Kidlat ng Silanganan

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na ang huling araw. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na ang huling araw. Ipakita ang lahat ng mga post

Hun 2, 2019

Sa mga huling araw, ipinapahayag lamang ng Diyos ang mga katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa tahanan ng Diyos. Ang prosesong ito lamang ng pagpapailalim sa paghatol, pagkastigo, mga pagsubok, at pagpipino ng Diyos sa mga huling araw gayundin ang mapadalisay at maperpekto ng Diyos, at sa huli ay matamo ang katotohanan bilang buhay natin mismo, ang tunay na pagdalo sa piging kasama ang Panginoon.

Talata ng Biblia para Sanggunian:

Isulat mo, Mapapalad ang mga inanyayahan sa paghapon sa kasalan ng Cordero” (Pahayag 19:9).

At ang Espiritu at ang kasintahang babae ay nagsasabi, Halika. At ang nakikinig ay magsabi, Halika. At ang nauuhaw, ay pumarito: ang may ibig ay kumuhang walang bayad ng tubig ng buhay” (Pahayag 22:17).

At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila’y dadalisayin ko na parang pilak na dalisay, at sila’y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto” (Zacarias 13:9).

Ang mga ito’y ang nanggaling sa malaking kapighatian, at nangaghugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero” (Pahayag 7:14).

Mapapalad ang nangaghuhugas ng kanilang damit, upang sila'y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay, at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan” (Pahayag 22:14).

Ang mga ito’y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka’t sila’y mga malilinis. At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon. Ang mga ito’y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero” (Pahayag 14:4).
Mga Klasikong Salita Mula sa Diyos:

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...