Mula pa nang ang tao ay nagsimulang yumapak sa tamang landas ng buhay, nagkaroon ng maraming bagay na nananatiling hindi malinaw. Sila ay ganap pa rin ang kalabuan tungkol sa gawain ng Diyos at kung gaano karaming trabaho ang dapat nilang gawin. Ito ay dahil, sa isang banda, pagkalihis ng kanilang mga karanasan at ang mga limitasyon sa kanilang kakayahang tumanggap; sa kabila, ito ay dahil ang gawain ng Diyos ay hindi pa nadala ang mga tao sa yugtong ito. Kaya, hindi maliwanag sa lahat ang tungkol sa pinaka-espirituwal na mga bagay. Hindi lamang na hindi malinaw sa inyo ang inyong dapat pasukan; mas lalo kayong mangmang tungkol sa gawain ng Diyos. Ito ay mas higit pa kaysa sa simpleng bagay na pagkukulang sa inyo: Ito ay isang malaking kapintasan sa lahat ng kabilang sa mundo ng relihiyon. Nandito ang susi kung bakit hindi kilala ng mga tao ang Diyos, at kaya ang kapintasang ito ay isang pangkaraniwang depekto na bahagi ng lahat ng mga taong humahanap sa Kanya. Walang sinuman ang kailanman nakakilala sa Diyos, o kailanman nakakita sa Kanyang tunay na mukha. Dahil dito kaya ang gawain ng Diyos ay naging mahirap kagaya nang paglilipat ng isang bundok o pagpapatuyo ng dagat. Gaano karaming mga tao ang nagsakripisyo ng kanilang buhay para sa gawain ng Diyos; gaano karami ang napaalis nang dahil sa Kanyang gawa; gaano karami, para sa kapakanan ng Kanyang gawain, ang pinahirapan hanggang kamatayan; gaano karami, ang kanilang mga mata ay napuno ng luha ng pag-ibig para sa Diyos, namatay nang di-makatarungan; gaano karami ang nakatagpo nang malupit at di-makataong pag-uusig...? Na ang mga trahedyang ito ay dumaan lamang—hindi kaya lahat ng ito ay dahil sa kakulangan ng kaalaman ng mga tao tungkol sa Diyos? Paanong ang isang tao na hindi kilala ang Diyos ay may mukha na ihaharap sa Kanya? Paanong ang isang tao na naniniwala sa Diyos at datapwat umuusig sa Kanya ay may mukhang ihaharap sa Kanya? Hindi lamang ito mga kakulangan ng mga nasa loob ng pang-relihiyong mundo, ngunit sa halip ay parehong pangkaraniwan sa inyo at sa kanila. Naniniwala ang mga tao sa Diyos nang walang kaalaman sa Kanya; ito ang dahilan kung bakit hindi nila iginagalang ang Diyos sa kanilang mga puso, at hindi Siya kinatatakutan sa kanilang mga puso. May mga tao pa nga na, kasama ang malaking karangyaan at kalagayan, ang gumagawa ng mga gawa na kanilang naisip sa loob ng daloy na ito, at ipinagpapatuloy ang gawain ng Diyos ayon sa kanilang sariling mga pangangailangan at alibughang mga hangarin. Maraming mga tao ang kumikilos nang marahas, humahawak sa Diyos nang walang pagpapahalaga ngunit sumusunod sa kanilang sariling kalooban. Hindi ba ang mga ito ay perpektong pinakadiwa ng mga pusong sakim ng mga tao? Hindi ba nito inihahayag ang sobrang saganang elemento ng panlilinlang na mayroon ang tao? Tunay ngang ang mga tao ay napakatalino, ngunit paanong maaaring halinhinan ng kanilang mga kaloob ang gawain ng Diyos? Tunay ngang ang mga tao ay may pakialam sa pasanin ng Diyos, ngunit hindi sila maaaring kumilos ng masyadong makasarili. Talaga bang ang gawa ng tao ay tunay na banal? Maaari bang ang sinuman ay maging positibong sigurado? Upang sumaksi sa Diyos, upang magmana ng Kanyang kaluwalhatian—ito ay ang paggawa ng Diyos ng kataliwasan at pag-aangat sa mga tao; sa kanilang sarili, hindi sila kailanman magiging karapat-dapat. Kasisimula pa lamang ng gawain ng Diyos, ang Kanyang mga salita ay nagsisimula pa lamang bigkasin. Sa puntong ito, maganda ang pakiramdam ng mga tao tungkol sa kanilang mga sarili; hindi ba ito ay simpleng pananawagan sa kahihiyan? Hindi nila masyadong naiintindihan. Kahit na ang pinakalikas-na-matalinong teoretista, ang pinaka-pilak-na-dilang mananalumpati, ay hindi maaaring ilarawan ang lahat ng kasaganaan ng Diyos—mas lalo pa kaya kayo? Mas mabuti pa na hindi ninyo itakda ang inyong sariling halaga nang mas mataas pa kaysa sa langit, ngunit sa halip ay tingnan ang inyong mga sarili na mas mababa pa kaysa sa pinakamababa sa makatwirang mga tao na nagsisikap na mahalin ang Diyos. Ito ang landas na inyong papasukin: na makita ang inyong mga sarili na mas maikli ng isang dangkal kaysa sa iba. Bakit itinuturing ninyo ang inyong mga sarili nang sobrang taas? Bakit ninyo ilalagay sa naturang mataas na pagpapahalaga ang inyong mga sarili? Sa mahabang lakbayin ng buhay, inyo lamang nagawa ang kakaunting unang mga hakbang. Braso lamang ng Diyos ang nakikita ninyo, hindi ang kabuuan ng Diyos. Marapat lamang na makita ninyo ang mas marami pang gawain ng Diyos, na mas matuklasan pa ninyo ang dapat ninyong pasukin, dahil kakaunti ang inyong pinagbago.
Sa paggawa sa tao at pagbabago ng kanyang disposisyon, hindi tumitigil kailanman ang gawain ng Diyos, sapagka’t sila ay nagkukulang sa masyadong maraming paraan at nagkukulang nang labis sa mga pamantayang itinakda Niya. Kaya’t masasabi, na sa mga mata ng Diyos, kayo ay magiging bagong panganak na mga sanggol magpasa-walang-hanggan, nagtataglay ng napakakaunti sa mga sangkap na nakapagpapalugod sa Kanya, dahil kayo ay walang anuman kundi mga nilikha sa mga kamay ng Diyos. Kung ang isa ay nahuhulog tungo sa pagiging kampante, hindi ba siya kasusuklaman ng Diyos? Na nabibigyang-kaluguran ninyo ang Diyos ngayon ay sinasabi kaugnay ng inyong laman, nguni’t pag inihambing laban sa Diyos, palagi kayong matatalo sa larangan. Ang laman ng tao kailanman ay hindi nakaranas kahit minsan ng tagumpay. Sa pamamagitan lamang ng gawa ng Banal na Espiritu posible para sa tao na magkaroon ng mga katangiang nakapagtutubos. Sa katotohanan, sa lahat ng napakaraming bagay sa nilikha ng Diyos, pinakamababa ang tao. Kahit na siya ang panginoon ng lahat ng mga bagay, tanging ang tao lamang ang napapailalim sa panlalansi ni Satanas, ang nag-iisang biktima sa walang-katapusang mga paraan ng katiwalian nito. Ang tao kailanman ay hindi nagkaroon ng kapangyarihan sa sarili niya. Karamihan sa mga tao ay nakatira sa mabahong lugar ni Satanas, at nagdurusa sa pang-uuyam nito; tinutukso sila sa ganitong paraan at hanggang sila ay maging agaw-buhay, nagtitiis sa bawat malaking pagbabago, sa bawat paghihirap sa mundo ng tao. Matapos silang paglaruan, tinapos na ni Satanas ang kanilang tadhana. At kaya ang tao ay dumaranas ng pagkataranta sa pagkalito sa kanilang buong buhay, hindi nila kailanman natatamasa ang mga magagandang bagay na inihanda ng Diyos para sa kanila, ngunit sa halip nasisira sa pamamagitan ni Satanas at naiwang punit-punit. Ngayon sila ay naging matamlay at walang sigla na walang pagkahilig tanggapin sa kanilang pang-unawa ang gawain ng Diyos. Kung ang mga tao ay walang pagkahilig na pansinin ang gawain ng Diyos, ang kanilang karanasan ay tiyak na mapapahamak magpakailanman na mananatiling pira-piraso at di-kumpleto, at ang kanilang pagpasok ay magpakailanman magiging isang espasyong walang laman. Sa ilang libong taon simula nang pumarito sa daigdig ang Diyos, ang anumang bilang ng mga tao na may matayog na huwaran ay ginamit ng Diyos upang gawin ang Kanyang gawain sa anumang bilang ng mga taon; ngunit ang mga taong may alam sa Kanyang gawain ay napakakaunti na halos di-umiiral. Dahil dito, hindi mabilang na mga tao ang gumaganap sa papel nang pagtutol sa Diyos kasabay nang pagtanggap sa gawa Niya, sapagkat, sa halip na gawin ang Kanyang gawain, sila’y aktwal na gumagawa ng pantaong gawain sa posisyong ipinagkaloob ng Diyos. Maaari na ba itong tawaging gawain? Paano sila makakapasok sa loob? Kinuha ng sangkatauhan ang biyaya ng Diyos at ito ay inilibing. Dahil dito, sa paglipas ng mga nakaraang henerasyon ang mga taong gumanap ng Kanyang gawain ay kakaunti ang nakakapasok. Sila ay hindi nagsasabi tungkol sa gawain ng Diyos, dahil masyadong maliit ang kanilang nauunawaan sa karunungan ng Diyos. Maaari itong masabi na, bagaman mayroong maraming naglilingkod sa Diyos, nabigo silang makita kung paano Siya dinakila, at kaya ito ang naging dahilan kung bakit ang lahat ay itinaas ang kanilang mga sarili bilang Diyos upang sambahin ng iba.
Sa napakaraming taon nanatiling nakatago ang Diyos sa loob ng paglikha; mula sa likod ng tumatalukbong na ambon pinagmasdan ang maraming tagsibol at tag-lagas; sa maraming mga araw at gabi tumingin sa ibaba mula sa ikatlong langit; lumakad kasama ng mga tao ng maraming buwan at taon. Umupo Siya sa lahat ng tao matahimik na naghihintay sa napakaraming malamig na mga taglamig. Hindi Niya kailanman ipinakita nang lantaran ang Sarili Niya kaninuman, ni hindi rin gumawa ng isang tunog, umaalis nang walang senyales at kasing-tahimik na nagbabalik. Sino ang maaaring makakakilala sa Kanyang tunay na mukha? Hindi kailanman Siya nagsalita sa tao, ni isang beses hindi kailanman nagpakita sa tao. Gaano kadali para sa mga tao na gawin ang gawain ng Diyos? Maliit ang kanilang pagkatanto na ang makilala Siya ay ang pinakamahirap na bagay sa lahat. Ngayon ang Diyos ay nagsalita sa mga tao, ngunit hindi Siya kailanman nakikilala ng tao, sapagka’t ang kanyang pagpasok sa buhay ay masyadong limitado at mababaw. Mula sa Kanyang perspektibo, ang mga tao ay ganap na hindi nararapat magpakita sa harap ng Diyos. Masyadong maliit ang kanilang pang-unawa sa Diyos at masyadong hiwalay mula sa Kanya. Bukod dito, ang kanilang mga puso na naniniwala sa Diyos ay masyadong kumplikado, at simpleng hindi nila tangan ang imahe ng Diyos sa kaibuturan ng kanilang mga puso. Bilang resulta, ang napakaingat na pagsisikap ng Diyos, at ang Kanyang gawain, tulad ng mga pirasong gintong nakalibing sa ilalim ng buhangin, ay hindi maaaring magbigay ng isang sinag ng liwanag. Sa Diyos, ang kalibre, mga motibo, at mga pananaw ng mga taong ito ay karima-rimarim sa kalabisan. Pinapaghirap sa kanilang kapasidad na tumanggap, walang pandama sa punto ng kawalan ng malay, mababang-uri at masama, sobra-sobrang sunud-sunuran, mahina at walang determinasyon, dapat silang akayin gaya ng pag-akay sa mga baka at kabayo. Sa ganang pagpasok ng kanilang espiritu, o pagpasok sa gawain ng Diyos, hindi sila nagbigay kahit kaunting pansin, hindi nagtataglay ng kahit isang katiting na pagpapasiyang magdusa alang-alang sa katotohanan. Ang gawing ganap ang ganitong uri ng tao ay di-magiging madali para sa Diyos. Kaya ito ay mahalaga na inyong itakda ang inyong pagpasok mula sa anggulong ito—na sa pamamagitan ng inyong gawa at ng inyong pagpasok malalapit kayo sa pagkaalam sa gawain ng Diyos.
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Ang pinagmulan:Gawa at Pagpasok (1)
Rekomendasyon:
Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento