Kidlat ng Silanganan

菜單

Hun 13, 2019

Ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath

1. (Mateo 12:1) Nang panahong yaon ay naglalakad si Jesus nang araw ng sabbath sa mga bukiran ng trigo; at nangagutom ang kaniyang mga alagad at nangagpasimulang magsikitil ng mga uhay at magsikain.

2. (Mateo 12:6-8) Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na dito ay may isang lalong dakila kay sa templo. Datapuwa’t kung nalalaman ninyo kung ano ang kahulugan nito, Habag ang ibig ko, at hindi hain, ay hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang kasalanan. Sapagka’t ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath.


    Tingnan muna natin ang talatang ito: “Nang panahong yaon ay naglalakad si Jesus nang araw ng sabbath sa mga bukiran ng trigo; at nangagutom ang kaniyang mga alagad at nangagpasimulang magsikitil ng mga uhay at magsikain.”

Bakit natin napili ang talatang ito? Anong kaugnayan mayroon ito sa disposisyon ng Diyos? Sa tekstong ito, ang unang bagay na nalalaman natin ay araw iyon ng Sabbath, ngunit lumabas ang ating Panginoong Jesus at pinangunahan ang Kanyang mga disipulo sa taniman ng mais. Ang higit pang “nakagigitla” ay “nangagpasimulang magsikitil ng mga uhay at magsikain.” Sa Kapanahunan ng Kautusan, ang mga kautusan ng Diyos na si Jehova na ang mga tao ay huwag basta-bastang lumabas o sumali sa anumang mga aktibidad sa araw ng Sabbath—maraming mga bagay ang hindi maaaring gawin sa panahon ng Sabbath. Ang pagkilos na ito sa bahagi ng Panginoong Jesus ay nakalilito para doon sa mga nabuhay sa ilalim ng kautusan sa mahabang panahon, at ito ay pumukaw pa ng mga pagbatikos. Tungkol sa kanilang kalituhan at kung paano sila nagsalita tungkol sa ginawa ni Jesus, isasantabi muna natin iyon sa ngayon at tatalakayin muna kung bakit pinili ng ating Panginoong Jesus na gawin ito sa panahon ng Sabbath, sa lahat ng mga araw, at ano ang gusto Niyang ipakiusap sa mga tao na nabubuhay sa ilalim ng kautusan sa pagkilos na ito. Ito ang kaugnayan sa pagitan ng talatang ito at ng disposisyon ng Diyos na gusto Kong talakayin.

Nang dumating ang ating Panginoong Jesus, ginamit Niya ang Kanyang mga praktikal na mga pagkilos upang makipagniig sa mga tao: Iniwanan ng Diyos ang Kapanahunan ng Kautusan at sinimulan ang bagong gawain, at ang bagong gawain na ito ay hindi kinailangan ang pag-aalaala ng Sabbath; nang lumabas ang Diyos mula sa pagkakapiit sa araw ng Sabbath, ito ay patikim pa lamang ng Kanyang bagong gawain, at ang Kanyang tunay na dakilang gawain ay patuloy na nasasaksihan. Nang pasimulan ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain, iniwanan na Niya ang tanikala ng Kapanahunan ng Kautusan, at nilansag ang mga tuntunin at mga panuntunan mula sa kapanahunang iyon. Para sa Kanya, walang bakas ng anumang may kaugnayan sa kautusan; itinakwil na Niya ito nang tuluyan at hindi na inalala, at hindi na Niya kinailangan sa sangkatauhan na ito ay alalahanin. Kaya nakikita mo dito na ang Panginoong Jesus ay nagpunta sa taniman ng mais sa panahon ng Sabbath; ang Panginoon ay hindi nagpahinga, sa halip ay gumagawa sa labas. Ang Kanyang pagkilos na ito ay nakabigla sa mga pagkaintindi ng mga tao at ipinatalastas Niya sa kanila na hindi na Siya nabubuhay sa ilalim ng kautusan, at na iniwan na Niya ang tanikala ng Sabbath at nagpakita sa harap ng sangkatauhan at sa kanilang kalagitnaan sa isang bagong anyo, at sa isang bagong paraan ng paggawa. Ang Kanyang pagkilos na ito ang nagsabi sa mga tao na dala Niya ang isang bagong gawain na nagsimula sa paglabas sa kautusan at paglabas ng Sabbath. Nang ipatupad ng Diyos ang Kanyang bagong gawain, hindi na Siya nananangan sa nakaraan, at hindi na Niya iniintindi ang mga tuntunin ng Kapanahunan ng Kautusan. Ni hindi Siya naapektuhan sa Kanyang gawain sa nakaraang kapanahunan, ngunit Siya ay gumawa gaya nang dati sa panahon ng Sabbath at nang ang Kanyang mga disipulo ay nagutom, maaari silang pumitas ng mais para kainin. Ang lahat ng ito ay totoong karaniwan sa mga mata ng Diyos. Ang Diyos ay maaaring magkaroon ng bagong pasimula para sa karamihan ng gawain na gusto Niyang gawin at ang mga bagay na gusto Niyang sabihin. Sa oras na magkaroon Siya ng bagong simula, ni hindi Niya binabanggit ang Kanyang nakaraang gawain o ipinagpapatuloy ito. Sapagkat ang Diyos ay may mga alituntunin sa Kanyang gawain. Kapag gusto Niyang magsimula ng bagong gawain, ito ay kapag gusto Niyang dalhin ang sangkatauhan sa isang panibagong yugto ng Kanyang gawain, at kapag ang Kanyang gawain ay nakapasok na sa isang mas mataas na bahagi. Kung ang mga tao ay patuloy na kikilos alinsunod sa mga lumang kasabihan o mga tuntunin o patuloy na manghawak nang mahigpit sa mga ito, hindi Niya aalalahanin o pupurihin ito. Ito ay sapagkat nagdala na Siya ng bagong gawain, at pumasok na sa bagong yugto ng Kanyang gawain. Kapag nagpapasimula Siya ng bagong gawain, nagpapakita Siya sa sangkatauhan sa isang lubos na bagong anyo, mula sa isang ganap na bagong anggulo, at sa isang ganap na bagong paraan nang upang makita ng mga tao ang ibat-ibang mga aspeto ng Kanyang Disposisyon at kung anong mayroon at kung ano Siya. Ito ang isa sa Kanyang mga layunin sa Kanyang bagong gawain. Ang Diyos ay hindi nananangan sa luma o tumatahak sa hindi kilalang daan; kapag Siya ay gumagawa at nagsasalita hindi ito gaanong nagbabawal gaya ng iniisip ng mga tao. Sa Diyos, ang lahat ay may kasarinlan at kalayaan, at walang pagbabawal, walang paghihigpit—ang dinadala Niya sa sangkatauhan ay pawang kalayaan at kasarinlan. Siya ay isang buhay na Diyos, isang Diyos na dalisay na, totoong umiiral. Hindi Siya isang laruan o isang nililok na luwad, at Siya ay lubos na naiiba mula sa mga idolo na dinadambana at sinasamba ng mga tao. Siya ay buhay at masigla at ang dala ng Kanyang mga salita at gawain sa tao ay pawang buhay at kaliwanagan, pawang kalayaan at kasarinlan, sapagkat hawak Niya ang katotohanan, ang buhay, at ang daan—hindi Siya nakatali sa anuman sa kahit alinman sa Kanyang gawain. Maging anuman ang sabihin ng mga tao at kahit paano nila tingnan o suriin ang Kanyang bagong gawain, ipatutupad Niya ang Kanyang gawain nang walang pag-aatubili. Hindi Siya mag-aalala tungkol sa kaninumang mga pagkaintindi o pag-aakusa sa Kanyang gawain at mga salita, o maging ang kanilang matinding pagtutol o paghadlang sa Kanyang bagong gawain. Walang sinuman sa lahat ng nilalang ang maaaring gumamit sa katuwiran ng tao, o sa imahinasyon ng tao, kaalaman, o moralidad upang sukatin o ipakahulugan ang ginagawa ng Diyos, upang siraan, o sirain o isabotahe ang Kanyang gawain. Walang pagbabawal sa Kanyang gawain, at hindi ito masisira ng sinumang tao, bagay, o kaganapan, at hindi ito maaaring guluhin ng anumang mga puwersa ng kaaway. Sa Kanyang bagong gawain, Siya ay palaging nagwawaging Hari, at ang anumang mga puwersa ng kaaway at ang lahat ng mga erehiya at mga panlilinlang mula sa sangkatauhan ay bumagsak lahat sa ilalim ng Kanyang tuntungan. Kahit na alinman sa Kanyang gawain ang Kanyang tinutupad, ito ay dapat na malinang at palawakin sa kalagitnaan ng sangkatauhan, at ito ay dapat na ipatupad nang walang kahadlangan sa buong daigdig hanggang sa ang Kanyang dakilang gawain ay mabuo. Ito ang pagiging makapangyarihan ng Diyos at karunungan, ang Kanyang awtoridad at kapangyarihan. Kaya, ang Panginoong Jesus ay malayang makalalabas at makagagawa sa panahon ng Sabbath sapagkat sa Kanyang puso ay walang mga patakaran, walang kaalaman o doktrina na nagmula sa sangkatauhan. Ang mayroon Siya ay ang bagong gawain ng Diyos at ang Kanyang daan, at ang Kanyang gawain ay ang paraan para mapalaya ang sangkatauhan, upang mapakawalan sila, upang tulutan silang umiral sa kaliwanagan, at upang tulutan silang mabuhay. At silang mga sumasamba sa mga idolo o huwad na mga diyos ay nabubuhay araw-araw na sinasakop ni Satanas, pinipigilan ng lahat ng uri ng mga patakaran at mga pagbabawal—sa araw na ito ay isang bagay ang ipinagbabawal, bukas ay iba naman—walang kalayaan sa kanilang mga buhay. Sila ay parang mga bilanggo na naka-tanikala nang walang kagalakan na masasabi. Ano ang inilalarawan ng “pagbabawal”? Isinasagisag nito ang mga paghihigpit, mga pagbabawal, at kasamaan. Sa sandaling ang isang tao ay sumamba sa isang idolo, sila ay sumasamba sa isang huwad na diyos, sumasamba sa masamang espiritu. Dala-dala ng pagbabawal ang gayon. Hindi ka maaaring kumain nito o ng ganoon, sa araw na ito hindi kayo makalalabas, bukas hindi mo maaaring paganahin ang iyong kalan, sa susunod na araw hindi ka maaaring lumipat sa isang bagong bahay, dapat na pumili ng mga tiyak na araw para sa mga kasal at mga libing, at maging sa pagluwal sa isang sanggol. Ano ang tawag dito? Ito ay tinatawag na pagbabawal; ito ay pagkaalipin sa sangkatauhan, at ito ang tanikala ni Satanas at mga masasamang espiritu ang namamahala sa kanila, at pinipigilan ang kanilang mga puso at mga katawan. Ang mga pagbabawal bang ito ay umiiral sa Diyos? Kapag pinag-uusapan ang kabanalan ng Diyos, dapat mo munang isipin ito: Sa Diyos walang mga pagbabawal. Ang Diyos ay may mga tuntunin sa Kanyang mga salita at gawain, ngunit walang mga paghihigpit, sapagkat ang Diyos Mismo ay ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.

Tingnan natin ngayon ang mga sumusunod na talata: “Datapuwa’t sinasabi ko sa inyo, na dito ay may isang lalong dakila kay sa templo. Datapuwa’t kung nalalaman ninyo kung ano ang kahulugan nito, Habag ang ibig ko, at hindi hain, ay hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang kasalanan. Sapagka’t ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath” (Mateo 12:6-8). Ano ang tinutukoy ng “templo” dito? Upang maging madali, ang “templo” ay tumutukoy sa isang kahanga-hangang, mataas na gusali, at sa Kapanahunan ng Kautusan, ang templo ay lugar para sa mga saserdote upang sambahin ang Diyos. Nang sinabi ng Panginoong Jesus “dito ay may isang lalong dakila kay sa templo,” kanino tumutukoy ang “isa”? Maliwanag, ang “isa” ay ang Panginoong Jesus sa katawang-tao, sapagkat Siya ay mas dakila kaysa sa templo. Ano ang sinasabi ng mga salitang ito sa mga tao? Sinasabi nila sa mga tao na lumabas sila sa templo—Nakalabas na ang Diyos at hindi na gumagawa sa loob nito, kaya dapat hanapin ng mga tao ang mga bakas ng Diyos sa labas ng templo at sundan ang Kanyang mga hakbang sa Kanyang gawain. Ang pinagmulan ng Panginoong Jesus ang nagsasabi na ito ay sa ilalim ng kautusan, itinuturing na ng mga tao ang templo bilang isang bagay na higit na dakila kaysa sa Diyos Mismo. Iyon ay, sumasamba ang mga tao sa templo sa halip na sambahin ang Diyos, kaya binalaan sila ng Panginoong Jesus na huwag sambahin ang mga idolo, sa halip ay sambahin ang Diyos sapagkat Siya ang kataas-taasan. Kaya, sinabi Niya: “Habag ang ibig ko, at hindi hain.” Maliwanag na sa mga mata ng Panginoong Jesus, ang karamihan sa mga tao sa ilalim ng kautusan ay hindi na sumasamba kay Jehova, ngunit basta na lamang nagdadaan sa proseso ng pagsasakripisyo, at tiniyak ng Panginoong Jesus na ang prosesong ito ay pagsamba sa idolo. Itinuturing ng mga sumasambang ito sa idolo ang templo bilang isang bagay na mas dakila, at mas mataas kaysa sa Diyos. Sa kanilang mga puso ay mayroon lamang templo, hindi Diyos, at kung mawala nila ang templo, nawala nila ang kanilang tahanang dako. Kung wala ang templo wala silang masasambahan at hindi na matutupad ang kanilang mga pagsasakripisyo. Ang kanilang tinatawag na tahanang dako ay kung saan nabubuhay sa ilalim ng bandila ng pagsamba sa Diyos na si Jehova, na nagpapahintulot sa kanila na manatili at tuparin ang kanilang sariling mga gawain. Ang kanilang tinatawag na pagsasagawa ng mga sakripisyo ay upang tuparin lamang ang kanilang sariling personal na kahiya-hiyang mga pakikitungo sa ilalim ng balatkayo ng pagsasagawa ng kanilang serbisyo sa templo. Ito ang dahilan kung bakit itinuturing ng mga tao nang panahong iyon ang templo bilang higit na dakila kaysa sa Diyos. Sapagkat ginamit nila ang templo bilang isang taguan, at ang mga sakripisyo bilang isang balatkayo para sa pandaraya sa mga tao at pandaraya sa Diyos, sinabi ng Panginoong Jesus ito upang balaan ang mga tao. ...

Susunod, tingnan natin ang huling pangungusap sa talatang ito ng kasulatan: “Sapagka’t ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath.” Mayroon bang praktikal na bahagi sa pangungusap na ito? Nakikita ba ninyo ang praktikal na bahagi nito? Ang bawat isang bagay na sinasabi ng Diyos ay nanggagaling mula sa Kanyang puso, kaya bakit Niya sinabi ito? Paano ninyo uunawain ito? Maaari ninyong maintindihan ang kahulugan ng pangungusap na ito ngayon, ngunit sa panahong iyon hindi kasingdami ng tao ang nakaintindi sapagkat kalalabas pa lamang ng sangkatauhan sa Kapanahunan ng Kautusan. Para sa kanila, ang paglabas mula sa Sabbath ay isang bagay na napakahirap gawin, bukod sa pagkaunawa kung ano ang isang totoong Sabbath.

Ang pangungusap na “ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath” ay nagsasabi sa mga tao na ang lahat sa Diyos ay hindi kinakailangan, at bagamat maipagkakaloob ng Diyos ang lahat ng iyong mga materyal na pangangailangan, sa sandaling ang iyong mga materyal na pangangailangan ay naging sapat, mapapalitan ba ng kasiyahan mula sa mga bagay na ito ang iyong paghahangad sa katotohanan? Yaon ay malinaw na hindi mangyayari! Ang disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano Siya na ating pinagsamahan ay kapwa ang katotohanan. Ito ay hindi masusukat sa pamamagitan ng mabigat na halaga ng mga materyal na bagay o ang halaga nito ay maaaring masukat sa pamamagitan ng salapi, dahil ito ay hindi isang materyal na bagay, at tinutustusan nito ang mga pangangailangan sa puso ng bawat isang tao. Para sa bawat isang tao, ang halaga nitong mga katotohanang hindi nahahawakan ay dapat na higit kaysa sa halaga ng anumang mga materyal na bagay na sa tingin mo ay mainam, tama? Ang pananalitang ito ay isang bagay na dapat ninyong pag-isipang mabuti. Ang pangunahing punto ng Aking sinabi ay na kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos at ang lahat sa Diyos ay ang pinakamahalagang mga bagay para sa bawat isang tao at ang mga ito ay hindi mapapalitan ng anumang materyal na bagay. Bibigyan kita ng isang halimbawa: Kapag ikaw ay nagugutom, kailangan mo ng pagkain. Masasabing ang pagkaing ito ay masarap o hindi ganoon kasarap, ngunit kapag ikaw ay nabusog, ang hindi magandang pakiramdam na iyon ng pagiging gutom ay hindi na narooon—ito ay mapapawi na. Maaari ka ng umupo doon nang payapa, at ang iyong katawan ay mapapahinga. Ang gutom ng mga tao ay maaaring malunasan ng pagkain, ngunit kung ikaw ay sumusunod sa Diyos at nararamdaman mong wala kang pagkaunawa sa Kanya, paano mong malulunasan ang kahungkagan sa iyong puso? Maaari ba itong malunasan ng pagkain? O kung ikaw ay sumusunod sa Diyos at hindi nauunawaan ang Kanyang kalooban, ano ang magagamit mo upang punan ang gutom na yaon sa iyong puso? Sa proseso ng iyong karanasan ng kaligtasan sa pamamagitan ng Diyos, habang naghahangad ng pagbabago sa iyong disposisyon, kung hindi mo naiintindihan ang Kanyang kalooban o hindi nalalaman kung ano ang katotohanan, kung hindi mo naiintindihan ang disposisyon ng Diyos, hindi ka ba makadarama nang sobrang pagkabalisa? Hindi ka ba makadarama ng isang matinding pagkagutom at pagkauhaw sa iyong puso? Hindi ba hahadlangan ng mga damdaming ito na madama mo ang kapayapaan sa iyong puso? Kaya paano mong pupunan ang guton na yaon sa iyong puso—mayroon bang paraan para lunasan ito? Ang ilang mga tao ay bumabaling sa pamimili, ang ilan ay hinahanap ang mga kaibigan upang magsabi, ang ilang mga tao ay matutulog nang matutulog, ang iba ay nagbabasa ng mas maraming salita ng Diyos, o sila’y lalong magsisipag at gugugol ng mas maraming pagmamalasakit para tuparin ang kanilang mga tungkulin. Malulunasan ba ng mga bagay na ito ang iyong mismong mga suliranin? Ganap ninyong naiintindihang lahat ang mga ganitong uri ng mga pagsasagawa. Kapag nakadarama ka ng kahinaan, kapag nakadarama ka ng isang matinding pagnanais na magkamit ng pagliliwanag mula sa Diyos upang hayaan kang malaman ang realidad ng katotohanan at ang Kanyang kalooban, ano ang pinaka-kailangan mo? Ang kailangan mo ay hindi isang masaganang pagkain, at hindi iilang mga salita. Higit kaysa doon, hindi ang panandaliang kalinga at kasiyahan ng laman—ang iyong kailangan ay para sa Diyos na direkta, sabihin sa iyo nang malinaw kung ano ang dapat mong gawin at kung paano mo gagawin ito, upang sabihin sa iyo nang malinaw kung ano ang katotohanan. Pagkatapos mong maintindihan ito, kahit ito ay kakapiraso, hindi ka ba nakadama ng higit na kasiyahan sa iyong puso kaysa sa nakakain ka ng isang saganang pagkain? Kapag ang puso mo ay nasiyahan, hindi ba ang iyong puso, ang iyong kabuuang pagkatao, ay nagkamit ng tunay na kapayapaan? Sa pamamagitan ng paghahambing na ito at pagsusuri, naiintindihan na ba ninyo ngayon kung bakit gusto Kong ibahagi sa inyo ang pangungusap na ito, “ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath”? Nangangahulugan ito na anumang mula sa Diyos, kung anong mayroon at kung ano Siya, at ang lahat ng Kanya ay higit na dakila kaysa sa anumang ibang bagay, kabilang ang bagay o ang tao na minsa’y pinaniniwalaan mong pinakamahalaga sa iyo. Na ang ibig sabihin, kung ang isang tao ay hindi maaaring magkaroon ng mga salita mula sa bibig ng Diyos o hindi nila naiintindihan ang Kanyang kalooban, hindi sila maaring magkamit ng kapayapaan. Sa inyong hinaharap na mga karanasan, maiintindihan ninyo kung bakit gusto Kong makita ninyo ang talatang ito sa araw na ito—ito ay napakahalaga. Ang lahat ng bagay na ginagawa ng Diyos ay katotohanan at buhay. Ang katotohanan para sa tao ay isang bagay na hindi maaaring wala sila sa kanilang mga buhay, na hindi kailanman maaaring sila’y wala; maaari mong sabihin na ito ang pinakadakilang bagay. Bagamat hindi mo ito nakikita o nahihipo, ang kahalagahan nito sa iyo ay hindi maaaring balewalain; ito ang tanging bagay na makapagbibigay ng kapayapaan sa iyong puso.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...