Kidlat ng Silanganan

菜單

Abr 6, 2020

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Labanan


Isang Labanan


Ni Zhang Hui, Tsina

Ang pangalan ko ay Zhang Hui, at noong 1993 nagsimulang manalig sa Panginoong Jesus ang buong pamilya ko. Isa akong masigasig na naghahanap, kaya mabilis akong naging mangangaral. Madalas akong naglalakbay papunta sa iba’t ibang mga iglesia upang gumawa at mangaral. Pagkatapos ng ilang taon, tumigil ako sa pagtratrabaho at nagsimulang paglingkuran ang Panginoon nang full-time. Subali’t, sa di-malamang kadahilanan, dahan-dahang nanlamig ang pananampalataya at pagmamahal ng aking mga kapatid, at umusbong ang inggitan at alitan sa pagitan ng mga magkakasama sa paggawa. Naramdaman ko ring nanlulumo ang espiritu ko, at wala na akong maipapangaral pa. Noong 2005, nagkaroon ng kanser ang asawa ko, at hindi nagtagal ay pumanaw na siya. Isa itong malaking dagok sa akin at lalo pa akong nanghina. Isang araw, pumunta ako upang manirahan sa bahay ng pinsan ko at nakilala ko ang dalawang kapatid na babae roon na nangaral ng ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos. Sa loob ng ilang araw ng pagbabahaginan at debate, nagsimula akong tunay na maniwala na nagbalik na ang Panginoong Jesus at Siya ang Makapangyarihang Diyos sa katawang-tao. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nadiligan at natustusan ang nauuhaw kong puso, at nalasap ko ang tamis ng gawain ng Banal na Espiritu, naunawaan ang maraming katotohanan at hiwaga na hindi ko kailanman naunawaan noon. Subali’t, kung kailan nararanasan ko ang ligaya ng muling pagsasama namin ng Panginoon, dahan-dahang gumapang palapit sa akin ang mga tukso at pag-atake ni Satanas.

       Isang hapon, nagsasagawa ako ng mga espirituwal na debosyon nang may biglang kumatok sa pinto. Nang buksan ko ito, nakita kong nakatayo sa labas sina Pastor Li Yang at Kasamang Wang Jun mula sa dati kong iglesia. Nagulat ako at nagtaka: “Anong ginagawa nila rito? Maaari kayang nalaman na nila ang pananampalataya ko sa Makapangyarihang Diyos? Noon, nang magsimulang manalig sa Makapangyarihang Diyos ang mga kapatid na magagaling na tagapaghanap, tinakot sila nina Pastor Li at Kasamang Wang gamit ang mga sabi-sabi at inudyukan ang mga pamilya nila na pilitin silang layuan ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ginawa nila ang lahat ng makakaya nila upang hadlangan silang sumunod sa Makapangyarihang Diyos. Ngayon, hindi ko alam kung anong klaseng mga taktika ang gagamitin nila upang guluhin ako.” Binati ko sila at pinaupo. Hindi nagtagal, umuwi rin ang anak kong babae na si Xiaoyan at ang anak kong lalaki na si Dayong. Nagtaka ako: Sinabi ng mga anak ko na masyado silang abala sa trabaho, kaya bakit sila parehong umuwi ngayon? Maaari kayang pinapunta sila ni Pastor Li? Tila dumating na handa sina Li Yang at Wang Jun! Nagmamadali akong nanalangin sa Diyos: “Makapangyarihang Diyos! Ngayon, tiyak na pumunta sila upang hadlangan at gambalain ako. Diyos ko, napakababa ng tayog ko. Nakikiusap ako sa Iyo na gabayan ako at tulungan akong pakitunguhan sila. Handa akong tumayong saksi sa Iyo!” Pagkatapos magdasal, huminahon ang puso ko. Sa sandaling iyon, ngumiti ng di-tapat na ngiti si Li Yang at sinabing: “Brother Zhang, narinig kong naniniwala ka na ngayon sa Kidlat ng Silanganan. Totoo ba iyon? Gaano man kalaking katotohanan ang mayroon sa Kidlat ng Silanganan, hindi natin maaaring tanggapin ito. Brother Zhang, lahat tayo ay nanalig na sa Panginoon nang maraming taon, at nangaral at gumawa na ng gawain para sa Kanya. Malinaw sa ating lahat ang katunayang ipinako sa krus ang Panginoong Jesus at naging handog para sa kasalanan, na tumubos sa atin mula sa ating kasalanan. Natamasa na rin natin ang masaganang biyaya, at ang kapayapaan at ligayang ipinagkaloob sa atin ng Panginoon, kaya dapat nating pagtibayin ang ngalan at pamamaraan ng Panginoon sa lahat ng oras. Hindi tayo maaaring maniwala sa ibang Diyos. Hindi ba’t ang iyong paglayo sa Panginoong Jesus at pananalig sa Makapangyarihang Diyos ay isang pagkakanulo sa Panginoon?”

      Mahinahon kong sinabi: “Brother Li, kapag nagsasalita tayo, dapat wala tayong kinikilingan at saka praktikal, suportahan ang ating pangangatwiran ng patunay at hindi gumawa ng basta-bastang pagkondena. Nasiyasat mo na ba ang Kidlat ng Silanganan? Nabasa mo na ba ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos? Hindi mo pa ito nasiyasat kailanman, kaya paano mo narating ang konklusyon na napagkanulo ko ang Panginoon sa pagtanggap sa Kidlat ng Silanganan? Alam mo ba kung saan nanggagaling ang katotohanan? Alam mo ba kung sino ang nagpapahayag ng katotohanan? Sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay’ (Juan 14:6). Ang Diyos ang katotohanan! Paano mo masasabing gaano man kalaking katotohanan ang mayroon sa Kidlat ng Silanganan, hindi mo ito tatanggapin? Hindi ba sadyang paglaban sa katotohanan iyan, at paglaban sa Diyos? Kung gagawin natin iyan, matatawag pa ba tayong mananampalataya ng Panginoon? Sa totoo lang, dahil hayagang nilalabanan at kinokondena ng mga pastor at elder ng mundo ng relihiyon ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, noong nagsimula akong manalig sa Makapangyarihang Diyos, natakot din akong baka mali ako, at baka naligaw na ako. Subali’t, nagbasa ako kinalaunan ng maraming salita ng Makapangyarihang Diyos, at natuklasan kong lahat ng ito ay ang katotohanan, na ibinubunyag ng mga ito ang maraming hiwaga, gaya ng mga hiwaga ng anim na libong taong plano ng pamamahala ng Diyos at ang natatagong katotohanan ng tatlong yugto ng gawain, ang mga hiwaga ng pagkakatawang-tao ng Diyos, ang totoong natatagong kuwento ng Biblia, at iba pa. Nalutas nang lahat ang pagkalito at mga paghihirap na naranasan ko sa maraming taon ko ng pananalig sa Panginoon sa pamamagitan ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Habang mas lalo akong nagbabasa ng mga salita ng Diyos, mas nararamdaman kong ang mga ito ang mga pagbigkas ng Banal na Espiritu, na ang mga ito ang tinig ng Diyos. Matatag akong naniniwalang ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, at na nagpapakita sa atin ang Panginoon! Brother Li, Brother Wang, iisang Diyos lamang ang Makapangyarihang Diyos at ang Panginoong Jesus. Ang pananalig sa Makapangyarihang Diyos ay ang pagsalubong sa pagdating ng Panginoon! Pag-isipan natin ito. Nang dumating ang Panginoong Jesus upang gumawa, nilisan ng maraming tao ang templo upang sumunod sa Kanya. Sa panahong iyon, tiyak na maraming tao ang humusga sa kanila at nagsabing ipinagkanulo nila ang Diyos na si Jehova at nagkasala sila ng lubusang pagtalikod sa relihiyon. Ngayon alam nating lahat na bagama’t naiiba ang gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus mula sa gawain ng pagpapalabas ng batas ng Diyos na si Jehova, at nagbago rin ang ngalan ng Diyos, iisa at parehong Diyos lamang ang Panginoong Jesus at ang Diyos na si Jehova. Ang pananalig sa Panginoong Jesus ay hindi pagkakanulo sa Diyos na si Jehova, ngunit pagsabay sa mga yapak ng Diyos at pagkamit ng Kanyang pagliligtas. Sa katunayan, yaong mga naniwala sa Diyos na si Jehova ngunit hindi sumunod sa Panginoong Jesus ay yaong mga tunay na tumalikod sa Diyos at ipinagkanulo Siya. Ganoon din ngayon. Bagama’t naiiba ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw kaysa sa gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, at nagbago na ang ngalan ng Diyos, iisa at parehong Diyos ang Makapangyarihang Diyos at ang Panginoong Jesus. Ito ay isang katunayang hindi maipagkakaila. Sa Kapanahunan ng Biyaya, pinatawad lamang ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus ang mga kasalanan ng tao, ngunit hindi pinawalang-sala ang tao mula sa kanilang mga satanikong disposisyon at makasalanang kalikasan. Ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay upang lutasin ang mga satanikong disposisyon at makasalanang kalikasan ng tao, upang ganap silang iligtas, upang magawa silang itakwil ang impluwensiya ni Satanas at makamit ng Diyos. Malinaw na ang dalawang yugtong ito ng gawain ay magkatugma, malapit na magkaugnay at lumalalim habang umuusad. Ito talaga ay gawa ng iisang Diyos. Ang pananalig ko sa Makapangyarihang Diyos ay hindi pagkakanulo sa Panginoong Jesus. Ito ay pagsabay sa mga yapak ng Cordero. Kung nananalig lang tayo sa Panginoong Jesus at tumatangging sumunod sa Makapangyarihang Diyos, hindi lang sa magiging katulad tayo ng mga Fariseo na nanalig lamang sa Diyos na si Jehova at tinanggihan ang Panginoong Jesus, na naiwala ang pagliligtas ng Diyos, ngunit pagdurusahan din natin ang kaparusahan ng Diyos. Tanging ito ang tunay na paglaban at pagkakanulo sa Panginoon! Hindi ba?”

      Nang marinig ako ni Li Yang na sabihin ito, mukha siyang hindi mapalagay, at sinubukan ni Wang Jun na pabutihin ang sitwasyon sa pamamagitan ng pagsasabing: “Elder Zhang, binibigyan ka ni Pastor Li ng payong ito dahil sa pagkaramdam ng responsibilidad sa buhay mo, sa takot na tahakin mo ang maling landas. Nanampalataya na kayo sa Panginoon nang maraming tao at magkasama kayong naglingkod sa Panginoon. Sa mga nagdaang taon, hindi naging madali ang malampasan ang lahat ng hirap at sarap na ito. Isa kang elder sa ating iglesia at malaki na ang naiambag mo sa gawain ng iglesia. Ginagalang at pinagkakatiwalaan ka ng lahat ng kapatid natin, ngunit labis na nakakadismaya sa kanila ang pag-alis mo sa iglesia at pananalig sa Makapangyarihang Diyos! Elder Zhang, pakiusap bumalik ka na agad!”

       Sumunod ay si Li Yang naman ang nanguna, sinusubukan akong hikayatin, sinasabing: “Tama si Brother Wang. Masigasig kang gumawa sa lahat ng taong ito. Paano mo magagawang basta-basta na lang itapon ang karangalan at katayuang nabuo mo sa iglesia? Nakakapanghinayang naman! Bumalik ka na ngayon. Ang lahat ay naghihintay na bumalik ka! Nagpatayo na ang iglesia natin ng bahay para sa mga nagreretiro, nakagawa na kami ng ugnayan sa mga iglesia sa ibang bansa at binibigyan nila kami ng tulong pinansiyal. Kung babalik ka, bibigyan ka namin agad ng kotse. Kung gusto mong pamahalaan ang bahay para sa mga nagreretiro, o pamahalaan ang iglesia, o ipagpatuloy ang pangangalaga sa pera ng iglesia, ikaw na ang bahala sa lahat ng iyon. Ayos lang kahit anong gusto mong gawin!” Habang mas nakikinig ako sa kanila, mas nararamdaman kong parang may mali. Ang sinasabi nila ay hindi gaya ng mga bagay na sasabihin ng mga mananampalataya sa Panginoon. Pumasok sa isip ko ang panunukso ng diyablong si Satanas sa Panginoong Jesus na iniyahag sa Biblia: “Muling dinala Siya ng diablo sa isang bundok na lubhang mataas, at ipinamalas sa Kaniya ang lahat ng mga kaharian sa sanglibutan, at ang kaluwalhatian nila; At sinabi niya sa Kaniya, Lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa Iyo, kung Ikaw ay magpapatirapa at sasambahin Mo ako” (Mateo 4:8–9). Hindi ba lahat ng bagay na iyon na sinasabi nila ay may mismong kaparehong pakiramdam, kaparehong tono ng sinabi ni Satanas? Hindi ba ito panunukso ni Satanas? Ang layunin nila sa pang-aakit sa akin ng katanyagan, katayuan, at yaman ay upang magawa akong talikuran ang tunay na daan at magkanulo sa Makapangyarihang Diyos. Panlilinlang ito ni Satanas! Naniwala na ako sa Diyos nang mahigit sampung taon at sinalubong sa wakas ang pagbabalik ng Panginoon. Hindi ako maaaring mahulog sa panlilinlang ni Satanas ngayon o kung hindi ay pagsisisihan ko ito nang buong buhay ko. Napagtanto ko noon na inaakay ako ng Diyos, ginagabayan ako, upang makilala ko ang tuso nilang pakana. Habang iniisip ko ito, mariin kong ipinahayag, “Hindi ba’t nanalig ako sa Panginoon sa mga taong ito nang may pag-asang sasalubungin ang Kanyang pagbabalik? Ngayong nagbalik na Siya, ang tanging mapagpipilian ko ay ang piliin ang Diyos. Huwag na ninyong subukang himukin ako. Hindi na ako muling babalik sa relihiyon.”

       Sa sandaling ito, umiiyak na sinabi sa akin ng anak kong babae, “Pa. Pakiusap makinig ka sa amin! Pumanaw na kamakailan si Mama at sapat na ang pagdurusa namin. Kung magpapatuloy kang maniwala sa Kidlat ng Silanganan, paano namin haharapin ang mga kapatid mula sa iglesia sa hinaharap? Iiwan kami ng mga kapatid!” Nang makita ko ang mga anak ko na puno ng luha, nakaramdam ako ng matinding sakit at pagdurusa sa puso ko. Naisip ko kung gaano sila nalungkot dahil kamamatay lang ng kanilang ina, at kung paano sila pagtatawanan at iiwanan dahil sa pananampalataya ko sa Makapangyarihang Diyos. Hindi talaga kakayanin ng puso ko na hayaan silang dumanas ng anumang dagdag na pagdurusa. Nakaramdam ako ng matinding paglalaban sa puso ko: Kapag sumang-ayon ako sa mga kondisyon na inilatag nina Li Yang at Wang Jun upang bumalik sa relihiyon, magagawa ng pamilya kong mamuhay nang matiwasay; kapag hindi ko sinunod ang huling pagkakatawang-tao ng Diyos na dumating sa gitna ng mga tao upang iligtas ang sangkatauhan, iyon ay magiging isang pagkakanulo sa Diyos, at maiwawala ko ang pagkakataon kong maligtas. Nasa mahirap akong kalagayan pagdating sa pagpili. Sa gitna ng sakit na ito, ang tangi kong nagawa ay ang tahimik na tumawag sa Diyos: “O Diyos, nasa pagitan ako ng dalawang nag-uumpugang bato at mahina ang puso ko. Nawa’y bigyan Mo ako ng pananampalataya at lakas upang makawala ako sa kanilang panggagambala at maging matatag sa pananampalataya kong sumunod sa Iyo.” Pagkatapos manalangin, naisip ko ang ilan sa mga salita ng Diyos na nabasa ko ilang araw na ang nakakalipas: “Dapat na gising kayo at naghihintay sa bawat sandali, at dapat mas manalangin sa harapan Ko. Dapat matanto ang iba’t ibang balak at mga tusong pakana ni Satanas, kilalanin ang espiritu, kilalanin ang mga tao at makayang mahiwatigan ang lahat ng uri ng tao, mga usapin at mga bagay…. Inilalahad sa harap ninyo ang iba’t ibang nakapangingilabot na kaanyuan ni Satanas; tumitigil ba kayo at bumabalik sa dati, o naninindigan kayo at lumalakad pasulong, na umaasa sa Akin? Lubusang ilantad ang tiwali at mga pangit na kaanyuan ni Satanas, at huwag mag-atubiling makasakit at huwag magpakita ng awa! Labanan si Satanas hanggang kamatayan!” (“Kabanata 17” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Binigyan ako ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ng lakas at nagsilbing paalala na dapat akong matutong kumilatis. Puno ng pandaraya at panlilinlang ni Satanas ang nakatagpo ko noong araw na iyon. Gumamit sila ng katayuan, pera, at mga sarili kong damdamin upang tuksuhin at atakihin ako, na nagsanhi ng pagkagambala sa puso ko sa paglalayong magawa akong magkanulo sa Diyos. Lubos na hindi ako maaaring mahulog sa patibong ni Satanas o mabiktima ng mga panlilinlang nito! Kaya, sinabi ko sa mga anak ko, “Xiaoyan, Dayong, nasiyasat ko na ito at mayroon akong kaliwanagan. Ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, at ang mga salita at gawain Niya ang katotohanan at ang tunay na daan. Nanabik tayo nang napakaraming taon sa pagbabalik ng Panginoon, at ngayon nahanap na natin ang mga yapak ng Diyos at ang tunay na daan. Mas mahalaga ito kaysa anuman. Hindi natin maaaring isuko ang tunay na daan dahil lang natatakot tayong iwanan ng iba. Kung iiwan nila tayo, kung ayaw na nila sa atin, walang nakakatakot tungkol doon. Palaging kaya ng mga tao na patuloy na mamuhay matapos silang talikuran ng iba, ngunit kung nananalig tayo sa Diyos, at hindi natin hinahanap o sinisiyasat ang tunay na daan, kung maiwawala natin ang pagkakataon nating madala ng Panginoon at palalayasin at aalisin ng gawain ng Diyos sa mga huling araw, mawawasak tayo. Tiyak na daranas tayo ng sakuna at parurusahan! Anong magiging kahulugan ng mga buhay natin kung magkagayon? Xiaoyan, Dayong, hindi ninyo nauunawaan. Kung masisiyasat ninyo ang gawain ng Makapangyarihang Diyos nang masigasig, makikilala ninyong ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus.” Nang makita nina Li Yang at Wang Jun kung gaano ako katatag sa aking mga pinaniniwalaan, ang tangi nilang nagawa ay ang umalis nang may walang-magawang pagkabigo.
_____________________________________________________________

Bakit mahalaga ang panalangin? Sapagkat ang pananalangin ay isang daan para sa mga Kristiyano na makipag-usap sa Diyos. Sa pamamagitan ng pananalangin, maaari nating makamit ang pananalig at lakas ,ula sa Diyos at sumunod sa Diyos hanggang sa huli.
_____________________________________________________________

     Pagkaraan ng ilang araw, pumunta uli sina Li Yang at Wang Jun sa bahay ko. Sa pagkakataong ito, hindi nila ako hinimok na bumalik sa iglesia, ngunit sa halip ay ginamit ang pag-aasawa upang tuksuhin ako. Sabi ni Li Yang, “Brother Zhang! Pumanaw na ang asawa mo, nag-asawa na ang anak mong babae, at wala sa bahay ang anak mong lalaki. Nag-iisa ka lang. Dapat ka talagang magkaroon ng isang tao rito na ipagluluto ka. Wala ring kapareha ngayon si Sister Wang mula sa iglesia natin, at medyo maykaya siya. Puwede kayong tulungang dalawa ng iglesia natin na maging magkapareha, at sa gayon mapaglilingkuran ninyo ang Panginoon nang magkasama. Ano sa tingin mo? Dapat mong pag-isipan pa ito. Ipinagdarasal ka ng mga kapatid natin sa iglesia, umaasang babalik ka na agad. Hindi mo dapat tahakin ang daang iyan papunta sa kadiliman!” Tinawagan ako noong gabing iyon ni Sister Wang, at sa tawag niya ay patuloy akong hinimok na bumalik sa iglesia. Sinabi rin niyang kung kulang ako sa pera para sa kasal ng anak kong lalaki, 100,000 o 200,000 yuan, kailangan ko lang magsabi….Nang narinig ko siyang sabihin ito, at naisip kung paanong si Sister Wang ay laging naging mabuti sa pamilya ko at madalas na nagbantay sa anak kong babae, nakadama ako ng malalim na utang na loob sa kanya. Nagdalawang-isip ako dahil alam kong pinapayuhan ako ni Sister Wang dala ng kabaitan ng kanyang puso at ayaw ko talagang magsabi ng anumang makakasakit sa kanya, kaya nang may mabigat na kalooban, sinabi kong, “Sister Wang, alam kong noon ka pa nagmamalasakit sa pamilya ko, at nagpapasalamat ako sa iyo dahil dito.” Pagkatapos naming tapusin ang aming tawag, nakaramdam ako ng labanan sa puso ko. Noon ko pa ginagalang si Sister Wang, ngunit nasaktan ko ngayon ang damdamin niya at masama ang pakiramdam ko dahil dito! Subali’t, ang pag-iingat ng Diyos ang nagligtas sa akin upang hindi mahimok ng mga salita niya at magkanulo sa Makapangyarihang Diyos.

       Isang araw, nagtratrabaho ako sa mga bukirin nang mahanap ako ni Pastor Li at sabihing: “Brother Zhang, kahit na hindi mo iniisip ang sarili mo, dapat mong isipin ang mga anak mo. Magpapakasal na si Dayong, at nananalig sa Diyos ang buong pamilya ng mapapangasawa niya. Kapag nalaman nilang nananalig ka sa Makapangyarihang Diyos, papayagan pa rin ba nila siya na maikasal sa pamilya ninyo? Hindi ba iyon makakasira sa mga plano sa pag-aasawa ni Dayong? Dapat mong pag-isipan pa ito.” Nang marinig ko ang sasabihin ni Pastor Li, naisip ko sa sarili ko: “Upang magawa akong bumalik sa iglesia, ginagamit nila pati ang pag-aasawa ng anak ko para takutin ako. Anong kinalaman ng pagtanggap ko sa gawain ng Diyos sa mga huling araw sa pag-aasawa ng anak ko? Bukod pa roon, lubos na nagmamahalan ang anak ko at ang mapapangasawa niya, bakit sila hindi magpapakasal dahil lang nananalig ako sa Makapangyarihang Diyos?” Kaya, napakamahinahon kong sinabi sa kanya: “Kung mag-aasawa man o hindi ang anak ko ay lahat nasa mga kamay ng Diyos, at wala iyong kinalaman sa pananalig ko sa Makapangyarihang Diyos. Dahil nalaman ko nang ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, susunod ako sa Kanya hanggang sa huli. Maaaring hindi pa ito malinaw sa mga anak ko at mayroon kaming mga di-pagkakaunawaan, ngunit mauunawaan din nila ako balang araw.”

      Isang araw, pumunta ako sa electric welding shop ng anak kong lalaki at nakitang buong araw siyang nakahiga sa kama niya at hindi nagtratrabaho, kaya nagtaka ako at tinanong siya kung anong nangyayari. Mukha siyang malungkot at mahina niyang sinabi, “Pa, tumawag ang mapapangasawa ko at sinabing kung desidido kang maniwala sa Kidlat ng Silanganan, hindi niya ako pakakasalan.” Talagang nagulat at nagalit ako nang marinig ko ito, at naisip ko: “Ayaw nina Li Yang at ng iba pa na manalig ako sa Makapangyarihang Diyos at sapat nang ako lang ang atakihin nila. Paano nila nagamit ang isang bagay na kasinghalaga ng pag-aasawa ng anak ko upang takutin ako?” Ang sama ng pakiramdam ko sa pagkakita sa anak ko na napakalungkot. Namuo ang mga luha sa mga mata ko. Nagpatuloy ang anak ko, “Sinasabi niya rin na kung hindi ka babalik sa iglesia, kung gusto ko pa ring magpakasal, kailangan kong ipangako sa kanya ang tatlong bagay. Una, kailangan kong putulin ang relasyon natin bilang mag-ama. Pangalawa, hindi kita maaalagaan sa pagtanda mo. Pangatlo, kailangan kong putulin ang lahat ng ugnayang pampamilya sa iyo. Pa, pakiusap bumalik ka na lang sa iglesia alang-alang sa pamilya natin.” Tumusok sa puso ko na parang kutsilyo ang mga salita ng anak ko. Naisip ko sa sarili ko: “Dahil lang nananalig ako sa tunay na daan, pinilit nila ang anak ko na putulin ang ugnayan niya sa akin. Bakit ba napakahirap manalig sa tunay na daan?” Pinigil ko ang mga luha ko at sinabi ko sa anak ko, “Anak, dapat akong manalig sa Makapangyarihang Diyos at pumapayag ako sa mga hinihingi ng mapapangasawa mo. Hindi na kita isasangkot dito magmula ngayon. Mamuhay kayo ng masayang buhay nang magkasama.” Tumalikod ako pagkatapos at naglakad palabas ng shop, ngunit habang naglalakad ako sa daan, hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Pagkauwi ko, lumuhod ako sa sahig at malakas na tumawag: “O Makapangyarihang Diyos! Labis akong nasasaktan! O Diyos, alam kong ito ang tunay na daan at na dumating Ka na, at hindi puwedeng hindi ako sumunod sa Iyo. Ngunit magmula nang tanggapin ko ang gawain Mo sa mga huling araw, ginulo na ako ng mga tao, at ngayon nais pa ng anak ko na putulin ang ugnayan namin bilang mag-ama. O Diyos! Napakababa ng tayog ko, at sadyang hindi ko kayang malampasan ito nang mag-isa. Hinihiling kong gabayan Mo ako at bigyan ako ng pananampalataya, upang maging matatag ako….” Pagkatapos kong manalangin, binuksan ko ang aklat ko ng mga himno at binasa ang himnong ito ng mga salita ng Diyos: “Kapag hinaharap mo ang mga pagdurusa, dapat mong makaya na hindi isaalang-alang ang laman at huwag magreklamo laban sa Diyos. Kapag itinatago ng Diyos ang Sarili Niya mula sa iyo, dapat magkaroon ng pananampalataya na sumunod sa Kanya, mapanatili ang iyong dating pag-ibig nang hindi hinahayaang maging marupok o maglaho ito. Maging anuman ang ginagawa ng Diyos, dapat magpasakop ka sa Kanyang plano, at higit na nakahandang sumpain ang iyong sariling laman sa halip na magreklamo laban sa Kanya. Kapag ikaw ay nakaharap sa mga pagsubok dapat mong mapalugod ang Diyos sa kabila ng anumang pagbabantulot na mawalay sa isang bagay na iyong iniibig, o mapait na pagtangis. Ito lamang ang matatawag na tunay na pag-ibig at pananampalataya” (“Paano Magawang Perpekto” sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Habang binabasa ko ang mga salita ng Diyos, naramdaman kong pinapaginhawa ako ng Diyos at pinapalakas ang loob ko, binibigyan ako ng pananampalataya at tinutulutan akong maunawaan ang kalooban Niya: umaasa ang Diyos na aasa ako sa Kanya, patuloy na mananampalataya sa Kanya at hindi Siya ipagkakanulo anumang masamang kapaligiran o pagsubok ang dumating sa akin. Inisip ko ang mga kasamahan mula sa dati kong iglesia na paulit-ulit na pumunta upang lalo’t lalo akong guluhin at pilitin, ngunit tuwing nasa kailaliman ako ng pagdurusa, hangga’t nananalangin ako sa Diyos at tapat na umaasa sa Diyos, lagi akong nililiwanagan at ginagabayan ng mga salita ng Diyos, binibigyan ako ng lakas at ipinapakita sa akin ang landas na isasagawa. Hindi ako nag-iisa kung gayon, dahil laging nasa tabi ko ang Diyos. Sa sandaling iyon, bumalik ang lakas sa puso ko, at naging handa akong tiisin ang sakit at lumayo sa mga bagay na pinakamahalaga sa akin upang pasiyahin ang Diyos—lubos na hindi ko ipagkakanulo ang Diyos at tatalikod.

      Nang sumunod na araw, pumunta sa bahay ko sina Sister Gao at Sister Zhao mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at sinabi ko sa kanila kung anong nangyari noong mga nakaraang araw. “Kapatid, anong nararamdaman mo tungkol sa mga bagay na ito na nangyari?” tanong ni Sister Gao. Saglit akong nag-isip, at sinabing, “Noong una, akala ko iniisip nina Pastor Li at ng iba pa ang kapakanan ko, bagama’t hindi pa nila nasisiyasat ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at hindi nila nauunawaan. Ngunit hindi ko kailanman naisip na gagamitin nila ang isang bagay na kasinghalaga ng pag-aasawa ng anak kong lalaki upang takutin ako. Napakahirap talaga para sa akin na maintindihan iyon.” Pagkatapos ay sinabi ni Sister Zhao, “Kapatid, magbasa kaya tayo ng isang sipi ng mga salita ng Diyos? Sinabi ng Makapangyarihang Diyos, ‘Sa bawat hakbang ng paggawa ng Diyos sa gitna ng mga tao, sa panlabas, mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na parang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panghihimasok ng tao. Nguni’t sa likod ng mga eksena, bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at nangangailangan sa tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubukan, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, nakikipagpustahan si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay ang mga gawain ng tao, at panghihimasok ng mga tao. Sa likod ng bawat hakbang na ginagawa ng Diyos sa inyo ay pakikipagpustahan ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan. … Kailangan ang pagbabayad ng mga tao ng isang tiyak na halaga sa kanilang mga pagsisikap sa lahat ng kanilang ginagawa. Kung walang aktwal na paghihirap, hindi nila maaaring mapasaya ang Diyos, hindi man lamang sila kalapitan sa pagpapasaya sa Diyos, at sila ay nagbubuga lang ng mga walang-lamang kasabihan!’ (“Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ibinubunyag ng mga salita ng Diyos ang totoong kalikasan ng labanang nagaganap sa espirituwal na daigdig. Kapag nakakatagpo natin ang ganitong mga bagay, sa panlabas ay tila ba ginugulo tayo ng mga pinuno ng relihiyon, ngunit sa realidad, isang labanan ang nagaganap sa espirituwal na daigdig, at nakikipagpaligsahan si Satanas sa Diyos para sa tao. Sa katunayan, maraming pinuno ng mga denominasyon ng relihiyon ang tinatanggap sa puso nila na ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, ngunit dahil napakalayo sa mga sarili nilang pagkaintindi at haka-haka ang gawain ng paghatol sa pamamagitan ng mga salita na ginagawa ng Diyos sa mga huling araw, at sinisira nito ang pangarap nilang basta lang pagpalain at dalhin sa langit, sutil nilang tinututulan at tinatanggihang tanggapin ang bagong gawain ng Diyos. Bukod pa roon, natatakot sila na kung mas maraming tao ang tatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ay mawawala sa kanila ang katayuan at mga kabuhayan nila, at kaya ginagawa nila ang lahat ng makakaya nila upang pilitin ang mga tao at pigilan silang bumaling sa Makapangyarihang Diyos, ginagawa silang isuko ang tunay na daan at ipagkanulo ang Diyos. Sa katunayan, sila ang pagsasakatawan ni Satanas sa espirituwal na daigdig at, sa realidad, ang paggambala nila sa pagbaling ng mga tao sa Diyos ay ang pagtatangka ni Satanas na lamunin ang mga tao. Hangga’t kaya nating makilatis ang layunin at pagganyak sa likod ng mga kilos at pag-uugali nila, magagawa nating lubusang maunawaan ang diwa nila. Noong dumaranas si Job ng mga pagsubok, sinabi ng mga pisikal na mata ng mga tao sa kanila na kinukuha ng mga magnanakaw ang pag-aari ni Job, ngunit sa espirituwal na daidig ay nagpupustahan si Satanas at ang Diyos. Sa panahong iyon, bagama’t hindi alam ni Job na nagaganap ang isang labanan sa espirituwal na daigdig, pinili niyang pagdusahan ang lahat ng sakit na iyon at isinumpa pa ang araw na ipinanganak siya sa halip na sisihin ang Diyos. Pinuri pa rin niya ang ngalan ni Jehova at tumayong saksi sa Diyos, sa gayo’y ipinapahiya ang diyablong si Satanas at nakakamit ang papuri ng Diyos. Gayong nilulusob ni Satanas ngayon, kahit napagdusahan na natin ang sakit ng pagpilit at pag-iwan at naiwala na ang mga pansamantalang kasiyahan ng laman, nanatili tayo sa tunay na daan, tumayong saksi sa Diyos at nakamit ang papuri ng Diyos. Ang sakit na napagdusahan natin ay napaka-kapaki-pakinabang!” Pagkarinig sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at sa pagbabahagi ng kapatid na babae, lumiwanag ang puso ko, at sinabi kong, “Oo, mangmang ako dati at hindi ko lubusang naunawaan ang diwa ng mga kasamahan ko sa dati kong iglesia. Akala ko kumikilos sila sa kapakanan ko. Ngayon ko lang nauunawaan na sila ang Satanas sa tunay na buhay. Tanging sa pamamagitan ng pagbabahaging ito ako nagkaroon ng kaunting pagkaunawa sa totoong sitwasyon ng labanan sa espirituwal na daigdig. Bagama’t hindi ko pa rin nauunawaan ang katotohanan at mayroon pang ilang bagay na hindi ko pa lubusang nauunawaan, personal ko nang naranasan ang paggabay at pag-iingat sa akin ng Diyos sa pamamagitan ng prosesong ito, at pagpapala sa akin ng Diyos ang lahat ng ito.” Masayang sinabi ng dalawang kapatid pagkatapos, “Tunay na salamat sa Diyos! Kapag pumunta uli sila upang guluhin ka, manalangin ka lalo, at matatalo mo si Satanas sa pamamagitan ng pag-asa sa Diyos!” Tumango ako sa pag-ayon nang puno ng pananampalataya.

       Isang umaga, dumating uli ang ilang kasamahan mula sa dati kong iglesia, at nagmamadali akong nanalangin sa puso ko na bigyan ako ng Diyos ng pananampalataya, karunungan at lakas ng loob. Agad akong tinakot ni Pastor Li, sinasabing, “Brother Zhang, kung hindi ka aalis sa Kidlat ng Silanganan, iiwan ka ng iglesia natin at hindi ka bibigyan ng permiso na makipag-ugnayan pa sa mga kapatid natin.” Sinabi ko sa kanya, “Puwede ninyo akong iwan kung gusto ninyo, ngunit sana maging responsable kayo sa buhay ng mahigit isang libong kapatid sa iglesia. Maaaring hindi ninyo tinatanggap na nagbalik na ang Panginoon, ngunit huwag ninyong subukang hadlangan ang mga kapatid sa pagsisiyasat at pagtanggap sa tunay na daan. Tingnan ninyo ang kasalukuyang kalagayan ng iglesia—nanghihina at nanlulumo ang mga kapatid. Naghanap na ng trabaho sa ibang lugar ang ilan at ang ilan ay iniwan na ang iglesia at hindi na nananalig sa Panginoon, at marami nang pagkakataong sinaniban ng mga diyablo ang mga tao. Malinaw na naiwala na ng iglesia ang pangangalaga at pag-iingat ng Panginoon. Pagkatapos tingnan ninyo ang kalagayan sa ating mga mangangaral—wala ni isang bahid ng bagong liwanag sa ating mga sermon, lagi tayong nangangaral ng mga nakakabagot na lumang bagay at sadyang hindi na natutustusan ang mga kapatid. Hindi ba karapat-dapat itong pagnilayan at pag-isipan nang masinsinan? Hindi ba karadapat-dapat na hanapin natin ang katotohanan ng bagay na ito?” Pagkasabi nito, pakiramdam ko ay napukaw ang puso ko at taos-puso kong sinabi sa kanila, “Lahat tayo rito ay mga pangunahing kasamahan sa iglesia, at dapat tayong mag-isip nang isang saglit: Pinag-uusapan natin ang pagpapastol ng kawan ng Panginoon buong araw, ngunit nagbalik na ang Panginoon upang gumawa ng bagong gawain at magpahayag ng mga bagong salita, subali’t hindi natin ito hinahanap o sinisiyasat ni bahagya, at hindi natin inaakay ang ating mga kapatid na tanggapin ang pagdidilig at pagpapalusog ng mga salita ng Diyos. Sa halip, pinipigilan natin ang mga kapatid na siyasatin ang tunay na daan sa anumang posibleng paraan—sa paggawa nito, hindi ba nagsasanhi tayong mamatay sa uhaw at kapaguran ang mga kapatid sa pamamagitan ng pagpapanatili sa kanilang nakagapos sa relihiyon? Ang mga tao bang kayang gawin ito ay mabubuting tagapaglingkod o masasamang tagapaglingkod? Naisip na ba ninyo kailanman kung anong mga kahihinatnan ng mga pagkilos na ito?” Sa sandaling iyon, naiinis na sinabi ni Pastor Li, “Nagpunta kami sa bahay mo upang sabihin ito sa iyo ngayon dahil nagmamalasakit kami sa iyo, ngunit sa halip ay pinapangaralan mo kami!” Sinabi ko nang may lakas ng katarungan, “Ilang beses na kayong pumunta upang guluhin ako, gayong lubos ninyong alam na ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagtataglay ng katotohanan, ngunit ayaw ninyo akong hayaang tanggapin ito at ayaw ninyong hayaan akong magkamit ng buhay. Ito ba ang ideya ninyo ng ‘pagmamalasakit’? Nagkalat na kayo ng mga sabi-sabi tungkol sa akin, nagtanim ng alitan sa pagitan ko at ng mga anak ko, at nagsanhi na putulin ng anak kong lalaki ang ugnayan namin bilang mag-ama. Ito ba ang pagmamahal na sinasabi ninyo? Talaga bang nagmamalasakit kayo sa akin sa paggawa ng lahat ng pakanang ito o may iba pa kayong hangarin?” Nang marinig akong magsalita nang ganito, agad na nag-iba ang pahayag ni Li Yang, at galit niya akong sinigawan, “Hindi mo alam kung anong makakabuti sa iyo!” Sinigawan ko rin siya, “Maghiwalay na tayo mula ngayon. Ang Diyos ang responsable sa buhay ko, at hindi na ninyo kailangang abalahin ang mga sarili ninyo tungkol dito!” Umalis na mukhang malungkot sina Li Yang at ang iba pa nang marinig akong sabihin ito. Magmula noong araw na iyon, wala nang pumunta upang guluhin uli ako.

      Sa pagdanas ko ng espirituwal na labanan na ito, nagkaroon ako ng kaunting pagkilatis sa panlilinlang ni Satanas at nagkaroon din ako ng malalim na pagkaunawa sa diwang lumalaban sa Diyos ng mga pinuno ng mundo ng relihiyon. Hindi na ako kailanman muli pang napigilan ng masasamang puwersa ng relihiyon, at sa wakas ay napakawalan na at malaya nang sumunod sa Makapangyarihang Diyos!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...