Ang gawain sa kabuuang plano sa pamamahala ng Diyos ay personal na isasagawa ng Diyos Mismo. Ang unang yugto—ang paglikha sa mundo—personal na isinagawa ng Diyos Mismo, at kung hindi naging ganoon, hindi makakaya ninuman na likhain ang sangkatauhan; ang ikalawang yugto ay ang pagtubos sa kabuuan ng sangkatauhan, at ito ay personal na isinagawa ng Diyos Mismo; ang ikatlong yugto ay malinaw na malinaw: Mayroon pang higit na pangangailangan para sa katapusan ng lahat ng gawain ng Diyos na gagawin ng Diyos Mismo. Ang gawain ng pagtubos, panlulupig, pagtamo, at pagsakdal sa buong sangkatauhan ay personal na isasakatuparan ng Diyos Mismo.
Kung hindi Niya personal na gagawin ang gawaing ito, kung gayon ang Kanyang pagkakakilanlan ay hindi maaaring katawanin ng tao, o gagawin ng tao ang Kanyang gawain. Upang matalo si Satanas, upang matamo ang sangkatauhan, at upang mabigyan ang tao ng isang normal na buhay sa lupa, personal Niyang pangungunahan ang tao at personal na gagawa sa tao; para sa kapakanan ng Kanyang kabuuang plano sa pamamahala, at para sa lahat ng Kanyang gawain, kailangang personal Niyang gawin ang gawain na ito. Kung naniniwala lang ang tao na ang Diyos ay dumating upang mamasdan niya at pasayahin siya, kung gayon ang ganoong paniniwala ay walang halaga, walang kabuluhan ang mga ito. Ang kaalaman ng tao ay masyadong mababaw! Sa pamamagitan lamang ng pagpapatupad nito sa Sarili Niya maaaring gawin ng Diyos ang gawaing ito nang ganap at kumpleto. Walang kakayahan ang tao na gawin ito sa pangalan ng Diyos. Yayamang wala siyang pagkakakilanlan ng Diyos o ng Kanyang diwa, wala siyang kakayahang gawin ang Kanyang gawain, at kahit magkaroon man ang tao, hindi ito magkakaroon ng anumang epekto. Ang unang pagkakataon na naging tao ang Diyos ay para sa kapakanan ng pagtubos, upang tubusin ang kabuuan ng sangkatauhan mula sa kasalanan, upang gawing may kakayahan ang tao na maging malinis at mapatawad sa kanyang mga kasalanan. Ang gawain ng panlulupig ay personal ding isinagawa ng Diyos sa tao. Kung, sa yugtong, magsasalita lamang ang Diyos ukol sa propesiya, kung gayon ang isang propeta o sinumang mayroong kaloob ay maaaring matagpuan upang palitan ang Kanyang puwesto; kung ang mga propesiya ay sinasalita lamang, makapaninindigan ang tao sa Diyos. Ngunit kung personal na gagawin ng tao ang gawain ng Diyos Mismo at siyang gagawa sa buhay ng tao, magiging imposible para sa kanya na gawin ang gawaing ito. Ito ay kailangang personal na gawin ng Diyos Mismo: Kailangang personal na maging tao ang Diyos upang magawa ang gawaing ito. Sa Panahon ng Salita, kung ang propesiya ay ipinahahayag lamang, kung gayon si Elias na propeta ay maaaring masumpungan upang gawin ang gawaing ito, at hindi na kakailanganin na personal itong gawin ng Diyos Mismo. Sapagkat ang gawain na isinasagawa sa yugtong ito ay hindi basta pagpapahayag ng propesiya, at dahil higit na kailangan na ang gawain sa mga salita ay gagamitin upang lupigin ang tao at matalo si Satanas, ang gawaing ito ay hindi maaaring gawin ng tao, at kailangang personal na gawin ng Diyos Mismo. Sa Kapanahunan ng Kautusan si Jehova ay gumawa ng bahagi sa gawain ng Diyos, pagkatapos nito ay nagpahayag Siya ng ilang mga salita at gumawa ng ilang gawain sa pamamagitan ng mga propeta. Iyon ay dahil maaaring humalili ang tao para sa gawain ni Jehova, at mahuhulaan ng mga manghuhula ang mga bagay at makapagbibigay-kahulugan sa ilang mga panaginip sa Kanyang pangalan. Ang gawain na isinagawa noong pasimula ay hindi ang gawain sa tuwirang pagbabago sa disposisyon ng tao, at walang kinalaman sa kasalanan ng tao, ang tao ay kinailangan lamang na mamalagi sa kautusan. Kaya si Jehova ay hindi naging tao at hindi ibinunyag ang Sarili Niya sa tao; sa halip Siya ay nagpahayag nang tuwiran kay Moises at sa iba pa, pinagsalita sila at pinagawa sa Kanyang pangalan, at nagbigay daan sa kanila upang tuwirang gumawa sa gitna ng sangkatauhan. Ang unang yugto ng gawain ng Diyos ay ang pangunguna sa tao. Ito ang simula ng digmaan kay Satanas, ngunit ang digmaang ito ay hindi pa opisyal na nagsisimula. Ang opisyal na pakikidigma kay Satanas ay nagsimula sa unang pagkakatawang-tao ng Diyos, at ito ay nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan. Ang unang pagkakataon ng digmaang ito ay nang ang Diyos na nagkatawang-tao ay ipinako sa krus. Ang pagpapako sa krus ng Diyos na nagkatawang-tao ang tumalo kay Satanas, at ito ang unang matagumpay na yugto ng digmaan. Kapag nagsimula ang Diyos na nagkatawang-tao na trabahuin ang buhay ng tao, ito ang opisyal na pagsisimula ng gawain sa pagbawi sa tao, at dahil ito ang gawain sa pagbabago ng dating disposisyon ng tao, ito ang gawain sa pakikidigma kay Satanas. Ang yugto ng gawaing isinagawa ni Jehova noong pasimula ay ang pangunguna lang sa buhay ng tao sa lupa. Ito ang simula ng gawain ng Diyos, at bagaman hindi pa kabilang dito ang anumang digmaan, o anumang pangunahing gawain, inilatag nito ang saligan para sa digmaang darating. Kinalaunan, ang ikalawang yugto ng digmaan sa panahon ng Kapanahunan ng Biyaya ay kinabibilangan ng pagpapabago sa dating disposisyon ng tao, ibig sabihin ang Diyos Mismo ang pumanday sa buhay ng tao. Ito ay kinailangang personal na gawin ng Diyos: Kinailangan nito na personal na maging tao ang Diyos, at kung hindi Siya naging tao, walang sinuman ang makapapalit sa Kanya sa yugtong ito ng gawain, dahil kumakatawan ito sa gawain ng tuwirang pakikidigma laban kay Satanas. Kung ito ay isinagawa ng tao sa pangalan ng Diyos, kapag tumayo ang tao sa harapan ni Satanas, hindi susuko si Satanas at magiging imposible na talunin ito. Kinailangan na ang Diyos na nagkatawang-tao ang dumating upang talunin ito, sapagkat ang diwa ng Diyos na nagkatawang-tao ay Diyos pa rin, Siya pa rin ang buhay ng tao, at Siya pa rin ang Lumikha; anumang mangyari, ang Kanyang pagkakakilanlan at diwa ay hindi magbabago. At kaya, Siya ay nagsuklob ng katawang-tao at isinagawa ang gawain at binigyang-daan ang ganap na pagsuko ni Satanas. Sa panahon ng pagsisimula ng gawain sa mga huling araw, kung ang tao ang gagawa ng gawaing ito, pinapagpahayag nang tuwiran sa mga salitang ito, kung gayon ay hindi niya magagawang makipag-usap sa kanila, at kung ang propesiya ay ipinahayag, kung gayon ay wala itong kakayahan sa panlulupig ng tao. Sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao, dumating ang Diyos upang talunin si Satanas at bigyang-daan ang ganap na pagsuko nito. Lubos Niyang natalo si Satanas, ganap na nalupig ang tao, at lubos na natamo ang tao, at sa gayon ang yugtong ito ng gawain ay makukumpleto, at makakamit ang tagumpay. Sa pamamahala ng Diyos, hindi maaaring humalili ang tao sa Diyos. Lalo na, ang gawain para sa pangunguna sa panahon at paglulunsad sa bagong gawain ay higit na nangangailangan ng pagiging personal na pagsasagawa ng Diyos Mismo. Ang pagbibigay sa tao ng pagbubunyag at paglalaan sa kanya ng propesiya ay maaaring gawin ng tao, ngunit kung ito ay gawain na kailangang personal na gawin ng Diyos, gawain ukol sa digmaan sa pagitan ng Diyos Mismo at ni Satanas, kung gayon ang ganitong gawain ay hindi maaaring isagawa ng tao. Sa panahon ng unang yugto ng gawain, nang wala pang digmaan laban kay Satanas, personal na pinangunahan ni Jehova ang mga tao ng Israel gamit ang propesiyang ipinahayag ng mga propeta. Pagkatapos nito, ang ikalawang yugto ng gawain ay ang digmaan kay Satanas, at personal na naging tao ang Diyos Mismo, dumating na nasa katawang-tao upang isagawa ang gawaing ito. Ang anumang may kinalaman sa digmaan kay Satanas ay kinapapalooban din ng pagkakatawang-tao ng Diyos, nangangahulugan na ang digmaang ito ay hindi maaaring isagawa ng tao. Kung ang tao ang makikidigma, hindi niya makakayang talunin si Satanas. Paano siyang magkakaroon ng lakas na makipaglaban dito habang nasa ilalim pa rin ng sakop nito? Ang tao ay nasa gitna: Kung ikaw ay hihilig patungo kay Satanas nabibilang ka kay Satanas, ngunit kung iyong napalugod ang Diyos nabibilang ka sa Diyos. Kung ang tao ay hahalili sa Diyos sa gawain ng digmaang ito, makakaya ba niya? Kung nagawa niya, hindi ba maaaring matagal na siyang namatay? Maaaring matagal na siyang nakapasok sa mundo sa ibaba? At kaya, hindi kayang palitan ng tao ang Diyos sa Kanyang gawain, na ibig sabihin na hindi taglay ng tao ang diwa ng Diyos, at kung ikaw ay nakipagdigma kay Satanas kakayanin mong matalo ito. Maaari lamang gumawa ng ilang gawain ang tao; maaari lamang makahalina ng ilang tao, ngunit hindi siya maaaring humalili sa Diyos sa gawain ng Diyos Mismo. Paano makikidigma ang tao laban kay Satanas? Ikaw ay kukuning bihag ni Satanas bago ka pa man magsimula. Ang Diyos Mismo lamang ang maaaring makidigma kay Satanas, at sa batayang ito ang tao ay maaaring sumunod sa Diyos at sundin Siya. Sa paraan lang na ito maaaring matamo ng Diyos ang tao at makatatakas sa pagkakagapos kay Satanas. Masyadong limitado ang maaaring makamtan ng tao gamit ang kanyang karunungan, awtoridad at mga kakayahan; hindi niya kakayaning gawing buo ang tao, ang pangunahan siya, at, higit pa rito, ang talunin si Satanas. Hindi kakayanin ng talino at karunungan ng tao na hadlangan ang mga pamamaraan ni Satanas, kaya papano siya makikidigma rito?
Mula sa “Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao”
_____________________________
Malaman ang higit pa: Ano ang layunin ng Diyos sa paglikha ng tao
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento