Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949,
hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa
relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at
pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong
nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia,
at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan.
Ipinapakita sa dokumentaryong ito ang biglaan at di-inaasahang
pagkamatay ng Kristiyanong Chinese na si Song Xiaolan-isang pagkamatay
na binigyan ng CCP police ng paiba-iba at magkakasalungat na paliwanag.
Matapos imbestigahan, natuklasan ng pamilya Song na noon pa pala
nagsisinungaling ang mga pulis. Nalaman ng isang kamag-anak ng pamilya
mula sa isang kakilala sa Public Security Bureau na lihim na
sinubaybayan ng CCP police si Xiaolan dahil sa kanyang pananalig sa Diyos
at pagtupad sa kanyang mga tungkulin. Nang arestuhin siya ng mga pulis,
binugbog siya ng mga ito hanggang sa mamatay. Para hindi masisi,
pinagtakpan ng pulisya ang katotohanan sa pag-iimbento ng tagpo ng
pagkamatay ni Song Xiaolan….
Rekomendasyon:
Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento