Ang tao ay nilalang na walang sariling kaalaman. Gayon man, kahit na hindi niya kayang makilala ang sarili niya, kilalang-kilala niya ang lahat ng tao gaya ng kanyang palad, para bang lahat ng ibang tao ay nakapasa at nakatanggap ng kanyang pagsang-ayon bago sila gumawa o magsalita ng kahit ano pa man, at dahil dito, tila nakuha niya ang buong sukat ng lahat ng iba hanggang sa kanilang katayuang pang-kaisipan. Lahat ng mga tao ay ganito. Ang tao ay nakapasok na ngayon sa Kapanahunan ng Kaharian, ngunit ang kanyang kalikasan ay nananatiling walang pagbabago. Siya ay gumagawa pa rin tulad ng ginagawa Ko sa harap Ko, ngunit sa Aking likuran, nag-uumpisa na siyang gawin ang kanyang pansariling natatanging “kalakalan.” Kapag ito ay natapos na at siya ay muling lumalapit sa Akin, gayunman, siya ay mistulang ibang tao na tila may mapangahas na kahinahunan, may anyong mapagtimpi, panatag ang pulso. Hindi ba’t ito ang ganap na patunay kung bakit ang tao ay kasuklam-suklam? Ilan ang mga taong nagsusuot ng dalawang mukha na ganap na magkaiba, isa sa Aking harapan at isa naman sa Aking likuran? Ilan sa kanila ang tila mga tupang bagong panganak sa Aking harapan ngunit sa Aking likuran ay nagiging mandaragit na tigre, kilalang-kilala niya ang lahat ng tao gaya ng kanyang palad, nang masaya sa mga burol? Ilan ang mga nagpapakita ng layon at pagtatalaga sa Aking harapan? Ilan ang mga lumalapit sa Akin na hinahanap ang Aking mga salita nang may pagkauhaw at pananabik, ngunit sa Aking likuran ay kinasusuyaan at itinatanggi ang mga ito, na tila ang Aking mga salita ay pabigat? Sa napakaraming beses, na nakita Ko ang sangkatauhang ginawang masama ng Aking kaaway, nawalan na Ako ng pag-asa sa sangkatauhan. Napakaraming beses, nakikitang lumalapit ang tao sa Akin na luhaan upang humingi ng tawad, ngunit dahil sa kanyang kawalan ng paggalang sa sarili, ang kanyang hindi na magbabago pang katigasan ng ulo, isinara Ko ang Aking mga mata sa kanyang mga gawi sa galit, kahit pa ang kanyang puso ay wagas at ang kanyang mga intensiyon ay tapat. Napakaraming beses na, nakikita Ko ang tao ay may kakayahang magtiwala sa pakikipagtulungan sa Akin, at kung paano, sa Aking harapan, siya ay tila nakahimlay sa Aking yakap, nilalasap ang init ng Aking yakap. Napakaraming beses na, nakikita ang kawalan ng malay, kasiglahan, at kagandahan ng Aking piniling bayan, sa Aking puso, lagi Akong nasisiyahan dahil sa mga bagay na ito. Ang mga tao ay hindi alam kung paano matuwa sa kanilang itinakdang mga pagpapala sa Aking mga kamay, dahil hindi nila alam ang pangunahing kahulugan ng pagpapala o pagdurusa. Sa ganitong kadahilanan, ang sangkatauhan ay malayo sa pagiging taimtim sa kanilang paghahanap sa Akin. Kung walang tinatawag na kinabukasan, sino sa inyo, tumatayo sa Aking harapan, mistulang kasing-puti ng pinaspas na niyebe, tulad ng walang-dungis na lantay na jade? Tiyak na ang pag-ibig ninyo sa Akin ay hindi maipagpapalit sa masarap na pagkain, o magarang mga kasuotan, o isang mataas na katungkulan na may kaakit-akit na kabayaran? O kaya ba itong ipalit sa pagmamahal na inukol sa iyo ng iba? Tunay nga, na ang pinagdadaang pagsubok ay hindi magtutulak sa tao na talikdan ang kanyang pag-ibig sa Akin? Tunay nga, ang pagdurusa at kapighatian ay hindi magsasanhi sa kanya na magreklamo laban sa Aking isinaayos? Walang sinumang tao ang kailanma’y talagang napahalagahan ang espadang taglay ng Aking bibig: Nalalaman lamang niya ang mababaw na kahulugan nito nang hindi talagang inuunawa nang mas malalim. Kung ang mga tao ay tunay na nakita ang talim ng Aking espada, sila ay magsisitakbo na parang mga daga sa kanilang mga lungga. Dahil sa kanilang pagkamanhid, ang mga tao ay walang naiintindihan sa totoong kahulugan ng Aking mga salita, at sila ay walang kaalaam-alam kung gaano kahirap-talunin ang Aking mga salita, o kung gaano ang kanilang kalikasan ay nabubunyag, at kung gaano ang kanilang kasamaan ay nakatanggap ng paghatol, na napapaloob sa mga salitang iyon. Sa kadahilanang ito, ayon sa kanilang hilaw na kaisipan tungkol sa Aking mga salita, karamihan ng tao ay may maligamgam at di-naglalaang saloobin.