Kidlat ng Silanganan

菜單

Mar 25, 2019

Awit ng Pagsamba| Maging Bagong Tao at Aliwin ang Puso ng Diyos



Awit ng Pagsamba|Maging Bagong Tao at Aliwin ang Puso ng Diyos


I
Lubha na akong napasama ni Satanas,
nagiging mapagmataas ako sa anumang mayroon ako.
Nagpapasikat ako sa aking trabaho at mga sermon,
palagay ko'y kagulat-gulat ako.
Lubha akong mapagmagaling, lubhang mapagmapuri!
Wala akong wangis ng tao.
Masyado akong mababa, masyadong kasuklam-suklam!
Di kakikitaan ng bahid ng pagkatao.
Palaging ikinukubli ang sarili ko at nagkukunwaring tapat,
paanong 'di Ka magdadalamhati?
Nakita Mo ang puso ko,
napahiya ako sa ibinunyag ng mga salita Mo.
Labis na nahiya para makita ang Iyong mukha,
mahirap ipahayag ang aking sakit at wasak ang puso ko.
Matagal na akong nakasunod sa Iyo,
pero 'di ko naisaalang-alang ang puso Mo.
Mayroon akong mga liham at doktrina,
gayunman 'di nagbago ang disposisyon ko.
Lahat ay nagawang malinaw ng salita Mo,
ako ang 'di nagtataguyod sa puso ko.
II
Sa pagsailalim sa paghatol at pagkastigo ng Iyong mga salita,
sa huli ako'y nagising.
Di na ako magrerebelde laban sa Iyo,
di na ako magkukulang muli ng konsensya.
Para mailigtas ang sangkatauhan,
Ikaw ay nagpakumbaba upang maging tao.
Ako'y marumi at mababa,
mayroon ba akong anumang karangalan?
Dahil sa kapalaluan, nawala ang aking pagkatao at katwiran,
talagang 'di ako marapat na tawaging tao.
Naantig ng mga salita Mo ang puso ko,
napukaw ako ng mga salita Mo.
Nalupig ng Iyong pagmamahal ang puso ko,
di na ko muling maghahangad ng katanyagan o pakinabang.
Nais ko lang na magampanan ang aking tungkulin
upang masuklian ang pagmamahal Mo.
Gugugulin ko ang sarili ko para sa Iyo,
magiging bagong tao para maaliw ang puso Mo.
Aking isasagawa ang katotohanan,
ipamumuhay ang Iyong mga salita,
at tatahakin ang landas ng liwanag sa buhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 14

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang p...