Gusto Kong Maging Mayaman
“Punong-guro, pakiusap bigyan ng isang pagkakataon ang aking anak at hayaan siyang makapagsulit!” Nakikiusap ang mga mata ng nanay ko sa punong-guro habang nagsasalita siya sa isang bahagyang nanginginig na tinig.
Hindi natitinag, sinabi ng punong-guro, “Hindi, ang paaralan ay may mga patakaran. Makapagsusulit lang ang bata kapag nabayaran na ang singil sa pagsusulit!”
Mukhang napahiya ang nanay ko at nakiusap sa punong-guro, na sinasabi, “Punong-guro, alam ko na napakahirap nito para sa iyo at gayundin sa paaralan, ngunit napakarami kong anak at kami ay nakakaraos din lang. Hindi talaga namin makakaya ang bayad sa pagsusulit. Halimbawa ay susulat ako sa paaralan ng IOU, hahayaan ninyong makapagsulit ang aking anak, at iisip ako ng paraan upang mabayaran kayo sa lalong madaling panahon….”
Tumingin ang punong-guro sa nanay ko at saglit na nag-isip. Tila wala siyang ibang mapagpipilian, sinabi niya, “OK, sige!”
…………
Hindi ko kailanman malilimutan ang sandaling lumipat ako sa senior middle school nang, dahil sa hindi makaya ng aking pamilya ang bayad sa pagsusulit, pinakiusapan ng nanay ko ang punong-guro ng paaralan para hayaan akong makapagsulit at kinailangan niyang sumulat ng IOU. Nakadama ako ng sobrang galit sa panahong iyon. Sa lipunang ito kung saan ang pera ay nakapangingibabaw, kung wala kang pera hindi ka kung gayon makagagawa ng anuman, at tahimik akong gumawa ng isang pagpapasya: Paglaki ko, magtatrabaho ako nang husto upang kumita ng pera, magiging mayaman at babaguhin ang aking sariling kapalaran!
Isang Buhay ng Pagsasakripisyo sa Kalusugan para sa Pera
Pagkatapos ko sa senior middle school, upang matupad ang aking mga pangarap sa lalong madaling panahon na aking makakaya, pumasok ako sa isang vocational school at nag-aral ng pagmemekaniko, nagtrabaho ako nang husto upang mapag-aralan ang kaalamang espesyalista. Kapag lumalabas ang aking mga kaklase upang gugulin ang kanilang bakanteng oras sa maghapon, naroroon pa rin ako na pinag-aaralan ang mga kasanayang pangmakina; kapag natutulog na ang lahat, nananatili akong gising at nag-aaral nang husto.