Kidlat ng Silanganan

菜單

Nob 16, 2017

Tanging Ang Lumikha ang May Awa sa Sangkatauhang Ito


Kidlat ng Silanganan | Tanging Ang Lumikha ang May Awa sa Sangkatauhang Ito


Tanging ang Lumikha ang may matibay na awa't pag-ibig.
Siya lang ang nagmamahal sa Kanyang mga nilikha, sa Kanyang mga nilikha.
Bawa't isipin Niya'y para sa kabutihan ng tao.
Bawa't damdamin Niya'y kapulupot ng kanilang pag-iral.
Kapahayagan ng kung ano at mayroon Siya ay para sa tao.
Lahat ay para sa tao.




Sa puso Niya'y ramdam ang bawat kilos ng tao.
Sala nila'y pumupukaw sa poot N'ya't kalungkutan.
Ngunit pag sila'y nagsisisi, pinatatawad Niya, nagagalak S'ya.
Siya ay laging nagmamadali, nasa bawa't dako bawat sandali.
Bawat damdamin Niya'y iniaalay; ang buong buhay Niya,
ito ay tahimik Niyang iniaalay sa bawat segundo.
Lahat ay para sa tao.

Walang awa sa sariling buhay, ngunit tao'y minamahal.
Gamit ang Kanyang kamay, hinubog ang sangkatauhan.
Pagdamay at pagpaparaya'y ipinadarama Niya, na walang kundisyon o kapalit,

nang tao'y mabuhay sa ilalim ng Kanyang pagtitig,
na isang araw, sila'y magpapasakop at kilalanin na Siya ang isa na nagtutustos,
at kilalanin na Siya lamang.
Ah …
Siya ang nagtutustos ng buhay ng sangnilikha, buhay ng buong sangnilikha.
Bawa't isipin Niya'y para sa kabutihan ng tao.
Bawa't damdamin Niya'y kapulupot ng kanilang pag-iral.
Kapahayagan ng kung ano at mayroon Siya ay para sa tao.
Lahat ay para sa tao. Lahat ay para sa tao.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon:

1.Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

2.Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...