Ni Wang Li, Zhejiang Province
Sabay kami ng aking ina na nanalig sa Panginoong Jesus noon pa mang bata ako; sa mga panahon ng pagsunod ko sa Panginoong Jesus, madalas akong maantig sa Kanyang pagmamahal. Nadama ko na mahal na mahal Niya tayo kaya Siya nagpapako sa krus at ibinuwis Niya ang Kanyang dugo hanggang sa kahuli-hulihang patak nito upang tubusin tayo. Noong panahong iyon, mapagmahal at mapagsuporta sa isa’t isa ang lahat ng kapatid sa aming iglesia, pero sa kasamaang-palad ay nagdanas ng pag-uusig at panunupil ang aming pananampalataya sa Panginoon sa mga kamay ng gobyernong CCP. Ang pakahulugan ng gobyernong CCP sa pagiging Protestante at Katoliko as “xie jiaos,” at itinuring na “ilegal na mga pagtitipon” ang mga miting.
Dati-rati’y madalas lusubin ng mga pulis ang mga pinagmimitingan namin, at sinasabi nila sa amin na kailangan muna naming humingi ng pahintulot ng gobyerno at kumuha ng permiso bago kami magdaos ng mga pagtitipon, kung hindi ay aarestuhin kami at pagmumultahin o ikukulong. Minsan, inaresto ang aking ina at lima o anim pang kapatid at buong araw silang tinanong. Sa huli, napatunayan sa imbestigasyon ng mga pulis na mga ordinaryong Kristiyano lang silang lahat, at pinawalan sila. Gayunman, mula noon, kinailangan naming magkita-kita nang liim para makaiwas kami sa mga paglusob ng gobyerno; sa kabila ng lahat ng ito, hindi humina ang aming pananampalataya kailanman. Noong mga huling buwan ng 1998, ipinangaral sa akin ng isang kamag-anak ko na nagbalik na ang Panginoong Jesus bilang Makapangyarihang Diyos na naging tao sa mga huling araw. Binasa rin sa akin ng kamag-anak kong ito ang marami sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, na lubos kong ikinatuwa. Natiyak ko na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang mga binigkas ng Banal na Espiritu sa mga iglesia, at na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Hindi ko maipaliwanag ang pag-antig sa akin ng ideya na talagang makakapiling kong muli ang Panginoon sa buhay ko, at napaiyak ako sa galak. Mula noon, sabik kong binasa ang mga salita ng Diyos araw-araw, at mula sa mga iyon ay naunawaan ko ang maraming katotohanan at hiwaga—sa gayo’y nadiligan at napakain ang aking tigang na espiritu. Nagtatamasa ng galak at ginhawang dulot sa amin ng dakilang gawain ng Banal na Espiritu, lubos kaming nagpasasang mag-asawa sa kaligayahan at kagalakan na muling makapiling ang Panginoon. Madalas kaming mag-aral ng pagkanta ng mga himno at magsayaw para purihin ang Diyos kasama ang iba pang mga kapatid, at madalas kaming magtipun-tipon para magbahagi tungkol sa mga salita ng Diyos. Nanariwa at sumigla ang aking espiritu, at pakiramdam ko parang nakikita ko na sa aking harapan ang magandang tanawin ng kaharian sa lupa at lahat ay nagagalak. Gayunman, hindi ko talaga akalain na nang sundan namin ang Diyos at tumahak kami sa tamang landas ng buhay na may nag-uumapaw na pananampalataya, sisiimulan kaming usigin ng gobyernong CCP …
Noong Oktubre 28, 2002, nagdaos kami ng pagtitipon ng ilan pang kapatid. Sa oras ng pagtitipon, lumabas kami ng isa pang miyembrong babae para sundin ang isang utos, pero bago pa kami nakalayo, narinig kong sinabi niya sa likuran ko, “Ba’t n’yo ’ko inaaresto?” Bago pa ako nakakilos, nilapitan na ako ng isang pulis na naka-ordinaryong damit at pinigilan ako, na sinasabing, “Sasama kayo sa akin sa presinto!” at saka ako dinala sa isang sasakyan ng pulis. Dinala kami sa presinto at pagkalabas namin ng sasakyan, nakita ko na anim pang miyembrong babaeng nagpunta sa pagtitipon ang naaresto at ipinasok. Inutusan kami ng mga pulis na maghubad at magpakapkap. Nakakita sila ng dalawang pager sa akin, sa gayo’y natukoy nila na isa akong lider ng iglesia at, dahil doon, ipinasiya nilang ako ang unahin sa interogasyon. Sinigawan ako ng isang pulis, “Kailan ka nagsimulang manalig sa Makapangyarihang Diyos? Sino nito ang nangaral sa iyo? Sino ang nakausap mo? Ano ang katungkulan mo sa iglesia?” Ninerbiyos ako nang husto sa mapusok na pagtatanong niya, at wala akong kaalam-alam kung paano iyon haharapin. Ang tanging nagawa ko ay tahimik na manalangin sa Diyos, na hinihiling sa Kanya na protektahan ako para hindi ko Siya pagtaksilan. Pagkatapos manalangin, unti-unti akong kumalma at ipinasiya kong manahimik. Nakikita hindi ako nagsasalita, nagalit ang pulis at marahas akong pinukpok sa ulo. Agad akong natuliro at nahilo, at nagsimulang umugong ang mga tainga ko. Pagkatapos ay ipinasok nila ang isa sa mga babae at sinabi sa amin na kilalanin namin ang isa’t isa. Gayunman, nang makita nila na hindi namin susundin ang sinabi nila, nagsiklab ang galit nila at inutusan akong hubarin ang aking sapatos na may palamang bulak at tumayo nang nakatapak sa napakalamig na sementong sahig. Pinatayo rin nila ako nang tuwid na nakadikit sa pader ang aking likod, at sinisipa nila ako nang malakas bumaluktot ang likod ko kahit kaunti. Taglagas na noon; papalamig na ang klima at medyo umuulan. Ginaw na ginaw ako kaya nangingiki ang buong katawan ko, at walang-tigil ang pangangatal ng mga ngipin ko. Paroo’t parito ang pulis at tinakot ako habang binabayo ang mesa, “Matagal ka na naming sinusundan. Marami kaming paraan para pagsalitain ka ngayon, at kapag hindi ka nagsalita, hahayaan ka naming manigas sa ginaw hanggang sa mamatay ka, o gugutumin ka namin, o bubugbugin ka namin hanggang sa mamatay ka! Tingnan natin kung hanggang saan ka tatagal!” Medyo natakot ako nang marinig ko siyang sabihin iyon, kaya nanawagan ako sa Diyos sa puso ko: “Diyos ko! Ayaw kong magsa-Judas at pagtaksilan ka. Protektahan Mo sana ako at bigyan ako ng tapang at pananampalatayang kailangan ko para labanan si Satanas, para makatayo akong saksi para sa Iyo.” Matapos manalangin, naisip ko ang mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Ang Kanyang disposisyon ang simbolo ng awtoridad, ang simbolo ng lahat ng matuwid, ang simbolo ng lahat ng maganda at mabuti. Higit pa rito, ito ang simbolo Niya na hindi maaaring[a] magapi o masakop ng kadiliman at anumang puwersa ng kaaway, at gayon din simbolo Niya na hindi maaaring masaktan (at hindi rin Niya mapapahintulutang masaktan Siya)[b] ng sinumang buhay na nilikha” (“Napakahalaga na Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Oo,” naisip ko. “May awtoridad at kapangyarihan ang Diyos, at ang Kanyang awtoridad at kapangyarihan ay hindi kayang itumba ng anumang puwersa ng kaaway o kadiliman. Gaano man kalupit ang mga kampon ng CCP, nasa mga kamay silang lahat ng Diyos, at hangga’t umaasa ako sa Diyos at nakikipagtulungan sa Kanya, tiyak na madaraig ko sila.” Sa malinaw na patnubay ng mga salita ng Diyos, bigla akong nakadama ng pananampalataya at tapang, at hindi na ako gaanong gininaw. Matapos tumayo roon nang mahigit tatlong oras, isinama ako ng pulis pabalik sa isang sasakyan ng pulis at dinala ako sa isang detention house.
————————————————————————————————
Alam mo ba kung Paano Manalangin sa paraang pakikinggan ng Diyos? Ang apat na prinsipyo ang magbibigay-daan upang matanggap mo ang kasagutan ng Diyos sa iyong mga panalangin.
————————————————————————————————
Kinahapunan pagkarating ko sa detention house, dumating ang dalawang opisyal na pulis, isang lalaki at isang babae, para tanungin ako. Sa punto ng sarili kong bayang sinilangan, tinawag nila ako sa pangalan at sinubukang magkunwari na nasa panig ko sila. Nagpakilala ang lalaki na siya ang hepe ng Public Security Bureau’s Religion Section, at sabi niya, “Nakapagtipon na ng impormasyon ang mga opisyal na pulis tungkol sa iyo. Hindi naman talaga malaking bagay ang nagawa mo, at nagpunta kami rito talaga para iuwi ka. Kung sasabihin mo sa amin ang lahat pagdating natin doon, magiging maayos ka na.” Hindi ko alam kung anong klaseng panloloko ang ginagawa nila, pero nang marinig ko siyang sabihin iyon, nagkaroon ako ng pag-asa sa puso ko. Naisip ko sa sarili ko: “Mabubuting tao ang mga taga-amin, kaya siguro naman pakakawalan nila ako kahit wala akong sabihin sa kanila.” Gayunman, salungat sa mga inaasahan ko, nang pabalik na kami sa bayang sinilangan ko, inilantad ng mga pulis ang kanilang tunay na likas na kabangisan at sinubukan akong piliting iabot sa kanila ang mga susi sa bahay ko. Alam ko na gusto nilang halughugin ang bahay ko, at naisip ko ang lahat ng aklat ng mga salita ng Diyos at ang mga listahan ng mga pangalan ng mga kapatid na naroon. Kaya nga, sinabi ko sa Diyos sa taimtim na panalangin: “O Makapangyarihang Diyos! Protektahan Mo sana ang mga aklat ng mga salita ng Diyos at ang mga listahan ko sa bahay para hindi mahulog ang mga ito sa mga kamay ni Satanas….” Tumanggi akong iabot ang mga susi ko. Dinala ako ng mga pulis sa gusali ng bahay ko at kinandaduhan ako sa loob ng sasakyan habang humangos naman sila paakyat sa apartment ko. Habang nakaupo ako sa sasakyan, patuloy akong nanalangin sa Diyos, at bawat segundong lumipas ay pagdurusa. Pagkaraan ng mahabang sandali, bumalik ang mga pulis at pagalit na sinabing, “Tanga ka talaga, alam mo ba ’yon? Wala ni isang aklat sa bahay mo, pero sinikap mong masyado na tulungan ang mga taong iyon ng iglesia.” Nang marinig ko siyang sabihin iyon, nagsimulang kumalma ang nababahalang puso ko, at taos-puso kong pinasalamatan ang Diyos sa Kanyang proteksyon. Kalaunan ko na lang nalaman na walang natagpuang anumang mga aklat ang mga pulis sa bahay ko, at kinuha lang nila ang perang 4,000 yuan, isang cellphone, at lahat ng retrato ko at ng pamilya ko. Mabuti na lang, naroon ang nakababata kong kapatid na babae nang dumating ang mga pulis at, pagkaalis na pagkaalis nila, nagmadali siyang ibigay sa iglesia ang lahat ng aklat ng mga salita ng Diyos at ang mga materyal ng pananampalataya na naiwan doon. Kinabukasan, bumalik ang mga pulis para muling halughugin ang bahay, pero muli silang umalis na walang nakuha.
Pagkagat ng dilim, dinala ako ng mga pulis sa aking lokal na presinto at patuloy akong tinanong ng mga bagay na naitanong na sa akin dati. Nakikitang hindi pa rin ako magsasalita, tinawag nila ang isang pastor mula sa Three-Self Church para subukang hikayatin ako. “Kung hindi ka isang Kristiyano sa Three-Self Church, maling daan ang sinusundan mo,” sabi niya. Hindi ko siya pinansin, at tahimik lang akong nanalangin sa Diyos na protektahan ang puso ko. Nang lalo siyang magsalita, lalong naging mapangahas ang kanyang mga ipinapahayag, hanggang sa magsimula siyang walang-pakundangang siraan at lapastanganin ang Diyos. Puno ng ngitngit, sumagot ako nang matalasik, “Pastor, hindi makatwiran ang pagtuligsa mo sa Makapangyarihang Diyos, pero hindi ba malinaw na nakasaad sa Aklat ng Pahayag na ‘ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat’ (Pahayag 1:8)? Hindi ka ba natatakot na magkasala sa Banal na Espiritu sa walang-ingat mong pagtuligsa nang ganyan sa Diyos? Sinabing minsan ng Panginoong Jesus, ‘Sinomang magsalita laban sa Espiritu Santo, ay hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating’ (Mateo 12:32). Hindi ka ba natatakot?” Hindi nakaimik ang pastor at umalis na lang matapos mapagsalitaan nang gayon. Sa puso ko, pinasalamatan ko ang Diyos sa pag-akay sa akin na mapagtagumpayan ang balakid na ito. Nang makita nila na hindi umubra ang plano nila, may ipinasulat sa akin ang mga pulis sa isang pirasong papel. Hindi ko matukoy kung bakit nila ipinagagawa sa akin iyon, at tahimik akong nanalangin sa Diyos; pagkatapos ay natanto ko na isa ito sa mga tusong pakana ni Satanas at tumanggi akong sumulat ng anuman, na sinasabing hindi ako marunong sumulat. Kalaunan ay nalaman ko mula sa isang pag-uusap ng dalawang opisyal na pulis na may ipinapasulat sila sa akin para matingnan nila ang sulat-kamay ko at sa gayo’y mapatunayan nila na ako ang nagsulat sa mga kuwadernong natagpuan nila sa lugar na pinagtitipunan namin, at magagamit nila ito para kasuhan ako. Ipinakita niyon sa akin na ang mga opisyal na pulis na iyon ay walang iba kundi mga asong sunud-sunuran at utusan ng gobyernong CCP, na may kakayahang gawin ang lahat at makisangkot sa anumang mga lihim na pamamaraang naiisip nila para usigin ang mga mananampalataya—talagang napakatraidor, tuso, masama at kamuhi-muhi nila! Nang malinaw kong makita ang imbing mga mukha ng mga asong sunud-sunuran na umuusig sa mga nananalig sa Diyos, tahimik akong gumawa ng isang pagpapasiya: hinding-hindi ako luluhod o yuyuko kay Satanas!
Walang-tigil nila akong pinagtatanong nang ilang oras hanggang hatinggabi, ngunit walang makuhang anuman sa akin ang hepe ng Religion Section. Bigla, tila naging isa siyang masungit na hayop at pagalit akong sinigawan, “Buwisit, dapat pauwi na ako nang alas-11 n.g. Pinahihirapan mo ako nang husto kaya narito pa ako, at kung hindi kita pagdurusahin dahil dito ay hindi mo lubos na maiintindihan ang sitwasyon!” Habang sinasabi niya ito, hinatak niya ang kanang kamay ko sa mesa at diniinan ito nang husto. Pagkatapos ay dumampot siya ng isang makapal na pamalo na mga lima o anim na sentimetro ang kapal at ipinalo ito nang malakas sa pulsuhan ko. Pagkaraan ng unang palo, nagsimulang mamaga ang malalaking ugat sa pulsuhan ko, pagkatapos ay nagsimula na ring mamaga ang lahat ng nakapaligid na mga kalamnan. Napasigaw ako sa sakit at tinangka kong bawiin ang kamay ko, ngunit hinawakan niya iyon nang mahigpit. Habang pinapako ako sumigaw siya ng, “Para ito sa pagtangging magsulat! Para ito sa pagtangging magsalita! Papaluin kita nang malakas para hindi ka na makapagsulat ng isa pang salita!” Pinalo niya ako nang pinalo nang ganoon sa pulsuhan sa loob ng lima o anim na minuto bago siya tuluyang tumigil. Sa oras na iyon, magang-maga na ang kamay ko na parang suha, at nang bitawan niya ako, mabilis kong itinago ang kamay ko sa aking likuran. Ngunit nagpunta ang masamang pulis sa likod ko, sinunggaban ang mga kamay ko at nagsimulang galit na galit na pinagpapalo ang mga iyon habang nakabitin ang mga iyon sa ere habang sinasabing, “Ginagamit mo ang mga kamay na ’to sa paggawa ng mga bagay-bagay para sa Diyos mo, di ba? Babaliin ko ang mga ito, pipilayan ko ang mga ito, at saka natin tingnan kung paano mo magagawa ang kahit ano! Pagkatapos tingnan natin kung gusto ka pa ng mga nananalig na ’yon sa Makapangyarihang Diyos!” Nang marinig kong sinabi niya iyon, napuno ako ng galit sa grupong ito ng masasamang pulis. Napakasama ng ugali nila at kontra sa Langit ang kilos nila; pinapayagan lang nila ang mga tao na maging mga alipin ng gobyernong CCP at magpakapagod nang husto para dito, ngunit hindi nila pinapayagan ang mga tao na manalig sa Diyos o sambahin ang Lumikha. Sa pagtatangkang puwersahin ako na pagtaksilan ang Diyos, walang anumang pag-aatubili noon ang pulis na iyon na pagdusahin ako ng malupit na pahirap—talagang isang kawan sila ng mga hayop at demonyo na may anyong tao, at napakasama at napaka-reaksyonaryo nila! Tatlong beses ako binugbog nang ganoon ng pulis; pasa-pasa ang mga kamay at braso ko, at magang-maga at mukhang sasabog ang mga kamao ko—hindi ko matagalan ang sakit. Habang nanlulupaypay ako sa matinding sakit, sumaisip ko ang ilang linya ng isang himno ng mga salita ng Diyos: “Kaya, sa panahon ng mga huling araw na ito dapat kayong magpatotoo sa Diyos. Gaano man kalaki ang inyong pagdurusa, dapat kayong magpatuloy hanggang sa kahuli-hulihan, at maging sa inyong huling hininga, dapat pa rin kayong maging tapat sa Diyos, at sa pagsasaayos ng Diyos; tanging ito ang tunay na pag-ibig sa Diyos, at ito lamang ang malakas at matunog na patotoo” (“Hangaring Mahalin ang Diyos Kahit Gaano Kalaki ang Iyong Pagdurusa” sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Napukaw ng mga salita ng Diyos ang puso ko, at naisip ko: “Oo nga. Walang-pagod na nagtatrabaho ang Diyos araw-gabi para iligtas tayo. Binabantayan Niya tayo at nananatili sa ating tabi palagi, at nagpapakita Siya sa atin ng walang-hanggang pagmamahal at awa. Ngayon, kapag sinusubukan ni Satanas na pilitin akong pagtaksilan ang Diyos at ipagkanulo ang aking mga kapatid, taimtim na inaasam ng Diyos na matibay at malakas akong magpapatotoo para sa Kanya. Paano ko Siya posibleng bibiguin o saktan?” Habang iniisip ito, pinigilan ko ang aking mga luha at sinabi ko sa sarili ko na magpakatatag, huwag madungo o maduwag. Hindi ako malupit na inuusig at sinasaktan ng gobyernong CCP dahil sa personal ako nitong kinamumuhian kundi dahil lumalaban ito at namumuhi sa Diyos. Ang mithiin nitong tratuhin ako sa gayong paraan ay para pagtaksilan at itakwil ko ang Diyos, at ipatanggap sa akin ang pagkontrol at pang-aalipin nito sa akin magpakailanman. Gayunman, alam ko na hinding-hindi ako maaaring sumuko rito, kundi kailangan kong tumayo nang matatag sa panig ng Diyos at hiyain si Satanas. Paulit-ulit kong kinanta ang himnong iyon sa aking isipan at nadama ko na unti-unting lumakas ang aking espiritu. Matapos akong bugbugin, inutusan ng masamang pulis na iyon ang ilang pulis na bantayan ako, at sa huli ay pinanatili nila akong gising nang buong magdamag. Kapag nakita nila na sinisimulan kong ipikit ang aking mga mata, sinisigawan nila ako o sinisipa. Ngunit dahil naantig ako ng pagmamahal ng Diyos, hindi ako bumigay sa kanila.
Kinabukasan, dumating ang hepe ng Religion Section para tanunging akong muli. Nakikitang hindi pa rin ako magsasalita, sinunggaban niya ang isang pamalo at ipinalo ito nang malakas sa mga hita ko. Pagkaraan ng ilang palo, nagsimulang mamaga ang mga binti ko hanggang sa maramdaman ko na nagsisimulang sumikip ang pantalon ko sa namamaga kong mga binti. Tumayo ang isa pang masamang pulis sa isang tabi na tinutuya ako, sinasabing, “Kung napakadakila ng Diyos na pinaniniwalaan mo, bakit hindi Siya dumalo para tulungan ka ngayong pinahihirapan ka namin?” May sinabi rin siyang ilang iba pang paninira at paglapastangan sa Diyos. Ang sakit ng katawan ko at galit ako, at sa puso ko tumugon ako sa kanyang mga paglapastangan sa pag-iisip na: “Kayong hukbo ng mga diyablo, parurusahan kayo ng Diyos alinsunod sa masasamang gawa ninyo! Ngayon na ang panahon na inilalantad kayo ng Diyos at tinitipon ang katotohanan ng masasamang gawa ninyo!” Pagkatapos ay naisip ko ang mga salitang ito mula sa Diyos: “Ang libu-libong taon ng poot ay naiipon sa puso, nauukit sa puso ang isang libong taon ng pagkamakasalanan—paanong hindi ito mapupukaw ng pagkasuklam? Ipaghiganti ang Diyos, ganap na lipulin ang Kanyang kaaway, huwag nang hayaan pa itong patuloy na magwala, at huwag na itong hayaang magsimula pa ng mas maraming problema hangga’t gusto nito! Ngayon na ang oras: Matagal nang tinipon ng tao ang lahat ng kanyang lakas, nailaan na niya ang lahat ng kanyang mga pagsisikap, binayaran ang bawat halaga, para dito, upang basagin ang kahindik-hindik na mukha ng demonyong ito at hayaan ang mga tao, na nabulag na, at nagtiis na ng bawat uri ng pagdurusa at paghihirap, na tumayo mula sa kanilang sakit at talikuran itong masamang matandang diyablo” (“Gawain at Pagpasok (8)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Mula sa mga salita ng Diyos, nadama ko ang Kanyang kagyat na kalooban at maalab na pagtawag, at nauunawaan ko na ang gobyernong CCP ay nakatadhanang puksain ng Diyos. Bagama’t ipinapailalim ako sa malupit na pag-uusig ng gobyernong CCP sa sandaling iyon, nagaganap ang karunungan ng Diyos batay sa mga tusong pakana ni Satanas, at ginagamit ng Diyos ang nangyayari noon sa akin para malinaw kong makita ang kademonyohan nito, at para mahiwatigan ko ang mabuti sa masama. Sa gayon, madama ko ang tunay na pagmamahal at tunay na pagkamuhi sa aking kalooban; sa gayo’y matatalikuran at matatanggihan ko nang tuluyan ang gobyernong CCP at maibabaling ko ang aking puso sa Diyos, para maaari kong patotohanan ang Diyos at pahiyain si Satanas. Nang maunawaan ko ang kalooban ng Diyos, nakadama ako ng matinding lakas sa aking kalooban, at naging determinado akong manumpa ng katapatan sa Diyos at talikuran si Satanas. Bagama’t palagi akong ipinailalim sa malupit na pahirap, at bagama’t said na ang lakas ng aking buong katawan at napakasakit ng aking mga binti, sa pag-asa sa lakas na ibinigay sa akin ng Diyos, nagawa ko pa ring magsawalang-kibo (natuklasan ko kalaunan na nagpasa-pasa ang aking mga binti dahil sa bugbog, at hanggang ngayon ay wala pa ring lakas ang kanang binti ko). Sa huli, walang nagawa ang hepe ng Religion Section kundi umalis na galit na galit.
Sa ikatlong araw, pinagtatanong at binugbog akong muli ng masasamang pulis, na tumitigil lamang matapos akong murahin nang napakaraming beses at napagod sa kapapalo sa akin. Pagkatapos, nilapitan ako ng isang babaeng pulis at sinabi, na kunwari’y nag-aalala, “May ipinasok dito noon na nanalig sa Makapangyarihang Diyos. Wala silang sinabi sa amin at sinintensyahan silang mabilanggo nang 10 taon. Paano ka matutulungan man lang ng pananahimik? Maaari mong masayang ang 10 buong taon sa lugar na ito, at pagkatapos kapag nakalabas ka na aayawan ka na rin naman ng Diyos mo, at magiging huli na ang lahat para magsisi ….” May sinabi pa siyang ilang iba pang bagay para subukan akong akitin na magsalita, ngunit patuloy lang akong nanalangin nang tahimik, na hinihiling sa Diyos na protektahan ang puso ko para hindi ako mahulog sa mga tusong pakana ni Satanas. Pagkatapos manalangin, kumislap sa aking isipan ang isang bahagi ng isang himno: “Ako mismo ay handang hanapin Ka at sundan Ka. Ngayon gusto Mong talikuran ako ngunit nais ko pa ring sundan Ka. Gusto Mo man ako o hindi, mamahalin pa rin Kita, at sa huli ay kailangan kong makamit Ka. Iniaalay ko ang aking puso sa Iyo, at anuman ang gawin Mo, susundan Kita habang ako’y nabubuhay. Ano’t anuman, kailangan Kitang mahalin at kailangan Kitang makamit; hindi ako titigil hangga’t hindi Kita nakakamit” (“Determinado Akong Mahalin ang Diyos” sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). “Oo nga,” naisip ko. “Nananalig at sumusunod ako sa Diyos ngayon dahil iyon ang gusto kong gawin. Hindi mahalaga kung gusto ako ng Diyos o hindi—susundan ko pa rin ang Diyos hanggang sa kahuli-hulihan!” Pinalinaw ng mga salita ng Diyos ang aking isipan at natanto ko na ginagawa ni Satanas ang lahat para maghasik ng pagtatalo sa pagitan namin ng Diyos para malungkot ako, tanggihan ko ang Diyos, at sa huli ay pagtaksilan ko ang Diyos at na tulad ni Judas. Noon mismo, ang tanging paraan para matalo ko si Satanas at maging isang patotoo sa tagumpay ng Diyos kay Satanas ay manatiling sumasampalataya at tapat sa Kanya. “Mabilanggo man ako o hindi, at anuman ang kahinatnan ko ay nasa mga kamay na lahat ng Diyos,” naisip ko sa sarili ko. “Paano man ipasiya ng Diyos na planuhin at isaayos ang buhay ko, wala akong magagawa, at malaki ang tiwala ko na lahat ng ginagawa ng Diyos ay ginagawa para iligtas ako. Kailanganin ko mang tiising mawalan ng kaginhawahan ng katawan sa bilangguan, ang makakamit ko ay espirituwal na kapanatagan. Bukod pa riyan, karangalan kong mabilanggo alang-alang sa Diyos, samantalang kung pagtaksilan ko ang Diyos alang-alang sa pagnanasa ko sa mga pisikal na kaginhawahan, mawawala ang aking buong dangal at integridad, at hindi na matatahimik ang aking budhi kailanman.” Samakatwid ay tahimik akong nagpasiya: Kahit mabilanggo ako, mananatili akong tapat sa Diyos hanggang wakas; inilalaan ko ang aking tunay na pagmamahal sa Diyos para mapahiya at matalo na nang tuluyan si Satanas! Ginamitan ako ng masasamang pulis kapwa ng mabubuti at masasamang taktika nila, at ipinailalim nila ako sa malulupit na pahirap sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi, ngunit wala silang natamong anuman mula sa akin. Dahil wala nang ibang mapagpipilian, ang nagawa lang nila ay kunin ako, gulpihin at bugbugin ako na katulad niyon, at ikulong sa detention house. Nang ikulong nila ako, may malisyang sinabi ng isa sa mga pulis, “Hahayaan ka naming maghabol ng hininga at saka ka namin tatanungin ulit!”
Pagkaraan ng limang araw, dumating ang masasamang pulis para tanungin akong muli, kaya lang sa pagkakataong ito ay nagsalitan sila para pagurin ako. Inutusan nila akong umupo sa napakalamig na upuang bakal at saka nila ipinosas ang kanang kamay ko roon. Naglagay sila ng kabilyang bakal sa harap ng dibdib ko para hindi ako makagalaw, habang nakabitin ang mga paa ko mula sa sahig. Ginawa nila iyon para hindi ako makakilos, at hindi nagtagal, namanhid pareho ang mga kamay at paa ko. Sabi sa akin ng masasamang pulis, “Bawat taong naikadena sa silyang ito ay sinasabi sa amin sa huli ang lahat ng alam nila. Kung hindi ka magsasalita sa loob ng isang araw, matatali ka rito nang dalawang araw. Kung hindi ka magsasalita pagkaraan ng dalawang araw, magiging tatlong araw na ’yan. Wala akong gaanong hinihingi sa ’yo. Gusto ko lang sabihin mo sa akin kung sino ang mga lider sa inyong iglesia.” Salamat sa Diyos sa pagkakaloob sa akin ng lakas, dahil umasa lamang ako sa isang kaisipan: Hinding-hindi ko ipagkakanulo ang sinuman! Paulit-ulit nila akong tinanong, hindi nila ako pinakain ni pinainom ng anuman, at ayaw nila akong pagamitin ng banyo. Noong gabing iyon, para hindi ako makatulog, pinanatili nilang nakaposas ang isang kamay ko sa silya, ngunit pinatayo nila ako sa tabi nito habang patuloy nila akong tinatanong. Kapwa ako pagod at gutom, at namanhid na ang buo kong katawan. Hindi ako talaga makatayong mag-isa at nananatili lang akong nakatayo sa pagsandig sa silya. Ngunit sa sandaling sumandig ako sa silya o maisip ko lang na matulog, iwawasiwas na ng isang pulis ang isang mahabang yantok na chopstick sa harap ng mukha ko at pinapalo ako noon, at buong magdamag nila akong hindi pinayagang ipikit ang aking mga mata ni minsan. Nagpatuloy ito sa loob ng dalawang araw at nanghina ako nang husto kaya nanlambot at nanghina ang buong katawan ko. Wala akong ideya kung gaano katagal nila ako patuloy na ipapailalim dito; natakot ako na baka hindi ko iyon matagalan, na baka pagtaksilan ko ang Diyos at magsa-Judas ako, at paulit-ulit akong nanawagan sa Diyos: “Diyos ko! Napakahina ng aking laman at napakaliit ko. Pigilan Mo akong magsa-Judas.” Habang agaran akong nanawagan sa Diyos, inilabas at binasa ng isa sa masasamang pulis ang isang aklat ng mga salita ng Diyos: “Hindi na Ako magbibigay ng awa sa mga hindi nagbigay sa Akin kahit katiting na katapatan sa mga panahon ng kapighatian, sapagka’t ang awa Ko ay hanggang doon lamang. Bukod diyan, wala Akong pagkagusto kaninuman na minsan na Akong naipagkanulo, lalong hindi Ko gusto na makisama roon sa mga nagkakanulo ng mga hinahangad ng kanilang mga kaibigan. Ito ang disposisyon Ko, sinuman ang taong iyan. Kailangang sabihin Ko ito sa inyo: Sinumang dumudurog sa Aking puso ay hindi tatanggap ng kaawaan mula sa Akin sa ikalawang pagkakataon, at sinumang naging matapat sa Akin ay mananatili sa puso Ko magpakailanman” (“Dapat Kang Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Napuno ng liwanag ang aking puso—hindi ba ipinapakita sa akin ng Diyos ang daan? Nakita ko na talagang puspos ng pag-asa at pag-aalala sa akin ang Diyos at, para manatili akong matatag, ginamit na Niya ang masamang pulis na narito sa lungga ng mga demonyo para basahin ang mga salita ng Diyos sa akin. Sa lahat ng ito, malinaw na sinasabi sa akin noon ng Diyos na mahal Niya ako at pinagpapala Niya ang mga nananatiling tapat sa Kanya sa gitna ng kagipitan, at na kinamumuhian at itinatakwil Niya ang mga sapat ang kahinaan para pagtaksilan Siya. Paano ako mabibigong mamuhay ayon sa mga inaasahan ng Diyos sa harap ng Kanyang pagmamahal at awa? Nang matapos sa pagbabasa ang masamang pulis, itinanong niya, “Ito ba ang ipinagagawa sa iyo ng Diyos mo? Ang manahimik?” Hindi ako sumagot at, ang nakakagulat, inakala ng pulis na hindi ko siya narinig, kaya nga muli niyang binasa sa aking ang talata nang maraming beses, at paulit-ulit iyong itinanong sa akin. Nakita ko kung gaano katalino at kamakapangyarihan ang Diyos na makapangyarihan sa lahat: Nang lalong basahin ng masamang pulis ang mga salita ng Diyos, lalong tumimo sa puso ko ang bawat salita, at gayundin, mas lumakas ang aking pananampalataya. Ipinasiya ko na anumang ang subukang gawin ng mga demonyong iyon para pagtapatin ako, hinding-hindi ako magsasa-Judas!
————————————————————————————————
Bakit mahalaga ang panalangin? Sapagkat ang pananalangin ay isang daan para sa mga Kristiyano na makipag-usap sa Diyos. Sa pamamagitan ng pananalangin, maaari nating makamit ang pananalig at lakas ,ula sa Diyos at sumunod sa Diyos hanggang sa huli.
————————————————————————————————
Sa ikatlong araw, pinaakyat-baba ako ng masasamang pulis sa hagdan, pinalipat-lipat ako ng interrogation room, para sairin ang lahat ng natitira ko pang lakas. Nagpatuloy ang pahirap na ito hanggang sa lubos na nanghina ang katawan ko at nangatog ang mga binti ko, at talagang nahirapan akong iangat ang mga ito paakyat sa hagdan. Gayunman, dahil sa pananampalataya at lakas na idinulot ng mga salita ng Diyos sa akin, tumanggi pa rin akong magbuka ng bibig. Tinanong nila ako hanggang gumabi ngunit wala pa rin silang napala, kaya nga binantaan nila ako, sinasabing, “Kahit hindi ka magsalita ni gaputok, maipapakulong ka pa rin namin. Papatayin ka namin!” Nang marinig silang sabihin ito medyo natakot ako at naisip ko sa sarili ko: “Paano pa nila ako maaaring pahirapan? Hinang-hina na ako at hindi ko na kaya….” Pagkatapos ay nanawagan ako sa Diyos, sinasabing: “Diyos ko! Tulungan Mo sana ako. Talagang natatakot ako na hindi na ako makatagal. Protektahan Mo sana ako at gabayan para malaman ko kung paano makipagtulungan sa Iyo.” Nakadama ako ng lakas ng loob pagkatapos ng panalanging ito, at hindi na ako gaanong nakaramdam ng sakit. Kaya nga, sa aking pinakamasakit at pinakamahirap na sandali, sa pamamagitan ng patuloy na panalangin, ipinagkaloob sa akin ng Diyos ang pananampalataya at lakas na magpatuloy.
Maaga pa kinabukasan sa ikaapat na araw, nakikitang wala silang napala sa tatlong tuluy-tuloy na araw ng interogasyon, galit na tinanggal ng masasamang pulis ang aking mga posas at iningudngod ako sa sahig. Pagkatapos ay inutusan nila akong lumuhod at huwag tumindig. Sinamantala ko na nakaluhod na rin lang ako, nagsimula akong mag-alay ng tahimik na panalangin sa Diyos: “Diyos ko! Alam ko na dahil sa Iyong proteksyon natiis ko itong nakaraang ilang araw ng pahirap, interogasyon at mga pagtatangkang kuhanan ako ng impormasyon at wala akong masabi maliban sa salamat sa Iyong pagmamahal at awa. Diyos ko! Bagama’t wala akong ideya kung paano ako susunod na pahihirapan ng masasamang pulis, anuman ang mangyari hinding-hindi kita pagtataksilan, ni hindi ko ipagkakanulo ang aking mga kapatid. Hinihiling ko na patuloy Mo akong pagkalooban ng pananampalataya at lakas at panatilihin akong matatag.” Sa sandaling matapos ang aking panalangin, nakadama ako ng matinding lakas ng loob, at alam na alam ko na yakap ako ng pagmamahal ng Diyos. Paano man ako maaaring pahirapan ng mga diyablong iyon, alam ko na gagabayan ako ng Diyos na matiis ang lahat ng iyon. Pagkaraan ng ilang oras, marahil ay nahulaan ng masasamang pulis na nagdarasal ako sa Diyos at, nagkakandagago sa galit, sumigaw sila at pinagmumura ako. Kumuha ng peryodiko ang isa sa kanila, ibinilot ito na parang pambambo at mabangis na inihampas iyon sa sentido ko. Nagdilim ang buong paligid at bumagsak ako sa sahig na walang malay. Binuhusan nila ako ng napakalamig na tubig para magkamalay ako at, sa nanlalabo kong isipan, narinig ko na binantaan ako ng isa sa masasamang pulis. “’Pag hindi mo sinabi sa amin ang lahat ng alam mo, bubugbugin kita hanggang sa mamatay ka o hanggang malumpo ka! Wala rin lang makakaalam bugbugin man kita hanggang sa mamatay, at walang sinuman sa iyong mga kapatid ang mangangahas na pumarito.” Narinig ko ring sabihin ng isa pa, “Kalimutan mo na ’yon. Kung patuloy mo siyang bubugbugin nang ganyan talagang mamamatay siya. Wala na siyang pag-asa. Wala tayong makukuha sa kanya.” Hindi ko napigilang huminga nang maluwag nang marinig ko iyon, dahil alam ko na ang Diyos iyon na nagpapakita ng pag-unawa sa aking kahinaan, at na muli Siyang nagbukas ng daan para makalaya ako. Gayunman, ayaw pa ring magpatalo ng masasamang pulis, kaya dinala nila ang aking nakababatang kapatid at anak, na parehong hindi mananampalataya sa Diyos, para subukang pagsalitain ako. Nang makita ng aking kapatid ang mga black eye at maga at pasa-pasang mga kamay, hindi lamang niya hindi sinubukang pagsalitain ako tulad ng gusto ng mga pulis, kundi sa halip ay umiyak siya at sinabing, “Li, naniniwala ako na hindi mo kayang gumawa ng anumang masama. Magpakatatag ka.” Nang makita nila na pinalalakas ng kapatid ko ang aking loob, binalingan ng mga pulis ang anak ko at sinabing, “Mabuti pa kausapin mo ang nanay mo at kumbinsihin mong makipagtulungan sa amin, pagkatapos ay makakauwi na siya at maaalagaan ka.” Tumingin sa akin ang anak ko at hindi sumagot sa opisyal. Nang paalis na siya, nilapitan niya ako at pagkatapos ay biglang sinabing, “Ma, huwag mo akong alalahanin. Alagaan mo ang sarili mo, at aalagaan ko ang sarili ko.” Nakikita kung gaano katandang mag-isip at kung gaano katalino ang aking anak, lubos akong naantig, ngunit tumangu-tango lang ako at umiyak nang samahan nila siya at ang kapatid ko palabas ng kuwarto. Muli kong naranasan sa kaganapang ito ang pagmamahal at pangangalaga sa akin ng Diyos. Ipinakita sa akin ng Diyos ang aking kahinaan, sa nakalipas na ilang araw na iyon, na ang ipinag-alala ko talaga nang husto ay ang aking anak. Natakot ako na, dahil wala ako roon, baka hindi niya makayang mabuhay mag-isa. Ang mas ipinag-alala ko pa ay na, dahil napakabata pa niya, nang magpunta siya sa presinto para dalawin ako, baka i-brainwash siya na kamuhian ako sa pananalig ko sa Diyos. Gayunman, nagulat ako dahil hindi lang siya hindi nagpatangay sa mapanira at masasamang pananalita ng masasamang pulis, kundi sa halip ay talagang pinanatag niya ako. Nakita ko noon kung gaano talaga kamapaghimala at kamakapangyarihan sa lahat ang Diyos! Ang puso at espiritu ng tao ay talagang isinaayos ng Diyos. Nang makaalis na ang aking anak at kapatid, muli akong binantaan ng masasamang pulis, na sinasabing, “Kung hindi ka pa rin magsasalita, sa maniwala ka’t sa hindi, pahihirapan ka namin nang ilan pang araw at gabi. At kahit hindi ka pa rin magsalita noon, maaari ka pa rin naming ipabilanggo nang tatlo hanggang limang taon….” Matapos maranasan ang marami sa mga gawa ng Diyos, napuspos ako ng pananampalataya sa Diyos kaya nga desidido at determinado kong sinabing, “Ang pinakamalalang maaaring mangyari ay na mamatay ako sa inyong mga kamay! Maaari n’yong pahirapan ang katawan ko, pero hinding-hindi n’yo matatangay ang puso ko. Mamatay man ang katawan ko, matatamo pa rin ng Diyos ang kaluluwa ko.” Nakikitang nanatili akong matatag, walang ibang nagawa ang masasamang pulis kundi tapusin ang kanilang interogasyon at ibalik ako sa aking selda. Ang masaksihan ang malungkot na katawang sinaktan ni Satanas sa lubos na pagkatalo nito ay naghatid sa akin ng walang-kapantay na kagalakan, at talagang naunawaan ko na ang Diyos lamang ang Makapangyarihan sa lahat ng bagay at na ang ating buhay at kamatayan ay lubos na nasa Kanyang mga kamay. Bagama’t hindi ako napayagang kumain o uminom nang maraming araw at nagkaluray-luray ang aking katawan, nadama ko palagi ang pagmamahal ng Diyos. Ang Kanyang mga salita ay patuloy na pinagmulan ng pananampalataya at lakas, na nagbigay sa akin ng kakayahang buong tapang na talunin ang mga pagtatangka ni Satanas na makakuha ng impormasyon mula sa akin ang mga pulis na nagsalitan para pagurin ako. Dahil dito, talagang napahalagahan ko kung gaano kawalang-katulad at kadakila ang impluwensya ng Diyos sa buhay—ang lakas na ibinibigay sa atin ng Diyos ay walang pagkaubos at hindi sakop ng mga limitasyon ng laman.
Ilang araw kalaunan, naggawa-gawa ang gobyernong CCP ng paratang na panggugulo sa kaayusan ng publiko, at matapos akong sentensyahan ng tatlong taon ng muling pag-aaral sa pamamagitan ng pagtatrabaho, sinamahan ako ng mga pulis sa isang labor camp. Namuhay akong parang hayop doon, na walang-tigil sa pagtatrabaho mula madaling araw hanggang dapit-hapon. Dahil nawalan ng pakiramdam ang aking mga kamay dahil sa lahat ng pambubugbog na iyon, napuwersa nang husto ang mga kalamnan ng aking mga kamao sa unang anim na buwan ng aking sentensya kaya ni wala akong lakas para labhan ang mga damit ko. Tuwing umuulan, sumasakit at namamaga ang mga braso ko dahil hindi makadaloy nang maayos ang dugo ko. Sa kabila nito, pinupuwersa ako ng mga guwardiya sa bilangguan na lagpasan ko ang aking pang-araw-araw na quota araw-araw, kung hindi ay pahahabain ang sentensya ko. Bukod pa rito, napakaistrikto ng pagbabantay nila sa amin na nanalig sa Diyos; palaging may isang nakamasid sa amin habang kumakain, naghuhugas, at kahit habang nasa banyo kami …. Ang sakit sa katawan ko, na sobra sa trabaho, bukod pa sa pagdurusa ng isipan ay nagsanhing lahat ng aking di-mailarawang pagdurusa. Pakiramdam ko napakahaba ng tatlong taon sa lugar na iyon para sa akin at na hindi posibleng makatagal ako. Sa maraming pagkakataon naisip kong magpakamatay para wakasan na ang aking pagdurusa. Sa sobrang sakit, nanalangin ako sa Diyos: “Diyos ko, alam Mo kung gaano kahina ang aking katawan. Labis akong nagdurusa ngayon at hindi ko na talaga matagalan iyon. Gusto ko na ngang mamatay. Liwanagan at gabayan Mo sana ako, pagkalooban mo ako ng lakas ng kalooban, at bigyan Mo ako ng pananampalatayang kailangan ko para magpatuloy….” Nagpakita ng kabaitan sa akin ang Diyos noon, dahil ipinaisip Niya sa akin ang isang himno ng mga salita ng Diyos: “Naging katawang-tao na sa panahong ito ang Diyos upang gawin ang gayong gawain, upang tapusin ang gawaing hindi pa Niya natatapos, upang dalhin ang kapanahunang ito sa katapusan, upang hatulan ang kapanahunang ito, upang sagipin ang lubhang makasalanan mula sa mundo ng dagat ng kadalamhatian, at lubos silang baguhin. Maraming gabi na walang tulog ang tiniis ng Diyos para sa kapakanan ng gawain ng sangkatauhan. Mula sa kaitaasan hanggang sa pinakamababang kalaliman, nakababa Siya sa buhay na impiyerno kung saan ang tao ay nabubuhay upang gugulin ang Kanyang mga araw kasama ang tao, hindi kailanman nagreklamo sa panlilimahid ng tao, hindi kailanman sinisi ang tao dahil sa kanyang pagsuway, nguni’t tinitiis ang pinakamatinding kahihiyan habang personal Niyang isinasakatuparan ang Kanyang gawain. … Nguni’t para sa kapakanan ng buong sangkatauhan, nang sa gayon ang buong sangkatauhan ay makakasumpong ng kapahingahan sa lalong mas madaling panahon, natiis Niya ang kahihiyan at nagdusa ng kawalang-katarungan upang makaparito sa lupa, at personal na pumasok sa ‘impiyerno’ at ‘Hades,’ sa yungib ng tigre, upang iligtas ang tao” (“Bawat Yugto ng Gawain ng Diyos ay para sa Buhay ng Tao” sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Nang pagnilayan ko ang mga salitang ito, nagka-inspirasyon at nabago ng pagmamahal ng Diyos ang puso ko. Naisip ko kung paano nagkatawang-tao ang Diyos, para iligtas ang sangkatauhan, na napakatiwali, at bumaba nang pinakamababa mula sa pinaka-itaas na kaitaasan, sumusuong sa malaking panganib sa pagpunta sa China—ang pugad na ito ng diyablo—upang isagawa ang Kanyang gawain. Nagdanas Siya ng malaking kahihiyan at pasakit, pag-uusig at kahirapan, subalit palaging tahimik na nagpapakapagod ang Diyos, nang walang reklamo at walang pagsisisi, alang-alang sa sangkatauhan. Isinasagawa ng Diyos ang lahat ng gawaing ito para lamang makamit Niya ang isang grupo ng mga tao na may konsiderasyon sa Kanyang kalooban, na ibabaling ang kanilang mukha sa katarungan, at hinding-hindi susuko at bibigay. Nasumpungan ko na ang aking sarili sa ganyang sitwasyon dahil gusto ng Diyos na gamitin iyon para palambutin ang aking kalooban, at gawing perpekto ang aking pananampalataya at pagsunod sa Diyos; pinayagan Niya ang sitwasyong ito para mangyaring makaunawa at makapasok ako sa katotohanan. Ang katiting na pagdurusang dinaranas ko noon ay ni hindi nararapat banggitin na katulad ng pasakit at kahihiyang naranasan ng Diyos God has suffered. Kung hindi ko man lang matagalan ang gayon kamunting pagdurusa sa bilangguan, hindi ko ba pinatutunayan na hindi ako nararapat sa matinding pagsisikap ng Diyos alang-alang sa akin? Bukod pa riyan, ang patnubay ng Diyos ay nagbigay-kakayahan sa akin na madaig ang lahat ng malupit na pahirap na ibinigay sa akin ng masasamang pulis noong una akong maaresto. Matagal nang naipakita sa akin ng Diyos ang Kanyang mahimalang mga gawa, kaya hindi ba dapat ay mas matatag ang aking pananampalataya at patuloy akong magbahagi ng magandang patotoo tungkol sa Kanya? Habang iniisip ito, bumalik ang lakas ko, at ipinasiya kong tularan si Cristo: Gaano man kasakit o kahirap ang mga bagay-bagay, mananatili akong buhay nang buong tapang. Pagkatapos niyon, tuwing makakaramdam ako na hindi ko na makayanan ang buhay sa labor camp, kinakanta ko ang himnong iyon, at tuwing gagawin ko iyon, binigyan ako ng mga salita ng Diyos ng walang-pagkaubos na pananampalataya at lakas, at nagka-inspirasyon akong magpatuloy. Sa oras na iyon, may ilang iba pang miyembrong babae mula sa iglesia na nasa labor camp. Sa pag-asa sa karunungang ipinagkaloob sa amin ng Diyos, tuwing may pagkakataon kami, sumusulat kami ng mga salita mg Diyos sa maliliit na papel at ipinapasa ang mga ito sa isa’t isa o nagbabahagi kami ng ilang salita sa isa’t isa kapag may pagkakataon—sinuportahan at hinikayat namin ang isa’t isa. Sa kabila ng katotohanan na kami ay nasa pugad na iyon ng mga demonyo ng gobyernong CCP, nakakulong sa matataas na pader at lubos na walang komunikasyon sa mundo sa labas, dahil dito mismo kaya mas lalo naming naitangi ang mga salita ng Diyos, at mas lalong pinakaingatan ang inspirasyong ibinigay ng Diyos sa bawat isa sa amin, at dahil dito kaya lubhang nagkaisang ganito ang aming puso.
Noong Oktubre 29, 2005, natapos ko ang sentensya ko nang buo at pinalaya ako sa wakas. Gayunman, kahit nakalabas na ako ng bilangguan, hindi pa rin ako ganap na malaya. Palaging nagpadala ng mga tao ang mga pulis para subaybayan ang mga kilos ko, at inutusan nila ako na personal na magreport sa presinto buwan-buwan. Bagama’t nasa sariling bahay na ako, pakiramdam ko ay parang nakakulong ako sa isang bilangguang hindi nakikita, at kinailangan kong mag-ingat palagi sa mga espiya ng CCP. Kahit nasa bahay ako, kinailangan ko pa ring mag-ingat nang husto kapag nagbabasa ako ng mga salita ng Diyos, sa takot na anumang sandali ay biglang pumasok ang mga pulis. Bukod pa riyan, dahil sinubaybayan ako nang husto, walang paraan para makita ko ang aking mga kapatid o mamuhay ng buhay-iglesia. Napakasakit nito para sa akin, at bawat araw ay parang isang taon. Sa huli, hindi ko matalagang mamuhay ng isang buhay na sinusubaybayan at pinipigilan, na kailangang talikuran ang iglesia at lahat ng aking kapatid, kaya nilisan ko ang aking bayang sinilangan at nakahanap ako ng trabaho sa ibang lugar. Sa wakas ay nakontak ko rin ang iglesia at muli akong nagsimulang mamuhay ng buhay-iglesia.
Nang maranasan ko ang pag-uusig sa mga kamay ng gobyernong CCP, lubos at malinaw kong nakita ang paimbabaw at makademonyong diwa nito na lumilinlang sa mga tao para mapuri sila, at natiyak ko na iyon ay walang iba kundi isang grupo ng mga diyablong lumalapastangan sa Langit at kumakalaban sa Diyos. Ang gobyernong CCP ay tunay na kumakatawan kay Satanas, ang pagkakatawang-tao ng diyablo mismo; ang pagkamuhi ko rito ay malalim at isinusumpa ko na mananatili akong mortal na kaaway nito. Sa buong paghihirap na ito, tunay ko ring napahalagahan ang pagiging makapangyarihan sa lahat at ang kapangyarihan ng Diyos at ang Kanyang mahimalang mga gawa, naranasan ko ang awtoridad at kapangyarihan ng mga salita ng Diyos, at tunay kong nadama ang pagmamahal ng Diyos at ang Kanyang dakilang pagliligtas: Noong nasa panganib ako, palaging nasa tabi ko ang Diyos, nililiwanagan at pinagliliwanag ako sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, pinagkakalooban ako ng pananampalataya at lakas, ginagabayan akong matiis ang sunud-sunod na malupit na pahirap at makaraos sa tatlong mahaba at madilim na taon sa kulungan. Naharap sa malawak na pagliligtas ng Diyos, lubos akong nagpapasasalamat, muling nag-ibayo ang aking pananampalataya, at nagpasiya na ako: Gaano man katindi ang mga paghihirap na kailangan kong pagdaanan sa hinaharap, lagi akong aasa sa patnubay at pamumuno ng mga salita ng Diyos upang iwaksi ang lahat ng impluwensya ng kadiliman, at matatag kong susundan ang Diyos hanggang sa kahuli-hulihan!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento