Kidlat ng Silanganan

菜單

Mar 25, 2020

Clip ng Pelikulang Ang Sandali ng Pagbabago (1) "Paano Nadadala ang mga Matatalinong Birhen?"


Clip ng Pelikulang Ang Sandali ng Pagbabago (1) "Paano Nadadala ang mga Matatalinong Birhen?"


Sumusunod ang ilang tao sa salita ni Pablo tungkol sa paghihintay sa Panginoon para madala sa kaharian ng langit: "Sa isang sandali, sa isang kisap-mata: sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka’t tutunog ang papakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin." (1Co 15:52). Naniniwala sila na kahit patuloy pa rin tayong nagkakasala nang hindi umaalpas sa pang-aalipin ng pagiging likas na makasalanan, agad babaguhin ng Panginoon ang ating imahe at dadalhin tayo sa kaharian ng langit pagdating Niya. May mga tao ring sumusunod sa salita ng Diyos na: "Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit " (Mat 7:21). "… Kayo’y mangagpakabanal; sapagka’t ako’y banal" (1Pe 1:16). Naniniwala sila na ang mga taong patuloy pa ring nagkakasala ay malayo sa pagtatamo ng kabanalan at lubos na hindi nararapat na madala sa kaharian ng langit. Sa gayo’y isang kamangha-manghang pagtatalo ang nagsimula …. Kaya, anong klase ng mga tao ang nararapat iangat sa kaharian ng langit? Iniimbitahan ka naming panoorin ang maikling video na ito.

         ————————————————————————————————
   
      Mahal na mga kapatid, natatandaan nyo pa ba ang parabula ng sampung dalaga na sinabi ng Panginoong Jesus? Nais mo rin bang maging matalinong mga dalaga upang masalubong ang pagbabalik ng Panginoon? Kaya, ano ang pagpapakita ng mga matatalinong dalaga? Ano eksakto ang tinutukoy na "langis"? Sa pamamagitan lamang ng pag-alam sa mga katanungang ito maaari tayong magkaroon ng mga paraan upang magsanay at makatagpo ang Panginoon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...