Sa buong gawaing pamamahala, ang pinaka-mahalagang gawain ay ang kaligtasan ng tao mula sa impluwensya ni Satanas. Ang pinaka-susing gawain ay ang ganap na paglupig sa tiwaling tao, sa gayon ay pinapanumbalik ang orihinal na paggalang sa Diyos sa puso ng nalupig na tao, at pinahihintulutan siyang makamit ang isang normal na buhay, na ang ibig sabihin, ang normal na buhay ng isang nilikha ng Diyos. Ang gawain na ito ay maselan, at ito ang saligan ng gawaing pamamahala. Sa tatlong yugto ng gawain ng pagliligtas, ang unang yugto ng gawain ng kautusan ay malayo mula sa saligan ng gawaing pamamahala; ito lamang ay nagkaroon ng bahagyang pagpapakita ng gawain ng pagliligtas, at hindi ang simula ng gawain ng pagliligtas ng Diyos sa tao mula sa sakop ni Satanas.
Ang unang yugto ng gawain ay direktang ginawa sa pamamagitan ng Espiritu dahil, sa ilalim ng kautusan, ang tanging alam ng tao ay sumunod sa kautusan, at hindi magkaroon ng mas maraming katotohanan, at sapagka’t ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan ay halos hindi nilakipan ng mga pagbabago ng disposisyon ng tao, lalong hindi ito nagpahalaga sa gawain kung paano maliligtas ang tao mula sa sakop ni Satanas. Kung kaya ang Espiritu ng Diyos ay ginawang ganap itong sukdulang na simpleng yugto ng gawain na walang kinalaman sa tiwaling disposisyon ng tao. Ang bahaging ito ng gawain ay mayroon lamang maliit na kaugnayan sa saligan ng pamamahala, at walang malaking ugnayan sa opisyal na gawain ng pagliligtas ng tao, at sa gayon ito ay hindi kinailangan ng Diyos na maging katawan upang personal na gawin ang Kanyang gawain. Ang gawain na ginawa ng Espiritu ay ipinapahiwatig at hindi maarok, at ito ay kakila-kilabot at hindi malapitan ng tao; ang Espiritu ay hindi angkop sa direktang paggawa ng gawain ng pagliligtas, at hindi angkop sa direktang pagbibigay-buhay sa tao. Ang pinaka-angkop para sa tao ay ang pagbabagong-anyo ng gawain ng Espiritu sa isang paraan na malapit sa tao, na ang ibig sabihin, kung ano ang pinaka-angkop para sa tao ay ang Diyos na maging isang ordinaryo, karaniwang katauhan upang gawin ang Kanyang gawain. Kinakailangan nito na magkatawang-tao ang Diyos upang halinhan ang gawain ng Espiritu, at para sa tao, wala nang mas angkop na paraan para gumawa ang Diyos. Sa tatlong mga yugtong gawaing ito, dalawang yugto ang natupad sa pamamagitan ng katawan, at ang dalawang yugto na ito ay ang susing antas ng gawaing pamamahala. Ang dalawang pagkakatawang-tao ay bahaginang magkatugma at ginagawang perpekto ang isa’t-isa. Ang unang yugto ng pagkakatawang-tao ng Diyos ang siyang naglatag ng pundasyon para sa ikalawang yugto, at maaari itong sabihin na ang dalawang anyo ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay bumuo ng isang kabuuan, at hindi di-magkatugma sa isa’t-isa. Ang dalawang yugto ng gawain ng Diyos na ito ay isinagawa ng Diyos sa Kanyang pagkakakilanlan na pagkatawang-tao dahil ang mga ito ay napakahalaga sa buong gawaing pamamahala. Halos masasabi na, kung wala ang gawain ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, ang buong gawaing pamamahala ay maaaring nahinto, at ang gawain ng pagliligtas ng sangkatauhan ay magiging walang anuman kundi walang saysay na salita. Kung mahalaga o hindi ang gawain na ito ay batay sa mga pangangailangan ng sangkatauhan, at ang pagkatotoo ng kabuktutan ng sangkatauhan, at ang kalubhaan ng pagsuway ni Satanas at ang kanyang panggugulo sa gawain. Ang isang tama para sa gawain ay nakasalalay sa kalikasan ng kanyang gawain, at ang kahalagahan ng gawain. Kung nauukol sa kahalagahan ng gawain na ito, sa kung anong paraan ng gawain ang gagamitin—ang gawain na direktang ginawa sa pamamagitan ng Espiritu, o gawain na ginawa ng Diyos na nagkatawang-tao, o gawaing ginampanan sa pamamagitan ng tao—ang unang aalisin ay ang gawain na ginampanan sa pamamagitan ng tao, at, batay sa kalikasan ng gawain, at ang kalikasan ng gawain ng Espiritu laban sa yaong sa katawan, ito ay napagpasyahan sa huli na ang gawain na ginawa sa katawan ay mas kapaki-pakinabang para sa tao kaysa sa gawain na direktang ginawa sa pamamagitan ng Espiritu, at nag-aalok ng higit na mga pakinabang. Ito ang kaisipan ng Diyos sa oras ng pagpapasya kung ang gawain ay ginawa sa pamamagitan ng Espiritu o sa pamamagitan ng katawang-tao. May isang kabuluhan at batayan sa bawat yugto ng gawain. Ang mga ito ay hindi walang batayan na mga pag-guniguni, at ni hindi ang mga ito nagkataong isinagawa; mayroong tiyak na karunungan sa mga ito. Gayon ang katulad ng katotohanan sa likod ng lahat ng gawain ng Diyos. Sa partikular, may mas higit pa sa plano ang Diyos sa gayong isang dakilang gawain kung saan ang Diyos na nagkatawang-tao ay personal na gumagawa sa gitna ng tao. At sa gayon, ang karunungan ng Diyos at ang kabuuan ng pagiging ano Siya ay nasasalamin sa Kanyang bawat kilos, pag-iisip, at ideya sa paggawa; ito ang kung ano ang Diyos na mas kongkreto at sistematiko. Ang hindi kapansin-pansing mga saloobin at mga ideya ay mahirap guni-gunihin para sa tao, at mahirap para sa tao na paniwalaan, at, higit pa rito, mahirap para sa tao na malaman. Ang gawain na ginawa ng tao ay ayon sa pangkalahatang prinsipyo, na kung saan, para sa tao, ay lubos na kasiya-siya. Ngunit kung ihahambing sa gawa ng Diyos, may talagang masyadong malaking pagkakaiba; kahit na ang mga ginawa ng Diyos ay dakila at ang gawain ng Diyos ay isang kagila-gilalas na antas, sa likod ng mga ito ay maraming mumunti at eksaktong mga plano at mga pag-sasaayos na hindi mailarawan ng isip ng tao. Bawat yugto ng Kanyang gawain ay hindi lamang ayon sa prinsipyo, ngunit naglalaman din ng maraming bagay na hindi maaaring magsalita nang maliwanag sa pamamagitan ng wika ng tao, at ito ang mga bagay na hindi nakikita ng tao. Hindi alintana kung ito ay gawain ng Espiritu o gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, ang bawat isa ay naglalaman ng mga plano ng Kanyang gawain. Hindi siya gumagawa nang walang batayan, at hindi gumagawa ng walang-kabuluhang gawain. Kapag ang Espiritu ay gumagawa nang direkta ito ay sa Kanyang mga layunin, at kapag Siya ay nagiging tao (na ang ibig sabihin, nang magbagong-anyo ang Kanyang panlabas na balat) upang gumawa, ito ay higit pa sa Kanyang layunin. Bakit pa Niya malayang babaguhin ang Kanyang pagkakakilanlan? Bakit pa Siya malayang naging isang katauhan na itinuring na hamak at pinag-uusig?
Mula sa “Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao”
————————————————
Magrekomenda nang higit pa: Tagalog Daily Devotion
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento