyak: “O Diyos! Ikaw ang nagbukas ng Aking mga mata upang Aking makilala ang Iyong pagliligtas. Handa Akong ibigay ang Aking puso sa Iyo nang buo, at ang tangi Kong hinihiling ay mangyari ang Iyong kalooban. Ang tangi Kong inaasam ay makamit ng puso Ko ang Iyong pagsang-ayon sa Iyong presensya, at maisakatuparan ang Iyong kalooban.” Ang panalanging iyon ay pinaka-hindi-malilimutan para sa Akin; Ako ay masyadong naantig, at Ako ay mapait na tumangis sa harapan ng Diyos. Iyon ang Aking unang matagumpay na pananalangin sa presensya ng Diyos bilang isang tao na naligtas, at iyon ang una Kong hinahangad. Ako ay malimit na naaantig ng Banal na Espiritu matapos iyon. Nagkaroon ka na ba ng ganitong uri ng karanasan? Paano nakágáwâ ang Banal na Espiritu sa iyo? Sa palagay Ko ang mga tao na naghahanap na ibigin ang Diyos ay magkakaroong lahat ng ganitong uri ng karanasan, sa humigit-kumulang na mga antas, subali’t nakakalimutan ng mga tao ang tungkol sa mga iyon. Kung sinasabi ng isang tao na hindi pa sila nagkaroon ng ganitong karanasan, pinatutunayan niyan na sila ay hindi pa naliligtas at nasa ilalim pa rin ng sakop ni Satanas. Ang gawain na isinasakatuparan ng Banal na Espiritu sa bawa’t isa ay ang landas ng Banal na Espiritu, at ito rin ang landas ng isang tao na naniniwala at naghahanap sa Diyos. Ang unang hakbang ng gawain na ginagampanan ng Banal na Espiritu sa mga tao ay yaong pag-antig sa kanilang mga espiritu. Matapos iyon, sila ay magsisimulang mahalin ang Diyos at habulin ang buhay; ang lahat niyaong mga nasa landas na ito ay nasa loob ng daloy ng Banal na Espiritu. Ang mga ito ay hindi lamang ang mga paggalaw ng gawain ng Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina, kundi sa buong sansinukob din. Ginagawa Niya ito sa buong sangkatauhan. Kung ang isang tao ay hindi pa naantig kahit minsan, ipinakikita nito na sila ay nasa labas ng daloy na ito ng pagbabawi. Aking idinadalangin sa Diyos nang walang-patid sa Aking puso na maaantig Niya ang lahat ng mga tao, na ang bawa’t isa sa ilalim ng araw ay maaantig Niya at lalakad sa landas na ito. Marahil ito ay isa Kong napakaliit na kahilingan sa Diyos, nguni’t Ako ay naniniwala na gagawin Niya ito. Ako ay umaasa na lahat ng Aking mga kapatirang lalaki at babae ay mananalangin para dito, upang ang kalooban ng Diyos ay mangyari, at nang ang Kanyang gawain ay matapos sa lalong madaling panahon upang ang Kanyang Espiritu sa langit ay makapahinga. Ito ang Aking sariling maliit na pag-asa.

Ene 8, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Tungkol sa Pagkasangkapan ng Diyos sa Tao

Kidlat ng Silanganan | Pag-bigkas ng Diyos | Tungkol sa Pagkasangkapan ng Diyos sa Tao


    Walang sinuman ang may kakayahang mamuhay nang mag-isa maliban sa kanila na binigyan ng natatanging tagubilin at paggabay ng Banal na Espiritu, sapagkat kinakailangan nila ang ministeryo at pagpapastol niyaong mga kinakasangkapan ng Diyos. Kaya, sa bawat kapanahunan nagbabangon ang Diyos ng iba’t-ibang mga tao na nagmamadali at abala tungkol sa pagpapastol sa mga iglesia para sa kapakanan ng Kanyang gawain. Na ang ibig sabihin, ang gawain ng Diyos ay dapat maganap sa pamamagitan niyaong Kanyang mga kinalulugdan at sinasang-ayunan; dapat gamitin ng Banal na Espiritu ang bahagi sa loob nila na mayroong pakinabang sa paggamit upang gumawa, at ginawa silang angkop sa pagkasangkapan ng Diyos sa pamamagitan ng paggawang perpekto sa kanila ng Banal na Espiritu. Sapagkat ang kakayahan ng tao na makaunawa ay masyadong kulang, dapat siyang pastulan niyaong mga kinakasangkapan ng Diyos; ito ay kagaya ng pagkasangkapan ng Diyos kay Moises, na kung kanino Siya nakatagpo nang marami na angkop sa paggamit sa panahong iyon, na Kanyang kinasangkapan upang gawin ang gawain ng Diyos sa yugtong iyon. Sa yugtong ito, ang Diyos ay kumakasangkapan ng isang tao habang sinasamantala ang bahagi niya na maaaring kasangkapanin ng Banal na Espiritu upang gumawa, at ang Banal na Espiritu ay kapwa ginagabayan siya at ginagawang perpekto ang natitirang, di-magagamit na bahagi.


Nob 13, 2017

Ang Pagtatatag ng Isang Wastong Kaugnayan sa Diyos ay Napakahalaga

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pagtatatag ng Isang Wastong Kaugnayan sa Diyos ay Napakahalaga

    Ang mga tao ay naniniwala sa Diyos, iniibig ang Diyos, at napalulugod ang Diyos sa pamamagitan ng pag-antig sa Espiritu ng Diyos gamit ang kanilang mga puso, sa gayon ay nakakamtan ang Kanyang kaluguran; kapag nakikibahagi sa mga salita ng Diyos sa kanilang puso, sila sa gayon ay kinikilusan ng Espiritu ng Diyos. Kung nais mong matamo ang isang angkop na espirituwal na buhay at makapagtatag ng isang angkop na kaugnayan sa Diyos, dapat mo munang ibigay ang iyong puso sa Kanya, at ipanatag ang iyong puso sa harap Niya. Kapag naibuhos mo ang iyong puso sa Diyos saka mo lamang mapauunlad nang unti-unti ang isang espirituwal na buhay. Kung hindi ibinibigay ng mga tao ang kanilang puso sa Diyos sa kanilang paniniwala sa Kanya, kung ang kanilang puso ay wala sa Kanya at hindi nila tinatrato ang Kanyang pasanin bilang sariling kanila, kung gayon ang lahat ng kanilang ginagawa ay pandaraya sa Diyos, at ito ay pawang pag-uugali ng mga taong relihiyoso—hindi nito matatamo ang papuri ng Diyos. Ang Diyos ay hindi makakakuha ng anuman mula sa taong ito; ang ganitong uri ng tao ay makapaglilingkod lamang bilang isang pagkakaiba sa gawain ng Diyos, kagaya ng isang palamuti sa tahanan ng Diyos, nakapagpapasikip lamang, at isang walang kabuluhan—hindi kinakasangkapan ng Diyos ang ganitong uri ng tao. Sa isang taong gayon, hindi lamang sa walang pagkakataon para sa gawain ng Banal na Espiritu, ngunit higit pang, walang anumang halaga sa pagka-perpekto. Ang ganitong uri ng tao ang siyang totoong “patay na naglalakad.” Wala silang mga sangkap na maaaring kasangkapanin ng Banal na Espiritu—silang lahat ay inangkin ni Satanas, lubos na ginawang tiwali ni Satanas, at sila ang pakay ng pag-aalis ng Diyos. Hindi lamang kinakasangkapan ng Banal na Espiritu ang mga tao sa kasalukuyan sa pamamagitan ng pagpapairal sa kanilang mabubuting katangian, ngunit gayundin sa pagka-perpekto at pagbabago sa kanilang mga pagkukulang. Kung ang iyong puso ay maibubuhos sa Diyos at mananatiling payapa sa harap ng Diyos, kung gayon magkakaroon ka ng pagkakataon at ng mga kwalipikasyon upang kasangkapanin ng Banal na Espiritu, upang tanggapin ang pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu, at lalo pang, makakamtam mo ang pagkakataon para sa Banal na Espiritu na makabawi para sa iyong mga pagkukulang. Kapag ibinigay mo ang iyong puso sa Diyos, mas lalo kang makapapasok nang maigi sa positibong aspeto at mapupunta sa pinakamataas na uri ng pananaw; sa negatibong aspeto, magkakaroon ka ng mas maraming pagkaunawa ukol sa iyong sariling mga pagkakamali at mga pagkukulang, magiging mas masigasig ka na hangaring mapalugod ang kalooban ng Diyos, at hindi ka magiging walang kibo, at aktibong makapapasok. Nangangahulugan ito na ikaw ay magiging isang tamang tao. Sa saligan na ang iyong puso ay panatag sa harap ng Diyos, ang susi kung nakatatanggap ka ng papuri mula sa Banal na Espiritu o hindi ay kung aktibo kang makapapasok. Kapag nililiwanagan ng Banal na Espiritu ang isang tao at kinakasangkapan ang isang tao, hindi kailanman nito siya ginagawang negatibo, ngunit palaging ginagawa siyang aktibong sumusulong. Bagamat mayroon siyang mga kahinaan, nagagawa niyang huwag mabuhay alinsunod sa mga ito, nagagawa niyang umiwas mula sa pag-aantala sa paglago ng kanyang buhay, at naipagpapatuloy niyang hangarin na mapalugod ang kalooban ng Diyos. Ito ay isang pamantayan na nagpapatunay na sapat na iyong nakamit ang presensiya ng Banal na Espiritu. Kapag ang isang tao ay palaging negatibo, at maging pagkatapos na siya ay niliwanagan upang makilala ang sarili niya nananatili pa rin siyang negatibo at walang kibo, hindi magawang bumangon at kumilos kasama ng Diyos, kung gayon tinatanggap lamang ng ganitong uri ng tao ang biyaya ng Diyos, ngunit ang Banal na Espiritu ay hindi niya kasama. Kapag ang isang tao ay negatibo, nangangahulugan ito na ang kanyang puso ay hindi ibinaling sa Diyos at ang kanyang espiritu ay hindi inantig ng Espiritu ng Diyos. Ito ay dapat kilalanin ng lahat.

Nob 12, 2017

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos

Banal na Espiritu, Diyos, Kaligtasan, katotohanan,Salita ng Diyos

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos


        Ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto, na nangangahulugang ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto. Hindi kabilang sa tatlong mga yugtong ito ang gawain ng paglikha ng mundo, kundi ang tatlong mga yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya, at Kapanahunan ng Kaharian. Ang gawain ng paglikha ng mundo ay ang gawain ng pagbubunga ng buong sangkatauhan. Hindi ito ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, at walang kinalaman sa gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, sapagka’t noong ang mundo ay nilikha ang tao ay hindi pa natiwali ni Satanas, at sa gayon walang pangangailangan na isagawa ang gawain ng pagliligtas ng sangkatauhan. Ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay nag-umpisa lamang noong ang tao ay naging tiwali, at sa gayon ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay nag-umpisa rin lamang noong ang sangkatauhan ay naging tiwali. Sa madaling salita, ang pamamahala ng Diyos sa tao ay nag-umpisa bilang resulta ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, at hindi nagmula sa gawain ng paglikha sa mundo. Pagkatapos lamang na ang tao ay nagkaroon ng tiwaling disposisyon kaya ang gawain ng pamamahala ay dumating sa pag-iral, at sa gayon ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay sumasaklaw sa tatlong bahagi, sa halip na apat na mga yugto, o apat na kapanahunan. Ito lamang ang wastong paraan ng pagtukoy sa pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan. Kapag ang huling panahon ay malapit nang matapos, ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay darating na sa ganap na katapusan. Ang konklusyon ng gawain ng pamamahala ay nangangahulugang ang gawain ng pagliligtas sa buong sangkatauhan ay ganap nang natapos, at narating na ng sangkatauhan ang katapusan ng kanyang paglalakbay. Kung wala ang gawain ng pagliligtas sa buong sangkatauhan, ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay hindi iiral, hindi rin magkakaroon ng tatlong mga yugto ng gawain. Tiyak na ito ay dahil sa kasamaan ng sangkatauhan, at dahil ang sangkatauhan ay nasa gayong madaliang pangangailangan ng kaligtasan, na winakasan ni Jehova ang paglikha ng mundo at sinimulan ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan. Sa panahong iyon pa lamang nag-umpisa ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan, na nangangahulugang sa panahong iyon lamang nag-umpisa ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ang “pamamahala sa sangkatauhan” ay hindi nangangahulugang paggabay sa buhay ng sangkatauhan, bagong-likha, sa lupa (ibig sabihin, ang sangkatauhang hindi pa nagiging tiwali). Bagkus, ito ang pagliligtas ng isang sangkatauhan na natiwali ni Satanas, na ibig sabihin, ito ay ang pagpapabagong-anyo sa tiwaling sangkatauhang ito. Ito ang kahulugan ng pamamahala sa sangkatauhan. Hindi kabilang sa gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ang paglikha ng mundo, at sa gayon ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay hindi nagsasama sa gawain ng paglikha sa mundo, at kabilang lamang ang tatlong mga yugto ng gawain na hiwalay mula sa paglikha sa mundo. Upang maunawaan ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan, kailangang malaman ang kasaysayan ng tatlong mga yugto ng gawain—ito ang dapat malaman ng lahat upang maligtas. Bilang mga nilalang ng Diyos, dapat ninyong kilalanin na ang tao ay nilikha ng Diyos, at dapat kilalanin ang pinagmulan ng katiwalian ng tao, at, bukod doon, dapat kilalanin ang paraan ng pagliligtas sa sangkatauhan. Kung nalalaman lamang ninyo kung paano kumilos nang ayon sa doktrina upang makamtan ang pabor ng Diyos, nguni’t walang alam tungkol sa kung paano inililigtas ng Diyos ang sangkatauhan, o sa pinanggalingan ng katiwalian ng sangkatauhan, kung gayon ito ang inyong kakulangan bilang isang nilalang ng Diyos. Hindi ka lamang dapat makuntento sa pagkaunawa sa mga katotohanang maaaring maisagawa, habang nananatiling mangmang tungkol sa mas malawak na sakop ng gawaing pamamahala ng Diyos—kung ito ang katayuan, ikaw ay masyadong dogmatiko. Ang tatlong mga yugto ng gawain ay ang napapaloob na kasaysayan ng pamamahala ng Diyos sa tao, ang pagdating ng ebanghelyo ng buong sansinukob, ang pinakamalaking hiwaga sa gitna ng buong sangkatauhan, at siya ring saligan ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Kung ikaw ay nakatuon lamang sa pag-unawa ng mga payak na katotohanan na may saysay sa iyong buhay, at walang alam tungkol dito, ang pinakamalaki sa lahat ng mga hiwaga at mga pangitain, kung gayon hindi ba ang iyong buhay ay tulad ng isang sirang produkto, walang silbi kundi ang matingnan lamang?

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...