Talata ng Biblia para Sanggunian:
“Isulat mo, Mapapalad ang mga inanyayahan sa paghapon sa kasalan ng Cordero” (Pahayag 19:9).
“At ang Espiritu at ang kasintahang babae ay nagsasabi, Halika. At ang nakikinig ay magsabi, Halika. At ang nauuhaw, ay pumarito: ang may ibig ay kumuhang walang bayad ng tubig ng buhay” (Pahayag 22:17).
“At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila’y dadalisayin ko na parang pilak na dalisay, at sila’y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto” (Zacarias 13:9).
“Ang mga ito’y ang nanggaling sa malaking kapighatian, at nangaghugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero” (Pahayag 7:14).
“Mapapalad ang nangaghuhugas ng kanilang damit, upang sila'y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay, at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan” (Pahayag 22:14).
“Ang mga ito’y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka’t sila’y mga malilinis. At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon. Ang mga ito’y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero” (Pahayag 14:4).
Sa kapanahunang ito, gagawin ng Diyos na isang katunayan sa gitna ninyo na ang bawa’t tao ay isinasabuhay ang salita ng Diyos, kayang isagawa ang katotohanan, at maalab na nagmamahal sa Diyos; na ang lahat ng tao ay ginagamit ang salita ng Diyos bilang saligan at kanilang katunayan at mayroong mga puso ng paggalang sa Diyos; at na, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng salita ng Diyos, ang tao ay maaaring mamuno kasama ng Diyos. Ito ang gawain na makakamit ng Diyos. Makakaya mo bang magpatuloy na hindi nagbabasa ng salita ng Diyos? Marami sa ngayon ang nakadarama na hindi makapagpatuloy kahit isang araw lamang o dalawa kung hindi nakakapagbasa ng salita ng Diyos. Nararapat nilang basahin ang salita ng Diyos araw-araw, at kung hindi pinahihintulutan ng panahon, sapat na ang pakikinig sa Kanyang salita. Ito ang pakiramdam na ibinibigay ng Banal na Espiritu sa tao, at kung papaano Niya sinisimulang antigin ang tao. Iyon ay, pinamumunuan Niya ang tao sa pamamagitan ng mga salita nang sa gayon ang tao ay maaaring pumasok sa katunayan ng salita ng Diyos. Kung ikaw ay nakararamdam ng kadiliman at uhaw matapos lamang ang isang araw na hindi kumakain at umiinom sa salita ng Diyos, at hindi mo ito matanggap, ipinakikita nito na ikaw ay naantig na ng Banal na Espiritu, at hindi ka Niya tinalikuran. Ikaw kung gayon ay isa na nasa daloy na ito. Subali’t, kung ikaw ay walang pagtalos o hindi nakararamdam ng uhaw matapos ang isa o dalawang araw na hindi pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos, at hindi mo nadarama na ikaw ay naantig, ito ay nagpapakita na tinalikuran ka ng Banal na Espiritu. Ito ay nangangahulugan, kung gayon, na ang katayuan ng iyong kalooban ay hindi tama; hindi ka pa nakapapasok sa Kapanahunan ng Salita, at ikaw ay isa na naiwan. Ginagamit ng Diyos ang salita upang pamunuan ang tao; mabuti ang iyong pakiramdam kung kumakain at umiinom ka sa salita ng Diyos, at kung hindi, wala kang magiging daan upang sumunod. Ang salita ng Diyos ay nagiging pagkain ng tao at ang lakas na nag-uudyok sa kanya. Sinabi ng Biblia na “Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa’t salitang lumalabas sa bibig ng Dios.” Ito ang gawain na tutuparin ng Diyos sa araw na ito. Gaganapin Niya ang katotohanang ito sa iyo. Paano nakatatagal ang tao noong nakaraan nang maraming araw na hindi nagbabasa ng salita ng Diyos nguni’t patuloy na kumakain at gumagawa? At bakit hindi ito ang kalagayan ngayon? Sa kapanahunang ito, pangunahing ginagamit ng Diyos ang salita upang pamunuan ang lahat. Sa pamamagitan ng salita ng Diyos, hinahatulan at ginagawang perpekto ang tao, at sa huli ay dinadala tungo sa kaharian. Tanging ang salita ng Diyos ang nakapagtutustos ng buhay ng tao, at tanging ang salita ng Diyos ang makapagbibigay sa tao ng liwanag at ng daan ng pagsasagawa, lalo na sa Kapanahunan ng Kaharian. Hangga’t araw-araw kang kumakain at umiinom sa Kanyang salita at hindi iniiwan ang katunayan ng salita ng Diyos, makakaya kang gawing perpekto ng Diyos.
mula sa “Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita”
Ang buong pusong pagtatalaga sa mga salita ng Diyos ay pangunahing nangangahulugan ng paghahangad sa katotohanan, paghahangad sa layunin ng Diyos sa loob ng Kanyang mga salita, pagtutuon ng pansin sa pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, at pagkaunawa at pagkakamit ng mas maraming katotohanan mula sa mga salita ng Diyos. Kapag binabasa ang Kanyang mga salita, hindi nag-uukol ng pansin si Pedro sa pagkaunawa sa mga doktrina at siya ay hindi masyadong nagtuon ng pansin sa pagkakamit ng kaalamang pangteolohiya; sa halip, siya ay nag-ukol ng pansin sa pagkaunawa sa katotohanan at pag-unawa sa kalooban ng Diyos, at pagtatamo ng isang pagkaunawa ng Kanyang disposisyon at ang Kanyang kagandahan. Sinubukan din niyang maunawaan ang iba’t ibang tiwaling mga kalagayan ng tao mula sa mga salita ng Diyos, at nauunawaan ang tiwaling kalikasan ng tao at ang tunay na mga pagkukulang ng tao, pagtatamo sa lahat ng mga aspeto ng mga kahilingan na ginagawa ng Diyos ukol sa tao upang mapalugod Siya. Nagkaroon siya ng napakaraming wastong mga pagsasagawa sa loob ng mga salita ng Diyos; karamihan nito ay naaayon sa kalooban ng Diyos, at ito ang pinakamahusay na pakikipagtulungan ng tao sa kanyang karanasan sa gawain ng Diyos. Kapag nararanasan ang daan-daang mga pagsubok mula sa Diyos, mahigpit niyang siniyasat ang sarili niya laban sa bawat salita ng paghatol ng Diyos ukol sa tao, bawat salita ng pagbubunyag ng Diyos ukol sa tao, at bawat salita ng Kanyang mga kinakailangan ukol sa tao, at sinubukang abutin para sa kahulugan ng mga salita ng Diyos. Sinubukan niyang masikap na bulayin at kabisaduhin ang bawat salita na sinabi sa kanya ni Jesus, at natamo ang napakahusay na mga resulta. Sa pamamagitan ng ganitong pagsasagawa nagawa niyang tamuhin ang isang pagkaunawa sa sarili niya mula sa mga salita ng Diyos, at hindi lamang siya nakarating sa pagkaalam sa iba’t-ibang tiwaling kalagayan ng tao, ngunit nakarating din siya sa pagkaalam sa kakanyahan ng tao, kalikasan ng tao, at ang iba’t-ibang uri ng mga pagkukulang ng tao—ito ay ang isang tunay na pagkaunawa ukol sa sarili. Mula sa mga salita ng Diyos, hindi lamang niya natamo ang isang tunay na pagkaunawa ukol sa sarili niya, ngunit mula sa mga bagay na ipinapahayag sa mga salita ng Diyos—ang matuwid na disposisyon ng Diyos, kung anong mayroon at kung ano Siya, kalooban ng Diyos para sa Kanyang gawain, ang Kanyang mga kahilingan sa sangkatauhan—mula sa mga salitang ito nakarating siya sa lubos na pagkakilala sa Diyos. Nakarating siya sa pagkakilala sa disposisyon ng Diyos, at sa Kanyang kakanyahan; nakarating siya sa pagkakilala at nauunawaan kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, kagandahan ng Diyos at ang mga kahilingan ng Diyos para sa tao. Bagamat ang Diyos ay hindi gaanong nagsalita sa panahong iyon kagaya ng Kanyang ginagawa sa kasalukuyan, ang bunga ay naisakatuparan kay Pedro sa mga aspetong ito. Ito ay isang bihira at napakahalagang bagay. Si Pedro ay dumaan sa daan-daang mga pagsubok ngunit hindi siya nagbata nang walang kabuluhan. Hindi lamang siya nakarating sa pagkaunawa sa sarili niya mula sa mga salita ng Diyos, kundi nakarating din siya sa pagkakilala sa Diyos. Nagtuon din siya ng pansin partikular na sa mga kinakailangan ng Diyos sa sangkatauhan sa loob ng Kanyang mga salita, at sa kung anong mga aspeto dapat palugurin ng tao ang Diyos upang maging kaayon sa kalooban ng Diyos. Naglaan siya ng malaking pagsisikap sa aspetong ito at nagtamo ng lubos na kaliwanagan; ito ay masyadong kapaki-pakinabang para sa kanyang sariling pagpasok. Maging anuman ang sinalita ng Diyos, hangga’t ang mga salitang yaon ay maaaring maging kanyang buhay at ang mga ito ay nabibilang sa katotohanan, nagawa niyang iukit ang mga ito sa kanyang puso upang madalas na bulayin ang mga ito at nauunawaan ang mga ito. Pagkatapos marinig ang mga salita ni Jesus naisapuso niya ang mga ito, na nagpapakita na siya ay talagang nagtuon ng pansin sa mga salita ng Diyos, at siya ay tunay na nagtamo ng mga resulta sa bandang huli. Iyon ay, malaya niyang naisagawa ang mga salita ng Diyos, naisagawa nang wasto ang katotohanan at maging kaayon sa kalooban ng Diyos, kumikilos sa kabuuan alinsunod sa layunin ng Diyos, at isinusuko ang kanyang sariling personal na mga haka-haka at mga imahinasyon. Sa ganitong paraan siya ay pumasok sa realidad ng mga salita ng Diyos.
mula sa “Paano Tahakin Ang Landas ni Pedro”
Sa harap ng kalagayan ng tao at sa kanyang saloobin tungo sa Diyos, ang Diyos ay gumawa ng bagong gawain, pinahihitulutan ang tao na taglayin pareho ang kaalaman ukol sa at pagkamasunurin tungo sa Kanya, at kapwa pag-ibig at patotoo. Kaya, kailangang maranasan ng tao ang kapinuhan ng Diyos sa kanya, gayundin ang Kanyang paghatol, pakikitungo at pagpungos sa kanya, kung wala ito hindi kailanman makikilala ng tao ang Diyos, at hindi kailanman makakaya na tunay na umibig at sumaksi sa Kanya. Ang kapinuhan ng Diyos sa tao ay hindi lamang para sa kapakanan ng isang may kinikilingang epekto, ngunit para sa kapakanan ng isang epekto na maraming bahagi. Sa ganitong paraan lamang ginagawa ng Diyos ang gawain ng kapinuhan sa kanila na nakahandang hangarin ang katotohanan, upang ang paninindigan at pag-ibig ng tao ay gawing perpekto ng Diyos. Sa kanilang mga nakahandang hanapin ang katotohanan, at nananabik para sa Diyos, walang anuman ang mas makahulugan, o ang mayroong mas malaking maitutulong, kaysa sa kapinuhan na kagaya nito. Ang disposisyon ng Diyos ay hindi kaagad nakikilala o nauunawaan ng tao, sapagkat ang Diyos, sa bandang huli, ay Diyos. Sa pagtatapos ng araw, imposible para sa Diyos na magkaroon ng kaparehong disposisyon kagaya ng sa tao, at kaya hindi madali para sa tao na malaman ang Kanyang disposisyon. Ang katotohanan ay hindi likas na taglay ng tao, at hindi madaling maunawaan niyaong ginawang tiwali ni Satanas; ang tao ay walang katotohanan, at walang paninindigan na isagawa ang katotohanan, at kung hindi siya magdurusa, at hindi pinino o hinatulan, kung gayon ang kanyang paninindigan ay hindi magiging perpekto. Para sa lahat ng mga tao, ang kapinuhan ay napakahapdi, at napakahirap tanggapin—ngunit sa panahon ng kapinuhan ginagawang malinaw ng Diyos ang Kanyang matuwid na disposisyon sa tao, at isinasapubliko ang Kanyang mga kinakailangan para sa tao, at naglalaan ng mas maraming pagliliwanag, at ng mas maraming pagpungos at pakikitungo; sa pamamagitan ng paghahambing sa mga katunayan at katotohanan, ibinibigay Niya sa tao ang higit na malaking kaalaman sa sarili niya at sa katotohanan, at ibinibigay sa tao ang lalong malaking pagkaunawa ng kalooban ng Diyos, sa gayon ay pinahihintulutan ang tao na magkaroon ng isang mas tunay at mas dalisay na pag-ibig sa Diyos. Ang gayon ay ang mga layunin ng Diyos sa pagpapatupad ng kapinuhan. Taglay ng lahat ng gawain na ginagawa ng Diyos sa tao ang sarili nitong mga layunin at kabuluhan; ang Diyos ay hindi gumagawa ng walang kabuluhang gawain, ni gumagawa Siya ng gawain na walang pakinabang sa tao. Ang kapinuhan ay hindi nangangahulugan ng pag-aalis sa mga tao mula sa harap ng Diyos, ni nangangahulugan itong pagwasak sa kanila sa impiyerno. Nangangahulugan ito ng pagbabago sa disposisyon ng tao sa panahon ng kapinuhan, pagbabago sa kanyang mga pagganyak, sa kanyang dating mga pananaw, pagbabago sa kanyang pag-ibig sa Diyos, at pagbabago sa kanyang buong buhay. Ang kapinuhan ay isang totoong pagsubok sa tao, ang isang anyo ng totoong pagsasanay, at sa panahon lamang ng kapinuhan maaaring gampanan ng kanyang pag-ibig ang katutubo nitong tungkulin.
mula sa “Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Kapinuhan Maaaring Ibigin Nang Tunay ng Tao ang Diyos”
Marahil ay naaalala ninyong lahat ang mga salitang ito: “Sapagkat ang aming magaang kapighatian, na panandalian lamang, ang siyang magdudulot sa amin ng lalong higit at walang hanggang kaluwalhatian.” Dati, narinig ninyong lahat ang kasabihang ito, nguni’t walang nakaunawa ng tunay na kahulugan ng mga salita. Ngayon, alam na alam ninyo ang tunay na kahalagahan ng mga ito. Ang mga salitang ito ang siyang isasakatuparan ng Diyos sa mga huling araw. At ang mga ito ay mangyayari doon sa mga malupit na pinighati ng malaking pulang dragon sa lupain kung saan ito namamalagi. Inuusig ng malaking pulang dragon ang Diyos at ito ang kaaway ng Diyos, kaya sa lupaing ito, yaong mga naniniwala sa Diyos ay isinailalim sa panghihiya at pang-uusig. Iyon ang dahilan kung bakit ang mga salitang ito ay magiging katotohanan sa inyong kalipunan ng mga tao. Habang ang gawain ay isinasakatuparan sa isang lupain na tumututol sa Diyos, ang lahat ng Kanyang gawain ay sinasalubong ng labis na pang-aabala, at marami sa Kanyang mga salita ay hindi naisasakatuparan sa tamang panahon; kaya, ang mga tao ay dinadalisay dahil sa mga salita ng Diyos. Ito rin ay bahagi ng paghihirap. Labis na nakakapagod para sa Diyos na isakatuparan ang Kanyang gawain sa lupain ng malaking pulang dragon, nguni’t ito'y sa pamamagitan ng naturang paghihirap na gumagawa ang Diyos ng isang yugto ng Kanyang gawain upang ipamalas ang Kanyang karunungan at mga nakakamanghang mga gawa. Kinukuha ng Diyos ang pagkakataong ito upang gawing ganap itong kalipunan ng mga tao. Dahil sa pagdurusa ng mga tao, sa kanilang kakayahan, at sa lahat ng mala-satanas na disposisyon ng mga tao sa maruming lupaing ito, ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagdadalisay at paglupig nang sa gayon, mula rito, Siya ay maaaring magkamit ng kaluwalhatian at makamit yaong mga tumatayong saksi sa Kanyang mga gawa. Ito ang lubos na kabuluhan ng lahat ng mga sakripisyo na nagagawa ng Diyos para sa kalipunan ng mga taong ito.
mula sa “Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad ng Inaakala ng Tao?”
Ginagamit ng Diyos ang Kanyang paghatol upang ang tao ay gawing perpekto, Kanyang iniibig ang tao, at inililigtas ang tao—ngunit gaano karami ang nakapaloob sa Kanyang pag-ibig? Naroroon ang paghatol, kamahalan, matinding galit, at sumpa. Bagamat sinumpa ng Diyos ang tao noong una, hindi Niya ganap na itinapon ang tao sa walang katapusang hukay, ngunit ginamit ang kaparaanang iyon upang pinuhin ang pananampalataya ng tao; hindi Niya inilagay ang tao sa kamatayan, ngunit kumilos upang gawing perpekto ang tao. Ang katuturan ng laman ay yaong nauukol kay Satanas—tamang-tama ang pagkakasabi dito ng Diyos—ngunit ang mga katotohanan na ipinatupad ng Diyos ay hindi nabuo alinsunod sa Kanyang mga salita. Sinusumpa ka Niya upang mangyaring ibigin mo Siya, at upang mangyaring maunawaan mo ang katuturan ng laman; kinakastigo ka Niya upang mangyaring ikaw ay magising, upang tulutan kang makilala mo ang mga kakulangan sa loob mo, at upang malaman ang lubos na kawalang-kabuluhan ng tao. Kaya, ang mga sumpa ng Diyos, ang Kanyang paghatol, ang Kanyang kamahalan at matinding galit—ang lahat ng mga ito ay upang gawing perpekto ang tao. Ang lahat ng ginagawa ng Diyos sa kasalukuyan, at ang matuwid na disposisyon na ginagawa Niyang malinaw sa loob ninyo—lahat ng ito ay upang gawing perpekto ang tao, at ang gayon ay ang pag-ibig ng Diyos.
mula sa “Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Masasakit na Mga Pagsubok Mo Malalaman Ang Kagandahan ng Diyos”
Habang lalong tumitindi ang kapinuhan ng Diyos, lalong mas nagagawa ng mga puso ng mga tao na ibigin ang Diyos. Ang pagdurusa sa kanilang mga puso ay mayroong pakinabang sa kanilang mga buhay, lalo nilang nagagawang maging panatag sa harap ng Diyos, ang kanilang kaugnayan sa Diyos ay mas malapit, at mas mahusay nilang nagagawang makita ang kataas-taasang pag-ibig ng Diyos at ang Kanyang kataas-taasang pagliligtas. Si Pedro ay nagdanas ng kapinuhan ng daan-daang beses, at si Job ay sumailalim sa ilang mga pagsubok. Kung nais ninyong gawing perpekto ng Diyos, dapat kayong sumailalim sa kapinuhan nang daan-daang beses; kailangan ninyong pagdaanan ang prosesong ito, at kailangang umasa sa hakbang na ito, saka lamang ninyo magagawang mapalugod ang kalooban ng Diyos, at gagawing perpekto ng Diyos. Ang kapinuhan ay ang pinakamahusay na kaparaanan kung saan ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao; sa kapinuhan at mapapait na pagsubok lamang mailalabas ang tunay na pag-ibig para sa Diyos sa mga puso ng mga tao. Kung walang kahirapan, kulang ang tao sa tunay na pag-ibig sa Diyos; kung hindi sila susubukin sa loob, at hindi tunay na isasailalim sa kapinuhan, kung gayon ang kanilang mga puso ay palaging lumulutang sa nangyayari sa labas. Sa pagkapino hanggang sa isang partikular na punto, makikita mo ang iyong sariling mga kahinaan at mga paghihirap, makikita mo kung gaano karami ang kulang sa iyo at na hindi mo nagagawang mapagtagumpayan ang maraming mga suliranin na iyong nasasagupa, at makikita mo kung gaano katindi ang iyong pagkamasuwayin. Sa panahon lamang ng mga pagsubok nagagawang tunay na makilala ng mga tao ang kanilang totoong mga kalagayan, at ang mga pagsubok ay ginagawa ang mga tao na higit pang may kakayahang gawing perpekto.
mula sa “Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Kapinuhan Maaaring Ibigin Nang Tunay ng Tao ang Diyos”
Hinihingi ng paniniwala sa Diyos ang pagiging masunurin sa Kanya at karanasan sa Kanyang gawain. Ang Diyos ay gumawa ng napakaraming gawain-maaaring sabihin na para sa mga tao ito lahat ay pagka-perpekto, lahat ay kapinuhan, at higit pa, ito lahat ay pagkastigo. Hindi nagkaroon ng isang hakbang ang gawain ng Diyos na nakaayon sa mga paniwala ng mga tao; ang tinatamasa ng mga tao ay ang maanghang na mga salita ng Diyos. Kapag dumating ang Diyos, tatamasahin ng mga tao ang Kanyang kamahalan at ang Kanyang matinding galit, ngunit gaano man kaanghang ang Kanyang mga salita, dumating Siya para iligtas at gawing perpekto ang sangkatauhan. Bilang mga nilalang, kailangan tuparin ng mga tao ang mga tungkulin na dapat nilang tuparin, at sumaksi para sa Diyos sa gitna ng kapinuhan. Sa bawat pagsubok dapat nilang pagtibayin ang saksi na dapat silang maging, at maging isang matunog na saksi para sa Diyos. Ito ay isang mananagumpay. Hindi alintana kung paano ka pipinuhin ng Diyos, manatili kang puno ng pagtitiwala at hindi mawawalan ng pagtitiwala sa Diyos. Gawin mo kung ano ang dapat gawin ng tao. Ito ang kinakailangan ng Diyos sa tao, at dapat ang iyong puso ay magawang ganap na ibalik sa Kanya at bumaling tungo sa Kanya sa bawat sandali. Ito ay isang mananagumpay.
mula sa “Kailangan Mong Mapanatili ang Iyong Katapatan sa Diyos”
Kung ang isa ay tunay na makapapasok sa realidad ng mga salita ng Diyos mula sa mga usapin at mga salita na Kanyang kinakailangan, kung gayon siya ay magiging isang tao na ginawang perpekto ng Diyos. Maaaring sabihin na ang gawain at mga salita ng Diyos ay lubos na mabisa para sa taong ito, na ang mga salita ng Diyos ay nagiging kanyang buhay, nakakamit niya ang katotohanan, at maaari siyang mabuhay alinsunod sa mga salita ng Diyos. Pagkatapos nito ang kalikasan ng kanyang laman, iyon ay, ang saligan ng kanyang katutubong pag-mayayanig, mauuga at mabubuwal. Pagkatapos taglayin ng isa ang mga salita ng Diyos bilang kanilang buhay sila ay nagiging isang bagong tao. Ang mga salita ng Diyos ay nagiging kanyang buhay; ang pananaw ng gawain ng Diyos, ang Kanyang mga kinakailangan ukol sa tao, ang Kanyang pagbubunyag sa tao, at ang mga pamantayan para sa isang tunay na buhay na kinakailangan ng Diyos na matamo ng tao na maging kanyang buhay—siya ay nabubuhay alinsunod sa mga salitang ito at sa mga katotohanang ito, at ang taong ito ay nagiging perpekto sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Nakakaranas siya ng muling-pagsilang at nagiging isang bagong tao sa pamamagitan ng Kanyang mga salita.
mula sa “Paano Tahakin Ang Landas ni Pedro”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento