Kidlat ng Silanganan

菜單

Abr 27, 2020

Christian Worship Music Video | "Dapat Mong Iwan ang Lahat para sa Katotohanan"


Christian Worship Music Video | "Dapat Mong Iwan ang Lahat para sa Katotohanan"


Dapat kang magdusa ng kahirapan
sa iyong landas tungo sa katotohanan.
Dapat mong ibigay nang lubos ang sarili mo,
at para makamit pa nang higit ang katotohanan
ay dapat kang sumailalim sa higit pang pagdurusa.
Ito ang dapat mong gawin. Ito ang dapat mong gawin.
'Di mo dapat itapon ang katotohanan
alang-alang sa isang tahimik na buhay ng pamilya,
pinananatili ang integridad, nananatiling marangal,
huwag isantabi ang dangal at integridad para sa panandaliang kasiyahan.
Dapat mong hanapin ang lahat ng mainam,
dapat mong hanapin ang lahat ng mabuti,
isang landas sa buhay na puno ng kahulugan.
Kung ikaw ay pangkaraniwang tao na walang hinahangad,
'di ba nasasayang ang buhay?
Ano ang mapapakinabang mo mula sa gayong buhay?
Iwan ang lahat ng kasiyahan, iwan ang laman alang-alang sa katotohanan.
Huwag itapon lahat ng katotohanan dahil lang sa kasiyahan.
Ang ganitong tao'y walang integridad o dangal;
walang kabuluhan ang pag-iral nila!
Iwan ang lahat ng kasiyahan,
iwan ang laman alang-alang sa katotohanan.
Huwag itapon lahat ng katotohanan dahil lang sa kasiyahan.
Ang ganitong tao'y walang integridad o dangal;
walang kabuluhan ang pag-iral nila!

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...