Kidlat ng Silanganan

菜單

Okt 8, 2018

Salita ng Diyos-Ang Ikalawang Aspeto ng Kahalagahan ng Pagkakatawang-tao



Ano ang dahilan para sa pagiging pangkaraniwan at pagiging normal ng Diyos na nagkatawang-tao? Ito ba ay para lamang Siya ay makagawa? Ito ba ay upang patunayan lamang na Siya si Cristo? Anong kahalagahan ang taglay ng Kanyang karaniwang pagiging pangkaraniwan at pagiging normal? Sinasabi ng ilang mga tao na ang Diyos na nagkatawang-tao ay tiyak na dapat isang karaniwan at normal na laman. Nangangahulugan ba lamang ito nang ganito? Kung Siya ay si Cristo, kung gayon Siya ay tiyak na dapat isang karaniwan at normal na laman, kaya hindi ba nito nililimitahan ang Diyos? Kung Siya ay tiyak dapat isang karaniwan at normal na laman, ano ang kahulugan ng “tiyak na”? Sinasabi ng ilang mga tao na ito ay upang ipahayag ang mga salita ng Diyos, nang upang magawa ng tao na kaagad makipag-ugnayan sa Kanya. Ito ba ay para lamang sa dahilang ito? Noong una, ito ang inisip ng lahat ng mga tao. Ngayon pinag-uusapan natin ang tungkol sa diwa ni Cristo. Ang diwa ni Cristo ay lubos na sa Diyos Sarili Niya. Ito ang Kanyang diwa, ngunit ang lahat ng bagay na Kanyang ginagawa ay mayroong kahulugan. Isang natatanging hinirang na laman, isang laman na mayroong isang natatanging kaanyuan, isang natatanging hinirang na sambahayan, isang natatnging hinirang na buhay na kapaligiran—ang mga bagay na ito na ginagawa ng Diyos ay mayroong kahulugang lahat. Itinatanong ng ilang mga tao: “Paano nangyari na hindi ko makita ang dakilang kahalagahan sa likod ng pagsusuot ng Diyos sa pangkaraniwan at normal na laman na ito? Hindi ba ito isa lamang panlabas na anyo? Sa sandaling matapos ng Diyos ang kanyang gawain, hindi ba magiging walang kabuluhan ang panlabas na anyo na ito?” Sa mga iniisip ng mga tao at sa kanilang kamalayan, iniisip nila na ang panlabas na anyo nitong pangkaraniwan at normal na laman na ito ay walang malaking kabuluhan, na wala itong malaking kabuluhan sa gawain ng Diyos sa Kanyang plano sa pamamahala at na ito ay upang makumpleto lamang ang yugto ng gawaing ito. Ang mga tao ay naniniwala na ito lamang ay upang maaari silang makipag-ugnayan nang madali sa Kanya at dinggin ang Kanyang mga salita, nagagawa nilang makita at madama Siya, at wala nang iba pa. Ito ang dati nang naiintindihan ng mga tao na kahalagahan ng pagkakatawang-tao. Sa totoo lang, sa panahon ng gawain ng karaniwan at normal na laman at sa panahon ng pagkakatawang-tao, bukod sa pagsasagawa ng gawain na dapat Niyang gawin sa Sarili Niya, nagsasagawa din Siya ng isa pang gawain. Ang aspeto ng gawain na isinasakatuparan din ng laman na ito ay isang bagay na wala pang sinuman ang nagsaalang-alang. Anong uri ng gawain ito? Bukod sa paggawa ng gawain ng Diyos Sarili Niya, dumating Siya upang maranasan ang pagdurusa ng mundo. Ito ay isang bagay na hindi napagtanto ng mga tao noong una. Noong una, iniisip ng mga tao: “Ang Diyos na nagkatawang-tao ay palaging nagdurusa mula sa karamdaman. Para saan at dinanas Niya ang ganito?” Sinasabi ng ilang mga tao na ito ay ang kababaang-loob at pagka-tago ng Diyos, na iniibig ng Diyos ang tao, na ito ay dinadanas ng Diyos upang iligtas ang tao…. Ipinaliliwanag nila ito sa ganitong nakalilitong paraan. Ngunit kung hindi itinulot ng Diyos na nagkatawang-tao ang Sarili Niya na magdusa, makakamit ba Niya ito? Magagawa Niya, hindi ba ? Sinasabi ng ilang mga tao: “Sa Kapanahunan ng Biyaya ay kailangan lamang nating manalangin sa Diyos upang lunasan ang anumang karamdaman sa sandaling ito ay bumangon, kaya paanong nangyari na ang Diyos na nagkatawang-tao ay palaging dinadapuan ng karamdaman? Paano Siya kung gayon palaging maysakit? Paano kung gayon ang Kanyang sarili ay hindi kailanman gagaling?” Ang bagay ba na ito ay hindi palaging isang palaisipan para sa tao? Bagamat sinasabi ng mga tao na ang Diyos ay nagdusa, na iniibig sila ng Diyos, iniisip pa rin ng ilan na: “sa Kapanahunan ng Biyaya, kailangan lamang nating umasa sa panalangin upang malunasan ang karamdaman. Hindi tayo kailanman uminom ng gamot, hindi kailanman nagkaroon ng anumang gamot sa ating mga tahanan, hindi nababatid kung nasaan ang pagamutan at kailangan lamang nating manalangin upang lunasan maging ang ating kanser. Kaya bakit ang Diyos na nagkatawang-tao ay hindi nagtamo ng maraming biyaya gaya ng sa tao?” Hindi ba ito isang palaisipan? Ito ay isang buhol sa puso ng tao, ngunit hindi ito sineseryoso nang husto ng mga tao at ipinaliliwanag lamang ito nang basta-basta, sinasabi na iniibig ng Diyos ang tao, na ang Diyos ay nagdusa para sa sangkatauhan. Hanggang sa ngayon, hindi pa ito naiintindihan ng mga tao nang tama. Ang maranasan ang pagdurusa ng mundo ay isang pananagutan ng Diyos na nagkatawang-tao. Ngunit ano ang silbi ng pagdanas ng pagdurusa ng mundo? Ito ay isa pang usapin. Ang Diyos ay dumating upang maranasan ang pagdurusa ng mundo at ito ay isang bagay na hindi talaga matatamo ng Banal na Espiritu. Ang Diyos na nagkatawang-tao lamang na isang karaniwan, normal, at lubos na laman at Siya na naging ganap na tao, ang makararanas nang lubusan sa pagdurusa ng mundo. Kung ang Espiritu ang gagawa ng gawaing ito, kung gayon hindi Niya talaga magagawang maranasan ang anumang pagdurusa. Maaari Siyang makakita at maaari Siyang makauunawa, ngunit hindi Niya maaring maranasan ang anuman. Ang pagkakita ba, pagkaunawa at pagdanas ay iisa at magkakapareho? Hindi, hindi sila gayon. Noong una, sinabi ng Diyos: “Nababatid ko ang kahungkagan ng mundo at nababatid ko ang mga paghihirap na umiiral sa buhay ng sangkatauhan. Lumakad Ako sa iba’t-ibang lugar sa mundo at nakita ang matinding kaabahan. Nakita Ko ang mga paghihirap, ang kaabahan at ang kahungkagan ng buhay sa mundo.” Ngunit naranasan man Niya ito o hindi, ito ay lubos na isa pang bagay. Nakakakita ka ng isang sambahayan na nahihirapang makaraos, halimbawa. Nakikita mo ito at mayroon kang ilang pagkaunawa, ngunit naranasan mo na ba mismo ang kanilang kalagayan? Nadama mo ba ang kanilang mga paghihirap, ang kanilang pagdurusa at nagkaroon ng ganitong mga damdamin o nagkaroon ng ganitong karanasan? Hindi. Sapagkat ang pagkakita at pagdanas ay dalawang magkaibang mga bagay. Maaaring masabi na ang gawaing ito, ang bagay na ito, kailangang tiyak na gagawin ng Diyos na nagkatawang-tao. Sa bagay na ito, hindi ito makakamit ng Espiritu sa anumang paraan. Kaya, ito ay isa pang aspeto ng kahalagahan ng pagkakatawang-tao: Siya ay dumating upang maranasan ang pagdurusa ng mundo at upang maranasan ang pagdurusa na tinitiis ng tao. Kaya ano’ng pagdurusa ang ibig Kong sabihin? Mga kahirapan sa buhay ng sangkatauhan, mga kasawian sa sambahayan, mga pandaraya ng tao, pagpapabaya at pag-uusig, gayundin ang ilang mga kapighatian ng karamdaman sa sariling katawan ng sinuman—ito ang mga paghihirap ng mundo. Ang kapighatian ng karamdaman, ang mga pag-atake ng mga taong nakapaligid, mga usapin at mga bagay, kasawian sa sambahayan, pagpapabaya ng mga tao sa isa’t-isa, pamumusong ng mga tao, paninirang puri, paglaban, paghihimagsik, mga pang-iinsulto at mga hindi pagkakaunawaan…. Para sa Diyos na nagkatawang-tao ang lahat ng ito ay isang uri ng paglaban, at ito ay isang uri din ng pag-atake sa mga taong nagbabata sa kanila. Maging ito man ay isang dakilang tao, o isang tao na mayroong mataas na kinalalagyan, o sinuman na mayroong malawak na pag-iisip, ang pagdurusa na ito, ang mga bagay na ito, ay isang uri lahat ng pag-atake kung ang tao ang pag-uusapan. Sumasailalim ang Diyos sa pag-uusig ng mundo, nang walang lugar na mapagpahingaan ang Kanyang ulo, walang lugar na matitirhan, at walang mapagtitiwalaan…. Ang lahat ng ito ay mahapdi. Bukod dito, Nararanasan din Niya ang mga kasawian na sumapit sa sambahayan. Hindi na Niya kailangang abutin ang pinakamatinding pagdurusa, ngunit nararanasan Niya lahat ito. Nagtataka ang ilan noong una: “Sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, hindi ba maaaring alisin ng Diyos ang mga karamdaman? Upang tulutan Siyang magawa nang madali ang Kanyang gawain, at upang huwag tulutan ang mga tao na maghimagsik o lumaban sa Kanya—hindi ba Niya magagawa ang mga bagay na ito? Kung parurusahan Niya ang mga tao, kung gayon hindi sila mangangahas na labanan Siya. O upang huwag tulutan ang anumang karamdaman, kung ang sinuman ay mayroong karamdaman kailangan lamang nilang manalangin para ito ay malunasan, kaya bakit nagdaranas pa rin ang Diyos ng karamdaman?” Ito ay upang maranasan Niya ang pagdurusa ng mundo. Mula sa laman tinanggap Niya ang isang pagkakatawang-tao, hindi Niya inalis ang mga kahirapang ito o ang kapighatian ng mga karamdaman, ni hindi Niya inalis ang pagpapabaya ng mundo. Likas lamang Siyang sumusulong at gumagawa sa mahirap na kapaligirang ito. Sa ganitong paraan maaari Niyang maranasan ang pagdurusa ng mundo. Kung wala sa mga bagay na ito ang umiral, hindi Niya malalasap ang pagdurusang ito. Kung ang mga karamdamang ito ay itinago sa Kanya, o kung maaari Siyang mahawa sa anumang karamdaman na pumipighati sa normal na mga tao …, hindi ba magiging kaunti kung gayon ang Kanyang pagdurusa? Maaari kaya itong makamit, para hindi Siya magdanas ng anumang sakit ng ulo, ni makadama ng pagod pagkatapos gamitin nang sobra ang Kanyang utak, samantalang ang ibang mga tao ay nagdaranas ng mga sakit ng ulo matapos gamitin ang kanilang mga utak nang sobra? Oo, maaari itong makamit; ngunit sa pagkakataong ito ay isasagawa nang kakaiba. Sa yugto ng gawain ni Jesus, maaari Siyang tumagal ng 40 araw at mga gabi nang walang pagkain o tubig at hindi makararamdam ng gutom. Sa panahong ito, ang gutom ay mararamdaman kapag hindi nakakain nang minsan. Sinasabi ng ilang mga tao: “Ang Diyos ba ay hindi makapangyarihan? Nakikita ko na ang Diyos ay hindi makapangyarihan. Ni hindi Niya kayang gawin ang gayong kaliit na bagay kagaya nito. Mula sa Kanyang sinasabi, Siya ay Diyos; kaya paanong hindi Niya makakamit ang mga bagay na ito?” Hindi sa hindi Niya maaaring makamit ang mga ito, ngunit sa halip hindi Niya ginagawa ang mga ito sa gayong paraan. Ang layunin ng Kanyang pagkakatawang-tao ay hindi upang gawin ang mga bagay na iniisip ng mga tao na kayang gawin ng Diyos. Nararanasan Niya ang pagdurusa ng mundo at mayroong kahalagahan sa Kanyang paggawa nito. Sa gayon ay mayroong yaong mga nagtatanong: “Ano’ng kabuluhan mayroon, O Diyos, sa Iyong pagdanas sa pagdurusa ng mundo? Maaari Ka bang magdusa kahalili ng tao? Ang mga tao ba ay hindi nagdurusa pa rin sa ngayon?” Walang ginagawa ang Diyos ang ginagawa nang basta-basta na lamang. Hindi Siya umaalis sa sandaling maranasan Niya ang pagdurusa ng mundo, sa sandaling tumingin Siya at nakita kung napaano na ang mundo. Sa halip dumating Siya upang lubos na matapos ang lahat ng gawain na kailangang gawin ng Kanyang pagkakatawang-tao. Iniisip ng ilang mga tao na maaaring ang Diyos ay masyado nang nasanay sa pagtatamasa ng isang buhay na maalwan at maginhawa, na gusto lamang Niyang magdusa nang bahagya, na Siya ay nabubuhay sa kagalakan at hindi nalalaman kung paano lasapin ang pagdurusa, kaya gusto lamang Niyang malaman ang kung paano lasapin ang pagdurusa…. Ang lahat ng ito ay nasa isip ng mga tao. Ang maranasan ngayon ang pagdurusa ng mundo ay isang bagay na maaari lamang magawa sa panahon ng pagkakatawang-tao. Kung ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay matapos at lubos na matapos, ang susunod na gawain ay nagsimula na sana at ang bagay na pagdanas sa pagdurusa ng mundo ay wala na sana. Kaya para sa anong dahilan talaga ginagawa ang pagdanas sa pagdurusa ng mundo? May sinuman ba ang nakaaalam? Hinulaan na ang tao ay hindi dapat magkaroon ng luha, walang pagtangis, at walang pagdurusa at hindi magkakaroon ng mga karamdaman sa mundo. Nararanasan ngayon ng Diyos na nagkatawang-tao ang pagdurusang ito at kapag Siya ay natapos dadalhin Niya ang sangkatauhan sa magandang hantungan, at ang lahat ng pagdurusa nang nakalipas ay mawawala na. Bakit mawawala na? Sapagkat ang nagkatawang-taong Diyos Sarili Niya ay naranasan na ang lahat ng pagdurusang ito at aalisin na Niya ang lahat ng pagdurusang ito mula sa sangkatauhan. Para sa ganitong layunin na ito ay ginagawa. Naranasan ng Diyos na nagkatawang-tao ang pagdurusa ng mundo nang upang maihanda nang mas mahusay ang hinaharap na hantungan ng sangkatauhan, upang gawin itong higit maganda, higit na perpekto. Ito ang pinakamahalagang aspeto ng pagkakatawang-tao, at isang aspeto ng gawain ng pagkakatawang-tao. Mayroon pa ring isang usapin rito. Sa pagiging laman at sa pagdanas nitong pagdurusa, aalisin ng Diyos pagkatapos ang pagdurusang ito sa tao. Ngunit kung walang mga pagkakatawang-tao at walang pagdanas, maaari bang ang pagdurusang ito ay hindi pa rin aalisin? Maaari ba itong alisin? Oo, ito ay maaaring alisin. Sa pagkakapako sa krus, si Jesus ay naging larawan ng isang makasalanan. Siya ay isang taong matuwid na naging larawan ng makasalanang laman at ginawa ang Sarili Niya na isang handog sa kasalanan, sa gayon ay tinubos ang buong sangkatauhan at iniligtas sila mula sa paghawak ni Satanas. Ito ang layunin at kahalagahan na si Jesus ay ipinako sa krus: ang katubusan ng sangkatauhan, ang pagtubos sa sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang napakahalagang dugo, na ang sangkatauhan mula noon ay hindi na magkakasala. Nararanasan ngayon ng Diyos ang pagdurusa na ito, na ang ibig sabihin ay nararanasan Niyang lahat ito kahalili ng sangkatauhan. Ang pagdanas ng Diyos sa pagdurusang ito ay nangangahulugan na ang sangkatauhan pagkatapos ay hindi na kailanman kailangan na muling danasin pa ito. Hindi mo maaaring kalimutan ang mga salitang ito: Ang bawat yugto ng gawain na ginagawa ay ginagawa sa pakikidigma kay Satanas at ang bawat yugto ng gawain ay may kaugnayan sa paanuman sa digmaang ito kay Satanas. Sa nakaraang yugto ng gawain, maaari sana itong maging katangap-tanggap para sa isang salita na sabihing makapag-aalis sa lahat ng mga kasalanan ng sangkatauhan at tubusin sila, sapagkat ito ay walang anumang mga katotohanan at hindi makapagpakita ng anumang katibayan. Sa isang salita na sinalita ng Diyos ang sangkatauhan ay wala na sanang kasalanan—ito ay maaaring makamit. Ngunit maaaring hindi pa mahihikayat si Satanas. Maaari pa nitong sabihin: “Hindi Ka nagdanas ng anuman ni Ikaw ay nagbayad ng anumang halaga. Sa isang salita mawawala na ang mga kasalanan ng sangkatauhan. Ito ay hindi katanggap-tanggap, dahil ang sangkatauhan ay Iyong nilikha.” Ngayon, lahat ng mga taong iniligtas ay dadalhin sa isang magandang hantungan at dadalhin sa susunod na kapanahunan. Ang sangkatauhan ay hindi na magdurusa, hindi na pahihirapan ng karamdaman. Ngunit anong batayan mayroon na wala ng kapighatian ng karamdaman? Anong batayan mayroon na wala ng pagdurusa sa mundo? Bilang tao, kailangang pagdaanan ng mga tao ang pagdurusang ito. Kaya, ang Diyos na nagkatawang-tao sa panahong ito ay gumawa din ng isang bagay na pinakamahalaga, at yaon ay upang humalili sa sangkatauhan at maranasan ang lahat ng pagdurusa nito—ang karanasang ito ay upang magdusa kahalili ng sangkatauhan. Sinasabi ng ilang mga tao: “Ngayong ang Diyos ay nagdurusa kahalili ng sangkatauhan, bakit kung gayon nagdurusa pa rin tayo?” Hindi mo ba nararanasan ngayon ang gawain ng Diyos? Hindi ka pa lubos na ginawang perpekto, hindi ka pa lubos na pumasok sa mga sumusunod na kapanahunan at ang iyong disposisyon ay tiwali pa rin. Hindi pa nakarating ang gawain ng Diyos sa kanyang kaluwalhatian at nasa proseso pa rin nang pagsasagawa. Kaya hindi dapat magreklamo ang mga tao tungkol sa kanilang pagdurusa; Ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagdurusa pa rin, lalo na ang tao. Ang bagay bang ito ay walang malaking kahalagahan? Ang Diyos na nagkatawang-tao ay hindi dumating upang gumawa ng ilang mga piraso ng gawain at sa gayon ay aalis. Ngunit sa halip ang pagkaunawa ng mga tao ay masyadong mababaw, sa paniniwala na ang Diyos na nagkatawang-tao ay dumating upang gawin ang gawain ng Diyos Sarili Niya, na ang lamanna ito ay dumating lamang upang ipahayag ang salita ng Diyos at gumawa sa ngalan ng Diyos. May mga ilan na nag-iisip pa na ang laman na ito ay isa lamang panlabas na anyo, ngunit ito ay lubos na napagkamalian, at ito ay karaniwang pamumusong laban sa nagkatawang-taong Diyos. Ang gawain ng laman ay gawain ng Diyos Sarili Niya, at ng Kanyang pagiging laman ay upang maranasan ang pagdurusang ito. Kung ito ay magiging kung ano ang sinasabi ng tao, ito ay magiging panlabas na anyo ng laman ng Diyos na dumating upang magdusa, at ang Diyos ay nasa loob na hindi magdudusa nang anuman; maaari ba silang maging tama? Nagdurusa ba ang Diyos? Siya ay nagdudusa kung paanong nagdudusa ang laman. Sa anong dahilan at ninais ng Diyos minsan na talikuran ang pagdurusa na ito, at talikuran ang kabalisahang ito? Nakita mo nang si Kristo ay ipapako na sa krua, Nanalangin Siyang: “Kung baga maaari, lumampas sa akin ang sarong ito: gayunman huwag ang ayon sa gusto ko, kundi ang ayon sa gusto mo.” Ninais Niya ito sapagkat, habang ang Kanyang laman ay nagdurusa, Siya sa Sarili Niya ay nagdurusa din sa loob ng laman. Kung sasabihin mo na ang panlabas na anyo lamang ng laman ang nagdurusa, na ang Diyos sa Kanyang pagka-Diyos at hindi kailanman nagdurusa, hindi nagdanas ng kahirapan, kung gayon ito ay mali. Kung naiintindihan mo ito sa ganitong paraan kung gayon pinatutunayan nito na hindi mo pa nakikita ang aspeto ng diwa ng Diyos. Bakit sinasabi na ang Diyos ngayon ay nag-anyo sa loob ng isang laman? Maaari Siyang dumating at umalis kailanman Niya naisin, ngunit hindi Niya ginagawa ang gayon. Siya ay naging laman upang sumailalim sa pagdurusang ito, sa katunayan, sa katotohanan, nang upang ito ay makita at madama ng mga tao habang ito ay nangyayari. Nadadama din Niya ang pagdurusa na Kanyang pinagdadaanan, naranasan ito sa Sarili Niya. Walang sandali na ang Kanyang laman ay nakadadama ng anumang aspeto ng pagdurusa o kahirapan na hindi nadarama ng Kanyang Espiritu—ang Kanyang laman at Espiritu ay iisa sa pagdama at pagtitiis ng pagdurusa. Ito ba ay madaling maintindihan? Hindi. Sapagkat ang nakikita lamang ng tao ay isang laman kung tutuusin, at hindi nila nakikita na ang Espiritu ay nagdurusa din habang ang laman ay nagdurusa. Naniniwala ka ba na kapag ang sinuman ay nagdurusa, ang kanilang kaluluwa ay nagdurusa rin? Bakit natin sinasabi na nakakaramdam tayo ng gayon at gayon nang taos sa ating puso? Ito ay dahil ang laman at espiritu ay iisa. Ang espiritu at laman ng tao ay iisa lamang; pareho silang nagdurusa at pareho silang nakadadama ng kagalakan. Walang sinumang tao na, kapag nagdanas ng totoong pagdurusa, nararamdaman lamang ito sa kanilang mga puso ngunit hindi sa laman; o mayroong sinuman na magsasabing ang kanilang panlabas na laman ay hindi kailanman nagdurusa kapag ang kanilang puso ay nasa pinakamataas na antas ng pagdurusa. Ang mga bagay sa puso na pumupukaw sa mga damdamin o pagdurusa, o yaong maaaring maranasan—ang mga bagay na ito na maari ding madama ng puso. Ang pangkaraniwan at normal na laman na ito ay si Cristo na dumating upang gawin ang Kanyang gawain—upang maranasan ang pagdurusa ng mundo—upang pagdaanan ang lahat ng pagdurusa ng tao. Sa sandaling ang lahat ng mga pagdurusang ito ay natagalan, ang kaparehong gawain ay hindi na kailangang gawin sa susunod na yugto. Sa halip, ang sangkatauhan ay maaari nang dalhin sa magandang hantungan. Sapagkat naranasan Niya ang pagdurusang ito kahalili ng tao, Siya kung gayon ay karapat-dapat na magdala sa tao sa magandang hantungan—ito ang Kanyang plano. Ang ilang kakatwang mga tao ay nagsasabing: “Kung naranasan Niya ang lahat ng pagdurusang ito, bakit hindi ko ito nakita? Hindi ito lubos na natagalan. Ang lahat ng uri ng mga pagdurusa ay dapat na matagalan, at kahit paano dapat Niyang maranasan ang pagkakapako sa krus.” Ito ay napagtiisan na noong una at hindi na kailangang muling pagtiisan. Bukod dito, hindi kailangang magsalita ang mga tao nang gayon. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagdusa nang husto sa mga taong ito. Ang mga kakatwang tao ay nasanay sa ganitong uri ng pag-iisip. Sa loob ng saklaw ng pagdurusa na maaring pagtiisan ng Diyos na nagkatawang-tao, pangunahin nang lahat ng pagdurusa sa mundo ay maaaring sumapit sa Kanya. Para sa pagdurusa na masyadong malaki, para sa pagdurusa na isang tao lamang sa isanlibo ang makatatagal, hindi kailangang danasin ito ng Diyos sapagkat ang pagdurusa na ito ay kinatawan na. Maaring maranasan ng Diyos ang pagdurusa gaya ng karamdaman at ang paghihirap ng kalooban sa mga kahirapan, at pinatutunayan nito na Siya ay hindi naiiba mula sa mga normal na tao, na walang pagtatangi sa Kanya sa mga tao, na walang paghihiwalay sa pagitan Niya at sa mga tao, at Siya ay nagtitiis kung paanong ang mga tao ay nagtitiis. Kapag ang mga tao ay nagdurusa, hindi rin ba Siya nagdurusa kasama nila? Kapag ang mga tao ay may sakit, Siya din naman, at ang pagdurusang ito ay Kanyang nalasap. Hindi inihiwalay ng Diyos ang Kanyang sariling laman mula sa laman ng tao, ngunit sa halip Siya ay nagdurusa kung paanong ang mga tao ay nagdurusa. Ang pagdurusa ng nagkatawang-taong Diyos sa panahong ito ay hindi kagaya ng sa panahon na kinailangan Niyang lasapin ang kamatayan sa krus. Ito ay hindi na kailangan sapagkat ang kamatayan ay nalasap na. Ito ay upang maranasan lamang ang pagdurusa at pagdaanan ang pagdurusa ng tao.


Noong nakaraan, si Jehovah ay gumawa sa pamamagitan ng Espiritu at mula sa taong ito ay maaaring gumawa ng ilang mga pagtatamo. Ang gawain ng nagkatawang-taong Diyos, gayunman, at maaaring makita at madama ng mga tao, ginagawa itong mas maginhawa at mas maaaring abutin kaysa sa gawain ng Espiritu. Ito ay isang aspeto. Ang isa pang aspeto, ang aspeto na ang Diyos na nagkatawang-tao ay nararanasan ang pagdurusa ng mundo, ay isa na hindi talaga makakamit sa pamamagitan ng gawain ng Espiritu, ngunit sa halip kailangan lamang makamit sa pagkakatawang-tao. Hindi ito makakamit ng Espiritu. Ginagawa ng Espiritu ang Kanyang gawain sa pagsasalita at pagkatapos, sa sandaling Siya ay matapos, Siya ay umaalis. Kahit kapag nakikisalamuha sa mga tao, hindi pa rin Niya maaaring maranasan ang pagdurusa ng mundo. Maaaring gustong itanong ng ilang mga tao: “Kung ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagdurusa, ang Espiritu ba ay hindi rin nagdurusa? Hindi rin ba ito nararanasan ng Espiritu?” Hindi rin ba ito kakatwa? Ang pagdurusang ito ay mararanasan lamang sa pamamagitan ng pagsusuot ng Espiritu ng isang laman. Kailangan Niyang maging tao, kung hindi hindi Niya magagawang madama ang pagdurusang ito. Nararamdaman paminsan-minsan ng nagkatawang-taong Diyos na ang Kanyang puso ay sawi, ngunit pagkatapos na ang Espiritu ay makakita ng isang bagay, nakadarama lamang Siya ng pagkamuhi o kagalakan. Nararamdaman lamang Niya ang damdaming ito nang karaniwan. Ngunit ang mga damdamin ng laman ay lalong higit kaysa rito. Nakakaramdam nang mas pino ang laman, nang mas totohanan, nang mas karaniwan, at ang mga bagay na ito ay hindi maaabot ng Espiritu. Mayroong ilang mga bagay sa loob ng pisikal na mundo kung saan hindi maaaring humalili ang Espiritu sa laman. Ito ang pinakamalakawak na kahalagahan ng pagkakatawang-tao.


Nasabi na noong una na si Cristo ay hindi nakibahagi sa kaligayahan ng mundo. Sinasabi ng ilan: “Si Cristo ay kumakain nang husto, tinatanggap Siya ng mga tao saanman Siya magpunta. Ang ilan ay ibinibili pa Siya ng mga magagandang bagay at Siya ay lubhang pinagpipitaganan sa lahat ng lugar …hindi Siya nagdanas ng anuman kailanman, kaya paano Niya nagawang hindi Siya nakibahagi rito? Maaaring hindi Siya nagkaroon ng isang dakilang buhay, ngunit nakaraos Siya nang ayos lang. Hindi rin nangangahulugan na hindi Siya nakibahagi rito!” Ang pagsasabing “Hindi Siya nakibahagi rito” ay hindi nangangahulugan na hindi Niya tinamasa ang mga bagay na ito, ngunit sa halip hindi Siya nagdusa nang gaano dahil sa mga bagay na ito. Ito ang kahulugan ng “Hindi Siya nakibahagi rito.” Halimbawa, dinapuan ka ng ilang karamdaman at binigyan ka ng sinuman ng ilang mga magagandang damit. Ang pagdurusa ba sa iyong karamdaman ay gagaan dahil sa mga damit na ito? Hindi. Ang iyong karamdaman ay hindi gagaan sa anumang paraan. Ito ang ibig sabihin ng “Hindi Siya nakibahagi rito.” Kagaya lamang kapag kumakain, maaari kang kumain nang husto ngunit kailangan mo pa ring danasin ang kailangan mong danasin, kagaya ng karamdaman, o ang mga hadlang sa kapaligiran. Ang pagdurusang ito ay hindi maaaring ibsan dahil sa kasiyahan ng katawan, hindi Niya tinanggap ang mga bagay na ito para sa Kanyang kasiyahan. Kaya sinabing “Hindi Siya nakibahagi rito.” Maaari bang magkaroon ng ganitong uri ng kakatwang tao, na nag-iisip, “Kung ang Diyos ay hindi nakikibahagi sa kaligayahan ng mundo, kung gayon hindi alintana kung paano natin tatanggapin Siya sapagkat ang Diyos ay magdurusa kahit na anuman ang ating gagawin”? Ang ganitong paraan ng pagtanggap sa katotohanan ay masyadong kakatwa. Ang mga puso ng mga tao ay dapat ilagay sa kanilang pinakamahusay na paggamit; ang mga tungkulin ng mga tao ay dapat gawin sa kanilang buong kakayahan. Sa gayon mayroon yaong mga tumatanggap kagaya nito: “Ang Diyos ay dati nang nagtatamasa ng lubos na kaligayahan, at dumating ngayon upang subukan ang isang naiibang bagay.” Ganito ba iyon ka-simple? Kailangan mong maintindihan kung bakit dumating ang Diyos upang maranasan ang pagdurusa ng mundo. Ang kahalagahan ng lahat ng ginagawa ng Diyos ay may napakalalim na pagsasaalang-alang, kagaya nang si Jesus ay ipinako sa krus. Bakit kailangan pa Niyang ipako sa krus? Hindi ba upang tubusin ang buong sangkatauhan? Ang pagdanas sa pagdurusa ng mundong ito sa panahong ito ay mayroon ding napakalaking kahalagahan; ito ay para sa magandang hantungan ng sangkatauhan. Ang lahat ng gawain ng Diyos ay ang kaitaasan ng katotohanan. Bakit sinabi na ang tao ay wala na ngayong kasalanan, at maaari nang taglayin ang magandang kapalaran na makalapit sa harapan ng Diyos? Ito ay dahil natapos ni Jesus ang isang yugto ng gawain at binalikat ang mga kasalanan ng tao, tinubos ang mga tao sa pamamagitan ng Kanyang napakahalagang dugo. Kaya bakit kung gayon ang mga tao ay hindi na magdurusa, hindi na makadadama ng kalungkutan, hindi na luluha, at hindi na maghihinagpis? Ito ay dahil sa ang Diyos na nagkatawang-tao sa panahong ito ay pinagdaanan ang lahat ng pagdurusang ito sa Sarili Niya at ang pagdurusang ito ay napagtitiisan na ngayon sa ngalan ng tao. Kagaya ng isang ina na nakikita ang kanyang anak na dinapuan ng karamdaman at nananalangin sa Langit, hinihiling sa halip ang isang maigsing buhay para sa kanyang sarili kung mangangahulugan ito na ang kanyang anak ay gagaling.


Gumagawa din ang Diyos sa ganitong paraan, pinapalitan ang Kanyang pagdurusa sa magandang hantungan na susunod para sa sangkatauhan. Wala nang magiging lungkot, wala nang mga pagluha, wala nang mga hinagpis at wala nang pagdurusa. Sa pagbabayad sa halagang ito ng pagdanas sa pagdurusa ng mundo, papalitan Niya ito sa magandang hantungan na susunod para sa sangkatauhan. Ang pagsasabi na ang Diyos ay “ginawa itong” magandang hantungan ay hindi nangangahulugan na ang Diyos ay walang kapangyarihan o awtoridad, ngunit sa halip gusto ng Diyos na maghanap ng isang mas praktikal at mas makapangyarihang katibayan upang lubos na mahikayat ang mga tao. Nilasap na ng Diyos ang pagdurusa na ito, kay Siya ay nararapat, taglay Niya ang kapangyarihan, at lalo pang mayroon Siyang karapatan na ihatid ang sangkatauhan sa magandang hantungan, upang ibigay sa kanila ang magandang hantungan na ito at gawan sila ng isang magandang pangako. Dahil doon si Satanas ay lubos ding naniwala at ang lahat ng nilalang sa buong daigdig ay taimtim na naniwala, sa huli ay tinanggap ang tunay na pag-ibig ng Diyos para sa sangkatauhan. Ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay praktikal, at wala sa Kanyang ginagawa ang walang laman. Siya na Sarili Niya ang siyang nakararanas nito. Ginagamit Niya ang halaga ng Kanyang sariling karanasan ng pagdurusa at ginawa itong hantungan para sa sangkatauhan. Hindi ba ito isang praktikal na gawain? Ang mga magulang ay maaaring magbayad ng isang tapat na halaga para sa kapakanan ng kanilang mga anak at ito ay kumakatawan sa kanilang mga dalisay na puso. Ito ay isang uri ng halaga na binabayaran. Sa paggawa nito, ang Diyos na nagkatawang-tao ay mangyari pang taimtim at tapat sa sangkatauhan. Ang diwa ng Diyos ay tapat—ginagawa Niya kung ano ang Kanyang sinasabi at kung anuman ang Kanyang ginagawa ay nakakamit. Siya ay tapat; ang lahat ng Kanyang ginagawa para sa tao ay tapat at hindi Siya masalita. Kapag sinabi Niyang babayaran Niya ang halaga. Babayaran Niya ang halaga nang praktikal; kapag sinabi Niyang babalikatin Niya ang pagdurusa ng tao, hahalili sa lugar ng tao at magdurusa kahalili nila, kukunin Niya ang karanasang ito sa Sarili Niya nang totoo, at darating upang mamuhay sa gitna ng mga tao. Pagkatapos Niyang madama ang pagdurusang ito at masaksihan ang pagdurusang ito sa Kanyang sariling mga mata, ang lahat ng mga bagay sa daigidg ay magsasabi na ang lahat ng bagay na ginagawa ng Diyos ay tama at matuwid, na ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay makatotohanan: Ito ay makapangyarihang katibayan. Bukod rito, ang magandang hantungan ay susunod at lahat yaong mga natira ay pupurihin ang Diyos; pupurihin nila na ang mga gawa ng Diyos ay talagang Kanyang pag-ibig para sa tao. Hindi Siya dumating sa mundo para sa isang pangkaraniwang paglalakbay, upang gumawa ng ilang gawain, upang magsabi ng ilang mga salita at pagkatapos ay aalis. Siya ay dumating upang maranasan talaga ang pagdurusa ng mundo, upang buong kababaang-loob na maging isang normal na tao upang maranasan ang pagdurusa ng mundo. Pagkatapos lamang na maranasan ang lahat ng pagdurusang ito saka Siya aalis. Ang Kanyang gawain ay makatotohanang kagaya nito, praktikal na kagaya nito. Yaong lahat na mga natira ay pupurihin ang Diyos para rito. Makikita nila ang katapatan ng Diyos sa tao at makikita ang aspeto ng kabutihang-loob ng Diyos. Ang diwa ng Diyos sa kagandahan at kabutihan ay maaaring makita sa aspetong ito ng kahalagahan ng pagkakatawang-tao. Anumang gawin ng Diyos ay tapat, anuman ang Kanyang sinasabi ay taimtim at tapat. Ang lahat ng mga bagay na nilalayon Niyang gawin ay talagang ginagawa; lahat ng halaga na nilalayon Niyang bayaran ay binabayaran talaga. Hindi Siya masalita. Ang Diyos ay isang matuwid na Diyos; Ang Diyos ay isang tapat na Diyos.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...