Kidlat ng Silanganan

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na maglingkod. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na maglingkod. Ipakita ang lahat ng mga post

Nob 17, 2018

Mga Patotoo tungkol sa Paghatol sa Harapan ng Hukuman ni Cristo|Ang Ganitong Uri ng Paglilingkod ay Tunay na Napakasama


Ding Ning Lungsod ng Heze, Lalawigan ng Shandong

Sa nakalipas na ilang araw, inayos ng iglesia ang pagbabago sa aking trabaho. Sa pagtanggap ko ng bagong gawaing ito, naisip ko, “Kailangan kong samantalahin ang huling pagkakataong ito na magpatawag ng isang pagpupulong kasama ng aking mga kapatid, makipag-usap nang malinaw sa kanila tungkol sa mga bagay, at iwanan sila ng isang magandang impresyon.” Kaya naman, nakipagkita ako sa ilang mga diyakono, at sa oras ng pagtatapos ng aming pagsasama, sinabi ko “Hiniling sa akin na umalis dito at lumipat sa ibang trabaho.

Peb 8, 2018

Salita ng Diyos | Pagtatapos ng Relihiyosong Serbisyo

relihiyon, Diyos, gawain, katotohanan, maglingkod

Kidlat ng Silanganan Salita ng Diyos | Pagtatapos ng Relihiyosong Serbisyo

     Sa simula ng Kanyang gawain sa sansinukob, Ang Diyos ay may itinalaga nang mga tao upang paglingkuran Siya, kabilang ang mga tao mula sa lahat ng uri ng pinagmulan. Ang Kanyang layunin ay tuparin ang Kanyang sariling kagustuhan at tiyakin na ang Kanyang gawain sa lupa ay magbunga. Ito ang layunin ng Diyos sa pagpili ng mga tao upang maglingkod sa Kanya. Ang bawat tao na naglilingkod sa Diyos ay dapat maunawaan ang kaloobang ito ng Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang gawain, mas nakikitang mabuti ng mga tao ang karunungan ng Diyos at kapangyarihan ng Diyos, at upang makita ang mga prinsipyo ng Kanyang gawain sa lupa. Ang Diyos ay sadyang bumababa sa lupa upang gawin ang kanyang gawain at makitungo sa mga tao nang sa gayon kanilang malaman nang mas malinaw ang Kanyang mga gawain. Ngayon, ito ay pribilehiyo ninyong mga grupo ng tao upang paglingkuran ang praktikal na Diyos. Ito ay isang malaking pagpapala para sa inyo. Tunay na itinataas kayo ng Diyos. Kapag ang Diyos ay pumipili ng maglilingkod sa Kanya, lagi Siyang may sariling prinsipyo. Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi lamang isang bagay ng kasabikan gaya ng iniisip ng tao. Ngayon ang tao ay maaaring maglingkod sa Diyos sa Kanyang presensya, tulad ng inyong nakikita, sapagkat sila ay ginagabayan ng Diyos at may gawain ng Banal na Espiritu; at dahil sila ay naghahanap ng katotohanan. Ang mga ito ang kaunting kinakailangan para sa isang tagapaglingkod ng Diyos.

Peb 2, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Paano Maglingkod Ayon sa Kalooban ng Diyos



Kidlat ng SilangananPag-bigkas ng Diyos | Paano Maglingkod Ayon sa Kalooban ng Diyos


      Ngayon, uunahin natin tatalakayin kung paano dapat paglingkuran ng tao ang Diyos sa kanilang paniniwala sa Diyos, ano ang mga kondisyon na dapat tuparin at kung ano ang dapat maunawaan ng mga naglilingkod sa Diyos, at ano ang mga paglilihis sa inyong serbisyo. Dapat ninyong maunawaan ang lahat ng ito. Ang mga isyung ito ay tumutuon sa inyong paniniwala sa Diyos, kung paano kayo maglakad sa landas ng patnubay ng Banal na Espiritu, at kung paano ang inyong lahat ay inayos ng Diyos, at papahintulutan nila kayong malaman ang bawat hakbang ng gawa ng Diyos sa inyo. Kapag naabot ninyo ang puntong iyon, inyong ikalulugod ang pananampalataya sa Diyos, kung paano maniwala nang wasto sa Diyos, at ano ang dapat ninyong gawin upang kumilos ng naayon sa kalooban ng Diyos. Gagawin kayo nitong ganap at lubos na masunurin sa gawa ng Diyos, at hindi kayo magrereklamo, hindi ninyo hahatulan, o susuriin, at lalong hindi magsasaliksik. Dagdag pa rito, magagawa ninyong maging masunurin sa Diyos hanggang sa kamatayan, nagpapahintulot sa Diyos na mailihis kayo at mapaslang na parang isang tupa, upang kayong lahat ay maging mga Pedro ng panahong 1990, at maaaring sukdulang mahalin ang Diyos kahit na nasa krus, nang walang kahit kaunting reklamo. Doon lamang kayo maaaring mamuhay bilang mga Pedro ng panahong 1990.

Ene 7, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Mga Yapak ng Diyos


Kidlat ng SilangananPag-bigkas ng Diyos | Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Mga Yapak ng Diyos



Sa ngayon, hangarin ninyo na maging mga tao ng Diyos, at dapat simulan ang buong pagpasok sa tamang landas. Ang maging mga tao ng Diyos ay nangangahulugan ng pagpasok sa Kapanahunan ng Kaharian. Sa kasalukuyan, opisyal na ninyong sinisimulan ang pagpasok sa pagsasanay ng kaharian, at ang inyong hinaharap na mga buhay ay titigil sa pagiging makupad at pabaya kagaya nang dati; ang gayong mga buhay ay walang kakayahan sa pagtatamo ng mga pamantayang kinakailangan ng Diyos. Kung hindi ka nakakadama ng anumang pagmamadali, kung gayon ay ipinapakita nito na wala kang pagnanais na paunlarin ang iyong sarili, na ang iyong paghahangad ay magulo at nalilito, at ikaw ay walang kakayahan na tuparin ang kalooban ng Diyos. Ang pagpasok sa pagsasanay ng kaharian ay nangangahulugan ng pagsisimula ng buhay ng sambayanan ng Diyos—nakahanda ka bang tanggapin ang gayong pagsasanay? Nakahanda ka bang madama ang isang pakiramdam ng pagmamadali? Nakahanda ka bang mabuhay sa ilalim ng pagdidisiplina ng Diyos? Nakahanda ka bang mabuhay sa ilalim ng pagkastigo ng Diyos? Kapag ang mga salita ng Diyos ay dumating sa iyo at ikaw ay sinubok, paano ka kikilos? At ano ang iyong gagawin kapag nahaharap sa lahat ng paraan ng mga katunayan? Sa nakaraan, ang iyong pokus ay hindi sa buhay; sa kasalukuyan, dapat kang pumasok sa realidad ng buhay, at hangarin ang mga pagbabago sa iyong disposisyon sa buhay. Ito ang dapat matamo ng mga tao ng kaharian. Lahat ng mga iyon na sambayanan ng Diyos ay dapat magtaglay ng buhay, dapat nilang tanggapin ang pagsasanay ng kaharian, at hangarin ang mga pagbabago sa kanilang disposisyon sa buhay. Ito ang mga kinakailangan ng Diyos sa mga tao ng kaharian.

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...