Kidlat ng Silanganan

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Tatlong Yugto ng Gawain. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Tatlong Yugto ng Gawain. Ipakita ang lahat ng mga post

Hul 14, 2019

Tagalog Christian Songs| Ang Pamamahala ng Diyos ay Patuloy na Sumusulong



Tagalog Christian Songs|
Ang Pamamahala ng Diyos ay Patuloy na Sumusulong


I
Pagkatapos ng gawain ni Jehova,
naging tao si Jesus para gumawa sa gitna ng mga tao.
Di nakabukod ang Kanyang gawain,
ito'y itinatag sa gawain ni Jehova.
Ito ang gawain para sa isang bagong panahon
nang wakasan ng Diyos ang Kapanahunan ng Kautusan.
At nang magwakas ang gawain ni Jesus,
nagpatuloy ang Diyos sa sumunod na panahon.
Pamamahala ng Diyos, laging sumusulong.
Pag lumilipas ang dating panahon,
magsisimula ang isang bagong panahon.
Pag tapos na ang dating gawain,
magsisimula ang bagong gawain.
Pag lumilipas ang dating panahon,
magsisimula ang isang bagong panahon.

May 13, 2019

V Mga Klasikong Salita tungkol sa Relasyon sa Pagitan ng Bawat Yugto ng Gawain ng Diyos at ng Pangalan ng Diyos


  1. Ang gawaing ginawa ng Diyos Mismo sa bawat kapanahunan ay naglalaman ng pagpapahayag ng Kanyang tunay na disposisyon, at ang Kanyang pangalan at ang isinasagawa Niyang gawain ay parehong nagbabago kasabay ng kapanahunan; ang lahat ng ito ay bago. Sa Kapanahunan ng Kautusan, ang gawain ng paggabay sa sangkatauhan ay isinagawa sa ilalim ng pangalan ni Jehova, at ang unang yugto ng gawain ay isinagawa sa lupa. Ang gawain sa yugtong ito ay upang magtatag ng mga templo at dambana, at upang gamitin ang kautusan upang gabayan ang mga tao sa Israel at gumawa sa kalagitnaan nila. Sa pamamagitan ng paggabay sa mga tao sa Israel, Siya ay nagtatag ng himpilan para sa Kanyang gawain sa lupa. Sa himpilang ito, pinalawak Niya ang Kanyang gawain lampas ng Israel, samakatuwid, mula sa Israel, pinalawak Niya ang Kanyang gawain palabas, nang sa gayon ang mga susunod na salinlahi ay unti-unting malaman na si Jehova ay ang Diyos, at na nilikha ni Jehova ang langit at ang lupa at ang lahat ng bagay, nilikha ang lahat ng nilalang. Ipinalaganap Niya ang Kanyang gawain sa mga tao sa Israel.

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...