Naniniwala ang ilang tao na matapos mabuhay na mag-uli ang Panginoong Jesus at umakyat sa langit, bumaba ang Banal na Espiritu para gumawa sa tao sa araw ng Pentecostes. Sinaway Niya ang mundo ng kasalanan, at ng pagkamatuwid, at ng paghatol. Kapag tinanggap natin ang gawain ng Banal na Espiritu at nagsisi tayo sa Panginoon para sa ating mga kasalanan, dumaranas tayo ng paghatol ng Panginoon. Ang gawaing ginawa ng Banal na Espiritu sa araw ng Pentecostes ay dapat maging gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw.
Tama ba tayo sa paraan ng pagtanggap natin dito? Ano ang kaibhan sa pagitan ng gawain ng Panginoong Jesus at ng gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw?
——————————————
Repleksyon sa ebanghelyo ngayon: Sa kapanahunan ng Biyaya, ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos, pinatawad ang tao sa kanilang mga kasalanan, at ipinagkaloob sa tao ang masaganang biyaya; sa mga huling araw, ang Panginoon ay nagpapahayag ng mga salita, gumagawa ng gawain ng paghuhukom, lubusan na nag-aalis ng mga kasalanan ng tao, naglilinis ng tao at nagdala sa tao sa kaharian ng Diyos.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento