Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949,
hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa
relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at
pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong
nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia,
at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan.
Ipinapakita sa dokumentaryong ito ang biglaan at di-inaasahang
pagkamatay ng Kristiyanong Chinese na si Song Xiaolan-isang pagkamatay
na binigyan ng CCP police ng paiba-iba at magkakasalungat na paliwanag.
Matapos imbestigahan, natuklasan ng pamilya Song na noon pa pala
nagsisinungaling ang mga pulis. Nalaman ng isang kamag-anak ng pamilya
mula sa isang kakilala sa Public Security Bureau na lihim na
sinubaybayan ng CCP police si Xiaolan dahil sa kanyang pananalig sa Diyos
at pagtupad sa kanyang mga tungkulin. Nang arestuhin siya ng mga pulis,
binugbog siya ng mga ito hanggang sa mamatay. Para hindi masisi,
pinagtakpan ng pulisya ang katotohanan sa pag-iimbento ng tagpo ng
pagkamatay ni Song Xiaolan….
Ang Kidlat ng Silanganan, ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos! Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na relihiyosong. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na relihiyosong. Ipakita ang lahat ng mga post
May 4, 2018
Abr 11, 2018
Kristianong video | Mga Movie Clip (4) | Ang Pananampalataya ba sa Biblia ay Katumbas ng Pananampalataya sa Panginoon?
Naniniwala ang karamihan sa mga pastor at elder ng relihiyosong mundo na kinakatawan ng Biblia ang Panginoon, at ang paniniwala sa Panginoon ay paniniwala sa Biblia, at ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Panginoon. Naniniwala sila na kung aalis ang isa mula sa Biblia, hindi siya matatawag na mananampalayata kung gayon, at maaaring maligtas at makapasok ang isang tao sa kaharian ng langit hangga’t kumakapit siya sa Biblia. Kaya ba talagang katawanin ng Biblia ang Panginoon? Ano ba talaga ang relasyon sa pagitan ng Biblia at ng Panginoon? Sabi ng Panginoong Jesus, “Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay” (Juan 5:39-40). Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Matapos ang lahat, alin ang mas dakila: Ang Diyos o ang Biblia? Bakit kailangan ang gawain ng Diyos ay kaayon sa Biblia? Maaari kayana ang Diyos ay walang karapatan na higitan ang Biblia? Hindi ba maaaaringlisanin ng Diyos ang Biblia at gumawa ng iba pang gawain? Bakit si Jesus at ang Kanyang mga alagad ay hindi sumusunod sa Araw ng Pamamahinga? … Dapat mong malaman kung alin ang nauna, ang Diyos o ang Biblia! Dahil Panginoong ng Araw ng Pamamahinga,Siya ba’y maaaring ding maging Diyos ng Biblia?” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Mar 20, 2018
Kidlat ng Silanganan | Salita ng Diyos | Paano Mo Dapat Asikasuhin ang Iyong Hinaharap na Misyon
Maaari mo bang ipahayag ang disposisyon ng Diyos sa kapanahunan sa akmang wika na may kabuluhan sa kapanahunan? Sa pamamagitan ng iyong karanasan sa gawain ng Diyos, maaari mo bang detalyadong ilarawan ang disposisyon ng Diyos? Paano mo mailalarawan ito nang naaagpang, naaangkop? Upang sa pamamagitan nito, maaaring matuto ang iba tungkol sa iyong mga karanasan. Paano mo ipapasa ang iyong mga nakikita at mga karanasan sa mga yaong nakakaawa, dukha, at tapat na relihiyosong mga mananampalataya na nagugutom at nauuhaw sa pagkamatuwid at naghihintay sa iyo upang akayin sila? Anong uri ng mga tao ang naghihintay sa iyo upang akayin sila? Naguguni-guni mo ba? Namamalayan mo ba ang pasanin na iyong binabalikat, ang iyong komisyon, at ang iyong pananagutan? Nasaan ang iyong makasaysayang pandama ng misyon? Paano ka magsisilbi bilang isang mabuting panginoon para sa susunod na kapanahunan? Mayroon ka bang dakilang pandama ng pagiging panginoon? Paano mo ipaliliwanag ang panginoon ng lahat ng mga bagay? Ito ba ay tunay na ang panginoon ng lahat ng nabubuhay na mga nilalang at lahat ng materyal sa mundo? Ano ang mga plano na mayroon ka para sa pagsulong ng susunod na hakbang ng gawain? Ilang mga tao ang naghihintay sa iyo upang ikaw ay maging kanilang pastol? Ang gawain mo ba ay mabigat? Sila ay dukha, kaawa-awa, bulag, at nawawala, naghuhumiyaw sa kadiliman, “Nasaan ang daan?” Lubhang nananabik sila sa liwanag, tulad ng isang bulalakaw, upang biglang bumulusok at pagwatak-watakin ang pwersa ng kadiliman na nang-api sa mga tao sa loob ng maraming mga taon. Sino ang makaaalam kung gaanong kabalisa silang umaasa, at gaanong nananabik sila araw at gabi para rito? Ang mga taong ito na labis na naghihirap ay nananatiling nakabilanggo sa mga piitan ng kadiliman, walang pag-asang makawala, kahit sa araw na kumikislap ang liwanag; kailan sila hindi na luluha? Ang mga marurupok na espiritung ito na hindi kailanman napagkalooban ng kapahingahan ay tunay na nagdurusa sa gayong masamang kapalaran. Matagal na silang natalian ng walang-awang mga lubid at ng kasaysayan na hindi na mabubuwag. Sino kahit minsan ang nakarinig sa huni ng kanilang pagtaghoy? Sino ang kahit minsan ay nakakita sa kanilang kaawa-awang itsura? Naisip mo ba kung gaano namighati at nabalisa ang puso ng Diyos? Paano Niyang matitiis na makita ang inosenteng sangkatauhan na nilikha Niya ng Kanyang sariling mga kamay na dumaranas ng gayong pagdurusa? Pagkatapos ng lahat, ang sangkatauhan ay ang mga kapus-palad na nilason. Kahit na nanatili silang buhay hanggang sa araw na ito, sino ang makaiisip na sila ay matagal nang nilason ng masamang nilalang? Nakalimutan mo bang isa ka sa mga biktima? Dala ng iyong pag-ibig sa Diyos, hindi ka ba handang magsikap upang iligtas ang mga yaong nanatiling buhay? Hindi ba kayo handang gamitin ang lahat ng inyong pagsisikap upang gantihan ang Diyos na iniibig ang sangkatauhan tulad ng Kanyang sariling laman at dugo? Paano mo bibigyang kahulugan ang pagkasangkapan ng Diyos upang isabuhay ang iyong pambihirang buhay? Talaga bang mayroon kang pagpapasya at tiwala sa sarili na isabuhay ang isang makabuluhang buhay ng isang taong madasalin at naglilingkod sa Diyos?
Mar 16, 2018
Pag-bigkas ng Diyos | Paano Makatatanggap ng mga Pahayag ng Diyos ang Taong Ipinakahulugan ang Diyos sa Kanyang Pagkaintindi?
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang kasaysayan ay umuunlad pasulong, pati na ang gawain ng Diyos,
at ang kalooban ng Diyos ay patuloy na nagbabago. Hindi magiging
praktikal para sa Diyos na magpanatili ng isang yugto ng gawain sa anim
na libong taon, sapagkat alam ng lahat ng tao na Siya ay laging bago at
hindi kailanman luma. Hindi Niya maaaring ipagpatuloy na katigan ang
gawaing kahalintulad ng pagpapako sa krus, ng isa, dalawa, tatlong beses
... na mapako sa krus. Ito ang pagkaunawa ng isang kakatwang tao. Hindi
itinataguyod ng Diyos ang parehong gawain, at ang Kanyang gawain ay
pabago-bago at laging bago, tulad sa kung paano Ako araw-araw na
nakikipag-usap sa inyo sa mga bagong salita at gumagawa ng mga bagong
gawain. Ito ang gawain na Aking ginagawa, ang susi nito ay nakatuon sa
mga salitang “bago” at “kamangha-mangha.” “Ang Diyos ay hindi nagbabago,
at ang Diyos ay palaging magiging Diyos”; ang kasabihang ito ay
talagang totoo. Ang kakanyahan ng Diyos ay hindi nagbabago, ang Diyos ay
laging Diyos, at Siya ay hindi kailanman magiging si Satanas, ngunit
hindi ito nagpapatunay na ang Kanyang gawain ay palagian at
walang-pagbabago tulad ng Kanyang kakanyahan. Ipinahahayag mo na ang
Diyos ay ganito, ngunit paano mo samakatwid maipapaliwanag na ang Diyos
ay laging bago at hindi kailanman luma? Ang gawain ng Diyos ay patuloy
na lumalaganap at palagiang nagbabago, at ang kalooban ng Diyos ay
patuloy na naipapakita at ipinapaalam sa mga tao."
Ene 30, 2018
Ang tinig ng Diyos | Ang Landas… (4)
Kidlat ng Silanganan | Ang tinig ng Diyos | Ang Landas… (4)
Na nakakaya ng mga tao na matuklasan ang kariktan ng Diyos, mahanap ang daan ng pagmamahal sa Diyos sa kapanahunang ito, at na sila ay handang tanggapin ang pagsasanay ng kaharian ngayon—lahat ng ito ay biyaya ng Diyos at lalong higit pa, ito ay Siya na nagtataas sa sangkatauhan. Kapag iniisip Ko ito nadarama Ko nang matindi ang kariktan ng Diyos. Tunay na minamahal tayo ng Diyos. Kung hindi, sino ang makakatuklas sa Kanyang kariktan? Dito Ko lamang nakikita na ang lahat ng gawaing ito ay personal na ginagawa ng Diyos Sarili Niya, at ang mga tao ay ginagabayan at pinapatnubayan ng Diyos. Ako ay nagpapasalamat sa Diyos para dito, at nais Kong samahan Ako ng Aking mga kapatirang lalaki at babae sa pagpupuri sa Diyos: “Lahat ng kaluwalhatian ay suma-Iyo, ang pinakamataas na Diyos Sarili Niya! Nawa ang Iyong kaluwalhatian ay sumagana at mabunyag sa mga kasama namin na Iyong pinili at natamo.” Ako ay nakatamo ng pagliliwanag mula sa Diyos—bago ang mga kapanahunan tayo ay naitalaga na ng Diyos at nais na matamo tayo sa mga huling araw, sa gayon ay tinutulutan ang lahat ng mga bagay sa sansinukob na makita ang kaluwalhatian ng Diyos sa kabuuan nito sa pamamagitan natin. Sa gayon, tayo ang mga naibunga ng anim na libong taon ng planong pamamahala ng Diyos; tayo ang mga huwaran, ang mga halimbawa ng gawain ng Diyos sa buong sansinukob. Ngayon Ko lamang natuklasan kung gaano ang pag-ibig na tunay na iniuukol sa atin ng Diyos, at na ang gawaing ginagawa Niya sa atin at ang mga bagay na Kanyang sinasabi ay hinihigitang lahat yaong sa mga nakaraang kapanahunan nang milyong ulit. Kahit kay Israel at kay Pedro, ang Diyos ay hindi kailanman personal na gumawa ng napakalaking gawain at nagsalita ng napakarami. Ipinakikita nito na tayo, ang grupong ito ng mga tao, ay tunay na di-kapanipaniwalang pinagpala—di-maikukumparang mas pinagpala kaysa mga banal ng mga panahong nakaraan. Ito ang kung bakit laging nasasabi ng Diyos na ang mga tao sa huling kapanahunan ay pinagpala. Anuman ang sabihin ng iba, Ako ay naniniwala na tayo ang mga tao na pinakapinagpala ng Diyos. Dapat nating tanggapin ang mga pagpapala na ipinagkaloob sa atin ng Diyos; marahil ay mayroong ilan na dadaing sa Diyos, nguni’t Ako ay naniniwala na ang mga pagpapala ay nanggagaling sa Diyos at iyan ay nagpapatunay na ang mga iyon ang nararapat sa atin. Kahit na ang iba ay dumaing o hindi masayang kasama natin, Ako ay laging naniniwala na walang sinuman ang maaaring tumanggap o kumuha ng mga pagpapalang naibigay ng Diyos sa atin. Sapagka’t ang gawain ng Diyos ay isinasakatuparan sa atin at Siya ay nagsasalita sa atin nang mukhaan—sa atin, hindi sa iba—ginagawa ng Diyos anuman ang nais Niyang gawin, at kung ang mga tao ay hindi napapaniwala, hindi ba iyan ay paghingi lamang ng kaguluhan? Hindi ba iyan pagnanais ng kahihiyan? Bakit Ko sasabihin ito? Ito ay sapagka’t may malalim Akong karanasan dito. Gaya lamang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa Akin na Ako lamang ang makatatanggap—magagawa ba ito ng iba? Ako ay mapalad na ipinagkakatiwala ito ng Diyos sa Akin—magagawa ba iyan nang basta-basta ng iba? Nguni’t Ako ay umaasa na ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay makakaunawa sa Aking puso. Ito ay hindi upang itaas ang Aking sariling mga katibayan-ng-kakayahan upang ipagyabang sa mga tao, kundi upang ipaliwanag ang isang usapin. Ako ay handang ibigay ang lahat ng kaluwalhatian sa Diyos at hayaan Siyang masdan ang bawa’t isa sa ating mga puso upang ang ating mga puso ay madalisay lahat sa harapan ng Diyos. Nais Kong ipahayag ang isang inaasam mula sa kaibuturan ng Aking puso: Ako ay umaasa na maging ganap na natamo ng Diyos, maging isang dalisay na birhen na isinakripisyo sa dambana, at lalong higit magkaroon ng pagkamasunurin ng isang tupa, nagpapakita sa gitna ng buong sangkatauhan bilang isang banal na espirituwal na katawan. Ito ang Aking pangako, ang panunumpa na Aking itinalaga sa harap ng Diyos. Ako ay handang tuparin ito at suklian ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan nito. Handa ka bang gawin ito? Ako ay naniniwala na ang Aking pangakong ito ay magpapalakas ng marami sa mga nakababatang kapatirang lalaki at babae, at magdadala sa maraming kabataan ng pag-asa. Aking nadarama na tila binibigyan ng Diyos ng tanging pagpapahalaga ang mga kabataan. Marahil ito ay Aking sariling pagkiling, nguni’t lagi Kong nadarama na ang kabataan ay may pag-asa para sa kanilang kinabukasan; tila gumagawa ang Diyos ng dagdag na gawain sa mga kabataan. Bagaman sila ay kulang sa panloob-na-pananaw at karunungan at silang lahat ay masyadong masisigla at mainitin-ang-ulo gaya ng isang bagong-silang na guya, Ako ay naniniwala na ang kabataan ay hindi lubos na walang silbi. Makikita mo ang kawalang-malay ng kabataan sa kanila at sila ay madaling tumanggap ng mga bagong bagay. Bagaman ang mga kabataan ay may disposisyong tungo sa kayabangan, kabagsikan, at pagiging dala ng emosyon, ang mga bagay na ito ay hindi nakaaapekto sa kanilang kakayahan na tumanggap ng bagong liwanag. Ito ay sapagka’t ang mga kabataan sa pangkalahatan ay hindi kumakapit sa lipás nang mga bagay. Iyan ang kung bakit nakikita Ko ang walang-hangganang pag-asa sa mga kabataan, at kanilang kasiglahan; ito ang pinagmumulan ng Aking pagiging malambot sa kanila. Bagaman hindi Ko kailanman inaayawan ang mas matatandang mga kapatirang lalaki at babae, hindi rin Ako interesado sa kanila. Gayunpaman, Ako ay taos-pusong humihingi ng paumanhin sa mas matatandang mga kapatirang lalaki at babae. Marahil ang Aking nasabi ay wala sa lugar o walang-pakundangan, subali’t Ako ay umaasa na kayong lahat ay maaaring magpatawad sa Aking kapabayaan, sapagka’t Ako ay napakabata at hindi masyadong nagpapahalaga sa Aking paraan ng pagsasalita. Gayunpaman, sa totoo lang, ang mas matatandang mga kapatirang lalaki at babae, matapos ang lahat, ay mayroong kanilang mga tungkulin na dapat nilang gampanan—sila ay hindi kailanman walang-silbi. Ito ay sapagka’t sila ay may karanasan sa pakikitungo sa mga pag-uugnayan, sila ay matatag sa kung paano tatanganan ang mga bagay-bagay, at sila ay hindi gumagawa ng ganoong karaming pagkakamali. Hindi ba ang mga ito ay kanilang mga kalakasan? Nais Ko na sabihin nating lahat sa harap ng Diyos: “O Diyos! Nawa ay magampanan naming lahat ang aming sariling mga tungkulin sa aming iba’t ibang mga katungkulan, at nawa ay magawa naming lahat ang aming sukdulang makakaya para sa Iyong kalooban!” Ako ay naniniwala na ito ay kalooban ng Diyos!
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14
Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...
-
Tagalog Christian Songs | Ang Pamamahala ng Diyos ay Patuloy na Sumusulong I Pagkatapos ng gawain ni Jehova, naging t...
-
Awit ng Papuri Lyrics| Awit ng Pagmamahal sa Diyos nang Walang Panghihinayang I Ang daan patungo sa kaharian ay mab...
-
Ang panalangin ay hindi isang uri ng ritwal; ito ay isang tunay na pagniniig sa pagitan ng mga tao at ng Diyos, at may malalim na kabu...