Kidlat ng Silanganan

菜單

Mar 18, 2019

Himno ng Iglesia Sino ang Nakakaunawa sa Kalungkutan ng Diyos?




Himno ng Iglesia Sino ang Nakakaunawa sa Kalungkutan ng Diyos?


I
Nasa puso mo ba ang Diyos?
Naisip mo na ba kung ano ang Kanyang kalooban,
kung ano ang Kanyang nais mula sa tao?
Nagdurusa ang Diyos ng sobrang sakit at kahihiyan,
walang sinuman ang nakakaunawa sa Diyos.
Ang puso ng tao ay mapanlinlang, makasarili ito at masama.
Sino ang makakaunawa sa Diyos?
Sino ang nag-isip na tungkol sa Kanya?
At sinong makapagbibigay aliw sa Kanya?
Asan ang puso mo?
Bakit, o bakit kay lamig mo sa Diyos?
Kapag nagising ka, matagal nang wala ang Diyos.
II
Sinong makapagbibigay aliw sa Kanya?
Sinong nakakaunawa sa kalungkutan Niya?
Taon-taon, araw-araw,
nagsasawa na ang Diyos sa lahat ng kasamaan ng tao.
Naniniwala sa Diyos pero hindi hinahanap ang katotohanan,
paano natin mauunawaan ang puso ng Diyos?
Matigas na hinahangad ang katanyagan at pakinabang,
paano natin aalalahanin ang kagalakan at kalungkutan ng Diyos?
Ibigay mo sa Diyos ang iyong buong puso.
Tunay na pagmamahal ang ihandog sa Kanya.
Nag-iisa Siya, naghihintay
sa mga tunay na nagmamahal sa Kanya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...