Kidlat ng Silanganan

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kalooban. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kalooban. Ipakita ang lahat ng mga post

Hul 2, 2018

Kristianong Awitin | Buong Sangnilikha Dapat Sumailalim sa Dominyon ng Diyos



I Lahat ng bagay nilikha ng Diyos, kaya ginagawa Niya lahat ng nilalang mapasailalim ng Kanyang paghahari, at pasakop sa Kanyang kapamahalaan. Inuutusan N'ya lahat ng bagay, kinokontrol sila sa mga kamay N'ya. Mga buhay na nilalang, kabundukan, mga ilog at tao dapat sumailalim sa Kanyang paghahari. Lahat ng bagay sa himpapawid at sa lupa dapat sumailalim sa Kanyang kapamahalaan. Lahat kailangan magpailalim na walang pagpili. Ito ang atas ng Diyos at Kanyang awtoridad, awtoridad. II Lahat ng bagay nilikha ng Diyos, kaya ginagawa Niya lahat ng nilalang mapasailalim ng Kanyang paghahari, at pasakop sa Kanyang kapamahalaan. Lahat ay inuutusan ng Diyos, Inaayos at hinahanay Niya ang lahat ng bagay, bawat klase ayon sa kanyang uri at sa kalooban ng Diyos binigyan sila ng posisyon. Lahat ng bagay sa himpapawid at sa lupa dapat sumailalim sa Kanyang kapamahalaan. Lahat kailangan magpailalim na walang pagpili. Ito ang atas ng Diyos at Kanyang awtoridad, awtoridad.

Peb 1, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayanang Kumatawan sa Diyos

Banal na Espiritu, Diyos, kalooban, pag-ibig, Jesus

Kidlat ng Silanganan Pag-bigkas ng Diyos | Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayanang Kumatawan sa Diyos


   Ang tao ay nabubuhay sa ilalim ng pagkabalot sa impluwensya ng kadiliman, nakagapos sa impluwensya ni Satanas nang walang matatakasan. At ang disposisyon ng tao, pagkatapos itong sumailalim sa proseso ni Satanas, ay nagiging mas tiwali. Masasabi ng isang tao ay patuloy na nabubuhay sa kanyang tiwali at mala-demonyong disposisyon, walang kakayahang umibig ng tunay sa Diyos. Dahil dito, kung nais ng tao na ibigin ang Diyos, kailangan niyang alisin ang kanyang sariling-katuwiran, sariling-kahalagahan, pagmamataas, pagmamalaki, at mga kauri nito, na nanggagaling lahat sa disposisyon ni Satanas. Kung hindi, ang pag-ibig ng tao ay isang maruming pag-ibig, pag-ibig ni Satanas, at isang bagay na siguradong hindi makakatanggap ng pagsang-ayon ng Diyos. Kung hindi direktang magawang perpekto, pakitunguhan, masira, pungusin, madisiplina, maparusahan, o gawing dalisay ng Banal na Espiritu, walang tunay na makakaibig sa Diyos. Kung sasabihin mo na ang isang bahagi ng iyong disposisyon ay kumakatawan sa Diyos at dahil dito ay kaya mong ibigin ng tunay ang Diyos, sa gayon ay isa kang tao na nagsasambit ng mga salita ng kayabangan at isang taong salungat sa katuwiran. At ang mga taong katulad nito ay ang arkanghel! Ang sadyang kalikasan ng tao ay hindi maaaring direktang kumatawan sa Diyos. Kailangang alisin ng tao ang sadyang kalikasan niya sa pamamagitan ng pagperpekto ng Diyos, at pagkatapos, sa pamamagitan lamang ng pagsaalang-alang sa kalooban ng Diyos, pagtupad sa kalooban ng Diyos at higit pang pagsailalim sa gawain ng Banal na Espiritu, na aaprubahan ng Diyos ang kanyang pagsasabuhay. Walang sinuman na nabubuhay sa laman ang maaaring direktang kumatawan sa Diyos, maliban kung siya ay isang tao na ginamit ng Banal na Espiritu. Gayunman, kahit sa taong katulad nito, ang kanyang disposisyon at kung ano ang kanyang isinasabuhay ay hindi maaaring sabihin na ganap na kumakatawan sa Diyos; maaari lamang sabihin ng isang tao na ang kanyang isinasabuhay ay ginabayan ng Banal na Espiritu. Ang disposisyon ng gayong tao ay hindi maaaring kumatawan sa Diyos.

Dis 6, 2017

Kidlat ng Silanganan | Tatlong Paalaala


Kidlat ng Silanganan | Tatlong Paalaala

    Bilang isang mananampalataya ng Diyos, nararapat kayong maging tapat lamang sa Kanya at umayon ang iyong puso sa Kanya sa lahat ng mga bagay. Gayunman, kahit naiintindihan ng lahat ang doktrinang ito, hindi talagang namamalas sa tao kung tutuusin ang mga katotohanang ito gaano man ito kalinaw at batayan para sa tao, dahil sa kanilang iba’t ibang mga paghihirap, gaya ng kamangmangan, kahangalan, at katiwalian. Samakatuwid, bago pagpasyahan ang inyong katapusan, nararapat lamang na sabihin Ko ang ilang mga bagay na lubhang napakahalaga para sa inyo. Bago Ako magpatuloy, kailangang maintindihan ninyo muna ang mga ito: Ang mga sasabihin Ko ay ang mga katotohanang nakatuon sa buong sangkatauhan, hindi lamang sa partikular na tao o klase ng tao. Samakatuwid, pagtuunan ng pansin ang pagtanggap ng Aking mga salita sa makatotohanang pananaw, at panatilihin ang saloobin ng di-nababahaging atensyon at katapatan. Huwag balewalain ang alinman sa mga salita at katotohanang Aking sasabihin, at huwag isaalang-alang ang Aking mga salita nang may panghahamak. Sa inyong buhay nakikita Kong karamihan sa inyong mga ginagawa ay walang kaugnayan sa katotohanan, samakatwid hinihiling Ko na kayo ay maging tagapaglingkod sa katotohanan at huwag maging alipin ng kasamaan at kapangitan. Huwag apakan ang katotohanan o dungisan ang alinmang sulok ng tahanan ng Diyos. Ito ang Aking babala para sa inyo. Ngayon sisimulan Ko ng magsalita tungkol sa paksang dapat talakayin:

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...