Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang paglalaban sa pagitan ng Diyos at ni Satanas, at ang pakay ng labanan ay si Satanas, habang ang isa na gagawing perpekto ng gawaing ito ay ang tao. Kung mamumunga man ang gawain ng Diyos o hindi, ito ay nakasalalay sa paraan ng patotoo ng tao sa Diyos. Ang patotoong ito ay kung ano ang kinakailangan ng Diyos sa mga tagasunod Niya; ito ang patotoo na ginawa sa harapan ni Satanas, at patunay rin ng mga naibubunga ng gawain Niya. Ang buong pamamahala ng Diyos ay nahahati sa tatlong yugto, at sa bawa’t yugto, ang mga angkop na kinakailangan ay itinatalaga sa tao.
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan
Ang Kidlat ng Silanganan, ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos! Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.
Ago 8, 2020
Ago 7, 2020
Inalis ng mga Salita ng Diyos ang Aking mga Pagkaunawa
Xiao Rui Lungsod ng Panzhihua, Lalawigan ng Sichuan
Noong ipinangangaral ko ang ebanghelyo nakatagpo ko ang mga pinuno ng relihiyon na nagbibintang upang lumaban at manggulo, at tumawag sa pulisya. Naging dahilan ito upang hindi maglakas-loob ang mga pinangangaralan ko na magkaroon ng anumang kinalaman sa amin, at ang mga katatanggap pa lamang ng ebanghelyo ay hindi makapagtiwala sa gawain ng Diyos. Noong nagpakahirap ako nang husto sa trabaho ngunit hindi maganda ang naging resulta, naisip ko: Ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ay napakahirap isagawa.
Ago 6, 2020
Tanging ang Diyos na Nagkatawang-tao ang Makagagawa ng Gawain ng Paghatol sa mga Huling Araw
Ang Kidlat ng Silanganan ay nagpapatotoo na ang Diyos ay nagkatawang-tao sa mga huling araw upang gawin Niya mismo ang gawain ng paghatol. Gayunman ang gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan ay isinagawa sa pamamagitan ng paggamit kay Moises. Kung gayon hindi ba maaaring gawin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw sa gayunding paraan, sa pamamagitan ng paggamit ng mga tao? Bakit kailangang magkatawang-tao ang Diyos at gawin Niya ito mismo? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang gawain ng paghatol ay sariling gawa ng Diyos, kaya kailangang likas na magawa ito ng Diyos Mismo; hindi ito maaaring gawin ng taong Kanyang kahalili.
Ago 5, 2020
Ang Diyos ay Nakagawa ng Higit at Mas Bagong Gawain sa mga Gentil sa mga Huling Araw
Dapat mong basahin ang Lumang Tipan,
kung nais makita ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan,
kung pa'no sumunod mga Israelita sa landas ng Diyos.
Dapat mong basahin ang Bagong Tipan,
kung nais malaman ang gawain ng Diyos
sa Kapanahunan ng Biyaya.
Ago 4, 2020
Bakit sinabi na ang tiwaling sangkatauhan ay dapat maligtas ng nagkatawang-taong Diyos? Ito ang isang bagay na hindi nauunawaan ng karamihan sa mga tao—mangyaring magbahagi tungkol dito.
Sagot:
Kaya kailangang iligtas ang tiwaling sangkatauhan sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay dahil ang katawan ng tao ay lubusan nag nalinlang at nagawang tiwali ni Satanas. Ang buong sangkatauhan ay nabubuhay sa ilalim ng pamamahala ni Satanas, hindi nila matukoy ang pagkakaiba ng mabuti sa masama, kagandahan sa kapangitan. Hindi nila masabi ang pagkakaiba ng positibo sa negatibo. Nabubuhay sila ayon sa pilosopiya, batas at likas na pagkatao ni Satanas, sila ay mayabang, mapagmagaling, walang ingat, at walang kinikilalang batas.
Ago 3, 2020
Mga Klasikong Salita tungkol sa Gawain ng Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw
1. Ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol at pagkastigo upang makilala Siya ng tao, at para sa kapakanan ng Kanyang patotoo. Kung hindi sa Kanyang paghatol sa tiwaling disposisyon ng tao, hindi posibleng malaman ng tao ang Kanyang matuwid na disposisyon, na hindi nagpapalampas ng pagkakasala, ni hindi niya mapapalitan ng bago ang dati niyang pagkakilala sa Diyos. Para sa kapakanan ng Kanyang patotoo, at para sa kapakanan ng Kanyang pamamahala, ipinapakita Niya sa publiko ang Kanyang kabuuan, na nagbibigay-daan sa tao, sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakita sa publiko, na makilala ang Diyos, baguhin ang kanyang disposisyon, at magbigay ng matunog na patotoo sa Diyos.
Ago 2, 2020
"Ang Tiwaling Sangkatauhan ang Mas Nangangailangan ng Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao" | Sipi 15
Sa buong gawaing pamamahala, ang pinaka-mahalagang gawain ay ang kaligtasan ng tao mula sa impluwensya ni Satanas. Ang pinaka-susing gawain ay ang ganap na paglupig sa tiwaling tao, sa gayon ay pinapanumbalik ang orihinal na paggalang sa Diyos sa puso ng nalupig na tao, at pinahihintulutan siyang makamit ang isang normal na buhay, na ang ibig sabihin, ang normal na buhay ng isang nilikha ng Diyos. Ang gawain na ito ay maselan, at ito ang saligan ng gawaing pamamahala. Sa tatlong yugto ng gawain ng pagliligtas, ang unang yugto ng gawain ng kautusan ay malayo mula sa saligan ng gawaing pamamahala; ito lamang ay nagkaroon ng bahagyang pagpapakita ng gawain ng pagliligtas, at hindi ang simula ng gawain ng pagliligtas ng Diyos sa tao mula sa sakop ni Satanas.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14
Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...
-
Tagalog Christian Songs | Ang Pamamahala ng Diyos ay Patuloy na Sumusulong I Pagkatapos ng gawain ni Jehova, naging t...
-
Awit ng Papuri Lyrics| Awit ng Pagmamahal sa Diyos nang Walang Panghihinayang I Ang daan patungo sa kaharian ay mab...
-
Ang panalangin ay hindi isang uri ng ritwal; ito ay isang tunay na pagniniig sa pagitan ng mga tao at ng Diyos, at may malalim na kabu...