Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang paglalaban sa pagitan ng Diyos at ni Satanas, at ang pakay ng labanan ay si Satanas, habang ang isa na gagawing perpekto ng gawaing ito ay ang tao. Kung mamumunga man ang gawain ng Diyos o hindi, ito ay nakasalalay sa paraan ng patotoo ng tao sa Diyos. Ang patotoong ito ay kung ano ang kinakailangan ng Diyos sa mga tagasunod Niya; ito ang patotoo na ginawa sa harapan ni Satanas, at patunay rin ng mga naibubunga ng gawain Niya. Ang buong pamamahala ng Diyos ay nahahati sa tatlong yugto, at sa bawa’t yugto, ang mga angkop na kinakailangan ay itinatalaga sa tao.
Ang Kidlat ng Silanganan, ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos! Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Pagsasalaysay. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Pagsasalaysay. Ipakita ang lahat ng mga post
Ago 8, 2020
Ago 2, 2020
"Ang Tiwaling Sangkatauhan ang Mas Nangangailangan ng Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao" | Sipi 15
Sa buong gawaing pamamahala, ang pinaka-mahalagang gawain ay ang kaligtasan ng tao mula sa impluwensya ni Satanas. Ang pinaka-susing gawain ay ang ganap na paglupig sa tiwaling tao, sa gayon ay pinapanumbalik ang orihinal na paggalang sa Diyos sa puso ng nalupig na tao, at pinahihintulutan siyang makamit ang isang normal na buhay, na ang ibig sabihin, ang normal na buhay ng isang nilikha ng Diyos. Ang gawain na ito ay maselan, at ito ang saligan ng gawaing pamamahala. Sa tatlong yugto ng gawain ng pagliligtas, ang unang yugto ng gawain ng kautusan ay malayo mula sa saligan ng gawaing pamamahala; ito lamang ay nagkaroon ng bahagyang pagpapakita ng gawain ng pagliligtas, at hindi ang simula ng gawain ng pagliligtas ng Diyos sa tao mula sa sakop ni Satanas.
Hul 26, 2020
"Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao" (Sipi V)
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol.
Hul 19, 2020
Napakapayak ba ng Gawain ng Diyos na Tulad ng Inaakala ng Tao?
Sa plano ng Diyos ng ilang libong taon, ang mga gawa na naganap sa katawang-tao ay nahahati sa dalawang bahagi: Ang una ay ang gawaing pagpapapako sa krus, na kung saan Siya ay niluwalhati; ang pangalawa ay ang gawain ng panlulupig at pagka-perpekto sa mga huling araw, na sa pamamagitan nito Siya ay magkakamit ng kaluwalhatian. Ito ang pamamahala ng Diyos. Kaya, huwag ipagpalagay na napaka-payak ng gawa ng Diyos o ang komisyon ng Diyos sa inyo. Lahat kayo ay mga tagapagmana ng sobra-sobra at walang hanggang bigat ng kaluwalhatian ng Diyos, at ito ay espesyal na itinalaga ng Diyos.
Hul 11, 2020
"Pagpapanumbalik ng Wastong Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan" | Sipi 3
Ang Diyos ay walang masamang hangarin tungo sa mga nilikha at nagnanais lamang na matalo si Satanas. Lahat ng Kanyang gawain—maging ito man ay pagkastigo o paghatol—ay nakadirekta kay Satanas; ito ay ipatutupad para sa kapakanan ng kaligtasan ng tao, ang lahat ay upang matalo si Satanas, at ito ay mayroong isang layunin: ang makidigma kay Satanas hanggang sa katapusan! At ang Diyos ay hindi magpapahinga hangga’t hindi Siya nagwawagi kay Satanas! Siya ay magpapahinga lamang sa oras na matalo na Niya si Satanas.
Hul 2, 2020
"Pagpapanumbalik ng Wastong Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan" | Sipi 4
Ang gawain sa kabuuang plano sa pamamahala ng Diyos ay personal na isasagawa ng Diyos Mismo. Ang unang yugto—ang paglikha sa mundo—personal na isinagawa ng Diyos Mismo, at kung hindi naging ganoon, hindi makakaya ninuman na likhain ang sangkatauhan; ang ikalawang yugto ay ang pagtubos sa kabuuan ng sangkatauhan, at ito ay personal na isinagawa ng Diyos Mismo; ang ikatlong yugto ay malinaw na malinaw: Mayroon pang higit na pangangailangan para sa katapusan ng lahat ng gawain ng Diyos na gagawin ng Diyos Mismo. Ang gawain ng pagtubos, panlulupig, pagtamo, at pagsakdal sa buong sangkatauhan ay personal na isasakatuparan ng Diyos Mismo.
Hun 29, 2020
Ang Hinagpis ng Makapangyarihan sa Lahat (Sipi)
Mayroong napakalaking lihim sa iyong puso. Hindi mo alam na naroroon ito dahil ikaw ay namumuhay sa isang mundong walang nagniningning na liwanag. Ang iyong puso at ang iyong espiritu ay kinuha na ng masamang nilalang. Ang iyong mga mata ay nilukuban na ng kadiliman; hindi mo makita ang araw sa kalangitan, at pati na rin ang kumikislap na bituin sa gabi. Ang iyong mga tainga ay nababarahan na ng mga mapanlinlang na mga salita at hindi mo naririnig ang madagundong na tinig ni Jehova, pati na rin ang tunog ng dumadaloy na tubig mula sa trono.
Hun 26, 2020
Maaari Lamang Maligtas ang Tao sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos (Sipi)
Kahit na ang pamamahala ng Diyos ay mukhang malalim sa tao, ito ay hindi di-kayang maunawaan ng tao, dahil ang lahat ng gawain ng Diyos ay konektado sa Kanyang pamamahala, may kaugnayan sa gawain ng pagliligtas ng sangkatauhan, at patungkol sa buhay, pamumuhay, at patutunguhan ng sangkatauhan. Ang gawaing ginagawa ng Diyos sa gitna ng at sa tao ay, maaari itong sabihing, napaka-praktikal at makahulugan. Maaari itong makita ng tao, maranasan ng tao, at malayo sa teorya lamang. Kung hindi kayang matanggap ng tao ang lahat ng gawaing ginagawa ng Diyos, kung gayon ano ang kabuluhan ng gawaing ito? At paanong ang nasabing pamamahala ay hahantong sa kaligtasan ng tao?
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14
Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...
-
Tagalog Christian Songs | Ang Pamamahala ng Diyos ay Patuloy na Sumusulong I Pagkatapos ng gawain ni Jehova, naging t...
-
Awit ng Papuri Lyrics| Awit ng Pagmamahal sa Diyos nang Walang Panghihinayang I Ang daan patungo sa kaharian ay mab...
-
Ang panalangin ay hindi isang uri ng ritwal; ito ay isang tunay na pagniniig sa pagitan ng mga tao at ng Diyos, at may malalim na kabu...