Ang pinagmulan:Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Nagbalik na Jesus
Nauugnay sa mga Salita ng Makapangyarihang Diyos
Nagkatawang-tao ang Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina, na ang tawag ng mga kababayan sa Hong Kong at Taiwan ay panloob-na-lupain. Nang dumating ang Diyos mula sa itaas tungo sa lupa, walang sinuman sa langit at lupa ang nakaalam tungkol dito, sapagka’t ito ang tunay na kahulugan ng pagbabalik ng Diyos sa isang lingid na paraan. Mahabang panahon na Siyang gumagawa at namumuhay sa katawang-tao, datapwa’t walang sinuman ang nakaalam nito. Hanggang sa araw na ito, walang sinuman ang nakakakilala rito. Marahil ito ay mananatiling isang walang-hanggang palaisipan. Sa panahong ito ang pagdating ng Diyos sa laman ay hindi isang bagay na kahit sino ay may kakayahang mabatid. Gaano man kalaki at kamakapangyarihan ang gawain ng Espiritu, nananatiling kalmado ang Diyos, hindi kailanman ipinagkakanulo ang Sarili Niya. Maaaring sabihin ng isa na ang yugtong ito ng Kanyang gawain ay parang nagaganap sa makalangit na kinasasaklawan. Kahit na ito ay ganap na halata sa lahat ng tao, walang sinuman ang nakakakilala rito. Kapag tinapos ng Diyos ang yugtong ito ng Kanyang gawain, magigising ang lahat mula sa kanilang mahabang panaginip at babaligtarin ang kanilang nakaraang pag-uugali[1]. Natatandaan ko nang minsang sabihin ng Diyos na, “Ang pagdating sa laman sa oras na ito ay parang tulad ng pagbagsak sa lungga ng isang tigre.” Ang ibig sabihin nito ay dahil sa ikot na ito ng gawain ng Diyos ay ang pagdating ng Diyos sa laman at pagkapanganak sa tinatahanang lugar ng malaking pulang dragon, ang Kanyang pagparito sa lupa sa panahong ito ay may kasama pang mas matitinding mga panganib. Ang kinakaharap Niya ay mga kutsilyo at mga baril at mga garote; ang kinakaharap Niya ay tukso; ang kinakaharap Niya ay maraming tao na may nakamamatay na mga tingin. Nakikipagsapalaran Siyang mapatay anumang sandali. Dumating nga ang Diyos na may poot. Gayunpaman, dumating Siya upang gawin ang gawain ng pagpeperpekto, na nangangahulugan na gawin ang ikalawang bahagi ng Kanyang gawain na nagpapatuloy pagkatapos ng gawain ng pagtubos. Para sa kapakanan ng yugtong ito ng Kanyang gawain, inilaan ng Diyos ang sukdulang pagpapahalaga at pag-iingat at gumagamit ng bawa’t maiisip na mga paraan upang maiwasan ang mga pag-atake ng tukso, mapagkumbabang itinatago ang Kanyang sarili at hindi kailanman ipinapasikat ang Kanyang pagkakakilanlan. Sa pagsagip ng tao mula sa krus, kinukumpleto lamang ni Jesus ang gawain ng pagtubos; hindi Siya gumagawa ng gawaing pagpeperpekto. Kaya kalahati lamang ng gawain ng Diyos ang ginagawa, ang pagtatapos ng gawain ng pagtubos ay kalahati lamang ng Kanyang buong plano. Sa pag-uumpisa ng bagong kapanahunan at pagtatapos ng luma, ang Diyos Ama ay nagsimulang pag-isipan ang ikalawang bahagi ng Kanyang gawain at nagsimulang paghandaan ito. Noong nakaraan, maaaring hindi nahulaan ang pagkakatawang-taong ito sa huling mga araw, at sa gayon naglatag ito ng isang pundasyon para higit pang mailihim ang pagdating ngayon ng Diyos sa laman. Sa pagsapit ng bukang-liwayway, hindi nalalaman ng sinuman, naparito ang Diyos sa lupa at sinimulan ang Kanyang buhay sa laman. Hindi alam ng mga tao ang sandaling ito. Siguro lahat sila ay mahimbing na natutulog, marahil maraming nagbabantay na gising ang naghihintay, at marahil marami ang nagdarasal nang tahimik sa Diyos sa langit. Gayunman sa gitna ng lahat nitong maraming mga tao, wala ni isang nakakaalam na ang Diyos ay dumating na sa lupa. Gumawa ang Diyos nang papaganito nang sa gayon mas maayos na maisakatuparan ang Kanyang gawain at makamit ang mas mahusay na mga resulta, at upang maiwasan din ang maraming mga tukso. Sa pagkagising ng tao sa mahimbing na pagkakaidlip, ang gawain ng Diyos ay matagal nang natapos at Siya’y aalis na, dadalhin sa pagtatapos ang Kanyang buhay nang paglilibot at pansamantalang pagtigil sa lupa. Dahil ang gawain ng Diyos ay nangangailangan na ang Diyos ay kumilos at magsalita nang personal, at dahil walang paraan ang tao upang makatulong, tiniis ng Diyos ang matinding sakit upang pumarito sa lupa at gawin Niya Mismo ang gawain. Hindi kayang humalili ng tao para sa gawain ng Diyos. Samakatuwid nakipagsapalaran sa mga panganib ang Diyos ng ilang libong beses na mas matindi kaysa roon sa Kapanahunan ng Biyaya upang bumaba sa kung saan ang malaking pulang dragon ay nananahan upang gawin ang Kanyang sariling gawain, upang ibuhos ang lahat ng Kanyang pag-iisip at pangangalaga sa pagtubos sa grupo ng naghihirap na mga taong ito, pagtubos sa grupong ito ng mga taong nasadlak sa tambak ng basura. Kahit na walang nakakaalam sa pag-iral ng Diyos, hindi nababalisa ang Diyos dahil ito ay malaking kapakinabangan sa gawain ng Diyos. Napakabangis na masama ang bawa’t isa, kaya paanong matitiis ng kahit na sino ang pag-iral ng Diyos? Iyon ang dahilan kung bakit laging tahimik ang Diyos sa lupa. Kahit gaano kalabis ang kalupitan ng tao, hindi dinidibdib ng Diyos ang alinman dito, kundi patuloy lamang Siya sa paggawa ng kailangang gawain upang matupad ang mas higit na atas na ibinigay sa Kanya ng Ama sa langit. Sino sa inyo ang nakakakilala ng kagandahan ng Diyos? Sino ang nagpapakita nang higit na pagsasaalang-alang sa pasanin ng Diyos Ama kaysa sa ginagawa ng Kanyang Anak? Sino ang may kakayahang maunawaan ang kalooban ng Diyos Ama? Madalas na nababalisa sa langit ang Espiritu ng Diyos Ama, at ang Kanyang Anak sa lupa ay madalas nananalangin para sa kalooban ng Diyos Ama, lubhang nababahala ang Kanyang puso. Mayroon bang kahit sino na nakakaalam ng pag-ibig ng Diyos Ama para sa Kanyang Anak? Mayroon bang kahit sino na nakakaalam kung paano nangungulila ang sinisintang Anak sa Diyos Ama? Napupunit sa pag-itan ng langit at lupa, ang dalawa ay patuloy na tinititigan ang bawa’t isa mula sa malayo, magkaagapay sa Espiritu. O sangkatauhan! Kailan kayo magiging mapagbigay sa puso ng Diyos? Kailan ninyo mauunawaan ang intensyon ng Diyos? Palaging umaasa ang Ama at Anak sa isa’t isa. Bakit kung gayon dapat Silang maghiwalay, isa sa langit sa itaas at isa sa lupa sa ibaba? Minamahal ng Ama ang Kanyang Anak gaya ng pagmamahal ng Anak sa Kanyang Ama. Bakit kung gayon dapat Siyang maghintay nang may gayong pag-asam at manabik nang may gayong pagkabalisa? Kahit hindi Sila nagkahiwalay nang matagal, mayroon bang kahit sino na nakakaalam na ang Ama ay lubhang nababalisa na nagnanasa sa loob ng maraming mga araw at gabi at nananabik sa mabilis na pagbalik ng Kanyang minamahal na Anak? Nagmamasid Siya, nakaupo Siya sa katahimikan, naghihintay Siya. Ang lahat ng ito ay para sa mabilis na pagbalik ng Kanyang minamahal na Anak. Kailan kaya Niya muling makakasama ang Anak na naglilibot sa lupa? Kahit na minsang nagsama, magsasama Sila sa walang-hanggan, paano Niya matitiis ang libu-libong mga araw at gabi ng paghihiwalay, ang isa sa langit sa itaas at isa sa lupa sa ibaba? Ang sampu-sampung taon sa lupa ay gaya ng libu-libong taon sa langit. Paanong hindi mag-aalala ang Diyos Ama? Kapag pumaparito ang Diyos sa lupa, nararanasan Niya ang maraming mga pagbabago ng mundo ng tao kagaya nang nararanasan ng tao. Ang Diyos Mismo ay walang sala, kaya bakit hahayaang magdusa ang Diyos ng parehong sakit gaya ng tao? Hindi nakapagtataka na ang Diyos Ama ay nangungulila nang marubdob sa Kanyang Anak; sino ang maaaring makaunawa sa puso ng Diyos? Binibigyan ng Diyos ang tao nang sobra; paano magagawa ng tao na bayaran nang sapat ang puso ng Diyos? Datapwa’t ang ibinibigay ng tao sa Diyos ay masyadong maliit; paanong hindi mag-aalala samakatuwid ang Diyos?
Bihira sa mga tao ang nakakaunawa sa nagpupumilit na puso ng Diyos dahil masyadong mababa ang kakayahan ng mga tao at ang kanilang pandamang espirituwal ay talagang mapurol, at dahil lahat sila ay hindi nakakapansin ni umiintindi kung ano ang ginagawa ng Diyos. Kaya patuloy na nag-aalala ang Diyos sa tao, na parang ang malupit na kalikasan ng tao ay maaaring kumawala anumang sandali. Ito ay higit pang nagpapakita na ang pagdating ng Diyos sa lupa ay may kasamang malalaking mga tukso. Nguni’t para sa kapakanan ng pagkumpleto sa isang grupo ng mga tao, ang Diyos, puno ng kaluwalhatian, ay nagsabi sa tao ng Kanyang bawa’t layunin, walang itinatago. Matatag Siyang nagpasya na kumpletuhin ang grupong ito ng mga tao. Samakatuwid, dumating man ang paghihirap o tukso, tumitingin Siya nang palayo at hindi pinapansin ang lahat ng ito. Tahimik lamang Niyang ginagawa ang Kanyang sariling gawain, matatag na naniniwala na isang araw kapag nakamit na ng Diyos ang kaluwalhatian, makikilala ng tao ang Diyos, at naniniwalang kapag nakumpleto na ng Diyos ang tao, lubos niyang mauunawaan ang puso ng Diyos. Sa ngayon maaaring may mga tao na tinutukso ang Diyos o hindi nauunawaan ang Diyos o sinisisi ang Diyos; walang isinasapuso ang Diyos sa mga iyon. Kapag bumaba ang Diyos sa kaluwalhatian, mauunawaan ng lahat ng mga tao na ang lahat ng bagay na ginagawa ng Diyos ay para sa kagalingan ng sangkatauhan, at mauunawaan ng lahat ng mga tao na ang lahat ng bagay na ginagawa ng Diyos ay upang mas mahusay na mabuhay ang sangkatauhan. Ang pagdating ng Diyos ay may kasamang mga tukso, at dumarating din ang Diyos na may kamahalan at poot. Sa panahong iniwan na ng Diyos ang tao, nagkamit na Siya ng kaluwalhatian, at aalis Siya na punung-puno ng kaluwalhatian at may kagalakan ng pagbabalik. Ang Diyos na gumagawa sa lupa ay hindi isinasapuso ang mga bagay-bagay gaano man Siya tanggihan ng mga tao. Ginagawa lamang Niya ang Kanyang gawain. Ang paglikha ng Diyos sa mundo ay nagmula libu-libong taon na ang nakararaan, naparito Siya sa lupa upang gawin ang hindi masukat na dami ng mga gawain, at ganap Niyang naranasan ang pagtanggi at paninirang-puri ng pantaong mundo. Walang sinuman ang sumasalubong sa pagdating ng Diyos; tinitingnan lamang Siya ng lahat nang may malamig na mata. Sa paglipas ng katumbas nitong ilang libong taong mga paghihirap, matagal nang panahon na binasag ng pag-uugali ng tao ang puso ng Diyos. Hindi na Niya pinapansin ang paghihimagsik ng mga tao, bagkus ay gumagawa ng isang hiwalay na plano upang mapanibagong-anyo at linisin ang tao. Ang pang-uuyam, ang paninirang-puri, ang pag-uusig, ang kapighatian, ang paghihirap ng pagpapapako sa krus, ang pagbubukod ng tao, at iba pa na naranasan ng Diyos sa laman—nakalasap nang husto ang Diyos ng mga ito. Lubusang nagdusa sa mga paghihirap ng mundo ng tao ang Diyos sa laman. Matagal na panahon na ang nakalipas na ang gayong tanawin ay hindi matiis ng Espiritu ng Diyos Ama at sumandig na lamang at ipinikit ang Kanyang mga mata, naghihintay sa pagbabalik ng Kanyang minamahal na Anak. Ang tanging ninanais Niya ay makinig at sumunod ang lahat ng tao, na makaramdam ng malaking kahihiyan sa harap ng Kanyang katawang-tao, at hindi maghimagsik laban sa Kanya. Ang tanging ninanais Niya ay na ang mga tao ay maniwala na ang Diyos ay umiiral. Matagal na Siyang tumigil sa paghingi ng mas malaking mga kinakailangan sa tao sapagka’t masyadong mataas na halaga ang naibayad ng Diyos, datapwa’t hindi iyon gaanong pinahahalagahan[2] ng tao, hindi man lamang isinasapuso ang gawain ng Diyos.
Ang unang pagkakataong naging tao ang Diyos ay sa paglilihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, at kaugnay ito sa gawaing Kanyang binalak na gawin. Ang Kapanahunan ng Biyaya ay nagsimula sa pangalan ni Jesus. Nang nagsimula si Jesus na gampanan ang Kanyang ministeryo, ang Banal na Espiritu ay nagsimulang magpatotoo sa pangalan ni Jesus, at ang pangalang Jehova ay hindi na muling binigkas pa; sa halip, ang Banal na Espiritu ay nagsagawa ng bagong gawain na pangunahing sa ilalim ng pangalan ni Jesus. Ang patotoo ng yaong naniwala sa Kanya ay isinagawa para kay Jesu-Cristo, at ang gawaing kanilang ginawa ay para rin kay Jesu-Cristo. Ang konklusyon ng Kapanahunan ng Kautusan ng Lumang Tipan ay nangahulugang natapos na ang gawain na isinagawa pangunahin sa ilalim ng pangalan ni Jehova. Mula ngayon, ang pangalan ng Diyos ay hindi na Jehova; sa halip Siya ay tinawag na Jesus, at mula rito ay sinimulan ng Banal na Espiritu ang gawain na pangunahing sa ilalim ng pangalan ni Jesus. Kaya, ngayon, ang tao na kumakain at umiinom pa rin ng mga salita ni Jehova, at ginagawa pa rin ang lahat ng bagay alinsunod sa gawain ng Kapanahunan ng Kautusan—hindi ka ba bulag na sumusunod sa mga regulasyon dito? Hindi ka ba naiwan sa nakaraan? Batid na ninyo ngayon na ang mga huling araw ay sumapit na. Maaari ba, na kapag dumating si Jesus, tatawagin pa rin Siyang Jesus? Sinabi ni Jehova sa mga Israelita na ang Mesiyas ay darating, at gayunman nang dumating nga Siya, hindi Siya tinawag na Mesiyas kundi Jesus. Sinabi ni Jesus na muli Siyang paparito, at darating Siya gaya ng pag-alis Niya. Ito ang mga salita ni Jesus, ngunit nakita mo ba ang paraan kung paanong umalis si Jesus? Umalis si Jesus na nakasakay sa isang puting ulap, ngunit maaari bang personal na bumalik Siya sa mga tao sa isang puting ulap? Kung ganyan nga, tatawagin pa rin ba Siyang Jesus? Kapag muling dumating si Jesus, ang kapanahunan ay magbabago na, kaya maaari pa rin ba Siyang tawagin na Jesus? Ang Diyos ba ay maaaring makilala lamang sa pangalan ni Jesus? Hindi ba Siya maaaring matawag sa isang bagong pangalan sa isang bagong kapanahunan? Maaari bang kumatawan ang wangis ng isang tao at isang partikular na pangalan sa Diyos sa Kanyang kabuuan? Sa bawat kapanahunan, gumagawa ang Diyos ng bagong gawain at tinatawag ng bagong pangalan; paano Siya makakagawa ng parehong gawain sa iba’t ibang kapanahunan? Paano Siya makakakapit sa luma? Ang pangalan ni Jesus ay kinuha para sa kapakanan ng gawain ng pagtubos, kaya tatawagin pa rin ba Siya sa parehong pangalan kapag bumalik Siya sa mga huling araw? Gagawin pa rin ba Niya ang gawain ng pagtubos? Bakit si Jehova at si Jesus ay iisa, gayunman tinatawag Sila sa magkaibang mga pangalan sa magkaibang mga kapanahunan? Hindi ba sa dahilang ang mga kapanahunan ng Kanilang gawain ay magkaiba? Maaari bang kumatawan ang iisang pangalan sa Diyos sa Kanyang kabuuan? Kung kaya nga, dapat tawagin ang Diyos sa ibang pangalan sa ibang kapanahunan, at dapat gamitin ang pangalan para baguhin ang kapanahunan at katawanin ang kapanahunan. Dahil walang isang pangalan ang maaaring ganap na kumatawan sa Diyos Mismo, at bawat pangalan ay maaari lamang kumatawan sa makalupang aspeto ng disposisyon ng Diyos sa ibinigay na kapanahunan; ang tanging kailangang gawin nito ay kumatawan sa Kanyang gawain. Kung gayon, maaaring pumili ang Diyos ng kahit anong pangalan na bumabagay sa Kanyang disposisyon upang kumatawan sa buong kapanahunan. Hindi alintana kung ito ang kapanahunan ni Jehova, o ang kapanahunan ni Jesus, ang bawat kapanahunan ay kinakatawan ng isang pangalan. Sa katapusan ng Kapanahunan ng Biyaya, ang panghuling kapanahunan ay dumating na, at naparito na si Jesus. Paano pa rin Siya maaaring matawag na Jesus? Paano Niya maaaring kunin pa rin ang anyo ni Jesus sa kalagitnaan ng mga tao? Nakalimutan mo bang si Jesus ay hindi higit kaysa sa wangis ng isang Nazareno? Nakalimutan mo bang si Jesus ay Manunubos lamang ng sangkatauhan? Paano Niya maaaring maisagawa ang gawain ng panlulupig at pagperpekto ng tao sa mga huling araw? Lumisan si Jesus sakay ng isang puting ulap—ito ang katotohanan—ngunit paano Siya makakabalik sa puting ulap sa kalagitnaan ng mga tao at tatawagin pa ring Jesus? Kung talaga ngang dumating Siya sa isang ulap, paano mabibigo ang tao na makilala Siya? Hindi ba Siya makikilala ng lahat ng tao sa buong mundo? Kung mangyari ito, hindi ba si Jesus lamang ang Diyos? Kung maganap ito, ang wangis ng Diyos ay magiging ang anyo ng isang Hudyo, at higit pa ay magiging pareho magpakailanman. Sinabi ni Jesus na paparito Siya gaya ng pag-alis Niya, ngunit alam mo ba ang totoong kahulugan ng Kanyang mga salita? Maaari ba na sinabi Niya sa grupo ninyong ito? Ang alam mo lang ay paparito Siya gaya ng pag-alis Niya, nakasakay sa ulap, ngunit alam mo ba talaga kung paano ginagawa ng Diyos Mismo ang Kanyang gawain? Kung tunay ngang iyong nakikita, paano maipapaliwanag ang mga salitang tinuran ni Jesus? Sinabi Niya, “Kapag dumarating ang Anak ng tao sa mga huling araw, Siya Mismo ay hindi makakaalam, hindi malalaman ng mga anghel, hindi malalaman ng mga sugo sa langit, at hindi malalaman ng lahat ng sangkatauhan. Tanging ang Ama ang makakaalam, ibig sabihin, tanging ang Espiritu ang makakaalam.” Kung may-kakayahan kang malaman at makita, hindi ba magiging walang kabuluhan ang mga salitang ito? Kahit na ang Anak ng tao Mismo ay hindi nalalaman, gayunman nagagawa mong makita at malaman? Kung nakita mo sa iyong sariling mga mata, hindi ba ang mga salitang ito ay nasabi nang walang saysay? At ano ang sinabi ni Jesus sa pagkakataong iyon? “Ngunit walang nakakaalam ng araw at oras na iyon, kahit ang mga anghel sa langit, kundi ang aking Ama lamang. Ang pagdating ng Anak ng tao ay tulad noong panahon ni Noe. … Kaya’t maging handa rin kayo: dahil darating ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo inaaasahan.” Kapag dumating ang araw na iyan, ang Anak ng tao Mismo ay hindi malalaman ito. Ang Anak ng tao ay tumutukoy sa katawan ng naging tao na Diyos, isang normal at karaniwang tao. Kahit na ang tao na ito ay hindi Niya Mismo alam, kaya paano mo maaaring malaman? Sinabi ni Jesus na paparito Siya gaya ng pag-alis Niya. Kapag dumating Siya, kahit na Siya Mismo ay hindi alam, kaya maaari ba Niyang ipaalam sa iyo nang maaga? Maaari mo bang makita ang Kanyang pagdating? Hindi ba iyan isang biro? Sa bawat pagkakataong dumarating ang Diyos sa mundo, binabago Niya ang Kanyang pangalan, ang Kanyang kasarian, ang Kanyang wangis, at ang Kanyang gawain; Hindi Niya inuulit ang Kanyang gawain. Siya ang Diyos na palaging bago at hindi kailanman luma. Nang dumating Siya noon, tinawag Siyang Jesus; maaari pa rin bang tawagin Siyang Jesus sa pagkakataong ito kapag bumalik Siya? Nang dumating Siya noon, Siya ay lalaki; maaari bang maging lalaki Siyang muli sa pagkakataong ito? Ang Kanyang gawain nang pumarito Siya sa Kapanahunan ng Biyaya ay ang maipako sa krus; kapag pumarito Siyang muli, maaari pa ba Niyang tubusin ang tao mula sa kasalanan? Maaari ba Siyang ipakong muli sa krus? Hindi ba iyan pag-uulit ng Kanyang gawain? Hindi mo ba alam na ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma? Mayroon yaong mga nagsasabi na ang Diyos ay walang-pagbabago. Tama iyan, ngunit tumutukoy ito sa hindi pagbabago ng disposisyon ng Diyos at ng Kanyang diwa. Ang mga pagbabago sa Kanyang pangalan at gawain ay hindi nagpapatunay na nabago ang Kanyang diwa; sa ibang salita, ang Diyos ay palaging Diyos, at hindi ito kailanman magbabago. Kung sinasabi mo na ang gawain ng Diyos ay hindi nagbabago, makakaya ba Niyang matapos ang Kanyang anim-na-libong-taon na plano sa pamamahala? Alam mo lamang na ang Diyos ay hindi nagbabago magpakailanman, ngunit alam mo bang ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma? Kung hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, maaari ba Niyang napamunuan ang sangkatauhan hanggang sa kasalukuyan? Kung ang Diyos ay walang-pagbabago, bakit nagawa na Niya ang gawain ng dalawang kapanahunan? Ang Kanyang gawain ay hindi kailanman humihinto sa pagkilos pasulong, na ang ibig sabihin ay unti-unting ibinubunyag ang Kanyang disposisyon sa tao, at ang nabubunyag ay ang Kanyang likas na disposisyon. Sa simula, ang disposisyon ng Diyos ay nakatago mula sa tao, hindi Niya kailanman hayagang ibinunyag ang Kanyang disposisyon sa tao, at ang tao ay walang kaalaman tungkol sa Kanya. Dahil dito, ginagamit Niya ang Kanyang gawain upang unti-unting ibunyag sa tao ang Kanyang disposisyon, ngunit ang paggawa sa ganitong paraan ay hindi nangangahulugang nagbabago ang disposisyon ng Diyos sa bawat kapanahunan. Hindi nangyayari na ang disposisyon ng Diyos ay patuloy na nagbabago sa dahilang ang Kanyang kalooban ay palaging nagbabago. Sa halip, ito ay dahil ang mga kapanahunan ng Kanyang gawain ay magkakaiba, kinukuha ng Diyos ang Kanyang likas na disposisyon sa kabuuan nito at, sa paisa-isang hakbang, ibinubunyag ito sa tao, upang maaari Siyang makilala ng tao. Ngunit hindi ito talagang patunay na ang Diyos sa orihinal ay walang partikular na disposisyon o ang Kanyang disposisyon ay unti-unting nabago sa paglipas ng mga kapanahunan—ang ganitong pag-unawa ay kamalian. Ibinubunyag ng Diyos sa tao ang Kanyang likas at partikular na disposisyon—kung ano Siya—ayon sa paglipas ng mga kapanahunan; ang gawain ng iisang kapanahunan ay hindi maaaring magpahayag ng buong disposisyon ng Diyos. At kaya, ang mga salitang “Ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma” ay tumutukoy sa Kanyang gawain, at ang mga salitang “Ang Diyos ay walang-pagbabago” ay sa likas na kung anong mayroon at kung ano ang Diyos. Anuman, hindi mo maaaring gawin ang gawain ng anim na libong taon na ibatay sa iisang punto, o itakda ito gamit ang mga patay na salita. Ganoon ang katangahan ng tao. Ang Diyos ay hindi kasing-simple ng iniisip ng tao, at ang Kanyang gawain ay hindi maaaring manatili sa anumang isang kapanahunan. Si Jehova, bilang halimbawa, ay hindi maaring palaging tumatayo para sa pangalan ng Diyos; maaari ring gawin ng Diyos ang Kanyang gawain sa ilalim ng pangalan ni Jesus. Tanda ito na ang gawain ng Diyos ay palaging kumikilos sa pasulong na pag-unlad.
Ang Diyos ay palaging Diyos, at hindi kailanman magiging si Satanas; si Satanas ay palaging si Satanas, at hindi kailanman magiging Diyos. Ang karunugan ng Diyos, ang pagiging kahanga-hanga ng Diyos, ang pagkamatuwid ng Diyos, at ang kamahalan ng Diyos ay hindi kailanman magbabago. Ang Kanyang pinakadiwa at kung ano ang mayroon at kung ano Siya ay hindi kailanman magbabago. Para sa Kanyang gawain, gayon pa man, palagi itong umuunlad sa pasulong na direksyon, palaging lalong lumalalim, sa dahilang palagi Siyang bago at hindi kailanman luma. Sa bawat kapanahunan gumagamit ang Diyos ng bagong pangalan, sa bawat kapanahunan gumagawa Siya ng bagong gawain, at sa bawat kapanahunan hinahayaan Niya ang Kanyang mga nilalang na makita ang Kanyang bagong kalooban at bagong disposisyon. Kung, sa isang bagong kapanahunan, ay nabibigo ang mga tao na makita ang pagpapahayag ng bagong disposisyon ng Diyos, hindi ba nila ipapako Siya sa krus magpakailanman? At sa paggawa nito, hindi ba nila ipapakahulugan ang Diyos? Kung ang Diyos ay naging tao bilang isang lalaki lamang, ipapakahulugan Siya ng mga tao bilang lalaki, bilang Diyos ng mga lalaki, at hindi kailanman maniniwala sa Kanya na maging Diyos ng mga babae. Panghahawakan ng mga lalaki na pareho ang kasarian ng Diyos sa mga lalaki, na ang Diyos ay ang pinuno ng mga lalaki—ngunit paano naman ang mga babae? Hindi ito makatarungan; hindi ba ito pagtrato nang may pagtatangi? Kung ito ang naging pangyayari, kung gayon ang lahat yaong iniligtas ng Diyos ay mga lalaking katulad Niya, at wala ni isang babae na maliligtas. Nang nilikha ng Diyos ang sangkatauhan, nilikha Niya si Adan at nilikha Niya si Eba. Hindi Niya lamang nilikha si Adan, ngunit ginawa ang parehong lalaki at babae sa Kanyang wangis. Ang Diyos ay hindi lamang ang Diyos ng mga lalaki—Siya rin ang Diyos ng mga babae. Ang Diyos ay pumapasok sa isang bagong yugto ng gawain sa mga huling araw. Ibubunyag Niya nang higit pa ang Kanyang disposisyon, at hindi ito magiging ang habag at pag-ibig noong panahon ni Jesus. Dahil may bago Siyang gawaing isinasagawa, ang bagong gawaing ito ay sasamahan ng bagong disposisyon. Kaya, kung ang gawaing ito ay ginawa ng Espiritu—kung ang Diyos ay hindi naging tao, at sa halip ang Espiritu ay tuwirang nangusap sa pamamagitan ng kulog upang ang tao ay walang paraan na makipag-ugnayan sa Kanya, makakaya ba ng tao na malaman ang Kanyang disposisyon? Kung tanging ang Espiritu ang gumawa ng gawain, sa gayon walang paraan ang tao na malaman ang disposisyon ng Diyos. Maaari lamang pagmasdan ng mga tao ang disposisyon ng Diyos sa kanilang sariling mga mata kapag Siya ay nagiging tao, kapag ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao, at ipinapahayag Niya ang Kanyang buong disposisyon sa katawang-tao. Ang Diyos ay talaga at tunay na nabuhay kapiling ng mga tao. Siya ay nahahawakan; ang tao ay maaaring aktwal na makipag-ugnayan sa Kanyang disposisyon, makipag-ugnayan sa kung anong mayroon at kung ano Siya; tanging sa ganitong paraan maaaring tunay na makilala Siya ng tao. Kasabay nito, nagawang ganap din ng Diyos ang gawain kung saan “Ang Diyos ay ang Diyos ng mga lalaki at ang Diyos ng mga babae,” at natamo ang kabuuan ng Kanyang gawain sa katawang-tao. Hindi Siya kumukopya ng gawain sa anumang kapanahunan. Dahil ang mga huling araw ay dumating na, gagawin Niya ang gawain na ginagawa Niya sa mga huling araw, at ihahayag ang buong disposisyon na sa Kanya sa mga huling araw. Sa pagsasabi tungkol sa mga huling araw, tumutukoy ito sa isang hiwalay na kapanahunan, isa na kung saan sinabi ni Jesus na tiyak na mararanasan ninyo ang kalamidad, at mararanasan ang mga lindol, taggutom, at salot, na magpapakita na ito ay isang bagong kapanahunan, at hindi na ang lumang Kapanahunan ng Biyaya. Ipagpalagay na, gaya ng sinasabi ng mga tao, ang Diyos ay hindi nagbabago magpakailanman, ang Kanyang disposisyon ay palaging mahabagin at mapagmahal, minamahal Niya ang tao tulad ng Kanyang Sarili, at nag-aalok Siya sa bawat tao ng kaligtasan at hindi kailanman napopoot sa tao, magkakaroon ba ang Kanyang gawain ng katapusan? Nang dumating si Jesus at ipinako sa krus, sinasakripisyo ang Kanyang Sarili para sa lahat ng makasalanan at iniaalay ang Kanyang Sarili sa altar, natapos na Niya ang gawain ng pagtubos at dinala ang Kapanahunan ng Biyaya sa katapusan. Kaya ano ang magiging punto ng pag-uulit ng gawain sa kapanahunang iyan sa mga huling araw? Hindi ba ang paggawa ng parehong bagay ay magiging pagtanggi sa gawain ni Jesus? Kung hindi ginawa ng Diyos ang gawain ng pagpapako sa krus nang dumating Siya sa yugtong ito, ngunit nanatiling mapagmahal at mahabagin, sa gayon madadala ba Niya ang kapanahunan sa katapusan nito? Madadala ba ng mapagmahal at mahabaging Diyos ang kapanahunan sa katapusan? Sa Kanyang pinakahuling gawain na pagwawakas sa kapanahunan, ang disposisyon ng Diyos ay isang pagkastigo at paghatol, kung saan ay ibinubunyag Niya ang lahat na hindi matuwid, upang hatulan sa harap ng madla ang lahat ng mga tao, at gawing perpekto yaong nagmamahal sa Kanya nang may matapat na puso. Tanging ang disposisyon na gaya nito ang makapagdadala ng kapanahunan sa katapusan. Ang mga huling araw ay dumating na. Ang lahat ng bagay sa paglikha ay paghihiwalayin ayon sa kanilang uri, at hahatiin sa iba’t ibang kategorya batay sa kanilang kalikasan. Ito ang sandali kung kailan ibubunyag ng Diyos ang kalalabasan ng sangkatauhan at ang kanilang hantungan. Kung ang mga tao ay hindi sasailalim sa pagkastigo at paghatol, walang magiging paraan para ilantad ang kanilang pagsuway at kabuktutan. Sa pagkastigo at paghatol lamang maaaring mabunyag ang kalalabasan ng lahat ng nilikha. Ipinapakita lamang ng tao ang kanyang tunay na mga kulay kapag siya ay nakakastigo at nahahatulan. Ang masama ay ilalagay kasama ng masama, ang mabuti kasama ng mabuti, at ang lahat ng sangkatauhan ay paghihiwalayin ayon sa kanilang uri. Sa pagkastigo at paghatol, ang kalalabasan ng lahat ng nilikha ay mabubunyag, upang maaaring maparusahan ang masama at magantimpalaan ang mabuti, at lahat ng tao ay sasailalim sa pamamahala ng Diyos. Ang lahat ng gawaing ito ay dapat makamit sa matuwid na pagkastigo at paghatol. Dahil ang kasamaan ng tao ay umabot na sa sukdulan nito at ang kanyang pagsuway ay nagiging lubhang matindi, tanging ang matuwid na disposisyon ng Diyos, isa na pangunahing binubuo ng pagkastigo at paghatol at ibinubunyag sa mga huling araw, ang maaari lamang lubusan na makapagpapabago at makagagawang ganap sa tao. Ang disposisyon lamang na ito ang maaaring maglantad sa masama at kaya matinding parurusahan ang lahat ng hindi matuwid. Kung gayon, ang disposisyong gaya nito ay napupuspos ng makalupang kabuluhan, at ang pagbubunyag at pagpapamalas ng Kanyang disposisyon ay ipinapakita para sa kapakanan ng gawain sa bawat bagong kapanahunan. Hindi ibinubunyag ng Diyos ang Kanyang disposisyon batay sa kagustuhan at nang walang kabuluhan. Ipagpalagay na, sa pagbunyag ng kalalabasan ng tao sa mga huling araw, ipinagkaloob pa rin ng Diyos sa tao ang walang hanggang habag at pag-ibig at patuloy na mapagmahal sa kanya, na hindi isinasailalim ang tao sa matuwid na paghatol ngunit sa halip ay ipinapamalas sa kanya ang pagpapaubaya, tiyaga, at pagpapatawad, at pinapatawad ang tao gaano man kalaki ang kanyang mga kasalanan, nang walang anumang katiting ng matuwid na paghatol: kung gayon kailan matatapos ang lahat ng pamamahala ng Diyos? Kailan na ang isang disposisyong gaya nito ay maaaring maghatid sa mga tao sa wastong hangganan ng sangkatauhan? Bilang halimbawa, ang hukom na palaging mapagmahal, ang hukom na may mabait na mukha at magiliw na puso. Minamahal Niya ang mga tao na hindi isinasaalang-alang ang mga krimeng maaari nilang nagawa, at siya ay mapagmahal at mapagpaubaya sa kanila maging sinuman sila. Sa ganyang pangyayari, kailan siya makapagbibigay ng makatarungang hatol? Sa mga huling araw, tanging ang matuwid na paghatol ang maaaring magpahiwalay sa tao ayon sa kanilang uri at makapagdala sa tao sa isang bagong kaharian. Sa paraang ito, ang buong kapanahunan ay dinadala sa katapusan sa pamamagitan ng matuwid na disposisyon ng paghatol at pagkastigo ng Diyos.
Sa bawat kapanahunan at bawat yugto ng gawain, ang Aking pangalan ay hindi walang basehan, subalit pinanghahawakan ang kinakatawang kabuluhan: Bawat pangalan ay kumakatawan sa isang kapanahunan. Ang “Jehova” ay kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan, at ito ay pamitagan para sa Diyos na sinasamba ng bayan ng Israel. Ang “Jesus” ang kumakatawan sa Kapanahunan ng Biyaya, at ito ang pangalan ng Diyos sa lahat ng tao na natubos sa Kapanahunan ng Biyaya. Kung pinananabikan pa rin ng tao ang pagdating ni Jesus na Tagapagligtas sa panahon nang mga huling araw, at umaasa pa rin na Siya ay darating sa imahe na Kanyang dala sa Judea, samakatwid ang buong anim-na-libong-taon ng plano sa pamamahala ay titigil sa Kapanahunan ng Pagtubos, at magiging walang kakayanan na umunlad pa nang anumang karagdagan. Ang mga huling araw, bukod diyan, kailanman ay di-darating, at ang kapanahunan ay hindi madadala kailanman sa katapusan nito. Iyon ay dahil sa si Jesus na Tagapagligtas ay tanging para sa pagtubos at pagliligtas ng sangkatauhan. Inako Ko ang pangalang Jesus para sa kapakanan ng lahat ng mga makasalanan sa Kapanahunan ng Biyaya, at hindi ang pangalan na kung saan Aking dadalhin ang sangkatauhan sa isang katapusan. Bagaman si Jehova, Jesus, at ang Mesias ay lahat kumakatawan sa Aking Espiritu, ang mga pangalang ito ay nagpapahiwatig lamang ng iba-ibang mga kapanahunan sa Aking plano sa pamamahala, at hindi kumakatawan sa Akin sa Aking kabuuan. Ang mga pangalan na siyang itinatawag sa Akin ng mga tao sa lupa ay hindi maaaring ipaliwanag nang malinaw ang Aking buong disposisyon at ang lahat-lahat na Ako. Ang mga ito ay iba’t-ibang mga pangalan lamang na katawagan sa Akin sa iba’t-ibang kapanahunan. At sa gayon, kapag ang panghuling kapanahunan—ang kapanahunan ng mga huling araw—ay dumating, ang Aking pangalan ay magbabagong muli. Hindi na Ako tatawaging Jehova, o Jesus, higit na hindi Mesias, ngunit tatawaging ang Makapangyarihang Diyos Mismo, at sa ilalim ng pangalang ito, dadalhin Ko ang buong kapanahunan sa isang katapusan. Minsan na Akong kinilala bilang Jehova. Ako rin ay tinawag na ang Mesias, at minsan na Akong tinawag ng mga tao na Jesus na Tagapagligtas sapagkat minahal at iginalang nila Ako. Subalit ngayon hindi na Ako ang Jehova o Jesus na nakilala ng mga tao sa nakalipas na mga panahon—Ako ang Diyos na bumalik sa mga huling araw, ang Diyos na magdadala sa kapanahunan sa isang katapusan. Ako ang Diyos Mismo na bumabangon mula sa mga dulo ng mundo, puno sa Aking buong disposisyon, at puspos ng awtoridad, karangalan at kaluwalhatian. Kailanman ay hindi nakibahagi sa Akin ang mga tao, kailanman hindi Ako nakilala, at palaging walang-alam sa Aking disposisyon. Mula sa pagkalikha ng mundo hanggang ngayon, wala ni isang tao ang nakakita sa Akin. Ito ang Diyos na nagpapakita sa tao sa mga huling araw ngunit nakatago sa mga tao. Siya ay nakikipamuhay kasama ng tao, tunay at totoo, tulad ng isang nag-aapoy na araw at nagniningas na apoy, puspos ng kapangyarihan at nag-uumapaw sa awtoridad. Walang isang tao o bagay na hindi mahahatulan ng Aking mga salita, at walang isang tao o bagay ang hindi padadalisayin sa pamamagitan ng pagliliyab ng apoy. Sa huli, ang lahat ng mga bansa ay pagpapalain dahil sa Aking mga salita, at madudurog din ng pira-piraso dahil sa Aking mga salita. Sa ganitong paraan, lahat ng mga tao sa panahon ng mga huling araw ay makikita na Ako ang Tagapagligtas na bumalik, Ako ang Makapangyarihang Diyos na lumulupig sa lahat ng sangkatauhan, at para sa tao Ako ay ang minsan ng alay sa kasalanan, subalit sa mga huling araw Ako rin ay magiging mga ningas ng araw na susunog sa lahat ng bagay, gayundin ang Araw ng pagkamatuwid na magbubunyag sa lahat ng bagay. Ganoon ang Aking gawain sa mga huling araw. Kinuha Ko ang pangalang ito at nagmamay-ari Ako ng disposisyong ito upang makita ng lahat ng tao na Ako ay isang matuwid na Diyos, at Ako ay ang nagliliyab na araw, at ang nagniningas na apoy. Ito ay gayon upang ang lahat ay sambahin Ako, ang tanging tunay na Diyos, at sa gayon makita nila ang Aking tunay na mukha: Ako ay hindi lamang ang Diyos ng mga Israelita, at hindi rin Ako basta ang Manunubos—Ako ang Diyos ng lahat ng mga nilikha sa buong kalangitan at lupa at karagatan.
Naisulong ng gawaing ginagawa sa kasalukuyan ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya; iyan ay, ang gawain sa ilalim ng buong anim-na-libong-taong plano ng pamamahala ay nakasulong. Bagama’t natapos na ang Kapanahunan ng Biyaya, nagkaroon ng pag-unlad sa gawain ng Diyos. Bakit paulit-ulit Kong sinasabi na ang yugtong ito ng gawain ay nagtatayo sa ibabaw ng Kapanahunan ng Biyaya at ng Kapanahunan ng Kautusan? Nangangahulugan ito na ang gawain sa kasalukuyan ay pagpapatuloy ng gawaing ginawa sa Kapanahunan ng Biyaya at isang pagsulong doon sa ginawa sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang tatlong yugto ay mahigpit na magkakaugnay at ang bawa’t kawing sa kadena ay nakadugtong sa isa. Bakit sinasabi ko rin na ang yugtong ito ng gawain ay tumatayo roon sa ginawa ni Jesus? Kung sakaling hindi nakatayo ang yugtong ito sa gawaing ginawa ni Jesus, kakailanganin Niyang maipakong muli sa yugtong ito, at ang gawaing pagtubos ng nakaraang yugto ay kailangang ulitin muli. Magiging walang saysay ito. Kaya’t hindi sa ganap nang natapos ang gawain, kundi nakasulong ang kapanahunan at ang antas ng gawain ay naitaas nang mas mataas pa kaysa rati. Maaaring sabihin na ang yugtong ito ng gawain ay itinayo sa pundasyon ng Kapanahunan ng Kautusan at sa bato ng gawain ni Jesus. Ang gawain ay itinatayo nang yugtu-yugto, at ang yugtong ito ay hindi isang bagong pasimula. Tanging ang pinagsamang tatlong yugto ng gawain ang maaaring ituring na anim-na-libong-taong plano ng pamamahala. Ang gawain ng yugtong ito ay ginagawa sa pundasyon ng gawain ng Kapanahunan ng Biyaya. Kung hindi magkaugnay ang dalawang yugtong ito ng gawain, kung gayon bakit hindi inulit ang pagpapako sa krus sa yugtong ito? Bakit hindi Ko pinapasan ang mga kasalanan ng tao? Hindi Ako pumaparito sa pamamagitan ng paglilihi ng Banal na Espiritu, ni pinapasan Ko ang mga kasalanan ng tao sa pamamagitan ng pagpapapako sa krus; sa halip, narito Ako upang direktang kastiguhin ang tao. Kung ang pagkastigo Ko sa tao at ang pagparito Ko ngayon na hindi sa pamamagitan ng paglilihi ng Banal na Espiritu ay hindi sumunod sa pagpapapako sa krus, hindi Ako magiging karapat-dapat upang kastiguhin ang tao. Talagang dahil kaisa Ako ni Jesus kaya pumarito Ako upang direktang kastiguhin at hatulan ang tao. Ang gawain sa yugtong ito ay buong itinatayo sa gawain ng sinusundang yugto. Iyan ang dahilan kung bakit tanging ang ganitong uri ng gawain ang makapagdadala sa tao, isa-isang hakbang, sa kaligtasan. Ako at si Jesus ay mula sa iisang Espiritu. Bagama’t wala Kaming kaugnayan sa Aming mga katawang-tao, iisa ang Aming mga Espiritu; bagama’t ang nilalaman ng ginagawa Namin at ang gawain na ginagampanan Namin ay magkaiba, magkapareho Kami sa diwa; magkaiba ang porma ng Aming mga katawang-tao, nguni’t ito ay dahil sa pagbabago sa kapanahunan at ang magkaibang mga kinakailangan sa Aming gawain; magkaiba ang mga ministeryo Namin, kaya ang gawain na dala Namin at ang disposisyon na ibinubunyag Namin sa tao ay magkaiba rin. Iyan ang dahilan kung bakit ang nakikita at nauunawaan ng tao ngayon ay hindi katulad roon sa nakaraan; ito ay dahil sa pagbabago sa kapanahunan. Sa lahat ng iyan, Sila ay magkaiba sa kasarian at porma ng Kanilang mga katawang-tao, at hindi Sila ipinanganak sa parehong pamilya, at lalo nang hindi sa parehong panahon, gayunman iisa ang Kanilang mga Espiritu. Sa lahat ng iyan, ang Kanilang mga katawang-tao ay walang kaugnayan sa dugo ni anumang uri ng pisikal na pagkakamag-anak, hindi maitatangging Sila ay pagkakatawang-tao ng Diyos sa dalawang magkaibang panahon. Hindi mapasisinungalingang katotohanan na Sila ang mga nagkatawang-taong lamán ng Diyos, bagama’t hindi sila magkadugo at magkaiba ang kanilang pantaong wika (ang isa ay lalaki na nagsasalita ng wika ng mga Judio at ang isa ay babae na eksklusibong nagsasalita ng Tsino). Para sa mga kadahilanang ito kaya nabuhay sila sa magkaibang bansa upang gawin ang gawain na kinakailangang gawin ng bawa’t isa, at sa magkaibang panahon din. Sa kabila ng katunayang iisa Silang Espiritu at nagtataglay ng parehong kakanyahan, ganap na walang mga pagkakatulad sa panlabas Nilang mga katawang-tao. Ang pagkakatulad lamang Nila ay ang parehong pagkatao, nguni’t pagdating sa panlabas na kaanyuan ng Kanilang mga katawang-tao at ang mga pangyayari sa Kanilang kapanganakan, hindi Sila magkapareho. Ang mga bagay na ito ay walang epekto sa Kani-kanilang gawain o sa pagkakilala ng tao tungkol sa Kanila, dahil, sa huling pagsusuri, iisa Silang Espiritu at walang makapaghihiwalay sa Kanila. Bagama’t hindi Sila magkadugo, ang buong persona Nila ay nasa patnubay ng Kanilang mga Espiritu, na naglalaan sa Kanila ng magkaibang gawain sa magkaibang mga panahon, at ng Kanilang mga katawang-tao sa magkaibang linya ng dugo. Katulad nito, ang Espiritu ni Jehova ay hindi ang ama ng Espiritu ni Jesus, at ang Espiritu ni Jesus ay hindi anak ng Espiritu ni Jehova: Iisa Sila at parehong Espiritu. Katulad lamang ng nagkatawang-taong Diyos ngayon at ni Jesus. Bagama’t hindi Sila magkadugo, Sila ay iisa; ito ay dahil iisa ang Kanilang mga Espiritu.
Kahit na ang gawain ng dalawang nagkatawang-taong laman ay magkaiba, ang kakanyahan ng mga laman, at ang pinagmulan ng Kanilang gawain, ay magkapareho; Sila lamang ay umiiral para gampanan ang dalawang magkaibang yugto ng gawain, at lumitaw sa dalawang magkaibang kapanahunan. Kahit ano pa man, ang mga katawang-taong laman ng Diyos ay magkabahagi sa parehong kakanyahan at sa parehong pinanggalingan—ito ay isang katotohanan na walang sinuman ang makakapagtanggi.
Ang unang pagkakataon na Ako ay dumating sa mga tao ay sa Panahon ng Katubusan. Mangyari pa, Ako ay nagmula sa pamilya ng Hudyo; samakatuwid ang unang nakakita sa pagdating ng Diyos sa lupa ay ang mga taong Hudyo. Ang dahilan kung bakit ginawa Ko ang akdang ito nang personal ay dahil nais Kong gamitin ang Aking naging tao na katawan bilang handog sa kasalanan sa Aking gawa ng pagtubos. Kaya ang unang nakakita sa Akin ay ang mga Hudyo sa Kapanahunan ng Biyaya. Iyon ay ang unang pagkakataon na Ako ay nagtrabaho sa katawang-tao. Sa Panahon ng Kaharian, Ang Aking gawa ay manlupig at gawing perpekto, kaya Ko ginawa ulit ang pagpapastol sa katawang-tao. Ito ang Aking ikalawang pagkakataon na magtratrabaho sa katawang-tao. Sa huling dalawang yugto ng gawa, ang nakasalamuha ng tao ay hindi na ang di-nakikita, di nahahawakang Espiritu, bagkus isang tao na ang Espiritu ay nagkatawang-tao. Kaya sa mata ng tao, Ako ay muling naging tao na walang hitsura at pakiramdam ng Diyos. Bukod dito, ang Diyos na nakita ng mga tao ay hindi lamang lalaki, kundi pati na rin babae, na kung saan ay pinaka-lubhang kataka-taka at nakalilito sa kanila. Muli’t muli, ang Aking pambihirang gawa ay bumasag sa lumang paniniwalang ginawa sa napakaraming taon. Ang mga tao ay nasindak! Ang Diyos ay hindi lamang ang Banal na Espiritu, ang Espiritung iyon, pitong beses na pinatinding Espiritu, ang sumasaklaw ng lahat sa Espiritu, kundi isa ring tao, isang ordinaryong tao, isang napakakaraniwang tao. Hindi lamang Siya lalaki, kundi pati na rin babae. Sila ay may pagkakapareho kung saan pareho silang ipinanganak sa tao, at magkaiba dahil ipinanganak ang isa sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at ang isa ay ipinanganak bilang tao ngunit nagmula mismo sa Espiritu. Sila ay magkatulad kung saan sila ay parehong nagkatawang-tao na Diyos na ipinapatupad ang Gawa ng Diyos Ama, at magkaiba dahil ang isa ay gumagawa ng gawain ng pagtubos at ang isa ay gumagawa ng gawain ng panlulupig. Parehong kumakatawan sa Diyos Ama, ngunit ang isa ay ang Panginoon ng pagtubos na puno ng kagandahang-loob at awa, at ang isa naman ay ang Diyos ng katuwiran na puspos ng galit at paghatol. Ang isa ay ang Kataas-taasang Tagapagpatupad upang ilunsad ang gawa ng pagtubos, at ang isa ay ang matuwid na Diyos upang matupad ang gawa ng panlulupig. Ang isa ay ang Simula, at ang isa naman ay Wakas. Ang isa ay walang kasalanang katawan, ang isa naman ay katawan na tumatapos ng pagtubos, nagpapatuloy ng gawa, at hindi kailanman nagkasala. Ang dalawa ay ang parehong Espiritu, ngunit tumira Sila sa iba’t ibang katawang-tao at parehong ipinanganak sa iba’t ibang mga lugar. At Sila ay pinaghiwalay nang ilang libong taon. Gayon man, ang lahat ng Kanilang mga gawa ay magkasangga, hindi magkasalungat, at maaaring sambitin sa parehong hininga. Pareho Silang tao, ngunit ang isa ay batang lalaki at ang isa naman ay batang babae.
Hindi lamang isang Espiritu ang Diyos, kaya rin Niya ang maging katawang-tao; higit sa rito, Siya ay isang katawan ng kaluwalhatian. Si Jesus, bagama’t hindi ninyo Siya nakita, ay nasaksihan ng mga Israelita, iyan ay, ng mga Judio noon. Noong una Siya ay isang katawan ng lamán, nguni’t pagkatapos Niyang naipako sa krus, Siya ay naging ang katawan ng kaluwalhatian. Siya ang sumasaklaw-sa-lahat na Espiritu at kayang gumawa sa bawa’t dako. Maaari Siyang maging si Jehova, o si Jesus, o ang Mesiyas; sa katapusan, kaya rin Niyang maging Makapangyarihang Diyos. Siya ay pagkamakatuwiran, paghatol, at pagkastigo; Siya ay sumpa at poot; nguni’t Siya rin ay awa at mapagmahal-na-kabaitan. Lahat ng gawain na Kanyang nagáwâ ay kayang kumatawan sa Kanya.
mula sa “Binubuo ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Mula sa gawain ni Jehova hanggang kay Jesus, at mula sa gawain ni Jesus hanggang sa kasalukuyang yugtong ito, sinasakop nitong tatlong yugto sa patuloy na hanay ang buong lawak ng pamamahala ng Diyos, at ang lahat ay gawa ng isang Espiritu. Mula sa paglikha ng mundo, ang Diyos ay palaging gumagawa sa pamamahala ng sangkatauhan. Siya ang Simula at ang Katapusan, Siya ang Una at ang Huli, at Siya ang nagsisimula ng kapanahunan at ang nagdadala ng kapanahunan sa katapusan. Ang tatlong yugto ng gawain, sa iba’t ibang kapanahunan at iba’t ibang lugar, ay walang alinlangan na gawain ng isang Espiritu. Ang lahat yaong naghihiwalay sa tatlong yugtong ito ay lumalaban sa Diyos. Ngayon, kailangan mong maunawaan na lahat ng gawain mula sa unang yugto hanggang sa kasalukuyan ay ang gawain ng isang Diyos, ang gawain ng isang Espiritu. Walang anumang pag-aalinlangan dito.
Ako ay naniniwala na ang ating salinlahi ay biniyayaan na matahakan ang hindi natapos na landas ng mga tao sa nakaraang mga salinlahi, at magawang makita ang muling pagpapakita ng Diyos mula sa ilang libong taon na ang nakararaan—ang Diyos na nandito sa gitna natin, at pinupuno ang lahat ng mga bagay. Ang hindi mo kailanman maiisip na makakalakad ka sa landas na ito: Magagawa mo ba ito? Ang landas na ito ay tuwirang sa Banal na Espiritu, ito ay pinangungunahan ng makapitong beses na pinalakas na Espiritu ng Panginoong JesuCristo, at ito ang landas na binuksan para sa iyo ng Diyos sa kasalukuyan. Maging sa iyong guni-guni hindi mo maaaring isipin na si Jesus ng ilang libong taon na ang nakaraan ay muling magpapakita sa harap mo. Hindi ka ba nakakadama ng kaluguran? Sino ang nakakagawang makalapit sa Diyos nang harapan? Madalas Akong nananalangin para sa ating grupo na tumanggap ng lalong dakilang mga pagpapala mula sa Diyos na mangyaring kilingan tayo ng Diyos at Kanyang makamit, ngunit mayroon ding di-mabilang na mga pagkakataon na Ako ay tumangis para sa atin, hinihiling na liwanagan tayo ng Diyos, at tulutan tayong makita ang lalong dakilang mga pagbubunyag.
Mga Talababa:
1. Ang “Baligtarin ang nakaraan nilang saloobin” ay tumutukoy sa kung paano nagbabago ang mga pagkaintindi at pananaw ng mga tao sa Diyos sa sandaling makilala nila ang Diyos.
2. Ang “Pagpapahingalay” ay nagpapahiwatig na ang mga tao ay walang pakialam sa gawain ng Diyos at hindi nila itinuturing ito na mahalaga.
Bihira sa mga tao ang nakakaunawa sa nagpupumilit na puso ng Diyos dahil masyadong mababa ang kakayahan ng mga tao at ang kanilang pandamang espirituwal ay talagang mapurol, at dahil lahat sila ay hindi nakakapansin ni umiintindi kung ano ang ginagawa ng Diyos. Kaya patuloy na nag-aalala ang Diyos sa tao, na parang ang malupit na kalikasan ng tao ay maaaring kumawala anumang sandali. Ito ay higit pang nagpapakita na ang pagdating ng Diyos sa lupa ay may kasamang malalaking mga tukso. Nguni’t para sa kapakanan ng pagkumpleto sa isang grupo ng mga tao, ang Diyos, puno ng kaluwalhatian, ay nagsabi sa tao ng Kanyang bawa’t layunin, walang itinatago. Matatag Siyang nagpasya na kumpletuhin ang grupong ito ng mga tao. Samakatuwid, dumating man ang paghihirap o tukso, tumitingin Siya nang palayo at hindi pinapansin ang lahat ng ito. Tahimik lamang Niyang ginagawa ang Kanyang sariling gawain, matatag na naniniwala na isang araw kapag nakamit na ng Diyos ang kaluwalhatian, makikilala ng tao ang Diyos, at naniniwalang kapag nakumpleto na ng Diyos ang tao, lubos niyang mauunawaan ang puso ng Diyos. Sa ngayon maaaring may mga tao na tinutukso ang Diyos o hindi nauunawaan ang Diyos o sinisisi ang Diyos; walang isinasapuso ang Diyos sa mga iyon. Kapag bumaba ang Diyos sa kaluwalhatian, mauunawaan ng lahat ng mga tao na ang lahat ng bagay na ginagawa ng Diyos ay para sa kagalingan ng sangkatauhan, at mauunawaan ng lahat ng mga tao na ang lahat ng bagay na ginagawa ng Diyos ay upang mas mahusay na mabuhay ang sangkatauhan. Ang pagdating ng Diyos ay may kasamang mga tukso, at dumarating din ang Diyos na may kamahalan at poot. Sa panahong iniwan na ng Diyos ang tao, nagkamit na Siya ng kaluwalhatian, at aalis Siya na punung-puno ng kaluwalhatian at may kagalakan ng pagbabalik. Ang Diyos na gumagawa sa lupa ay hindi isinasapuso ang mga bagay-bagay gaano man Siya tanggihan ng mga tao. Ginagawa lamang Niya ang Kanyang gawain. Ang paglikha ng Diyos sa mundo ay nagmula libu-libong taon na ang nakararaan, naparito Siya sa lupa upang gawin ang hindi masukat na dami ng mga gawain, at ganap Niyang naranasan ang pagtanggi at paninirang-puri ng pantaong mundo. Walang sinuman ang sumasalubong sa pagdating ng Diyos; tinitingnan lamang Siya ng lahat nang may malamig na mata. Sa paglipas ng katumbas nitong ilang libong taong mga paghihirap, matagal nang panahon na binasag ng pag-uugali ng tao ang puso ng Diyos. Hindi na Niya pinapansin ang paghihimagsik ng mga tao, bagkus ay gumagawa ng isang hiwalay na plano upang mapanibagong-anyo at linisin ang tao. Ang pang-uuyam, ang paninirang-puri, ang pag-uusig, ang kapighatian, ang paghihirap ng pagpapapako sa krus, ang pagbubukod ng tao, at iba pa na naranasan ng Diyos sa laman—nakalasap nang husto ang Diyos ng mga ito. Lubusang nagdusa sa mga paghihirap ng mundo ng tao ang Diyos sa laman. Matagal na panahon na ang nakalipas na ang gayong tanawin ay hindi matiis ng Espiritu ng Diyos Ama at sumandig na lamang at ipinikit ang Kanyang mga mata, naghihintay sa pagbabalik ng Kanyang minamahal na Anak. Ang tanging ninanais Niya ay makinig at sumunod ang lahat ng tao, na makaramdam ng malaking kahihiyan sa harap ng Kanyang katawang-tao, at hindi maghimagsik laban sa Kanya. Ang tanging ninanais Niya ay na ang mga tao ay maniwala na ang Diyos ay umiiral. Matagal na Siyang tumigil sa paghingi ng mas malaking mga kinakailangan sa tao sapagka’t masyadong mataas na halaga ang naibayad ng Diyos, datapwa’t hindi iyon gaanong pinahahalagahan[2] ng tao, hindi man lamang isinasapuso ang gawain ng Diyos.
mula sa “Gawa at Pagpasok (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang unang pagkakataong naging tao ang Diyos ay sa paglilihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, at kaugnay ito sa gawaing Kanyang binalak na gawin. Ang Kapanahunan ng Biyaya ay nagsimula sa pangalan ni Jesus. Nang nagsimula si Jesus na gampanan ang Kanyang ministeryo, ang Banal na Espiritu ay nagsimulang magpatotoo sa pangalan ni Jesus, at ang pangalang Jehova ay hindi na muling binigkas pa; sa halip, ang Banal na Espiritu ay nagsagawa ng bagong gawain na pangunahing sa ilalim ng pangalan ni Jesus. Ang patotoo ng yaong naniwala sa Kanya ay isinagawa para kay Jesu-Cristo, at ang gawaing kanilang ginawa ay para rin kay Jesu-Cristo. Ang konklusyon ng Kapanahunan ng Kautusan ng Lumang Tipan ay nangahulugang natapos na ang gawain na isinagawa pangunahin sa ilalim ng pangalan ni Jehova. Mula ngayon, ang pangalan ng Diyos ay hindi na Jehova; sa halip Siya ay tinawag na Jesus, at mula rito ay sinimulan ng Banal na Espiritu ang gawain na pangunahing sa ilalim ng pangalan ni Jesus. Kaya, ngayon, ang tao na kumakain at umiinom pa rin ng mga salita ni Jehova, at ginagawa pa rin ang lahat ng bagay alinsunod sa gawain ng Kapanahunan ng Kautusan—hindi ka ba bulag na sumusunod sa mga regulasyon dito? Hindi ka ba naiwan sa nakaraan? Batid na ninyo ngayon na ang mga huling araw ay sumapit na. Maaari ba, na kapag dumating si Jesus, tatawagin pa rin Siyang Jesus? Sinabi ni Jehova sa mga Israelita na ang Mesiyas ay darating, at gayunman nang dumating nga Siya, hindi Siya tinawag na Mesiyas kundi Jesus. Sinabi ni Jesus na muli Siyang paparito, at darating Siya gaya ng pag-alis Niya. Ito ang mga salita ni Jesus, ngunit nakita mo ba ang paraan kung paanong umalis si Jesus? Umalis si Jesus na nakasakay sa isang puting ulap, ngunit maaari bang personal na bumalik Siya sa mga tao sa isang puting ulap? Kung ganyan nga, tatawagin pa rin ba Siyang Jesus? Kapag muling dumating si Jesus, ang kapanahunan ay magbabago na, kaya maaari pa rin ba Siyang tawagin na Jesus? Ang Diyos ba ay maaaring makilala lamang sa pangalan ni Jesus? Hindi ba Siya maaaring matawag sa isang bagong pangalan sa isang bagong kapanahunan? Maaari bang kumatawan ang wangis ng isang tao at isang partikular na pangalan sa Diyos sa Kanyang kabuuan? Sa bawat kapanahunan, gumagawa ang Diyos ng bagong gawain at tinatawag ng bagong pangalan; paano Siya makakagawa ng parehong gawain sa iba’t ibang kapanahunan? Paano Siya makakakapit sa luma? Ang pangalan ni Jesus ay kinuha para sa kapakanan ng gawain ng pagtubos, kaya tatawagin pa rin ba Siya sa parehong pangalan kapag bumalik Siya sa mga huling araw? Gagawin pa rin ba Niya ang gawain ng pagtubos? Bakit si Jehova at si Jesus ay iisa, gayunman tinatawag Sila sa magkaibang mga pangalan sa magkaibang mga kapanahunan? Hindi ba sa dahilang ang mga kapanahunan ng Kanilang gawain ay magkaiba? Maaari bang kumatawan ang iisang pangalan sa Diyos sa Kanyang kabuuan? Kung kaya nga, dapat tawagin ang Diyos sa ibang pangalan sa ibang kapanahunan, at dapat gamitin ang pangalan para baguhin ang kapanahunan at katawanin ang kapanahunan. Dahil walang isang pangalan ang maaaring ganap na kumatawan sa Diyos Mismo, at bawat pangalan ay maaari lamang kumatawan sa makalupang aspeto ng disposisyon ng Diyos sa ibinigay na kapanahunan; ang tanging kailangang gawin nito ay kumatawan sa Kanyang gawain. Kung gayon, maaaring pumili ang Diyos ng kahit anong pangalan na bumabagay sa Kanyang disposisyon upang kumatawan sa buong kapanahunan. Hindi alintana kung ito ang kapanahunan ni Jehova, o ang kapanahunan ni Jesus, ang bawat kapanahunan ay kinakatawan ng isang pangalan. Sa katapusan ng Kapanahunan ng Biyaya, ang panghuling kapanahunan ay dumating na, at naparito na si Jesus. Paano pa rin Siya maaaring matawag na Jesus? Paano Niya maaaring kunin pa rin ang anyo ni Jesus sa kalagitnaan ng mga tao? Nakalimutan mo bang si Jesus ay hindi higit kaysa sa wangis ng isang Nazareno? Nakalimutan mo bang si Jesus ay Manunubos lamang ng sangkatauhan? Paano Niya maaaring maisagawa ang gawain ng panlulupig at pagperpekto ng tao sa mga huling araw? Lumisan si Jesus sakay ng isang puting ulap—ito ang katotohanan—ngunit paano Siya makakabalik sa puting ulap sa kalagitnaan ng mga tao at tatawagin pa ring Jesus? Kung talaga ngang dumating Siya sa isang ulap, paano mabibigo ang tao na makilala Siya? Hindi ba Siya makikilala ng lahat ng tao sa buong mundo? Kung mangyari ito, hindi ba si Jesus lamang ang Diyos? Kung maganap ito, ang wangis ng Diyos ay magiging ang anyo ng isang Hudyo, at higit pa ay magiging pareho magpakailanman. Sinabi ni Jesus na paparito Siya gaya ng pag-alis Niya, ngunit alam mo ba ang totoong kahulugan ng Kanyang mga salita? Maaari ba na sinabi Niya sa grupo ninyong ito? Ang alam mo lang ay paparito Siya gaya ng pag-alis Niya, nakasakay sa ulap, ngunit alam mo ba talaga kung paano ginagawa ng Diyos Mismo ang Kanyang gawain? Kung tunay ngang iyong nakikita, paano maipapaliwanag ang mga salitang tinuran ni Jesus? Sinabi Niya, “Kapag dumarating ang Anak ng tao sa mga huling araw, Siya Mismo ay hindi makakaalam, hindi malalaman ng mga anghel, hindi malalaman ng mga sugo sa langit, at hindi malalaman ng lahat ng sangkatauhan. Tanging ang Ama ang makakaalam, ibig sabihin, tanging ang Espiritu ang makakaalam.” Kung may-kakayahan kang malaman at makita, hindi ba magiging walang kabuluhan ang mga salitang ito? Kahit na ang Anak ng tao Mismo ay hindi nalalaman, gayunman nagagawa mong makita at malaman? Kung nakita mo sa iyong sariling mga mata, hindi ba ang mga salitang ito ay nasabi nang walang saysay? At ano ang sinabi ni Jesus sa pagkakataong iyon? “Ngunit walang nakakaalam ng araw at oras na iyon, kahit ang mga anghel sa langit, kundi ang aking Ama lamang. Ang pagdating ng Anak ng tao ay tulad noong panahon ni Noe. … Kaya’t maging handa rin kayo: dahil darating ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo inaaasahan.” Kapag dumating ang araw na iyan, ang Anak ng tao Mismo ay hindi malalaman ito. Ang Anak ng tao ay tumutukoy sa katawan ng naging tao na Diyos, isang normal at karaniwang tao. Kahit na ang tao na ito ay hindi Niya Mismo alam, kaya paano mo maaaring malaman? Sinabi ni Jesus na paparito Siya gaya ng pag-alis Niya. Kapag dumating Siya, kahit na Siya Mismo ay hindi alam, kaya maaari ba Niyang ipaalam sa iyo nang maaga? Maaari mo bang makita ang Kanyang pagdating? Hindi ba iyan isang biro? Sa bawat pagkakataong dumarating ang Diyos sa mundo, binabago Niya ang Kanyang pangalan, ang Kanyang kasarian, ang Kanyang wangis, at ang Kanyang gawain; Hindi Niya inuulit ang Kanyang gawain. Siya ang Diyos na palaging bago at hindi kailanman luma. Nang dumating Siya noon, tinawag Siyang Jesus; maaari pa rin bang tawagin Siyang Jesus sa pagkakataong ito kapag bumalik Siya? Nang dumating Siya noon, Siya ay lalaki; maaari bang maging lalaki Siyang muli sa pagkakataong ito? Ang Kanyang gawain nang pumarito Siya sa Kapanahunan ng Biyaya ay ang maipako sa krus; kapag pumarito Siyang muli, maaari pa ba Niyang tubusin ang tao mula sa kasalanan? Maaari ba Siyang ipakong muli sa krus? Hindi ba iyan pag-uulit ng Kanyang gawain? Hindi mo ba alam na ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma? Mayroon yaong mga nagsasabi na ang Diyos ay walang-pagbabago. Tama iyan, ngunit tumutukoy ito sa hindi pagbabago ng disposisyon ng Diyos at ng Kanyang diwa. Ang mga pagbabago sa Kanyang pangalan at gawain ay hindi nagpapatunay na nabago ang Kanyang diwa; sa ibang salita, ang Diyos ay palaging Diyos, at hindi ito kailanman magbabago. Kung sinasabi mo na ang gawain ng Diyos ay hindi nagbabago, makakaya ba Niyang matapos ang Kanyang anim-na-libong-taon na plano sa pamamahala? Alam mo lamang na ang Diyos ay hindi nagbabago magpakailanman, ngunit alam mo bang ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma? Kung hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, maaari ba Niyang napamunuan ang sangkatauhan hanggang sa kasalukuyan? Kung ang Diyos ay walang-pagbabago, bakit nagawa na Niya ang gawain ng dalawang kapanahunan? Ang Kanyang gawain ay hindi kailanman humihinto sa pagkilos pasulong, na ang ibig sabihin ay unti-unting ibinubunyag ang Kanyang disposisyon sa tao, at ang nabubunyag ay ang Kanyang likas na disposisyon. Sa simula, ang disposisyon ng Diyos ay nakatago mula sa tao, hindi Niya kailanman hayagang ibinunyag ang Kanyang disposisyon sa tao, at ang tao ay walang kaalaman tungkol sa Kanya. Dahil dito, ginagamit Niya ang Kanyang gawain upang unti-unting ibunyag sa tao ang Kanyang disposisyon, ngunit ang paggawa sa ganitong paraan ay hindi nangangahulugang nagbabago ang disposisyon ng Diyos sa bawat kapanahunan. Hindi nangyayari na ang disposisyon ng Diyos ay patuloy na nagbabago sa dahilang ang Kanyang kalooban ay palaging nagbabago. Sa halip, ito ay dahil ang mga kapanahunan ng Kanyang gawain ay magkakaiba, kinukuha ng Diyos ang Kanyang likas na disposisyon sa kabuuan nito at, sa paisa-isang hakbang, ibinubunyag ito sa tao, upang maaari Siyang makilala ng tao. Ngunit hindi ito talagang patunay na ang Diyos sa orihinal ay walang partikular na disposisyon o ang Kanyang disposisyon ay unti-unting nabago sa paglipas ng mga kapanahunan—ang ganitong pag-unawa ay kamalian. Ibinubunyag ng Diyos sa tao ang Kanyang likas at partikular na disposisyon—kung ano Siya—ayon sa paglipas ng mga kapanahunan; ang gawain ng iisang kapanahunan ay hindi maaaring magpahayag ng buong disposisyon ng Diyos. At kaya, ang mga salitang “Ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma” ay tumutukoy sa Kanyang gawain, at ang mga salitang “Ang Diyos ay walang-pagbabago” ay sa likas na kung anong mayroon at kung ano ang Diyos. Anuman, hindi mo maaaring gawin ang gawain ng anim na libong taon na ibatay sa iisang punto, o itakda ito gamit ang mga patay na salita. Ganoon ang katangahan ng tao. Ang Diyos ay hindi kasing-simple ng iniisip ng tao, at ang Kanyang gawain ay hindi maaaring manatili sa anumang isang kapanahunan. Si Jehova, bilang halimbawa, ay hindi maaring palaging tumatayo para sa pangalan ng Diyos; maaari ring gawin ng Diyos ang Kanyang gawain sa ilalim ng pangalan ni Jesus. Tanda ito na ang gawain ng Diyos ay palaging kumikilos sa pasulong na pag-unlad.
Ang Diyos ay palaging Diyos, at hindi kailanman magiging si Satanas; si Satanas ay palaging si Satanas, at hindi kailanman magiging Diyos. Ang karunugan ng Diyos, ang pagiging kahanga-hanga ng Diyos, ang pagkamatuwid ng Diyos, at ang kamahalan ng Diyos ay hindi kailanman magbabago. Ang Kanyang pinakadiwa at kung ano ang mayroon at kung ano Siya ay hindi kailanman magbabago. Para sa Kanyang gawain, gayon pa man, palagi itong umuunlad sa pasulong na direksyon, palaging lalong lumalalim, sa dahilang palagi Siyang bago at hindi kailanman luma. Sa bawat kapanahunan gumagamit ang Diyos ng bagong pangalan, sa bawat kapanahunan gumagawa Siya ng bagong gawain, at sa bawat kapanahunan hinahayaan Niya ang Kanyang mga nilalang na makita ang Kanyang bagong kalooban at bagong disposisyon. Kung, sa isang bagong kapanahunan, ay nabibigo ang mga tao na makita ang pagpapahayag ng bagong disposisyon ng Diyos, hindi ba nila ipapako Siya sa krus magpakailanman? At sa paggawa nito, hindi ba nila ipapakahulugan ang Diyos? Kung ang Diyos ay naging tao bilang isang lalaki lamang, ipapakahulugan Siya ng mga tao bilang lalaki, bilang Diyos ng mga lalaki, at hindi kailanman maniniwala sa Kanya na maging Diyos ng mga babae. Panghahawakan ng mga lalaki na pareho ang kasarian ng Diyos sa mga lalaki, na ang Diyos ay ang pinuno ng mga lalaki—ngunit paano naman ang mga babae? Hindi ito makatarungan; hindi ba ito pagtrato nang may pagtatangi? Kung ito ang naging pangyayari, kung gayon ang lahat yaong iniligtas ng Diyos ay mga lalaking katulad Niya, at wala ni isang babae na maliligtas. Nang nilikha ng Diyos ang sangkatauhan, nilikha Niya si Adan at nilikha Niya si Eba. Hindi Niya lamang nilikha si Adan, ngunit ginawa ang parehong lalaki at babae sa Kanyang wangis. Ang Diyos ay hindi lamang ang Diyos ng mga lalaki—Siya rin ang Diyos ng mga babae. Ang Diyos ay pumapasok sa isang bagong yugto ng gawain sa mga huling araw. Ibubunyag Niya nang higit pa ang Kanyang disposisyon, at hindi ito magiging ang habag at pag-ibig noong panahon ni Jesus. Dahil may bago Siyang gawaing isinasagawa, ang bagong gawaing ito ay sasamahan ng bagong disposisyon. Kaya, kung ang gawaing ito ay ginawa ng Espiritu—kung ang Diyos ay hindi naging tao, at sa halip ang Espiritu ay tuwirang nangusap sa pamamagitan ng kulog upang ang tao ay walang paraan na makipag-ugnayan sa Kanya, makakaya ba ng tao na malaman ang Kanyang disposisyon? Kung tanging ang Espiritu ang gumawa ng gawain, sa gayon walang paraan ang tao na malaman ang disposisyon ng Diyos. Maaari lamang pagmasdan ng mga tao ang disposisyon ng Diyos sa kanilang sariling mga mata kapag Siya ay nagiging tao, kapag ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao, at ipinapahayag Niya ang Kanyang buong disposisyon sa katawang-tao. Ang Diyos ay talaga at tunay na nabuhay kapiling ng mga tao. Siya ay nahahawakan; ang tao ay maaaring aktwal na makipag-ugnayan sa Kanyang disposisyon, makipag-ugnayan sa kung anong mayroon at kung ano Siya; tanging sa ganitong paraan maaaring tunay na makilala Siya ng tao. Kasabay nito, nagawang ganap din ng Diyos ang gawain kung saan “Ang Diyos ay ang Diyos ng mga lalaki at ang Diyos ng mga babae,” at natamo ang kabuuan ng Kanyang gawain sa katawang-tao. Hindi Siya kumukopya ng gawain sa anumang kapanahunan. Dahil ang mga huling araw ay dumating na, gagawin Niya ang gawain na ginagawa Niya sa mga huling araw, at ihahayag ang buong disposisyon na sa Kanya sa mga huling araw. Sa pagsasabi tungkol sa mga huling araw, tumutukoy ito sa isang hiwalay na kapanahunan, isa na kung saan sinabi ni Jesus na tiyak na mararanasan ninyo ang kalamidad, at mararanasan ang mga lindol, taggutom, at salot, na magpapakita na ito ay isang bagong kapanahunan, at hindi na ang lumang Kapanahunan ng Biyaya. Ipagpalagay na, gaya ng sinasabi ng mga tao, ang Diyos ay hindi nagbabago magpakailanman, ang Kanyang disposisyon ay palaging mahabagin at mapagmahal, minamahal Niya ang tao tulad ng Kanyang Sarili, at nag-aalok Siya sa bawat tao ng kaligtasan at hindi kailanman napopoot sa tao, magkakaroon ba ang Kanyang gawain ng katapusan? Nang dumating si Jesus at ipinako sa krus, sinasakripisyo ang Kanyang Sarili para sa lahat ng makasalanan at iniaalay ang Kanyang Sarili sa altar, natapos na Niya ang gawain ng pagtubos at dinala ang Kapanahunan ng Biyaya sa katapusan. Kaya ano ang magiging punto ng pag-uulit ng gawain sa kapanahunang iyan sa mga huling araw? Hindi ba ang paggawa ng parehong bagay ay magiging pagtanggi sa gawain ni Jesus? Kung hindi ginawa ng Diyos ang gawain ng pagpapako sa krus nang dumating Siya sa yugtong ito, ngunit nanatiling mapagmahal at mahabagin, sa gayon madadala ba Niya ang kapanahunan sa katapusan nito? Madadala ba ng mapagmahal at mahabaging Diyos ang kapanahunan sa katapusan? Sa Kanyang pinakahuling gawain na pagwawakas sa kapanahunan, ang disposisyon ng Diyos ay isang pagkastigo at paghatol, kung saan ay ibinubunyag Niya ang lahat na hindi matuwid, upang hatulan sa harap ng madla ang lahat ng mga tao, at gawing perpekto yaong nagmamahal sa Kanya nang may matapat na puso. Tanging ang disposisyon na gaya nito ang makapagdadala ng kapanahunan sa katapusan. Ang mga huling araw ay dumating na. Ang lahat ng bagay sa paglikha ay paghihiwalayin ayon sa kanilang uri, at hahatiin sa iba’t ibang kategorya batay sa kanilang kalikasan. Ito ang sandali kung kailan ibubunyag ng Diyos ang kalalabasan ng sangkatauhan at ang kanilang hantungan. Kung ang mga tao ay hindi sasailalim sa pagkastigo at paghatol, walang magiging paraan para ilantad ang kanilang pagsuway at kabuktutan. Sa pagkastigo at paghatol lamang maaaring mabunyag ang kalalabasan ng lahat ng nilikha. Ipinapakita lamang ng tao ang kanyang tunay na mga kulay kapag siya ay nakakastigo at nahahatulan. Ang masama ay ilalagay kasama ng masama, ang mabuti kasama ng mabuti, at ang lahat ng sangkatauhan ay paghihiwalayin ayon sa kanilang uri. Sa pagkastigo at paghatol, ang kalalabasan ng lahat ng nilikha ay mabubunyag, upang maaaring maparusahan ang masama at magantimpalaan ang mabuti, at lahat ng tao ay sasailalim sa pamamahala ng Diyos. Ang lahat ng gawaing ito ay dapat makamit sa matuwid na pagkastigo at paghatol. Dahil ang kasamaan ng tao ay umabot na sa sukdulan nito at ang kanyang pagsuway ay nagiging lubhang matindi, tanging ang matuwid na disposisyon ng Diyos, isa na pangunahing binubuo ng pagkastigo at paghatol at ibinubunyag sa mga huling araw, ang maaari lamang lubusan na makapagpapabago at makagagawang ganap sa tao. Ang disposisyon lamang na ito ang maaaring maglantad sa masama at kaya matinding parurusahan ang lahat ng hindi matuwid. Kung gayon, ang disposisyong gaya nito ay napupuspos ng makalupang kabuluhan, at ang pagbubunyag at pagpapamalas ng Kanyang disposisyon ay ipinapakita para sa kapakanan ng gawain sa bawat bagong kapanahunan. Hindi ibinubunyag ng Diyos ang Kanyang disposisyon batay sa kagustuhan at nang walang kabuluhan. Ipagpalagay na, sa pagbunyag ng kalalabasan ng tao sa mga huling araw, ipinagkaloob pa rin ng Diyos sa tao ang walang hanggang habag at pag-ibig at patuloy na mapagmahal sa kanya, na hindi isinasailalim ang tao sa matuwid na paghatol ngunit sa halip ay ipinapamalas sa kanya ang pagpapaubaya, tiyaga, at pagpapatawad, at pinapatawad ang tao gaano man kalaki ang kanyang mga kasalanan, nang walang anumang katiting ng matuwid na paghatol: kung gayon kailan matatapos ang lahat ng pamamahala ng Diyos? Kailan na ang isang disposisyong gaya nito ay maaaring maghatid sa mga tao sa wastong hangganan ng sangkatauhan? Bilang halimbawa, ang hukom na palaging mapagmahal, ang hukom na may mabait na mukha at magiliw na puso. Minamahal Niya ang mga tao na hindi isinasaalang-alang ang mga krimeng maaari nilang nagawa, at siya ay mapagmahal at mapagpaubaya sa kanila maging sinuman sila. Sa ganyang pangyayari, kailan siya makapagbibigay ng makatarungang hatol? Sa mga huling araw, tanging ang matuwid na paghatol ang maaaring magpahiwalay sa tao ayon sa kanilang uri at makapagdala sa tao sa isang bagong kaharian. Sa paraang ito, ang buong kapanahunan ay dinadala sa katapusan sa pamamagitan ng matuwid na disposisyon ng paghatol at pagkastigo ng Diyos.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
mula sa “Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng ‘Puting Ulap’” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Naisulong ng gawaing ginagawa sa kasalukuyan ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya; iyan ay, ang gawain sa ilalim ng buong anim-na-libong-taong plano ng pamamahala ay nakasulong. Bagama’t natapos na ang Kapanahunan ng Biyaya, nagkaroon ng pag-unlad sa gawain ng Diyos. Bakit paulit-ulit Kong sinasabi na ang yugtong ito ng gawain ay nagtatayo sa ibabaw ng Kapanahunan ng Biyaya at ng Kapanahunan ng Kautusan? Nangangahulugan ito na ang gawain sa kasalukuyan ay pagpapatuloy ng gawaing ginawa sa Kapanahunan ng Biyaya at isang pagsulong doon sa ginawa sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang tatlong yugto ay mahigpit na magkakaugnay at ang bawa’t kawing sa kadena ay nakadugtong sa isa. Bakit sinasabi ko rin na ang yugtong ito ng gawain ay tumatayo roon sa ginawa ni Jesus? Kung sakaling hindi nakatayo ang yugtong ito sa gawaing ginawa ni Jesus, kakailanganin Niyang maipakong muli sa yugtong ito, at ang gawaing pagtubos ng nakaraang yugto ay kailangang ulitin muli. Magiging walang saysay ito. Kaya’t hindi sa ganap nang natapos ang gawain, kundi nakasulong ang kapanahunan at ang antas ng gawain ay naitaas nang mas mataas pa kaysa rati. Maaaring sabihin na ang yugtong ito ng gawain ay itinayo sa pundasyon ng Kapanahunan ng Kautusan at sa bato ng gawain ni Jesus. Ang gawain ay itinatayo nang yugtu-yugto, at ang yugtong ito ay hindi isang bagong pasimula. Tanging ang pinagsamang tatlong yugto ng gawain ang maaaring ituring na anim-na-libong-taong plano ng pamamahala. Ang gawain ng yugtong ito ay ginagawa sa pundasyon ng gawain ng Kapanahunan ng Biyaya. Kung hindi magkaugnay ang dalawang yugtong ito ng gawain, kung gayon bakit hindi inulit ang pagpapako sa krus sa yugtong ito? Bakit hindi Ko pinapasan ang mga kasalanan ng tao? Hindi Ako pumaparito sa pamamagitan ng paglilihi ng Banal na Espiritu, ni pinapasan Ko ang mga kasalanan ng tao sa pamamagitan ng pagpapapako sa krus; sa halip, narito Ako upang direktang kastiguhin ang tao. Kung ang pagkastigo Ko sa tao at ang pagparito Ko ngayon na hindi sa pamamagitan ng paglilihi ng Banal na Espiritu ay hindi sumunod sa pagpapapako sa krus, hindi Ako magiging karapat-dapat upang kastiguhin ang tao. Talagang dahil kaisa Ako ni Jesus kaya pumarito Ako upang direktang kastiguhin at hatulan ang tao. Ang gawain sa yugtong ito ay buong itinatayo sa gawain ng sinusundang yugto. Iyan ang dahilan kung bakit tanging ang ganitong uri ng gawain ang makapagdadala sa tao, isa-isang hakbang, sa kaligtasan. Ako at si Jesus ay mula sa iisang Espiritu. Bagama’t wala Kaming kaugnayan sa Aming mga katawang-tao, iisa ang Aming mga Espiritu; bagama’t ang nilalaman ng ginagawa Namin at ang gawain na ginagampanan Namin ay magkaiba, magkapareho Kami sa diwa; magkaiba ang porma ng Aming mga katawang-tao, nguni’t ito ay dahil sa pagbabago sa kapanahunan at ang magkaibang mga kinakailangan sa Aming gawain; magkaiba ang mga ministeryo Namin, kaya ang gawain na dala Namin at ang disposisyon na ibinubunyag Namin sa tao ay magkaiba rin. Iyan ang dahilan kung bakit ang nakikita at nauunawaan ng tao ngayon ay hindi katulad roon sa nakaraan; ito ay dahil sa pagbabago sa kapanahunan. Sa lahat ng iyan, Sila ay magkaiba sa kasarian at porma ng Kanilang mga katawang-tao, at hindi Sila ipinanganak sa parehong pamilya, at lalo nang hindi sa parehong panahon, gayunman iisa ang Kanilang mga Espiritu. Sa lahat ng iyan, ang Kanilang mga katawang-tao ay walang kaugnayan sa dugo ni anumang uri ng pisikal na pagkakamag-anak, hindi maitatangging Sila ay pagkakatawang-tao ng Diyos sa dalawang magkaibang panahon. Hindi mapasisinungalingang katotohanan na Sila ang mga nagkatawang-taong lamán ng Diyos, bagama’t hindi sila magkadugo at magkaiba ang kanilang pantaong wika (ang isa ay lalaki na nagsasalita ng wika ng mga Judio at ang isa ay babae na eksklusibong nagsasalita ng Tsino). Para sa mga kadahilanang ito kaya nabuhay sila sa magkaibang bansa upang gawin ang gawain na kinakailangang gawin ng bawa’t isa, at sa magkaibang panahon din. Sa kabila ng katunayang iisa Silang Espiritu at nagtataglay ng parehong kakanyahan, ganap na walang mga pagkakatulad sa panlabas Nilang mga katawang-tao. Ang pagkakatulad lamang Nila ay ang parehong pagkatao, nguni’t pagdating sa panlabas na kaanyuan ng Kanilang mga katawang-tao at ang mga pangyayari sa Kanilang kapanganakan, hindi Sila magkapareho. Ang mga bagay na ito ay walang epekto sa Kani-kanilang gawain o sa pagkakilala ng tao tungkol sa Kanila, dahil, sa huling pagsusuri, iisa Silang Espiritu at walang makapaghihiwalay sa Kanila. Bagama’t hindi Sila magkadugo, ang buong persona Nila ay nasa patnubay ng Kanilang mga Espiritu, na naglalaan sa Kanila ng magkaibang gawain sa magkaibang mga panahon, at ng Kanilang mga katawang-tao sa magkaibang linya ng dugo. Katulad nito, ang Espiritu ni Jehova ay hindi ang ama ng Espiritu ni Jesus, at ang Espiritu ni Jesus ay hindi anak ng Espiritu ni Jehova: Iisa Sila at parehong Espiritu. Katulad lamang ng nagkatawang-taong Diyos ngayon at ni Jesus. Bagama’t hindi Sila magkadugo, Sila ay iisa; ito ay dahil iisa ang Kanilang mga Espiritu.
mula sa “Binubuo ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kahit na ang gawain ng dalawang nagkatawang-taong laman ay magkaiba, ang kakanyahan ng mga laman, at ang pinagmulan ng Kanilang gawain, ay magkapareho; Sila lamang ay umiiral para gampanan ang dalawang magkaibang yugto ng gawain, at lumitaw sa dalawang magkaibang kapanahunan. Kahit ano pa man, ang mga katawang-taong laman ng Diyos ay magkabahagi sa parehong kakanyahan at sa parehong pinanggalingan—ito ay isang katotohanan na walang sinuman ang makakapagtanggi.
mula sa “Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang unang pagkakataon na Ako ay dumating sa mga tao ay sa Panahon ng Katubusan. Mangyari pa, Ako ay nagmula sa pamilya ng Hudyo; samakatuwid ang unang nakakita sa pagdating ng Diyos sa lupa ay ang mga taong Hudyo. Ang dahilan kung bakit ginawa Ko ang akdang ito nang personal ay dahil nais Kong gamitin ang Aking naging tao na katawan bilang handog sa kasalanan sa Aking gawa ng pagtubos. Kaya ang unang nakakita sa Akin ay ang mga Hudyo sa Kapanahunan ng Biyaya. Iyon ay ang unang pagkakataon na Ako ay nagtrabaho sa katawang-tao. Sa Panahon ng Kaharian, Ang Aking gawa ay manlupig at gawing perpekto, kaya Ko ginawa ulit ang pagpapastol sa katawang-tao. Ito ang Aking ikalawang pagkakataon na magtratrabaho sa katawang-tao. Sa huling dalawang yugto ng gawa, ang nakasalamuha ng tao ay hindi na ang di-nakikita, di nahahawakang Espiritu, bagkus isang tao na ang Espiritu ay nagkatawang-tao. Kaya sa mata ng tao, Ako ay muling naging tao na walang hitsura at pakiramdam ng Diyos. Bukod dito, ang Diyos na nakita ng mga tao ay hindi lamang lalaki, kundi pati na rin babae, na kung saan ay pinaka-lubhang kataka-taka at nakalilito sa kanila. Muli’t muli, ang Aking pambihirang gawa ay bumasag sa lumang paniniwalang ginawa sa napakaraming taon. Ang mga tao ay nasindak! Ang Diyos ay hindi lamang ang Banal na Espiritu, ang Espiritung iyon, pitong beses na pinatinding Espiritu, ang sumasaklaw ng lahat sa Espiritu, kundi isa ring tao, isang ordinaryong tao, isang napakakaraniwang tao. Hindi lamang Siya lalaki, kundi pati na rin babae. Sila ay may pagkakapareho kung saan pareho silang ipinanganak sa tao, at magkaiba dahil ipinanganak ang isa sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at ang isa ay ipinanganak bilang tao ngunit nagmula mismo sa Espiritu. Sila ay magkatulad kung saan sila ay parehong nagkatawang-tao na Diyos na ipinapatupad ang Gawa ng Diyos Ama, at magkaiba dahil ang isa ay gumagawa ng gawain ng pagtubos at ang isa ay gumagawa ng gawain ng panlulupig. Parehong kumakatawan sa Diyos Ama, ngunit ang isa ay ang Panginoon ng pagtubos na puno ng kagandahang-loob at awa, at ang isa naman ay ang Diyos ng katuwiran na puspos ng galit at paghatol. Ang isa ay ang Kataas-taasang Tagapagpatupad upang ilunsad ang gawa ng pagtubos, at ang isa ay ang matuwid na Diyos upang matupad ang gawa ng panlulupig. Ang isa ay ang Simula, at ang isa naman ay Wakas. Ang isa ay walang kasalanang katawan, ang isa naman ay katawan na tumatapos ng pagtubos, nagpapatuloy ng gawa, at hindi kailanman nagkasala. Ang dalawa ay ang parehong Espiritu, ngunit tumira Sila sa iba’t ibang katawang-tao at parehong ipinanganak sa iba’t ibang mga lugar. At Sila ay pinaghiwalay nang ilang libong taon. Gayon man, ang lahat ng Kanilang mga gawa ay magkasangga, hindi magkasalungat, at maaaring sambitin sa parehong hininga. Pareho Silang tao, ngunit ang isa ay batang lalaki at ang isa naman ay batang babae.
mula sa “Pagdating sa Diyos, Ano ang Iyong Pagkakaunawa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Hindi lamang isang Espiritu ang Diyos, kaya rin Niya ang maging katawang-tao; higit sa rito, Siya ay isang katawan ng kaluwalhatian. Si Jesus, bagama’t hindi ninyo Siya nakita, ay nasaksihan ng mga Israelita, iyan ay, ng mga Judio noon. Noong una Siya ay isang katawan ng lamán, nguni’t pagkatapos Niyang naipako sa krus, Siya ay naging ang katawan ng kaluwalhatian. Siya ang sumasaklaw-sa-lahat na Espiritu at kayang gumawa sa bawa’t dako. Maaari Siyang maging si Jehova, o si Jesus, o ang Mesiyas; sa katapusan, kaya rin Niyang maging Makapangyarihang Diyos. Siya ay pagkamakatuwiran, paghatol, at pagkastigo; Siya ay sumpa at poot; nguni’t Siya rin ay awa at mapagmahal-na-kabaitan. Lahat ng gawain na Kanyang nagáwâ ay kayang kumatawan sa Kanya.
mula sa “Binubuo ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Mula sa gawain ni Jehova hanggang kay Jesus, at mula sa gawain ni Jesus hanggang sa kasalukuyang yugtong ito, sinasakop nitong tatlong yugto sa patuloy na hanay ang buong lawak ng pamamahala ng Diyos, at ang lahat ay gawa ng isang Espiritu. Mula sa paglikha ng mundo, ang Diyos ay palaging gumagawa sa pamamahala ng sangkatauhan. Siya ang Simula at ang Katapusan, Siya ang Una at ang Huli, at Siya ang nagsisimula ng kapanahunan at ang nagdadala ng kapanahunan sa katapusan. Ang tatlong yugto ng gawain, sa iba’t ibang kapanahunan at iba’t ibang lugar, ay walang alinlangan na gawain ng isang Espiritu. Ang lahat yaong naghihiwalay sa tatlong yugtong ito ay lumalaban sa Diyos. Ngayon, kailangan mong maunawaan na lahat ng gawain mula sa unang yugto hanggang sa kasalukuyan ay ang gawain ng isang Diyos, ang gawain ng isang Espiritu. Walang anumang pag-aalinlangan dito.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ako ay naniniwala na ang ating salinlahi ay biniyayaan na matahakan ang hindi natapos na landas ng mga tao sa nakaraang mga salinlahi, at magawang makita ang muling pagpapakita ng Diyos mula sa ilang libong taon na ang nakararaan—ang Diyos na nandito sa gitna natin, at pinupuno ang lahat ng mga bagay. Ang hindi mo kailanman maiisip na makakalakad ka sa landas na ito: Magagawa mo ba ito? Ang landas na ito ay tuwirang sa Banal na Espiritu, ito ay pinangungunahan ng makapitong beses na pinalakas na Espiritu ng Panginoong JesuCristo, at ito ang landas na binuksan para sa iyo ng Diyos sa kasalukuyan. Maging sa iyong guni-guni hindi mo maaaring isipin na si Jesus ng ilang libong taon na ang nakaraan ay muling magpapakita sa harap mo. Hindi ka ba nakakadama ng kaluguran? Sino ang nakakagawang makalapit sa Diyos nang harapan? Madalas Akong nananalangin para sa ating grupo na tumanggap ng lalong dakilang mga pagpapala mula sa Diyos na mangyaring kilingan tayo ng Diyos at Kanyang makamit, ngunit mayroon ding di-mabilang na mga pagkakataon na Ako ay tumangis para sa atin, hinihiling na liwanagan tayo ng Diyos, at tulutan tayong makita ang lalong dakilang mga pagbubunyag.
mula sa “Ang Landas … (7)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Mga Talababa:
1. Ang “Baligtarin ang nakaraan nilang saloobin” ay tumutukoy sa kung paano nagbabago ang mga pagkaintindi at pananaw ng mga tao sa Diyos sa sandaling makilala nila ang Diyos.
2. Ang “Pagpapahingalay” ay nagpapahiwatig na ang mga tao ay walang pakialam sa gawain ng Diyos at hindi nila itinuturing ito na mahalaga.
Rekomendasyon:
Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento