Kumusta mga kapatid sa Espirituwal na Tanong at Sagot,
Dalawampung taon na akong kasal. Ang akala ko ay tapat kaming mag-asawa sa isa’t isa. Ngunit hindi inaasahan, nagtaksil ang aking asawa. Napakasama ng aking loob at hindi ko alam kung paano iyon haharapin. Nais kong itanong: Bakit napakahina ng pundasyon ng kasal? Paano ako makakatakas sa dalamhati?
Sumasaiyo,
Moyan
Habang binabasa ang iyong liham, naiintindihan ko kung anong nararamdaman mo ngayon dahil naranasan ko rin iyan. Sa madidilim na araw na iyon, kung hindi dahil sa paggabay ng mga salita ng Diyos, hindi ko malalaman kung paano tatahakin ang landas sa aking harapan. Ang paggabay ng mga salita ng Diyos ang tumulong sa akin na maintindihan kung bakit napakarupok ng pagsasama ng mag-asawa, at hinayaan din ako niyong malaman ang ugat ng pagdurusa ng tao. Kalaunan, nagawa kong lumayo sa anino ng pagtataksil ng aking asawa.
Bata pa lamang ay magkasama na kami ng asawa ko, at marami kaming pagkakapareho sa interes at hindi matapus-tapos ang mga bagay na sasabihin sa isa’t isa. Hindi pumayag ang mga magulang ko na magpakasal ako sa kanya, ngunit nalagpasan namin ang lahat ng balakid at nanatiling magkasama. Matapos kaming ikasal, napaka-maalalahanin at maasikaso ang asawa ko sa akin. Naisip kong malalim ang damdamin namin para sa isa’t isa kung kaya’t palagi kaming magiging masaya. Ngunit marahas akong ginising ng katotohanan …
Nag-umpisang kumita ng mas malaki ang asawa ko at mas maraming nakakahalubilong tao, ngunit nangangahulugan din iyon na mas maraming mga mapagsamantalang kaibigan sa paligid niya. Isang araw, aksidente kong nabuksan ang WeChat niya at nakakita ng mensahe. Doon ay may babae siyang tinawag na “honey.” Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ng mga sandaling iyon. Hindi matigil ang panginginig ko. Nangako siyang mamahalin ako sa buong buhay namin—paano niya nagawang tawagin ng ganoon ang ibang babae? Napakatagal na naming magkasama—paano niya ako nagawang pagtaksilan? Sa pagtatanong ko, umamin siya na nagkaroon siya ng ibang relasyon, at balewalang sinabi na hindi iyon malaking bagay at na marami sa mga katrabaho niya ang may kabit.
Nang mga sandaling iyon, pakiramdam ko ay pinagbagsakan ako ng langit. Galit, pagkapahiya, at kawalan ng magawa ang naramdaman ko. Hindi ko mapigilan ang sakit sa aking puso, at luhaang humiyaw.
Sa mga sumunod na araw matapos aminin ng asawa ko ang kanyang kataksilan, pakiramdam ko ay wala nang mahalaga. Inilayo ko ang sarili ko sa lahat at isang linggong hindi nagsalita. Kapag naiisip ko ang kataksilan ng aking asawa, tila tubig na walang tigil ang pagbukal ng luha sa aking mga mata. Ginusto kong ubusin lahat ng pera niya para makapaghiganti, kaya nag-umpisa akong bumili ng mga damit at sapatos, lumabas para kumain atbp…. Gayunman, sa tuwing gagastusin ko ang kanyang pera, hindi nababawasan ang sama ng loob ko. Sa loob lamang ng dalawang linggo, nabawasan ang timbang ko ng 8.5kg.
Sa pagitan ng sakit at kawalan ng magawa, nakita ko ang mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Isa-isa, ang lahat ng mga usong ito ay nagdadala ng isang masamang impluwensya na lagi nang nagpapalubha sa tao, na nagpapababa ng kanilang mga moral at ng kanilang kalidad ng karakter nang mas higit pa, hanggang sa masabi natin na karamihan ng mga tao ngayon ay walang katapatan, walang kabaitan, ni wala din silang anumang konsensya, at higit na walang anumang katuwiran. Kaya ano ang mga usong ito? Hindi mo nakikita ang mga usong ito ng karaniwang mata lamang. Kapag ang hangin ng isang uso ay umihip, marahil tanging maliit na bilang ng mga tao ang magiging mga tagapagpauso. Nagsisimula sila sa paggawa ng ganitong uri ng bagay, tinatanggap ang ganitong uri ng ideya o ganitong uri ng perspektibo. Ang karamihan ng mga tao, gayunpaman, sa gitna ng kanilang kawalang-kamalayan, ay patuloy na nahahawahan, magiging bahagi at maaakit ng ganitong uri ng uso, hanggang sa silang lahat ay walang kaalam-alam at hindi-kinukusang tumanggap nito, at lahat ay nakalubog at kontrolado nito. Para sa taong wala sa matinong pangangatawan at pag-iisip, hindi kailanman alam kung ano ang katotohanan, na hindi maaaring makapagsabi ng kaibahan sa pagitan ng positibo at negatibong mga bagay, ang mga ganitong uri ng uso isa-isa ay ginagawa silang lahat na tanggapin nang maluwag sa kalooban ang mga usong ito, ang pananaw sa buhay, ang mga pilosopiya sa buhay at mga kahalagahan na nanggaling kay Satanas. Tinatanggap nila kung ano ang sinasabi sa kanila ni Satanas kung paano pakikitunguhan ang buhay at ang paraang mabuhay na ‘iginawad’ sa kanila ni Satanas. Wala silang lakas, ni wala silang kakayanan, lalo na ang kamalayang tumutol.”
Mula sa mga salita ng Diyos, naintindihan ko na ang dahilan kung bakit namumuhay tayong puno ng sakit ay dahil tinanggap natin ang masasamang impluwensiya ni Satanas. Ngayon, unti-unting bumababa ang moral ng mga tao; talamak ang pornograpiya; at nagkalat ang iba’t ibang maling mga pananaw, tulad ng “Mayroon akong asawa at mga kabit,” at “Gawin ang lahat ng magpapasaya sa iyo, dahil maigsi ang buhay.” Ang mga kaisipang ito ang sumira sa pananaw ng mga tao sa kanilang buhay at sa kanilang ideya ng pagmamahal. Sinusundan ng mga tao ang masasamang impluwensiya na ito, at ang tingin nila sa pagkakaroon ng ibang karelasyon o pagkakaroon ng mga kabit ay pagpapakita ng kakanyahan nila sa halip na maging kahihiyan. Napakaraming pamilya na ang nawasak, at napakaraming mag-asawa ang salitang nakakaramdam ng pagmamahal papunta sa galit at hindi magawang palayain ang kanilang mga sarili. Pinagtaksilan ako ng asawa ko dahil tinanggap din niya ang ganitong klase ng pananaw. Nang makita niyang may ibang karelasyon ang mga tao sa paligid niya, ginawa rin niya iyon. Hindi lamang siya hindi nakakaramdam ng pagsisisi, ngunit iniisip niya na normal lamang iyon. Winasak ng mga satanikong pananaw, nawala na sa atin ang tuntunan sa moralidad at naging napakarupok ng pagsasama.
Dahil tinanggap ko rin ang ilang satanikong pananaw, tulad ng “Mahalaga ang buhay, ngunit mas mahalaga ang pag-ibig,” “Hawakan ang kamay ng isang tao at samahan siya hanggang pagtanda.” Itinuring kong pangunahing dahilan ng kaligayahan ko at tanging bagay na mahalaga sa buhay ko ang pag-ibig, at inisip na mahalaga at makabuluhan lamang ang buhay ng isang tao kapag mayroong matamis na pag-ibig. Kaya naman, nang magtaksil ang asawa ko, nakikitang ang pagsasama namin, na pinaglaanan ko ng buhay ko upang maging maayos, ay nawalan ng silbi at labis akong nalungkot at buong araw na tulala. Tila ako isang naglalakad na bangkay. Ito ang kinahinatnan ng pamumuhay sa ilalim ng mga pilosopiya ni Satanas, at, higit sa lahat, ang pinsalang ginawa sa’kin ni Satanas. Nang walang katotohanan at pagkawari kung ano ang mga patakaran upang makaligtas sa satanikong pamumuno, tayong mga tao ay walang magawa kung hindi ang mabuhay sa sakit at tapak-tapakan ni Satanas sa tuwing gusto nito.
Kalaunan, nakita ko ang mga salitang ito ng Diyos, “Sapagkat ang kakanyahan ng Diyos ay banal, nangangahulugan iyon na tanging sa pamamagitan lamang ng Diyos maaari kang makalakad sa maliwanag, tamang daan sa buhay; tanging sa pamamagitan ng Diyos lamang maaari mong malaman ang kahulugan ng buhay, tanging sa pamamagitan lamang ng Diyos maisasabuhay mo ang tunay na buhay, taglayin ang katotohanan, malalaman ang katotohanan, at tanging sa pamamagitan ng Diyos makakamit mo ang buhay mula sa katotohanan. Tanging ang Diyos Mismo lamang ang makakatulong sa iyo na layuan ang kasamaan at iadya ka mula sa kapinsalaan at pag-kontrol ni Satanas. Maliban sa Diyos, walang sinuman at walang maaaring makapagligtas sa iyo mula sa dagat ng paghihirap upang hindi ka na magdusa: Ito ay napagpasiyahan na ng kakanyahan ng Diyos.”
Mula sa mga salita ng Diyos, naintindihan ko na ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Tanging ang Diyos lamang ang makapagliligtas sa atin mula sa pamiminsala ni Satanas. Umaasa ang Diyos na bawat isa sa atin ay makapamuhay ng masaya, sambahin Siya, at makinig sa Kanyang mga salita habang si Satanas—na sumisira at pinahihirapan ang mga tao para sa kasiyahan nito—ay nais tayong mabuhay sa sakit. Kapag hinanap lang natin ang katotohanan at makamit iyon bilang buhay tayo makakaiwas sa panlilinlang ni Satanas at mapapalaya ang ating mga sarili mula sa sakit. Nagnilay ako sa katotohanan na hindi ko alam kung paano malalaman ang mga paraang ginagamit ni Satanas upang mapasama ang sangkatauhan, nabubuhay ako sa ilalim ng anino ng pagtataksil ng aking asawa, nakakulong sa nakaraan at pinapahirapan ang aking sarili. Winasak ako ng bahaging iyon ng aking buhay. Ngunit sa ilalim ng paggabay ng mga salita ng Diyos, malinaw na nakita ko ang pahirap na dulot ng mga kalakarang ito ng kasamaan sa mga tao, at napagtanto ko rin na pareho kaming biktima ng aking asawa ng mga masamang palakad ni Satanas. Unti-unti ay nakalayo ako mula sa anino ng pagtataksil ng aking asawa.
Kalaunan, nag-umpisa akong maging aktibo sa paggawa ng mga tungkulin sa simbahan at ngayon ay namumuhay ng masagana.
Kapatid na Moyan, hindi ko alam kung matutulungan ka ba ng aking karanasan upang makawala sa sakit na nararamdaman mo, ngunit umaasa ako na makita mo ng malinaw gamit ang mga salita ng Diyos ang mga resulta ng masasamang kalakaran na sumisira sa sangkatauhan. Huwag na huwag kang maniniwala sa mga panlilinlang ni Satanas, at mabuhay ayon sa mga salita ng Diyos. Nawa’y pagpalain ka ng Diyos!
Sumasaiyo,
Espirituwal na Tanong at Sagot
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento