Kidlat ng Silanganan | Salita ng Diyos | Paano Malaman ang Realidad
Ang Diyos ay Diyos ng realidad: Lahat ng Kanyang mga gawa ay tunay, at lahat ng mga salita na binibigkas Niya ay totoo, at lahat ng mga katotohanan na ipinapahayag Niya ay totoo. Lahat ng bagay na hindi Kanyang mga salita ay walang laman, hindi umiiral, at hindi batay sa katotohanan. Ngayon, ang Banal na Espiritu ay gumagabay sa mga tao tungo sa mga salita ng Diyos. Kung nais ng mga tao na ituloy ang pagpasok sa realidad, samakatuwid dapat nilang hanapin ang realidad at alamin ang realidad, matapos nito’y dapat nilang maranasan ang realidad, at isabuhay ang realidad. Mas alam ng mga tao ang realidad, mas maaari nilang masabi kung ang salita ng iba ay tunay; mas alam ng mga tao ang realidad, mas mababa ang pagkakaroon nila ng mga maling pag-iisip; mas mararanasan ng mga tao ang realidad, at mas alam nila ang mga gawa ng Diyos ng realidad, at kung mas madali para sa kanila ang iwanan ang kanilang tiwaling, mala-satanas na mga disposisyon; mas mayroong realidad ang mga tao, mas makikilala nila ang Diyos, at mas kamumuhian nila ang laman at mamahalin ang katotohanan; mas mayroong realidad ang mga tao, mas malalapit sila sa mga pamantayang hinihingi ng Diyos. Ang mga taong natamo ng Diyos ay yaong nagmamay-ari ng realidad, at alam ang katotohanan; yaong mga natamo ng Diyos ay nalaman ang tunay na mga gawa ng Diyos sa pamamagitan nang pagdanas ng realidad. Mas aktuwal na nakikipagtulungan ka sa Diyos at dinidisiplina ang iyong katawan, mas matatamo mo ang gawa ng Banal na Espiritu, mas matatamo mo ang realidad, at mas mabibigyang-liwanag ka ng Diyos—at sa gayon, mas higit ang iyong kaalaman sa tunay na mga gawa ng Diyos. Kapag nakakapamuhay ka sa aktuwal na liwanag ng Banal na Espiritu, ang kasalukuyang landas nang pagsasagawa ay magiging mas malinaw sa iyo, at mas maaari mong maihihiwalay ang iyong sarili mula sa mga relihiyosong maling pag-iisip at lumang mga gawi ng nakaraan. Ngayon, realidad ang tampulan: Mas mayroong realidad ang mga tao, mas malinaw ang kanilang kaalaman sa katotohanan, mas higit ang kanilang pagkaunawa sa kalooban ng Diyos. Mapapangibabawan ng realidad ang lahat ng mga aral at mga doktrina, maaari nitong mapangibabawan ang lahat ng teorya at kasanayan, at mas nakatuon sa realidad ang mga tao, mas tunay nilang maiibig ang Diyos, at magugutom at mauuhaw sa Kanyang mga salita. Kapag lagi kang nakatuon sa realidad, ang iyong pilosopiyang pambuhay, mga relihiyosong maling pag-iisip, at likas na karakter ay natural lamang na mabubura alinsunod sa gawa ng Diyos. Yaong mga hindi tumutuloy sa realidad, at walang kaalaman sa realidad, ay malamang na tutuloy sa kung ano ang higit sa karaniwan, at madali silang malilinlang. Ang Banal na Espiritu ay walang kaparaanang gumawa sa mga naturang tao, kung kaya’t nararamdaman nila ang kawalang laman, at ang kanilang mga buhay ay walang kahulugan.