Kidlat ng Silanganan

菜單

Hun 26, 2020

Maaari Lamang Maligtas ang Tao sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos (Sipi)


Kahit na ang pamamahala ng Diyos ay mukhang malalim sa tao, ito ay hindi di-kayang maunawaan ng tao, dahil ang lahat ng gawain ng Diyos ay konektado sa Kanyang pamamahala, may kaugnayan sa gawain ng pagliligtas ng sangkatauhan, at patungkol sa buhay, pamumuhay, at patutunguhan ng sangkatauhan. Ang gawaing ginagawa ng Diyos sa gitna ng at sa tao ay, maaari itong sabihing, napaka-praktikal at makahulugan. Maaari itong makita ng tao, maranasan ng tao, at malayo sa teorya lamang. Kung hindi kayang matanggap ng tao ang lahat ng gawaing ginagawa ng Diyos, kung gayon ano ang kabuluhan ng gawaing ito? At paanong ang nasabing pamamahala ay hahantong sa kaligtasan ng tao? Marami sa mga taong sumusunod sa Diyos ay may pakialam lamang sa kung paano makakatamo ng mga pagpapala o umiwas sa mga sakuna. Sa sandaling nababanggit ang gawain at pamamahala ng Diyos, sila ay tumatahimik at nawawalan ng lahat ng interes. Sila ay naniniwala na ang pagkaalam sa gayong kahihirap na mga katanungan ay hindi magpapalago ng kanilang buhay o magiging anumang pakinabang, kaya’t kahit na mayroon silang narinig na mga mensahe tungkol sa pamamahala ng Diyos, itinuturing nila ang mga iyong pangkaraniwan. At hindi nila nakikita ang mga iyon bilang isang bagay na mahalagang matánggáp, mas lalong hindi nila tinatanggap ang mga iyon bilang bahagi ng kanilang mga buhay. Ang ganoong mga tao ay may isang napaka-payak na layunin sa pagsunod sa Diyos: upang makakuha ng pagpapala, at sila ay lubhang tamad mag-asikaso ng anumang bagay na hindi kinapapalooban ng layuning ito. Para sa kanila, ang paniniwala sa Diyos upang makatamo ng mga pagpapala ay ang pinaka-lehitimo sa mga layunin at ang mismong kabuluhan ng kanilang pananampalataya. Sila ay hindi nababagabag ng anumang bagay na hindi magkakamit ng layuning ito. Ganyan ang kalagayan ng karamihan sa mga naniniwala sa Diyos ngayon. Ang kanilang layunin at adhikain ay mukhang totoo, dahil kasabay ng paniniwala sa Diyos, sila ay gumugugol din para sa Diyos, iniaalay ang kanilang mga sarili sa Diyos, at ginagampanan ang kanilang tungkulin. Isinuko nila ang kanilang kabataan, tinalikuran ang pamilya at karera, at gumugol pa ng ilang taon na nag-aabalang malayo sa tahanan. Para sa kapakanan ng kanilang sukdulang layunin, binago nila ang kanilang mga interes, binago ang kanilang pananaw sa buhay, at binago pa ang direksyong kanilang hinahanap, nguni’t hindi nila mabago ang layunin ng kanilang paniniwala sa Diyos. Nag-áabálá sila para sa pamamahala ng kanilang sariling mga mithiin; gaano man kalayo ang daan, at gaano man karaming mga paghihirap at balakid ang naroon sa daraanan, nananatili silang nasa panig ng kanilang mga layunin at nananatiling walang takot sa kamatayan. Anong kapangyarihan ang nagsasanhi sa kanilang patuloy na ialay ang kanilang mga sarili sa ganitong paraan? Ito ba ay ang kanilang konsensya? Ito ba ay ang kanilang dakila at marangal na katangian? Ito ba ay ang kanilang matibay na kapasiyahang makipaglaban sa mga puwersa ng kasamaan hanggang sa katapusan? Ito ba ay ang kanilang pananampalataya kung saan sila ay nagpapatotoo sa Diyos nang hindi naghahanap ng kabayaran? Iyon ba ay ang kanilang katapatan kung saan handa silang isuko ang lahat upang makamit ang kalooban ng Diyos? O ito ba ay ang kanilang espiritu ng pamamanata kung saan palagi nilang isinasakripisyo ang pansariling maluhong mga pangangailangan? Para sa mga tao na hindi kailanman nakilala ang gawain ng pamamahala ng Diyos na magbigay nang ganoong kalaki ay, sa payak na pananalita, isang nakamamanghang himala! Para sa ngayon, huwag nating talakayin kung gaano kalaki ang naibigay ng mga taong ito. Ang kanilang pag-uugali, gayunpaman, ay lubos na karapat-dapat sa ating pagsusuri. Bukod sa mga pakinabang na malápít na nakaugnay sa kanila, mayroon bang maaaring ibang dahilan para sa mga taong ito na hindi kailanman nauunawaan ang Diyos na magbigay nang napakalaki sa Kanya? Dito, natutuklasan natin ang isang dating hindi-natukoy na problema: Ang relasyon ng tao sa Diyos ay isang hubad na pansariling interes lamang. Ito ay ang relasyon sa pagitan ng tagatanggap at tagabigay ng mga pagpapala. Upang maging malinaw, ito ay tulad ng relasyon sa pag-itan ng manggagawa at amo. Ang manggagawa ay gumagawa lamang upang tumanggap ng mga gantimpala na ipinagkaloob ng amo. Sa isang relasyong tulad nito, walang pagmamahal, isang kasunduan lamang; walang pagmamahal at minamahal, kawanggawa at awa lamang; walang pag-unawa, pagbibitiw at panlilinlang lamang; walang pagpapalagayang-loob, isa lamang look na hindi maaaring mapagdugtong. Kapag ang mga bagay-bagay ay umabot sa puntong ito, sino ang makakayang baliktarin ang ganoong kalakaran? At gaano karaming mga tao ang may kakayahang tunay na maunawaan gaano naging desperado ang relasyong ito? Naniniwala Ako na kapag ang mga tao ay inilubog ang kanilang mga sarili sa kagalakan ng pagiging pinagpala, walang sinuman ang makakagunita kung gaano kahiya-hiya at hindi-magandang-tingnan ang ganoong relasyon sa Diyos.

Ang pinakamalungkot na bagay tungkol sa paniniwala ng sangkatauhan sa Diyos ay na ang tao ay nagsasagawa ng kanyang sariling pamamahala sa gitna ng gawain ng Diyos at walang pagsasaalang-alang sa pamamahala ng Diyos. Ang pinakamalaking kabiguan ng tao ay naroon sa kung paanong, kasabay ng paghahangad na magpasakop sa Diyos at sumamba sa Kanya, ang tao ay bumubuo ng kanyang sariling minimithing paroroonan at tinutuos kung paano makatatanggap ng pinakamalaking pagpapala at ng pinakamagandang paroroonan. Kahit na nauunawaan ng mga tao kung gaano sila kahabag-habag, kasuklam-suklam, at kaawa-awa, gaano ba karami ang handang talikuran ang kanilang mga mithiin at mga inaasam? At sino ang makapagpapahinto sa kanilang sariling mga hakbang at ihinto ang pag-iisip lamang sa kanilang mga sarili? Kailangan ng Diyos yaong mga makikipagtulungan nang malápít sa Kanya at tatapusin ang Kanyang pamamahala. Kinakailangan Niya ang mga maglalaan ng kanilang isipan at katawan sa gawain ng Kanyang pamamahala upang magpasakop sa Kanya; hindi Niya kailangan ang mga taong mag-uunat ng kanilang mga kamay at mamamalimos sa Kanya araw-araw, mas lalo nang hindi Niya kailangan yaong mga nagbibigay nang kaunti at pagkatapos ay naghihintay ng kabayaran sa pabor. Kinamumuhian ng Diyos ang mga taong gumagawa ng maliit na kontribusyon at pagkatapos ay namamahinga na sa kanilang mga katagumpayan. Kinamumuhian Niya yaong mga taong walang-pakialam na umaayaw sa gawain ng Kanyang pamamahala at nais lamang na pag-usapan ang tungkol sa pagtungo sa langit at pagkamit ng mga pagpapala. Siya ay may higit pang pagka-suklam sa mga nagsasamantala sa pagkakataong dinadala ng gawaing Kanyang ginagawa sa pagliligtas sa sangkatauhan. Iyon ay dahil ang mga taong ito ay hindi kailanman nagmalasakit sa kung ano ang mga nais na makamit ng Diyos at makamtan gamit ang mga gawain ng Kanyang pamamahala. Sila ay may pakialam lamang sa kung paano nila maaaring gamitin ang pagkakataong ibinigay ng gawain ng Diyos upang makatamo ng mga pagpapala. Sila ay walang pagkalinga sa puso ng Diyos, bilang ganap na abálá sa kanilang sariling hinaharap at kapalaran. Yaong mga umaayaw sa gawain ng pamamahala ng Diyos at wala man lamang kahit kaunting interes sa kung paano inililigtas ng Diyos ang sangkatauhan at sa Kanyang kalooban, ay gumagawa lahat ng kung ano ang kanilang ikinasisiya na hiwalay sa gawain ng pamamahala ng Diyos. Ang kanilang asal ay hindi natatandaan ng Diyos, hindi sinasang-ayunan ng Diyos, mas lalong hindi kinasisiyahan ng Diyos.

Hinango mula sa “Maaari Lamang Maligtas ang Tao sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos”

————————————————
Magrekomenda nang higit pa: Tagalog Daily Devotion

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...