Kidlat ng Silanganan

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Dakila at Taimtim. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Dakila at Taimtim. Ipakita ang lahat ng mga post

Dis 13, 2019

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos Lahat ng Bagay ay Nasa Kamay ng Diyos



Tagalog praise and worship Songs |
Lahat ng Bagay ay Nasa Kamay ng Diyos


I
Minsan nasabi ng Diyos ang gayong mga salita:
Ang sinasabi ng Diyos ay maasahan, at ito ay mangyayari,
hindi mababago ng sinuman.
Hindi mahalaga kung itong mga salita ay nasabi na
o sasabihin pa lamang,
lahat ng ito'y matutupad, upang makita ng lahat:
Ito ang prinsipyo sa likod ng gawain ng mga salita ng Diyos.
Lahat sa sansinukob ay ipinapasya ng Diyos.
Ano ang wala sa mga kamay ng Diyos?
Anuman ang sinasabi ng Diyos ay mangyayari.
Sino ang maaaring magbago ng kalooban ng Diyos?
Maaaring ito ba ang tipan na ginawa ng Diyos sa lupa?
Walang maaaring makahadlang
sa plano ng Diyos sa pagpapatuloy.
Ang Diyos ay gumagawa sa lahat ng oras.
Lahat ng bagay ay nasa kamay ng Diyos.

Nob 15, 2019

Tagalog Christian Musical Documentary "Siya na May Kapangyarihan sa Lahat" | The Great Power of God

Tagalog Christian Musical Documentary "Siya na May Kapangyarihan sa Lahat" | The Great Power of God

Sa buong kalawakan ng sansinukob, lahat ng bagay sa kalawakan ay gumagalaw nang eksakto sa sarili nilang orbit. Sa ilalim ng kalangitan, mga bundok, mga ilog, at mga lawa, lahat ay may hangganan, at lahat ng nilalang ay nabubuhay at nagpaparami sa loob ng apat na panahon alinsunod sa mga batas ng buhay …. Napakaganda ng pagkadisenyo sa lahat ng ito—may Isang Makapangyarihan bang namamahala at nagsasaayos sa lahat ng ito? Mula nang dumating tayo sa mundong ito na umiiyak, nakapagsimula na tayong gumanap ng iba’t ibang papel sa buhay. Mula pagsilang hanggang pagtanda hanggang sa magkasakit at mamatay, kung minsa’y nagagalak tayo at kung minsa’y nalulungkot …. Saan ba talaga nanggagaling ang tao, at saan tayo talaga patutungo? Sino ang namamahala sa ating mga tadhana? Mula noong unang panahon hanggang sa makabagong panahon, nagsibangon ang mga dakilang bansa, nagdatingan at nangawala ang mga dinastiya, at ang mga bansa at mga tao ay umunlad at naglaho sa pahina ng kasaysayan…. Tulad sa mga batas ng kalikasan, ang mga batas sa pagsulong ng sangkatauhan ay nagtataglay ng walang katapusang mga hiwaga. Gusto mo bang malaman ang mga sagot sa mga ito? Ang dokumentaryong Siya na May Kapangyarihan sa Lahat ay gagabayan ka upang malaman ang pinag-ugatan nito, at para maihayag ang lahat ng hiwagang ito!

          Rekomendasyon: Tagalog Christian Musical Drama | "Kuwento ni Xiaozhen" Ang Diyos ang Kaligtasan Ko (Tagalog Dubbed)

Abr 7, 2019

Tagalog Worship Songs | Ang Nagkatawang-taong Diyos ay Napakahalaga sa Sangkatauhan


Ang Nagkatawang-taong Diyos ay Napakahalaga sa Sangkatauhan
I
Diyos na nagkatawang-tao, kaya Niya di kaya ng tao,
dahil diwa Niya'y walang kahalintulad sa tao.
Tao ay maililigtas Niya, dahil pagkakakilanlan Niya'y naiiba.
Ang katawang taong ito ay napakahalaga sa 
sangkatauhan sapagkat Siya ay tao at higit pa Diyos,
dahil nagagawa N'ya ang hindi nagagawa ng isang ordinaryong tao,
at dahil kaya N'ya iligtas tiwaling tao, 
na namumuhay kasama N'ya sa lupa.
Bagamat Siya ay magkahawig sa tao, D'yos ay napakahalaga
sa sangkatauhan higit sa sinumang taong may halaga,
dahil nagagawa N'ya ang hindi nagagawa ng Espiritu ng D'yos,
mas may kaya Siyang patotohanan ang Diyos Mismo,
at matamo ang sangkatauhan kaysa sa Espiritu.

Mar 18, 2019

Himno ng Iglesia Sino ang Nakakaunawa sa Kalungkutan ng Diyos?




Himno ng Iglesia Sino ang Nakakaunawa sa Kalungkutan ng Diyos?


I
Nasa puso mo ba ang Diyos?
Naisip mo na ba kung ano ang Kanyang kalooban,
kung ano ang Kanyang nais mula sa tao?
Nagdurusa ang Diyos ng sobrang sakit at kahihiyan,
walang sinuman ang nakakaunawa sa Diyos.
Ang puso ng tao ay mapanlinlang, makasarili ito at masama.
Sino ang makakaunawa sa Diyos?
Sino ang nag-isip na tungkol sa Kanya?
At sinong makapagbibigay aliw sa Kanya?
Asan ang puso mo?
Bakit, o bakit kay lamig mo sa Diyos?
Kapag nagising ka, matagal nang wala ang Diyos.

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...