Kidlat ng Silanganan

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Trinidad. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Trinidad. Ipakita ang lahat ng mga post

Mar 22, 2018

Cristianong Papuring Kanta | Bumababa ang Diyos nang may Paghatol


Salita ng Diyos,Paghatol




I
Sa pagbaba sa bayan ng malaking pulang dragon,
hinaharap ng Diyos ang sansinukob
at ito'y nagsimulang mayanig.
Mayro'n bang lugar na 'di abot ng hatol Niya?
O nabubuhay sa Kanyang hagupit?
Sa'n man Siya magpunta
kinakalat Niya'y mga buto ng sakuna,
sa pamamagitan nito ay ibinibigay Niya
ang kaligtasan at pag-ibig Niya.
Nais ng Diyos na makilala Siya ng mas maraming tao,
makita at igalang ang Diyos na di nila nakita ng napakatagal,
ngunit Siya ngayon ay tunay.


Mar 21, 2018

Ang Pangangailangan na Gawin ng Diyos ang Kanyang Gawain sa Pamamagitan ng Pagkakatawang-tao (6)


  Bakit sinasabi na mas kapaki-pakinabang na magkatawang-tao ang Diyos sa pagliligtas sa tiwaling sangkatauhan? Sa ano maaaring makita ang pangangailangan at malaking kahalagahan ng pagkakatawang-tao ng Diyos? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang laman ng tao ay ginawang tiwali ni Satanas, at lubusang binulag, at matinding napinsala. Ang pinaka-pangunahing dahilan kung bakit gumagawa ang Diyos ng personal sa katawang-tao ay dahil ang layon ng Kanyang pagliligtas ay ang tao, na sa laman, at dahil si Satanas ay ginagamit din ang laman ng tao upang abalahin ang gawain ng Diyos. Ang paglaban kay Satanas sa katunayan ay gawaing panlulupig sa tao, at kasabay nito, ang tao din ang layon ng kaligtasan ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay napakahalaga. Ginawang tiwali ni Satanas ang laman ng tao, at ang tao ay naging sagisag ni Satanas, at naging layon upang talunin ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang gawain ng pakikipaglaban kay Satanas at pagliligtas sa buong sangkatauhan ay nangyayari sa lupa, at ang Diyos ay dapat maging tao upang gawin ang paglaban kay Satanas. Ito ang gawaing pinakapraktikal" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Mar 19, 2018

Ang Sandali ng Pagbabago (2) | Ang Tanging Landas para Maiangat sa Kaharian ng Langit


Ang Sandali ng Pagbabago (2) | Ang Tanging Landas para Maiangat sa Kaharian ng Langit


   Naniniwala ang ilang tao, dahil nakayang likhain ng Diyos ang kalangitan at ang lupa at lahat ng bagay sa isang salita, nakayang ibangon ang patay sa isang salita, makakaya ring baguhin kaagad ng Diyos ang ating imahe, gawin tayong banal, iangat tayo sa ere para salubungin ang Panginoon pagbalik Niya sa mga huling araw. Ganyan nga ba talaga para maiangat sa kaharian ng langit? Ang gawain ba ng pagbabalik ng Diyos sa mga huling araw ay kasing-simple ng ating inaakala? Sabi ng Diyos, “Nararapat ninyong maintindihan, hindi ninyo dapat gawing payak ang mga ito. Ang gawain ng Diyos ay hindi katulad ng ibang karaniwang gawain. Ang himala nito ay hindi maiisip ng utak ng tao, at ang karunungan nito ay hindi basta lamang makakamit. Hindi nililikha ng Diyos ang lahat ng bagay, at hindi rin Niya winawasak ang mga ito. Sa halip, binabago Niya ang lahat ng Kanyang mga nilikha at dinadalisay ang lahat ng mga bagay na nadungisan ni Satanas. Kaya, nararapat na simulan ng Diyos ang mga malalaking gawain, at ito ang buong kahalagahan ng gawain ng Diyos. Matapos mabasa ang mga salitang ito, naniniwala ka ba na ang gawain ng Diyos ay payak?” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao) Walang sinumang makakaarok sa gawain ng Diyos at karunungan ng Diyos. Tanging ang Diyos Mismo ang makapaglalantad ng hiwaga ng kung paano madadala sa langit ang mga nananalig sa mga huling araw, kung paano gagawin ng Diyos ang gawain ng paghatol para linisin ang mga tao …. Ang maikling video na ito ay ipapakita sa iyo ang kaalaman tungkol sa tanging landas para maiangat sa kaharian ng langit pagbalik ng Panginoon!

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...