Album ng mga Sipi mula sa mga Salita ng Diyos | "Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi III" (Sipi 4)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang awtoridad ng Diyos ay umiiral hindi alintana ang mga kalagayan; sa lahat ng mga sitwasyon, ang Diyos ang nagdidikta at nagsasaayos ng bawat pantaong kapalaran at lahat ng mga bagay ayon sa Kanyang mga pag-iisip, Kanyang mga naisin. Hindi ito mababago sapagkat nagbabago ang mga tao, at ito ay hindi umaasa sa kalooban ng tao, hindi maaaring mapalitan ng anumang pagbabago sa panahon, espasyo, at heograpiya, sapagkat ang awtoridad ng Diyos ay ang Kanyang pinakadiwa.
Kahit pa ang tao ay kinikilala at tinatanggap ng tao ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, at kahit pa nagpapasailalim dito ang tao, ay hindi sa bahagya mang paraan nababago ang katotohanan ng dakilang kapangyarihan ng Diyos sa pantaong kapalaran. Na ibig sabihin, kahit ano pa ang maging saloobin ng tao sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, hindi nito simpleng maaaring baguhin ang katotohanan na ang Diyos ang may kapangyarihan sa pantaong kapalaran at sa lahat ng mga bagay. Kahit na hindi ka napapasailalim sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, inaatasan pa rin Niya ang iyong kapalaran; kahit na hindi mo maaaring makilala ang Kanyang dakilang kapangayrihan, ang Kanyang awtoridad pa rin ang umiiral. Ang awtoridad ng Diyos at ang katotohanan ng dakilang kapangyarihan ng Diyos sa pantaong kapalaran ay hindi umaasa sa pantaong kalooban, hindi nagbabago ayon sa mga kagustuhan at mga pagpipilian ng tao. Ang awtoridad ng Diyos ay nasa lahat ng dako, at sa bawat oras, at bawat saglit. Kung ang langit at lupa ay pumanaw, ang Kanyang awtoridad ay kailanman di-papanaw, sapagkat Siya ay Diyos Mismo, Siya ang nag-aangking ng natatanging awtoridad, at ang awtoridad Niya ay hindi natatakdaan o nalilimitahan ng mga tao, mga pangyayari, o mga bagay, ng espasyo o ng heograpiya. Sa lahat ng panahon, hawak ng Diyos ang Kanyang awtoridad, ipinakikita ang Kanyang lakas, ipinagpapatuloy palagi ang Kanyang gawaing pamamahala; sa lahat ng panahon pinamamahalaan Niya ang lahat ng mga bagay, naglalaan para sa lahat ng mga bagay, pinagtutugma ang lahat ng mga bagay, gaya ng palagi Niyang ginagawa. Walang sinuman ang makapagpapabago rito. Ito ay katotohanan; ito ay ang di-mababagong kapalaran mula pa noong unang kapanahunan!”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento