Tagalog praise and worship Songs|
Ipinapahayag ni Cristo ang Kabuuan ng Espiritu
I
Alam ni Cristo ang diwa ng tao,
inihahayag ang lahat ng ginagawa ng tao,
lalo na ang masamang disposisyon ng tao
at pagkasuwail nila.
Makamundo'y di Niya kapiling,
batid na sila'y masasama.
Ganyan kung ano Siya.
Kahit 'di nakikibahagi sa mundo,
alam Niya ang patakaran doon.
Kilala Niya ang tao,
II
Alam Niya pagkilos ng Espiritu
ngayon maging ang noon,
di lang nakikita ng tao,
di lang nila naririnig.
Mga himalang di nauunawaan,
karunungang di pilosopiya.
Ganyan kung ano Siya,
hayag at tago sa tao.
Pagpapahayag Niya'y di sa pangkaraniwang tao,
kundi ang pagiging Diyos at
katangian ng Espiritu.
III
Di Niya nilalakbay ang mundo,
ngunit alam na alam ito.
Kinakausap ang mga walang alam,
ngunit salita Niya'y higit sa lahat.
Kapiling Niya'y mga mangmang at manhid,
na di alam kung paano mabuhay.
Ngunit mahihiling Niya sa kanila na isabuhay
ang tunay na buhay ng tao,
inihahayag na napakababa nila!
Ganyan kung ano Siya,
nakahihigit sa may dugo't laman.
Paghatol ay di ayon sa Kanyang karanasan.
Alam, muhi sa pagsuway ng tao,
kasamaan nila'y ihinahayag.
Ang gawain Niya'y naghahayag
ng Kanyang disposisyon at pagiging Diyos.
Si Cristo lang ang makakagawa n'yan, oh.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento